Wednesday, November 13, 2024

MALAYA BA AKO? (TAGALOG CHRISTIAN MONOLOGUE)

 

MALAYA BA AKO?

MONOLOGUE @krisha412

November 2024

 

PASIMULA:

Isang napakahalagang karapatan ng tao ang kalayaan – walang sinumang humadlang o pumigil sa anumang naisin o gawin sa kanyang buhay. Malayang gampanan ang mga bagay na naisin. Ikaw at ako, nais makamit ang kalayaan. Bawat tao ay may karapatang mabuhay at magpasya anuman ang nais gawin at walang makakahadlang sa kanyang gawin ito. Ngunit sa mundong ating ginagalawan tila ba mayroon itong puwersa sa bawat isa sa atin na kumukuha ng lahat ng ating oras, ng ating lakas, ng ating kaalaman at lalong-lalo na ang ating buhay. Ang mundo ay punong-puno ng idelohiya; ideolohiya sa pagkakaroon ng maayos na pamilya, kung ano ang buhay na matiwasay, at kung paano magiging matagumpay ngunit ano nga ba ang mga basehan ng mga ito? Dahil dito, hindi na natin makita kung ano ang basehan ng talagang tama at mali. Saan ba ang Panginoon sa buhay natin o sa mundong ating ginagalawan? Gusto ng Diyos na palayain tayo sa mundong ito, palayain sa kasalanang gumugupo sa atin at nilalayo tayo sa KANYA. Ang katanungan ngayon sa ating mga sarili, MALAYA NGA BA AKO?

 

Background Music: (piano instrumental)

Voice over: Rafael Enriquez, you have been found guilty of First-Degree Murder and I sentence you to life imprisonment.

Sound effect: Police Screen Sound Effect & Jail door effect

Setting: Prison Cell

 

RAFAEL: (sisigaw) Hindi! Hindi ito puwede! Ayaw ko dito! Bakit ako nandito? Bakit!! (sigaw)…. Bakit nga ba ako nandito? (patanong)… Nakapatay nga pala ako! (iiyak) Bakit ko nagawa yon? (pupunasan ang mukha) Bakit Ninyo ako tinitingnan ng ganyan? Huwag Ninyo akong tingnan na parang napakasama kong tao. Bakit kayo ba, walang kasalanan? Walang perfect na tao, kagaya din ninyo ako pero mabait naman ako. Tumutulong din naman ako sa mga kasamahan ko. Nakagagawa naman ako ng kabutihan! Kilala nga ako sa lugar namin na madaling pakisamahan. Ako nga si Rafael Enriquez isang matalinong estudyante. Malapit na pala sana akong matapos sa kolehiyo, isang taon na lang pero nandito ako (mangiyak-ngiyak). Hindi na ako malaya. Naalala ko noong nasa labas ako, malaya kong nagagawa ang lahat ng nais ko. Malaya akong magparty kasama ang mga kaibigan ko at paminsan-minsan umiinom kami, malaya akong pumunta sa mall, malaya akong mag out of town, malaya akong pumunta sa eskwelahan at minsan tumatambay doon pagkatapos ng klase, malaya akong manood ng kahit ano at lahat ng gusto ko nagagawa ko (pause).

Ano? Tinatanong nyo kung nakakapunta ako ng simbahan? Hindi eh... Puwede naman akong pumunta; naalala ko inimbita ako dati kaya lang hindi ko siya nabigyan ng pansin. (pause) Bakit? Bakit Ninyo tinatanong? Sinasabi nyo ba na may oras ako sa iba pero sa Diyos wala! (garalgal na boses) Ganon ba ang ibig ninyong sabihin (mataas ang boses). Bakit kayo ba? May oras ba kayo sa Diyos? Eh halos pare-pareho naman tayo dito eh (maluha-luha)… Ang pagkakaiba lang natin malaya kayo (ituturo ang audience) at ako (ituturo ang sarili) nandito sa kulungan… Nakapatay ako (iiyak)… Pero tama lang yong ginawa ko… eh masama namang tao yong napatay ko eh… (pupunasan ang luha)

Anong sabi nyo, mali? Oo na!, nandito ako sa kulungan dahil may mali. Pero ano ang pagkakaiba ko sainyo?  Yong sa akin hayag ang kasalanan ko at kayo? Tago ang kasalanan Ninyo. Sinasabi ba Ninyo na ang pagkakaiba ay hindi ako humihingi ng tawad? Tama na nga! Ayaw ko ng makipagdebate sainyo basta ang alam ko may kabaitan naman ako…

Sa totoo lang hindi masaya ang hindi malaya. Masaya ba ako noong nasa labas ako? Oo naman malaya ako eh… (pause) Naalala ko tumatawa ako kasama ng mga kaibigan ko, nag eenjoy sa night out, andiyan ang pamilya  ko pero …(pause).. parang wala akong kapayapaan sa puso ko, walang direksiyon ang buhay at para akong may kulang sa buhay ko, may hinahanap ako na hindi ko alam kung ano. Pero pag pinag usapan ang nararamdaman ko ngayon parang walang pagkakaiba ang nasa  labas ako at sa nandito ako sa loob ngayon. Napapaisip tuloy ako, MALAYA NGA BA AKO noon?

