Showing posts with label Christian. Show all posts
Showing posts with label Christian. Show all posts

Wednesday, February 21, 2024

CHRISTIAN DRAMA: "MULING NASUMPUNGAN"

 

MULING NASUMPUNGAN

By krisha412

February, 2024

 

OPENING SCENE: (dark scene)

(Background: Tumatakbo si Lance dahil may humahabol sa kanyang mga gangster na papatay sa kanya ngunit siya ay nakorner)

 

LANCE: (sisigaw) HUWAG NIYO AKONG PATAYIN!!!… huwag kayong mag-aalala mababayaran ko kayo basta huwag lang biglaan! Maawa kayo! Pakiusap! Huwag! Huwaggggg!!

 

(voice background)

LANCE:

Ako si Lance. Hindi ganitong buhay ang kinagisnan ko. Dati kong nakukuha ang mga bagay na nais ko. Ang katotohanan ay hindi ako naging mapagpasalamat at hindi nabibigyan ng halaga ang mga bagay na mayroon ako. Dahil dito, nasaktan ko ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin, at higit sa lahat ANG AKING AMA. Nagising na lang ako na sa magulong buhay na ako mismo ang pumili. Gusto kong magkaroon ng pagkakataon na ayusin ang buhay ko. Iniisip ko kung kaya pa ba akong mapatawad ng aking ama sa hirap at pasakit na dulot ko sa aming pamilya? Ang mga maling desisyon sa buhay at mga kasalanan ang nagdala sa akin para mapagkumbaba at lumuhod. Panalangin ko na hindi pa huli ang lahat!

 

 

SCENE 1: (farm background)

(Lahat ng tao ay busy sa pagsasalansan ng produkto ng biglang dumating si Lance)

 

LUIS: Saan ka galing?

LANCE: Diyan lang…

LUIS: Hindi mo ba alam na busy tayo ngayon, may malaking company na aangkat ng produkto natin?

LANCE: oo nga eh… wala eh… hindi ko na kinaya eh… Kagigising ko lang…

LUIS: Ang yabang nito… pumunta ka pa dito… Hindi ka pa ata umuwi kagabi..  Bakit ngayon ko lang?

LANCE: Hindi ko masasagot tanong mo… Hindi mo ba ako nakita andito na ako!!

LUIS: wala ka ng galang ahh… sagutin mo ako!

LANCE: (lalapit sa tenga kapatid ang mang-aasar) KUYA.. wala ka ng pakialam kung saan ako galing.. inggit ka lang!

LUIS: (Hahawakan ang damit) Huwag mo akong gaganyanin… aalisin kita dito sa produksiyon, tingnan ko lang kung may makukuha ka pang pera sa pinaggagawa mo…

(Biglang darating ang tatay)

 

TATAY: Ano yan!

LUIS: Itong si Lance Tay… kararating lang (bibitiwan si Lance)… alam naman niyang marami tayong dapat gawin itong linggong na to… lagi pang wala o kaya late naman…

TATAY: (babaling kay Lance) Ano ba ang nangyayari saiyo? Kailangan ng kuya mo ang tulong mo…

LANCE: Patawad.. Hindi ko alam Tay kung anong nagyayari sa akin… hindi ko nga alam ang gusto kong mangyari eh… Masakit din ang ulo ko ngayon… (sasabat si Luis)

LUIS: Eh kasi late ka na matulog (Hahawakan ng tatay si Luis sa balikat)

TATAY: Eh sige… umuwi ka muna… ako na tutulong sa kuya mo! (aalis si Lance )

LUIS: Tay, pinagbigyan nyo naman si Lance eh kaya nagkakaganyan eh…

TATAY: Anak iba ang kapatid mo, iba ang ugali… hanggat pinipigilan mo lalong nagpupumiglas… intindihin muna natin…

LUIS: Tay, andami na niyang ginagawa na hindi maganda at labag sa kalooban ninyo… naaawa lang din ako sainyo.

TATAY: Salamat anak … habaan pa natin ang pasensiya natin… Mahal mo pa naman ang kapatid mo di ba?

LUIS: OO naman Tay!

TATAY: (aakbayan ang anak).. Salamat… papasaan ba at maiintindihan niya rin kung anong landas ang gusto niyang tahakin…Salamat at andiyan ka… (tatango lang si Luis)

 

SCENE 2: (house background)

(Nakaupo at tinitingnan ni Lance ang old pictures ng family ng biglang darating ang tatay )

 

TATAY: Oh, nandito ka pa, gabi na ahh (magmamano si Lance)… ano yang tinitingnan mo?