(LIGHTS OUT)

 

BARABBAS: Nandito ako para ilarawan ang posibleng nararamdaman ni Barabbas sa bibliya. (Tatalikod muna ng ilang seconds at haharap)

Alam ninyo ako dapat ang nakapako sa krus na yon (ituro ang TV screen na may tatlong krus), yong nasa gitna na napapalibutan ng mga maraming tao: mga babae, mga pari, pariseo, andoon din ang mga nag-uusisang mga tao at iba pa. Lubhang ang mga tao ay masaya na panoorin ang mga ipapako sa krus. Andoon din dapat ako pero sa totoo lang hindi talaga ako sigurado na wala ako doon sa pagpapako dahil nabigla ako. Nakakagulat talaga dahil wala ako doon. Yong krus na yon para sa akin dapat (pause) pero hindi na sa akin ngayon…(pause, iiyak) sa KANYA (point your finger on top) sa KANYA na yon dahil MALAYA NA AKO!!! Siya ang ipinalit sa akin na dapat ako. Ang pangalan niya ay Hesus. Alam ninyo ang mga tao… sinisigaw nila ang pangalan ko PALAYAIN SI BARaBBAS kaya wala ako dapat dito. Dapat nagtatago ako at tumatakas para sa aking buhay. Yong krus na yon ay para dapat sa akin… Yong mga pako na yon sa akin din dapat. Pero sa isang iglap nakalaya ako. Paano? Paano ba ako nakulong at ano ang ginawa ko? Ibahagi ko sainyo sa maiksing paraan.

Alam Ninyo yong mga tao hindi na nagulat na nakulong ako parang alam na nila na yon ang patutunguhan ko sa buhay. Noong bata ako, pinuno ako ng gang at gustong -gusto ko ang ginagawa ko… lalong-lalo na ang maging pinuno. Pag may kapilyuhan at kaguluhan sigurado nandoon ako. Noong kabataan ko medyo okay pa ako pero noong tumanda na ako, mayroong lumapit sa akin at inalok ako na gumawa na mga bagay na kakaiba at naka-excite, para sa akin, at sinabing makakatulong ito sa aming bansa. Magkakaroon kami ng grupo at nagpaplano ng mga bagay tungkol sa mga Romano na nasa lupain namin. Sila ang kalaban ng aming nasyon, ang aming bansa. Gusto nilang gumawa ng grupo na susugpo sa mga Romano at balang araw marami pang kalalakihan ang hihimuking sumali sa grupo na ito. Kaya’t sumali ako sa grupo. Sinunod ko ang mga plano. Kalaunan naging pinuno nila ako. Naging matapang ako at malakas ang loob para sa aming adhikain. Nagawa namin ang mga bagay na hindi dapat. Nagnakaw kami at ako pa mismo ang naging pinuno nila dito. Isang araw plano naming atakihin ang caravan na galing sa Roma at ito’y punong-puno ng pera at mamahaling mga bagay. Magandang simulain ito para sa grupo na aming sinimulan. Ako ang pinuno dito ngunit may nagtaksil sa amin. Alam na nila ang pangalan ko at inaasahan na nila ako. Nakipaglaban ako at mayroon akong napatay. Nagising na lamang ako na ako’y nasa kulungan.

Alam ko na ang mga Romano ay hindi sasayangin ang oras na naisin nila na ako ay mamatay at mapako sa krus. Gagawin nila akong halimbawa sa mga tao para hindi pamarisan, ipapakita nila sa mga tao na papatayin ako. Alam Ninyo iniisip ko palagi kung ano na ang mangyayari sa susunod para sa akin. Nakakadena ang mga kamay ko, nakakulong sa hindi komprotableng lugar. Walang Liwanag na makikita pag ikaw ay hindi malaya. Maya-maya narinig ko ang mga yabag ng mga guwardiya, ang kanilang paglakad ay dinig na dinig ko sa tahimik kong kulungan . Ito na ang kinakatakutan ko- ang pagpako sa krus. Ngayon ko naramdaman ang takot sa kamatayan. Hinila nila ako ngunit dinala nila ako sa may hagdanan at hind isa labas na nandoon ang krus. Bakit kaya? Yon ang nasa isip ko. Maraming boses ng tao akong naririnig at mga sigaw. Nakaharap ko ang taong sinasakdal at tinanong ang mga tao kung sino ang papalayin. Tama ba ang dinig ko? Pangalan ko ang sinisigaw. Sabi nila PALAYAIN SI BARABBAS.

Alam Ninyo yong titulo na “SON of the Father” na sinasabi ng ibang tao sa Kanya. Ganon din ang ang ibig sabihin ng pangalan kong Barabbas. Ang ibig sabihin ng pangalang Barabbas ay “son of the father.” Parehas kami; kakatuwa di ba?  Ang mga tao kilalang-kilala nila ako. Alam din nila ang mga masasama kong ginawa. Pero Siya na sinasakdal, hindi Siya masama. Sino ang pipiliin ng mga tao? Alam ninyo ang tamang piliin ay Siya. Ako kasi ay nahuli at nahatulan na. Pero sinisigaw ng mga tao ang pangalan ko, “PALAYAIN SI BARABBAS, PALAYAIN SI BARABBAS!” Sa gaanong mga salita nag utos ang governador na palayain ako. Narinig ko ang mga katagang “PALAYAIN SIYA.” Ang mga kamay at paa ko ay tinanggalan sa pagkagapos. “MALAYA NA AKO! MALAYA NA AKO” Sa tingin Ninyo ano ang aking gagawin na malaya na ako? Hindi ko na kailangang ibahagi pa. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito. Tatakbo at aalis sa lugar na ito. Pero habang bumababa ako nagsisigawan ang mga tao>>> Tama ba ang dinig ko… sigaw nila “IPAKO SIYA SA KRUS! IPAKO SIYA SA KRUS” Malaya ako pero yong isang SON OF THE FATHER ay ipapako sa krus. Mamatay Siya kapalit ko. Kahit sinong tao, masama o mabuti, mag-iisip na (pause)…SIYA ang mamamatay kapalit ko. Yong mga salita na yon ang nasa isip ko. KAPALIT KO SIYA!

Alam Ninyo ba yong pakiramdam na ikaw na yong mamatay tapos nakaligtas ka? Ano ang patunay ko na dapat ako? Tatlo ang krus na itinayo. Yong dalawa sa dulo ay mga kasamahan ko. Yong nasa gitna dapat ako (iiyak).  Alam ba Ninyo yong pakiramdam na may ibang TAONG umako ng lugar mo na kung tutuusin ay ikaw naman dapat dahil ikaw yong may kasalanan at yong ipinako ay inosente. ALAM BA NINYO YONG PAKIRAMDAM NG MALAYA?  

Pero ang katanungan ngayon MALAYA NA NGA BA AKONG TALAGA?

Monday, November 11, 2024

WHEN LOVING IS HARD

 

WHEN LOVING IS HARD

(Luke 22:63-65; 23:32-38; Matt.5:44)

                    picture taken from www.bing.com images


INTRODUCTION:

Bible says, “LOVE YOUR ENEMIES.”

It’s hard to have enemies, isn’t it? But it’s harder to love them, right? Also, it’s hard when your friends turned to be your enemies. There was a time in my life where our friends and I decided to build a business. Our eagerness in business made our hearts did everything to make things happened according to our plan. To make it short, we failed and we were drowned in debt. That was the start of misunderstanding and fighting. We ended up trying not to see each other and each one faced our own struggles financially, emotionally and legally. Out of seven members, two or three of us only faced the tremendous debt. I remember asking God why He didn’t open my eyes to see the consequence of that decision. I was afraid to face the debtors and didn’t know what to do. That was the time I cried to the Lord and ask for guidance. My eyes were swollen because of crying. That was the time I surrendered everything to the Lord. Thankfully the next day, I had the courage to face the problems and I started writing down the possibility to solve a more than a million debt. I faced the angry faces of different people whom I talked to, the legal aspect, talking to peace process in a certain barangay and many more. So, with this, I understand the difficulty of loving your enemies.

 

In our lesson titled “WHEN LOVING IS HARD,” I know each one of us can relate. This talks about loving your enemies. Yes, it’s hard LOVING YOUR ENEMIES.

 

LESSON POINTS:

1.   WHEN YOUR PATIENCE IS PUT TO TEST

 

When was the time your patience was tested? When somebody tells something against us, the tendency to keep quiet is far for us to do. Our natural reaction is to answer back and defend ourselves. Jesus did

And the men that held Jesus mocked him, and smote him. 64 And when they had blindfolded him, they struck him on the face, and asked him, saying, Prophesy, who is it that smote thee? 65 And many other things blasphemously spake they against him (Luke 22:63:65)

Honestly, when I read this bible passage, I cried for the experience God had with people. I feel angry for those people who did bad to the Messiah. This makes me think to this question, “Do you have many reasons not to forgive?” Naturally for us, forgiving our enemies is a big deal. Our old nature telling us not to forgive because we are in pain. Imagine they made the Lord Jesus blindfolded, struck Him on the face, spoke blasphemous words against Him and they disrespected Him; that was so hard but He was in silent and did nothing against them. Instead, He said in Luke 23:34.

 

Then said Jesus, Father, forgive them; for they know not what they do. And they parted his raiment, and cast lots.

 

When it’s hard for us to forgive, look unto Jesus. He is the great example of forgiving the unforgivable.

 

 

2.   WHEN KINDNESS IS HARD TO SHOW

When a hostile mob seized Jesus and took Him to the High Priest, “the men who were guarding Jesus began mocking and beating him (Luke 22:63). The abuse continued all the way through His sham trials and execution. Jesus didn’t merely endure it. When Roman soldiers crucified Him, like mentioned earlier, He prayed for their forgiveness.

Honestly, what we wish for the people who hurt us badly? For them to be in good shape and have an abundant life? We can do that; our old nature would not do that; we would wish for their misfortunes.  But we are Christians; we are a new creature (2 Cor.5:17) God wants us to be like Jesus.

 

 

We may not encounter a literal enemy who’s trying to kill us. But everyone knows what it’s like to endure ridicule and scorn. Our natural reaction is to respond in anger. Jesus raised the bar: “pray for those who persecute you” (Matthew 5:44).

But I say unto you, Love your enemies, bless them that curse you, do good to them that hate you, and pray for them which despitefully use you, and persecute you;

 

CONCLUSION:

Truly, God can make the impossible to possible. I have no capacity to pay the debt that we had; God works in a mysterious way. As time passed by and continue pleasing and serving the Lord, by His grace He makes me at peace to people especially to our debtors. PRAISE GOD. This verse in Proverbs 16:7 is a great reminder.

When a man's ways please the Lord, he maketh even his enemies to be at peace with him.


Wednesday, October 9, 2024

WHEN HOPE DEFERRED

 WHEN HOPE DEFERRED

PROVERBS 13:12, GENESIS 12:1-5; 15:1-4

Hope deferred maketh the heart sick: but when the desire cometh, it is a tree of life.

          picture taken from Google
INTRODUCTION:
What does the word defer mean? 
Something "deferred" is put off, delayed, or suspended. The longer a person goes without seeing their hope realized, the more likely they are to become discouraged.

Have you ever had something  you've been waiting for God to do, and you wait and wait? It could be finding God's plan for your life. You hold on into it and then you still waiting  until now. For a while, you're good but you're thinking that time is running out for you. You look for situations and nothing change.

In Proverbs 13:12 we’re told, “Hope deferred makes the heart sick, but a desire fulfilled is a tree of life.” 

In tagalog... 
Ang matagal na paghihintay ay nagpapahina ng kalooban, ngunit ang pangarap na natupad ay may dulot na kasiyahan.

Deferred in this verse refers to a hopeless situation that feels long and drawn out. It’s the seemingly unending and disappointing kind of season that can leave us tempted to look at our lives and question, Why is God withholding this from me? 

LESSON POINTS:
 
1. STILL HOLD ON TO GOD'S PROMISESIn Genesis 15:2 Abraham and Sarah had their own struggles too like us. 

And Abram said, Lord God, what wilt thou give me, seeing I go childless, and the steward of my house is this Eliezer of Damascus?