LANCE: Lumang pictures natin… ang saya namin ni kuya dati… lagi kaming magkasama at naglalaro… walang iniisip na ibang bagay… (biglang tatayo)

Tay, mabuti pa si kuya wala kayong problema… napaka perfect niya… magaling siya sa lahat ng bagay lalo na pamamalakad ng mga manggagawa natin… Samantalang ako… (tatayo ang tatay at sasabat)

TATAY: Anak, walang perpektong tao… at lahat tayo ay iba-iba… Mahal na mahal ka ng kuya mo… huwag mong ikumpara ang sarili mo sa kuya mo dahil iba ka.. may sarili kang kakayahan…

LANCE: Ano naman kaya yong kakayahan na meron ako?

TATAY: Ipanalangin mo anak at makikita mo rin ang nais mo…

LANCE: Meron akong plano Tay…

TATAY: Ano yon?

LANCE: Tay, huwag kayong magagalit ha… (tatango ang tatay) naisip ko kasi kunin ko na aking mana kahit maaga pa para dito…

TATAY: Ha? Bakit naman?

LANCE: Hahanapin ko ang buhay para sa akin… Aalis ako… Hindi na ako masaya dito eh…gusto kong makita ang buhay labas ng lugar na ito- ng bayan na ito..

TATAY: Anak, nag-aalala ako para saiyo…

LANCE: Tay… mula bata ako andito na ako… gusto ko naman makita ang ibang bagay at baka dito ko masumpungan ang tamang landas para sa akin…

TATAY: Ipina-nalangin mo ba ito?

LANCE: Normal naman na yon Tay!

TATAY: Hindi ka na ba mapipigilan?

LANCE: Tay, subukan ko ito… ito na ang pasya ko!

TATAY: Mag-alala man ako, tingin ko wala na akong magagawa sa desisyon mo…

LANCE: Siyanga pala Tay, paano yon, hindi naman agad-agad maipagbibili ang mga ari-arian na para sa akin?

TATAY: Oo nga, kuha na lang sa bangko… Kailangan ko palang kausapin yong manager ng bangko para sa pagwithdraw ng malaking pera…

LANCE: Salamat TAY!

TATAY: Mag-ingat ka anak! Andito lang ako!

 

 

 

 

SCENE 3: (resto bar at casino)

(Nakaupo ang mga nakilalang kaibigan ni Lance sa isang resto bar at biglang darating si Lance)

 

MGA KAIBIGAN: (sabay-sabay na magsisigaw) Wow pare!

TYLER: Welcome sa panibagong buhay mo! Dala mo kotse mo…

LANCE: Oo naman.. bakit dito meeting place natin?

TYLER: Oh, Rex, bakit daw nandito tayo? Sagutin mo!

REX: Siyempre we need to celebrate your freedom! Tama mga pare? (Sisigaw ang mga kaibigan)

TYLER: Ayaw mo ba?

LANCE: Hindi… Gusto ko nga eh… sige libre ko to!

REX: Yon yon eh… yan ang hinihintay ko! Siyempre hindi mawawala ang MALAMIG na inumin diyan

TYLER: Huwag ninyo lalasingin si Lance kasi maglalaro pa kami…

LANCE: Hindi ako marunong ata niyan…

TYLER: Tuturuan kita… napakadali…

REX: You’re in good hands.  Huwag kang mag-aalala... si Tyler premium player yan…

TYLER: May ipapakilala ako saiyo! (lalapit ang babae) I would like you to meet my beautiful friend, RIZA… Riza si Lance… (kakamayan ni Lance si Riza)

REX: Sabi ko sayo magiging masaya ka sa amin compare sa boring mong buhay sa probinsiya. For a change I date mo rin itong si Riza after nyo maglaro mamaya… Payag ba kayo mga pare?

MGA KAIBIGAN: OO naman!

 

SCENE 4: (house background)

(Nakaupo ang tatay at may tinitingnan na larawan)

 

LUIS: Tay, Tay! May maganda akong balita!... Tay, na close na yong bagong deal! Malaking production ito!

TATAY: Salamat anak. Salamat sa Panginoon!

LUIS: Teka, kumain na ba kayo?

TATAY: Hindi pa nga..

 LUIS: Sige Tay. Sabay na tayo… (biglang may nalaglag sa kamay ng Tatay at pinulot ni Luis) Tinitingnan nyo na naman ang larawan ni Luis…

TATAY: Naalala ko lang ang kapatid mo… ilang buwan na ang nakalipas at wala pa tayong balita sa kapatid mo!