Abraham and Sarah were childless and when God talked to Abraham and mentioned his great reward. Abraham mentioned what these rewards were for if they were childless. He mentioned that his steward in their house, Eliezer might be their heir. God reminded Abraham His promises in the following verses that they would have  child. In Genesis 15 verse 5, God showed him the stars and assured him that promises are set not to be broken.

And he brought him forth abroad, and said, Look now toward heaven, and tell the stars, if thou be able to number them: and he said unto him, So shall thy seed be.

With these words from the Lord, in verse 6 "And he believed in the Lord; and he counted it to him for righteousness, Abraham belived in God. This is a great example for us although we can't speak to God like what Abraham spoke to the Lord we have already God's Word. All we need to do is read His Word and believe.

2. BE MINDFUL THAT THAT YOUR WAY IS DIFFERENT FROM GOD'S 
   When waiting for a long time, there's tendency that you make your own way. In Abraham and Sarah's case, they made a decision that would caused them problems. In Genesis 16 verses 1 and 2, Sarah and Abraham both agreed to take Hagar instead in order for them to have a child. Then it happened and Hagar started to despise Sarah. Has this situation as ours? Do we have situation in life where we chose our ways?

Remember when I was a bit younger, I was worried because I haven't married yet and the frustrating part was the people around me, they kept on asking why I didn't marry yet. I always say, "Waiting for God's will for me." Because of that, i started to look online and tried a couple of dating apps. That decision just led me to bad habits and unchristian way of dating. Also, some guys online are just scams. I stopped from those and leave it to the Lord. 

In Abraham and Sarah's situation, they knew God's promise to them (Genesis 15:1-2). They tried to help God fulfills  His promise which is not the best for them. God's way is better than ours.

3. WAITING FOR GOD'S WILL IS WORTH THE WAIT - 
 We already know the story and Isaac was born (Genesis 21:5). Many things happened in their family and we can conclude through their life that God's will is the best. 

As this moment we may not still have the plans we have been praying for (just like me) but don’t worry God knows the best for us. We just need to be faithful and attentive to God’s voice. Pray for wisdom and knowledge in every decision we’re going to make.

 

CONCLUSION:
CONCLUSION taken from: https://letgodbetrue.com/proverbs/index/chapter-13/proverbs-13-12/
Believers never give up, as long as they have life, for a living dog is better than a dead lion (Eccl 9:4-10). Until God removes all hope, there is still hope, and even then there is hope. David prayed fervently for his sick son, and gave up praying when the child died, yet he knew he would see him again. He had hope, even after death (II Sam 12:15-23). Paul was sure he would die at Ephesus, but hoped in a resurrecting God (II Cor 1:8-10).

When a believer is discouraged, he has a simple remedy unknown to the world. He can remind himself to hope in God, just as David showed you (Ps 42:5,1143:5). The God of hope can give perpetual hope by the power of the Holy Spirit (Rom 15:13). Even at the hour of his death, he can be filled with joyful and peaceful hope, for he knows about heaven and the resurrection of the dead, the blessed hope (Pr 10:2814:32I Cor 15:19). The believer has hope, which the unbeliever will never have – confident waiting on God.





Saturday, August 31, 2024

WORTH THE WAIT

 WORTH THE WAIT

Bible Passage: Genesis 12: 1-5 ; 15:1-4


INTRODUCTION:

Being in a situation of a single person like me, there are many worries and burdens come to your mind. I'm just glad that I can handle emotional struggles by reading God's Words. 

Not just single persons but all of us have problems & struggles need to deal with. Like Abraham, he was already 75 years old and needed to deal with future plans.

LESSON POINTS:

1. When things so impossible for you,TRUST  GOD

In Genesis 15:2, Abraham point out that      He's childless when he was talking to God.      He would become a great nation but how        it would happen he had no heir. Only his      servant Eliezzer would be an heir. But God promised that Eliezzer would not be his        heir. 

Like Abraham, when talking about future, we also have struggles like when we get older who would take care of us, do we have money during retirement, physical struggles if we get sick, do your children (if you have) can still visit you during old age, marriage problems and many more. 

In Genesis 15: 5, God confirmed to Abraham His promise. In the present we can't talk to God in that manner, we already have His word, the Bible, there are a lot of promises to those faithful believers; we just need to read His word. By reading His Word, we're like Abraham, God's talking to us. The greatest thing Abraham did was when he responded in verse 6
"And he believed in the LORD, and he counted it to him for righteousness."

We should do the same, though it's impossible for us, Trust God

2. Your way is different from God's 

We know the struggle of Abraham and Sarah at first; they had no child. But they knew God's promise to them. No longer waiting for that promise, they tried to help God fulfills His promise (Gen. 15:2-3; 16:1-2). Sarah gave her servant, Hagar, to Abraham to sleep with him and Abraham agreed. Without knowing that this would only to heartaches and family problem. 

I remember when my sister and I were in younger years, we tried to look for possible boyfriend in the internet, online dating and chatting but eventually we discovered it was a scam and sexual exploitation. We were glad we didn't go on that deeper.
So you see, let's be reminded that God's way is the best and not ours. 

3. Waiting for God's will is worth the wait 

In Genesis 21:5 Isaac was born. It's worth the wait. 

At this present, we may not still have an answered prayer with our worries and struggle, KEEP ON! DON'T GIVE UP! With God all things are possible 

Saturday, July 20, 2024

YOUR STATUS (1 Corinthians 1:26-31)


 Picture in Ohio River

YOUR STATUS

1 Corinthians 1:26-31

 

Introduction:

Having no connection with the Lord is the saddest situation you have in this world. You will have emptiness and no direction in this life. People always say that you own your life and it is you who directs it but let’s remember that humanity has the ultimate Creator who knows us better than ourselves. He knows what’s the best for us and He has purpose why He created you.

 

Lesson Points I learned:

1.      1. Think of what you were before you were called (I Cor. 1:26)

I remember the time before I accepted the Lord Jesus Christ in my heart; my life is full of sadness. I had a personality problem that time: I always stayed in my room especially when there were visitors in our house. I had a low self-esteem; I felt not accepted and I felt I was the ugliest in the family. So when somebody told me that SOMEONE loves me the most and shared the GOOD NEWS, I didn’t hesitate to accept that.

 

Bible says in 1 Corinthians 1:26 “For ye see your calling brethren, how that not many wise men after the flesh, not many mighty, not many noble are called: But God hath chosen the foolish things of the world to confound the wise; and God hat chosen the weak things of the world to confound the things which are mighty; And base things of the world, and things which are despised, hath God chosen, yea, and things which are not, to bring to nought things that are:

 

Everything changed when I chose God; my personality problem began to solve. I am already a child of God and that’s the cause of my confidence from that time and until now. THANK YOU LORD.

 

2.   2.   It is because of God that you are in Christ Jesus (1 Cor. 1:30)

But of him are ye in Christ Jesus, who of God is made unto us wisdom, and righteousness, and sanctification, and redemption:”

We owe everything to God: our eternal life, being justified, and sanctified, and redemptive. We are doomed in hell but praise God He sent His Son to save us.

 

3.     3. Boast not in the Lord (1 Corinthians 1:29)

That no flesh should glory in his presence.”

Reminiscing the past makes me thankful for all the things God has done to my life and to my family as well. Everything that happens to me I owe everything to the Lord.

 

 

THE OPPORTUNITY (JOHN 9:4)


 

JOHN 9:4 / Colossians 4:2-6

Lesson prepared by: Krisha of Solomon Wisdom FB page

 

MEMORY VERSE:

JOHN 9:4

“I must work the works of him that sent me, while it is day: the night cometh, when no man can work.” (KJV)

 

INTRODUCTION:

When you travel in different country the first thing you’ll see, apart from the good views, is the culture. For example, in America where I’d been: you won’t see them “make mano” to elders, the elders usually go to facilities when they’re too old to take care of themselves but we cannot judge them because that’s the way they are raised. If you talk to them and see how the system goes, you will truly understand them. People there are too busy and you seldom see people walking on the streets especially in county and also most of them have cars to use. Why I say this? I say this because in different places around the world, there are different opportunities we can see. The opportunity we have in the Philippines is not the same in other country.

 

How about the opportunity in sharing the gospel? Can you do street evangelism in other places? In other countries, you cannot do that, you will be put in prison. Others you need to have permits, and in some places, you will not be heard because all people are in their cars. Can you do on knocking doors? No you can’t. How can you do that if mostly people are in their work and if there are some staying in their houses, they have legitimate reasons why they’re there – busy and if you tried they’ll say “I’m good, I don’t need that.” You cannot see people making “tambay” outside. If you see them outside, they do something: mowing grass, doing gardening and many things. How about in grocery stores? If you’ll say, “you need help.” They’ll mostly say, “No, thanks. I’m good.” They are raised independently so every time they block your way in the aisle in grocery store for example, they always say “I’m Sorry” because they see the time consume in buying- their free time. Can you give bible tracts? You can in other places but most of the time they put in wipers of cars in the parking lot. You cannot give inside the grocery stores because some will report you to the store manager. In other Muslim countries, they’ll put you in prison. So what will they do now? In USA, they still try do knocking doors, giving tracts and other things; find other ways even it’s very hard. Some countries, they do basement worship services.

 

 

 

LESSON OUTLINE:

1)     BE SENSITIVE WITH THE OPPORTUNITY

Because of the culture and the different opportunity, some Christians in other countries just go with the flow and just wait for the opportunity to come and this cause them to feel insensitive with the opportunity when it comes their way.

 

Nowadays, we can see that social media is a great avenue for sharing the gospel. Instead of posting unnecessary things on social media, let’s use this as an opportunity to share the gospel especially to those our friends, relatives and others in other countries. Talking about sensitivity, when see our FB friends posting things that are alarming and you think they need help, make a private message to that person and pray for him or her. In line with this, always remember that our Facebook account or any accounts on social media are also our way of showing our testimony. So be careful what are in there or anything posted.

 

In the church we should be sensitive, if we see a visitor, be friendly and don’t let that time passed without telling that person how God loves him/her – share the GOODNEWS.  In our bag, let’s put bible tracts or any invitation cards so that when meet someone or a friend in a place we go, it’s easy for us to invite; It’s the first step to share what you believe in – salvation.

 

 

 

 

2)    LOOK FOR WAYS

Have you experienced of not doing something in sharing the good news? We become stagnant and at peace of just being a Christian. Whether we accept it or not, our ultimate goal given to us by God is the Great Commission which is written in Matthew 28:19-20.

 

In the Philippines, we can still see people staying outside their houses and play, talking with neighbors, or just stay and drink coffee. The people are still reachable, you can still do the house to house sharing. So as part of looking for ways, being friendly to your neighbor is also one way of sharing the gospel. Another thing, when your birthday comes it’s the best time to invite people so it’s also the best time to share good news as part of the birthday program. Reunions, All Saints Day, Christmas, New Year and other special events are the best ways to share.

 

Though there are many ways, Christians come to the point of their Christian lives that that they become stagnant. They stopped looking for ways in sharing the gospel, and become deaf in the voice of the Holy Spirit or they’re not sensitive anymore to the opportunity.

 

3)    BE EQUIPPED WITH THE SHARING OF THE GOSPEL

If you’re a teacher, you are equipped to teach. If you’re a licensed dentist, you are equipped to treat dental problems. If you’re a doctor, you are allowed to treat patients with their health problem and many more. Therefore, if you’re a Christian, you should be equipped to share the Gospel because this is what happened to you – someone shared to you the gospel and furthermore, this is what God has commanded.