LUIS: Oo nga Tay… siyanga pala patawarin ninyo ako ha…

TATAY: Para saan?

LUIS: Kasi nagalit ako sainyo nong binigay ninyo ang mana ni Luis na hindi pa dapat… at isa pa nag-away kami bago siya umalis na maaring naging dahilan niya para gumawa ng malaking desisyon na umalis dito sa lugar natin…

TATAY: Naintindihan ko naman anak!... Ipanalangin na lang natin na maging maayos siya at Makita niya ang daan pabalik sa atin…

LUIS: Oo tay..  Halika, kain na tayo!

 

SCENE 5: (hangout ng mga barkada)

(Nagkakasayahan ang mga barkada ng biglang dumating si Lance sa lugar)

 

LANCE: Tyler tulungan mo ako. Nagkaroon ako ng kompormeso sa grupo nila Manuel!

TYLER: Hindi mo pa ba nababayaraan yong inutang mo sa kanya?

LANCE: Malaki yon… hindi ko kaya!

TYLER: Akala ko nakahingi ka ng tulong sa tatay mo…

LANCE: Wala na akong mukhang ihaharap sa kanila… tulungan mo ako, pakiusap!

TYLER: Hindi kita matutulungan!

LANCE: Akala ko tutulungan mo ako!

TYLER: Iba na to… mag-isa mong harapin ang problema mo

LANCE: Tulungan ninyo ako… papatayin ako ng grupo na yon!

TYLER: Yon nga eh… Eskapo na kami…

LANCE: Akala ko ba walang iwanan.. kaibigan for life!

TYLER: ayaw pa naming mamatay.. tara mga pre!

LANCE: Huwag ninyo akong iwan! Tulungan ninyo ako! (Palakad-lakad si Lance at hindi alam ang gagawin nang bigla siyang may marinig na pagdating ng sasakyan. Hindi na nakaiwas si Lance nang pumasok sa hangout si Manuel at ang kanyang mga kasama)

LANCE: Ikaw pala Manuel

MANUEL: Andito ka lang pala… kumusta na ang usapan natin.. Saan yong pambayad mo?

LANCE: Wala pa eh…

MANUEL: Noong nagsusugal ka at nawalan ka ng pera, tinulungan ka namin tapos ngayon parang tatakasan mo kami ha…

LANCE: Sir hindi… nag-iisip lang kasi ako kung paano… akala ko kasi makakabawi ako eh.. at tutulungan ako ng mga kaibigan ko… ngayon hindi pala, iniwan na nila ako…

MANUEL: (lalapit kay Lance at ipapakita ang baril).. Wala akong paki doon basta ibalik mo ang perang hiniram mo… bibigyan ka namin ng isang linggo! Pag hindi mo naibigay ibabaon ka namin sa lupa…

LANCE: Huwag naman!

MANUEL: Kahit saan ka magtago mahahanap ka namin! Nainintindihan mo? (hindi sasagot si Lance at uumbagin siya ni Manuel) Naintindihan mo? Sagot!

LANCE: Oo

(Nang maiwan si Lance, malungkot siyang naglakad-lakad at may nakitang karatula sa isang lugar na nakasulat “WE ARE HIRING. FARM WORKERS” )

 

SCENE 6: (farm background)

(Naglilinis ng kulungan ng hayop si Lance)

 

LANCE: (hinahawakan ang kanyang tiyan) Ang sakit ng tiyan ko.. gutom na ako… (naghanap ng puwedeng makain si Lance at nakita niya ang balde na may pinagbalatan ng mga prutas na ipapakain niya sana sa mga hayop na alaga niya)

(Bigla siyang natigilan at nag-isip)

(iiyak)…. Bakit ganito?... Bakit mali ang napili kong landas? Akala ko tama. Ngayon ko lang nakita na ang sarap pala ng buhay ko dati, yong dati kong buhay na malapit sa aking tatay…Mas masaya pala na kapiling ang iyong ama…  Ano itong kinakain ko? Sa bahay namin, ang mga alila ay labis-labis ang pagkain samantalang ako, ito ang kinakain ko…  Mas mainam pa na maging alipin na lang ako sa aming tahanan. Tama! Hihingi ako ng tawad sa aking ama at gawin na lamang niya akong alipin!

(Si Lance ay tumakbong pababa ng stage…. Music background. then lalabas sa stage ang ama o tatay na nakatingin sa malayo at biglang natigilan sa mapapansin sa malayo)

TATAY: (Ilalagay ang kamay sa taas ng mata at nakatingin sa malayo) Lance! (pasigaw) Si Lance yon! Anak… Anak (tatakbo pababa at masasalubong ang anak at yayakapin) Salamat anak at nagbalik ka!

LANCE: Tay, nagkasala ako sa Diyos at sainyo. Hindi nap o ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak. Gawin na lamang ninyo akong alila. Pero mayroon akong naging problema Tay, may Malaki akong pagkakautang… babayaran ko yon ng aking pagtatrabaho sainyo bilang alipin…

TATAY: Huwag kang mag-aalala anak… tutulungan kita… Teka tawagin ko lang ang mga kasama natin ditto sa bahay…Sally, Lito halika kayo dito… Kumuha kayo ng magarang damit, sandalyas at singsing, at ipasuot natin sa anak ko… sabihin ninyo rin sa ibang kasamahan natin na magkaroon tayo ng pagdiriwang; katayin ninyo ang matabang guya para tayo’y kumain at magdiwang. Sapagkat ang anak kong ito’y namatay na, ngunit siya’y nabuhay; nawala ngunit muling nasumpungan.

LANCE: Tay, maraming salamat (niyakap ang ama)

 

SCENE 7: (Eldest son and Father Encounter)

(Dumating ang panganay mula sa bukid at nalaman niya na may pagdririwang dahil sa bunsong kapatid)

 

TATAY: Anak, bakit hindi ka pumasok sa loob ng bahay?

LUIS: Tay, nagagalit po ako sainyo…

TATAY: Anak, pakiusap palawakin mo ang iyong pang-unawa. Sana intindihin mo aking damdamin bilang ama…

LUIS: Bakit Tay, Naintindihan nyo rin ba ng aking damdamin?

TATAY: Naiintindihan kita anak… mahal kita at mahal ko rin ang iyong kapatid…

LUIS: Hindi nyo ako naiintindihan! (Pasigaw na may iyak)… Alam ninyo Tay…Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at kailanma’y hindi ko kayo sinuway (iiyak)… Ngunit ni minsan… ngunit ni minsan hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan…(pause at iiyak)… Pero nang dumating itong si Lance, na aking kapatid, na siyang naglustay ng iyong kayamanan sa masasamang babae at bisyo at pinapatay nyo pa ng matabang guya at nagkaroon pa ng pagdiriwang… Samantalang ako wala! (iiyak)

TATAY: Anak lagi kitang kasama at ang lahat ng aking ari-arian ay sayo. Hindi na mababago yon… Tama lamang na tayo ay magdiwang at magsaya sapagkat namatay na ang kapatid mo, ngunit nabuhay, nawala ngunit muling nasumpungan. Huwag mong kakalimutan anak… MAHAL KITA… mahal ko rin ang kapatid mo! Naiintindihan mo ba anak?  (Tatango si Luis at yayakap sa tatay nang biglang dumating si Lance)

LUIS: Mahal ko din kayo Tay… salamat sa pang-unawa!

LANCE: Kuya! Andito na ako… nagkamali ako kuya… babawi ako saiyo… sana mapatawad mo pa ako… (lalapit si Lance sa kuya) … kuya!

LUIS: Kung ang Diyos nagpapatawad sa lahat ng ating pagkakasala. Ako pa kaya… (yayakapin si Lance) - namiss kita! Huwag ka ng aalis! (Tatango si Lance)

 

NARRATOR:

Sa ating buhay, mahirap nating tanggapin na tayo’y nagkamali; mahirap ding tanggapin na tayo ay nagkasala. Si Jesus habang nakapako sa krus ay kanyang nasambit, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Kaya kahit anuman ang ating ginawa o nagawa, mapapatwad tayo ng Diyos. Tayo’y pinagpala dahil mayroon tayong mahabaging Ama na handang magpatawad sa ating mga kasalanan. Binigay niya ang kanyang bugtong na Anak upang mamatay sa Krus para tubusin tayo sa ating mga kasalanan. Dahil sa kanyang ginawa sa krus, maaari na ang tao ay magkaroon ng buhay na walang hanggan. Kailangan lang na aminin natin na tayo ay nagkasala, humingi ng tawad sa ating pagkakasala at tanggapin na si Jesus ang tagapagligtas lamang.