In 2 Timothy 2:8-13 we can see how Paul reminded Timothy about the Gospel. First and foremost, the content of the gospel of what Paul shared is JESUS CHRIST. It says, “Remember Jesus Christ, of the seed of David who was raised from the dead…” Timothy needed to keep the fact that Jesus is the Messiah. The gospel should be the good news that pertains to Jesus Christ who died on the cross. In sharing the gospel, Paul suffered the consequences (He was chained). He understood that they could chain him but they could not never chain the word of God. It will spread no matter what. Why he endures all these things? For the elect’s sake (God’s people), that they obtain salvation. So we see how motivated Paul was in sharing the gospel. Like Him, we should be motivated by what Jesus did on the cross for others to know. We should not have the thought that “BE SAVED ALONE IN THE FAMILY.”

 

According to Colossians 4:5

“Walk in wisdom toward them that are without, redeeming the time.”

 

This speaks ‘to them that are without’ to unbelievers according to commentary. Part of being sensitive to the opportunity, we are commanded to walk with wisdom toward those who are outside, unbelievers. Walk in wisdom speaks on how to deal with them in order for us to have the opportunity to share the gospel. Paul believed that Christians would answer others from biblical truth. Also, it is mentioned that we must let our speech be always with grace, seasoned with salt, that ye may know how ye ought to answer every man.

Being equipped, read and study your bible and have your personal devotions in order for you to keep on motivated and talked by the Lord through His word. There are many ways to share the Gospel and it depends on the people you talk to or the allowed minutes you are given. If you are given only few minutes, JOHN 3:16 is enough in sharing the gospel. Study and master because this is the greatest command God told us to do while we are here on earth.

 

 

CONCLUSION:

 

My sister and I had once a week regular bible study to a woman in other barangay. That time we were late because of unavoidable circumstances. We knocked on the door and someone responded but not the woman we used to have the bible study, it was an another woman. So as usual we asked where the woman was and she said, she went somewhere for an important event. As she spoke, some thoughts at the back of my mind, “Best opportunity to share.” I look at my sister and our eyes were like talking. That time it was almost lunch so there was a battle on my thoughts. “You can’t share she might be cooking or she would think it was already lunch and she cannot offer you something to eat.” Because of the battle in my mind, I decided to just give her a nice bible tract in order for her to read and might know and believe Jesus as her Savior then we bid goodbye. As we were walking, I told my sister the battle in my mind and she said she experienced that too. When I heard her words, I asked her “Could we come back? Let’s try what do you think?” She said “I don’t know. It’s already lunch.” We went back a few steps but I stopped to go home and promised to share the next week.

 

Coming of the next week, my sister and I went to our bible study with our goal of sharing the gospel to the woman we met last week. When we knocked, Donna, our Bible Study attendee opened the door. As we entered and we allowed to sit, I asked who was the woman we met last week and where she was. As she was speaking, my toes shook and my heart beat faster. She said she was already died; she was just buried a day before we came. Her death is unexpectedly because she was okay. She got measles but only few came out on her skin. The family thought she was fine and they also went to a carnival but after that they brought her to the hospital and that was it. I can’t put into details but it reminded that life really is too short; she was in late 30s I think that time when she died. After the bible study and while we were walking, there were tears in our eyes. I can’t talk that time. I prayed to the Lord and asked for forgiveness. I would never, never forget this experience in sharing the gospel. From that time on, I always sensitive to the opportunity of sharing the gospel.

 

Thursday, May 30, 2024

MALING AKALA (christian drama script - True to Life)

 

MALING AKALA

By krisha412

May, 2024

 

 

SCENE 1: (background music na may record na boses ng iba’t-bang reasons sa pananambahan at ilang mga pananaw sa buhay)

 

VOICE 1: Sama ka naman sa church

VOICE 2: Titingnan ko ha… busy eh

VOICE 1: May event kami sa church, invite kita

VOICE 2: Hindi ako puwede eh

OTHER VOICES:

·         Hindi ko puwedeng iwan ang religion kong kinagisnan

·         Iisa lang naman ang Diyos

·         Lahat naman yan pare-parehas lang

·         Kahit hindi naman ako nagsisimba, alam ng Diyos ng mahal ko SIya.

VOICE OVER:

Ako si Velle. Marami akong paniniwala sa buhay na pinaninindigan ko. Pero lahat ba ng mga ito ay may basehan at dapat panindigan? Lahat ba ng kinagisnan ay tama? Lahat ba ng tinuro mula pa sa ating kamusmusan ay dapat tayuan? Lahat ba ng iniidolo natin ay dapat tularan? Hanggang saan hahantong ang ganitong kaisipan na walang makitang matibay na basehan. Tunghayan natin ang aking kuwento.

 

SCENE 2: (Pagkawala ng mahal sa buhay)

 

VELLE: Mama!!! Mamaaaa… (pasigaw)

(After ng sigaw lights on!)

VELLE: Wala na si Mama!!! (umiiyak)

PINSAN1: (umiiyak) Velle… nakikiramay ako velle…

VELLE: Maraming salamat po…. Wala na si mama!!! …. Wala na magluluto sa akin ng tsamporado pag maysakit ako… wala na magsasama sa akin kung saan-saan… Wala ng maghahatid sa akin sa school… wala na si Mama!!!

PINSAN2: Kahit bata ka pa, kaya mo yan! Pakatatag ka … kayo nila Papa mo! Andito lang kami.

PINSAN1: Kahit wala na si mama mo, mag-aral ka ng mabuti!

VELLE: Opo...  Yon po ang nais ko sa buhay makatapos ng pag-aaral at tumulong sa pamilya… yon lang ang alam kong purpose ko sa mundo!

PINSAN2: Matutuwa ang mama pag nakita kang maabot ang pangarap mo kung saan man siya naroon.

VELLE: Mabait si mama kaya alam ko nasa langit siya…

PINSAN1: Oo… pakatatag ka… kaya yan!

(LIGHTS OFF)

 

SCENE 3: (bahay)

 

VELLE: Papa… wala na pala si ate?

PAPA: Oo… lumuwas papuntang Velenzuela…

LANCE: Hindi ko man lang nakita or nag-paalam man lang… bakit daw po?

PAPA: Hindi ko alam…

VELLE:  Bakit ganon? Mag-kaaway po ba kayo? (Hindi iimik ang tatay) … Paano na ngayon Papa..wala na si mama? … (hindi pa rin iimik ang tatay at aalis papuntang kwarto- at kakausapin ni velle ang tatay) …Papa kumain na ba kayo? (hindi pa rin iimiik at malungkot ang mukha ng tatay na aalis)

(Mag-isang maiiwan sa stage, maglalakad ng konti at mag-iisip) Bakit kaya ganon? Bakit kaya maaga akong nawalan ng nanay? …Iniisip ko makakasama ko pa ang nanay ko hanggan sa makamit ko ang pangarap ko o kaya’y haggang sa pagtanda niya…babantayan at aalagan ko siya… parang ang bata ko naman para mawalan ng nanay (iiyak)… Pag nanay ang nawala sa tingin ko mahirap… Mama ko laging naiiwan dito sa bahay… naglilinis, nagluluto, nag-lalaba at nag-aasikaso sa lahat. Pag may sakit ako… wala ng magluluto sa akin ng lugaw (iiyak)… Kahit bata pa ako, marami akong katanungan sa isip ko… paano na wala si Mama? Sino na magluluto ng baon ni papa? Paano na pag may event sa school? Sino na makakasama ko? Mama… mami-miss ko kayo… Ma, sorry po pag makulit ako at matigas ang ulo ko…Hindi ko man nasasabi palagi pero sa totoo lang Mahal na mahal po kita!

SCENE 4: (school background)

(Magkakasalubong ang mag-kaibigan)

 

ANGELA: Oh velle… Kumusta na?

VELLE: Oh… sorry ha hindi ako nakadalo noong nakaraan na invitation mo sa church nyo ha… may biglaan kasing nangyari eh…

ANGELA: Oo ng eh!

VELLE: Galit ka ba or nagtatampo?

ANGELA: Hindi naman… Kung magagalit ako, noon pa sana… imagine tatlong (3) taon na kitang iniimbita…

VELLE: Tatlong taon na ba?

ANGELA: Oo naman… mabuti kaibigan kita, kung hindi nagsawa na siguro ako sa kakaimbita saiyo…

VELLE: Pasensiya na talaga… Mayroon lang talaga dapat gawin o kaya naman may emergency…

ANGELA: Owws... kilala kita na bahay at eskuwela ang ganap mo lang sa buhay…

VELLE: Oo nga, marami kasi ginagawa sa bahay lalo na andito na ang ate ko…

ANGELA: Matanong ko lang… bakit ayaw mo dumalo sa CBT?

VELLE: Huwag ka magagalit ha… (tatango si Angela) Sa totoo lang… Iniisip kop ag dumalo ako sa ganyan, kagaya ng sa CBT, mapapalitan ang religion ko… Naniniwala rin ako na iisa lamang ang Diyos at kahit na hindi ako magsimba, alam ng Diyos na mahal ko Siya!

ANGELA: Hindi naman religion ang pinag-uusapan dito… relasyon natin sa Diyos… Teka pala may next event kami ulit… theater play sa church…

VELLE: Theater?

ANGELA: Oo… alam ko favorite mo ang teatro…

VELLE: Sige… try ko…

ANGELA: Huwag mo i-try… punta ka na… kain na rin tayo ng ice cream after treat ko, cookies and cream… alam ko favorite mo din yon…

VELLE: Sige…

 

 

SCENE 5: (Evangelistic Time- invitation time with music background)

 

PASTOR: Hindi natin alam ang ating bukas… maikli lang ang buhay natin sa mundo… Ngunit mainam na alam natin ang ating pupuntahan pag tayo’y namatay… Wala pong mabait sa atin, lahat tayo ay makasalanan. Ayon sa bibliya, dalawa lang ang pupuntahan natin… langit at impiyerno…Ayaw ng Panginoon na mapahamak tayo kaya binigay niya ang kanyang bugtong na anak para tayo ay iligtas… Maaring huli na ang lahat, kung hindi pa tayo magdesisyon ngayon… Kung sino ang nais tumugon sa pagliligtas na Panginoon, tayo ay pumunta sa harap para s ating desisyon!

(Si Velle ay pupunta sa gitna sa harap…habang may voice over sa panalangin niya)

VELLE’S PRAYER: Panginoon Hesus… akala ko po ako’y may maayos na relasyon sa inyo. Akala ko mabait ako at sapat na yon para ako’y mapunta sa langit. Akala ko rin sapat na - na alam kong may Diyos. Akala ko mahal ko kayo ngunit hindi naman pala, hindi nakikita sa aking gawa. Akala ko religion ang makakapagligtas sa akin, ang religion na kinagisnan ko ngunit hindi pala. Akala ko ang basehan ng espirituwal na kaalaman ay yong kinagisnan ko. MARAMI AKONG AKALA pero lahat na iyon ay MALI PALA... Bibliya pala ang dapat basehan ng lahat! Sa oras na ito NANiNIWALA AKO na ikaw lang ang Tagapagligtas. Ikaw ay namatay at nabuhay na mag-uli para sa aming mga kasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at sa mga mali kong akala. Ngayong oras na ito tinatanggap ko ang regalo ninyong BUHay na Walang Hanggan sa Langit. Tinatanggap ko Ngayon bilang Panginoon at Tagapagligtas. AMEN!

 

SCENE 6: (PAKIKIPAG-USAP SA PAMILYA)

 

PAPA: Kumusta pag-aaral mo…

VELLE: Okay naman po Papa…

PAPA: Kailangang makatapos ka dahil pinag-aaral ka ng auntie mo..

VELLE: Opo Pa…

PAPA: Napansin ko pala.. lagi kang dumadalo sa church ni Angela ahh...

VELLE: Opo papa… masaya po doon sa CBT papa…

PAPA: Masaya? Hindi naman dapat lagi nasa church ahh… bakit andoon ka lagi?

VELLE: Pa bukod sa Bibliya, tinuturuan din kami pa na mangarap at magtapos sa pag-aaral kaya masaya po…

 

PAPA: Masaya ka lang ata dahil may crush ka doon o kaya may boyfriend ka na doon?

VELLE: Panginoon po ang dahilan Papa at Wala po akong boyfriend Papa!

PAPA: Huwag ka ng dumalo palagi diyan ha.. baka mamaya niyan mag-iba ka na ng relihiyon!

(aalis ang tatay sa stage at parating ang ate)

ATE: Yan na nga ang sinasabi ng mga pinsan mo

VELLE: Ano yon ate?

ATE: Hindi mo kasi naririnig yong sinasabi ng mga kamag-anak na natin?

VELLE: Yon din ba tungkol sa post mo sa Facebook?

ATE: Oo… at yong mga pinsan natin, hindi ka raw nila mapagsabihan na lagi kang nasa church… WALA KA NA HALOS nagagawa dito sa bahay…

VELLE: Sorry ate… aayusin ko schedule ko ate….

(lights off)

VOICE OVER: Marami man ang pagsubok sa buhay, naramdaman ko ang pagkilos ng Panginoon sa buhay ko. Nang magpaalam ako sa Papa ko na magpa-baptize, marubdob na panalangin ang aking ginawa dahil ayaw nila mabago ang aking religion. Yong akala kong hinid ako papayagan, nagkaroon ng himala at pinayagan niya ako… Natutunan ko na Yong akala natin walang pag-asa, may tunay palang pag-asa sa Panginoon. Taong 2020, nagkaroon na matinding pagsubok sa aming pamilya, namatay ang aking minamahal na Papa dahil sa sakit.

SCENE 7: (COLLEGE PROBLEM)

 

(Ring ng phone)

VELLE:  hello insan… Napatawag ka po Nang?

PINSAN: Mayroon lang akong concern… Tanong ko lang, bakit hindi ka na lang pla magtrabaho para may pantustos ka sa College mo kesa diyan na lagi kang nasa simbahan. Anong mapapala mo diyan?

VELLE:  Kasi po Nang… masaya po akong naglilingkod sa Panginoon...

PINSAN: Andoon na tayo sa masaya ka sa ginagawa mo kaso wala naming nagagawa ‘yang Panginoon na sinasabi mo sa buhay mo!

VELLE:  Sige po Nang…salamat po sa concern pero masaya po talaga ang maglingkod sa Panginoon!

PINSAN: Nagpapapa-alaala lang ako… O sige!

(Papatayin ang phone na may kalungkutan at dismaya)

VELLE: Panginoon, maawa ka po sa iyong lingkod… Tulungan mo po ako… hindi po nila maintindihan ang kasayahan sa paglilingkod sa inyo… Tulungan mo po ako sa aking pag-aaral. Kayo po ang aking pag-asa!

(LIGHTS OFF COUNT 10 SECONDS THEN LIGHT ON)

ATE: May sasabihin ako saiyo

VELLE: Ano yon te?

ATE: Narinig ko na nag-uusap si Maricar at si Luz na hayaan ka na raw at huwag ka na lang tulungan sa board exam mo. Sapat na raw na nakapag-aral ka…

VELLE: Ganon ba te…nakakalungkot naman…

ATE: Paano yan?

VELLE: Oo ng ate eh… ipanalangin natin kung paano… bka magtrabaho muna ako para maka-ipon ng pang board exam…

SCENE 8: CHURCH

PASTOR: Mayroon lang po akong concern na ilalahad sa ting mga kapatiran… Hindi po lingid sa atin na mayroon po ating mga Young People ang magti-take ng board exam at may ilan po sa ting mga young people ang walang kakayahang makapagboard exam dahil may kakulangan sa pananalapi! Manalangin po tayo at ipagpray po natin ang kanilang pangangailangan at ganon din ipanalangin din natin ang amount na puwede nating i-commit… (Mananalangin ng tahimik at may voice over)

VOICE OVER:

Sa ganitong problema, sinagot ng Panginoon ang aking pagsumamo. Nakalikom po ng pang board exam sa tulong ng mga kapatiran at sinagot din ng Panginoon ang higit kong kailangan- NAKAPASA PO AKO SA BOARD EXAM.

Tunay ngang sa buhay na ito ay punong-puno ng pagsubok. Hindi po natin kakayaning mag-isa. Kailangan natin ang Panginoon sa ating buhay. Hindi po natin maiiwasan ang mga problema pero ang sigurado may Panginoon na nandiyan at gagabay sa tin…

Marami po tayong maling akala sa buhay. Kailangan po natin ang gabay, gabay na galing sa totoong basehan ng buhay para makapamuhay tayo ng maayos sa mundo. Kailangan natin ang gabay ng Bibliya, ng pastor at simbahan para tayo’y makapamuhay ng maayos dito sa mundo. Magsilbing paalaala sana sa atin na ang buhay ay maikli lamang para hindi pa natin tanggapin ang Panginoon sa buhay natin!

 

REMEMBER WHO YOU WERE (HEBREWS 2:13-15)

  REMEMBER WHO YOU WERE Bible Passage: Hebrews 2: 13-15 Lesson Prepared by: krisha of Solomon Wisdom FB page Lesson ideas taken: LESSON KE...