 

Monday, November 6, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "HANGGANG WAKAS" (LAST DAYS)

 

HANGGANG WAKAS

By krisha412

November, 2023

 

Narrator:

May mga bagay tayong pinagdedesisyunan sa buhay na kahit anupaman ang mangyari ito’y pinaninidigan natin lalong-lalo na kung ito’y nasa tama. Pero paano pag dumating sa punto ng buhay natin na dahil sa matinding kahirapan, at pagtitiis ay hindi na nating kayanin pang manindigan sa tama. Sabi sa bibliya, “Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas” Sa huling panahon kaya pa ba nating manindigan? Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang “HANGGANG WAKAS.”

 

 SCENE 1: CRISTINA IN JAIL

(Puno ng sugat si Cristina at duguan)

CRISTINA: (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Huwag! Tama na! Maawa kayo!!!

SUNDALO1: Hindi kami titigil hangga’t hindi ka sumusuko at umayon sa gusto namin! Oh ano! Magpapatatak ka na ba? Hindi ka na maniniwala na si Kristo ang tagapagligtas!

CRISTINA: Hindi! Hindi ako susuko!

SUNDALO1: (sasampalin si Cristina) Ganon ha! (magdurugo ang bibig ni Cristina at siya’y patuloy na iiyak)

CRISTINA: (bubulong si cristina) Panginoong Hesus tulungan ninyo ako!

SUNDALO2: Oh, may binulong oh!

SUNDALO1: Ano! Ano ang narinig ko “Panginoon” binulong mo pa, ayaw mong marinig namin no! Kasi pag narinig ko dagdaggan ko ang pahirap saiyo… Sorry ka na lang dahil narinig ko

SUNDALO2: kukunin ko na ba ang punyal natin?

SUNDALO1: Sige kunin mo (aalis ang sundalo2) Alam mo ba (hahawakan sa mukha) Hindi ka na maghihirap kung susuko ka… tingnan natin kung ano ang magiging desisiyon mo dito..maghintay ka lang…

CRISTINA: (umiiyak) Maawa ka! Pakiusap….

SUNDALO2: ito na ang punyal natin… pinainitan ko na yan kanina pa…

CRISTINA: (makikita ni Cristina ang punyal at siya’y mapapasigaw) Huwag! Huwag ninyong gawin yan! Maawa kayo!!!

SUNDALO1: (Kukunin ang punyal) Wow! Ang talim nito…. Subukan natin dito sa kamay! (Kukunin ang kamay ni Cristina, magpupumiglas ngunit hindi niya rin kayang lumaban, hahawakan siya ng mga sundalo)… Subukan lang natin ng konti sa kamay para maramdaman mo ang sakit…

CRISTINA: Huwag! Huwag! … (iiyak ng malakas at magdurugo ang kamay)

SUNDALO1: Sa kabilang kamay naman para maramdaman mo pa lalo… (kukunin ang kabilang kamay)

CRISTINA: Huwag!...Tama! Tama na! Susuko na ako (iiyak)

SUNDALO2: OH sa wakas!

SUNDALO1: Ano sabi mo? Magpapatatak ka na ba?

CRISTINA: Oo… magpatatak na ako (pabulong)

SUNDALO1: ILAKAS MO!

CRISTINA: OO!!!… MAGPATATAK NA AKO!!! (sisigaw na may pag-iyak))

 

 (lights off)

SCENE 2: ROWELL IN JAIL

(Puno ng sugat si Rowell at duguan)

ROWELL: (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Tama na! Tama na!!!

SUNDALO1: Nakikita ko sa hitsura mo Hirap na hirap ka na! Kawawa ka naman! Yang mukha mo marami ng sugat. Masakit ba to? (biglang pipisilin ang mukha)

ROWELL: Ahhh (mapapasigaw)

SUNDALO2: Ang tigas talaga nito no! ang dami na nating ginawa sa kanya … ayaw pa rin sumuko at magpatatak…

SUNDALO1: Alam mo ba yong kasama mong kristiyano daw na babae? Ayon nasumuko na… Maganda na buhay niya… lumaya na siya… alam namin na ganon din mangyayari saiyo, susuko ka rin di ba? (biglang susuntukin si ROwell) Di ba? … sumagot ka!!!

ROWELL: Hindi… Hindi ako susuko Hindi ako magpapatatak!!! Ayaw kong magdurusa nang habang buhay sa impiyerno…Alam mo mas gugustuhin ko na pansamantalang mahirapan dito sa lupa kaysa habang buhay akong magdusa sa impiyerno… Naniniwala ako sa Diyos at siya ang magliligtas sa akin kaya kahit anong gawin ninyo… HINDI AKO MAGPAPATATAK!!!

SUNDALO2: Ang yabang mo ahh! (bubugbugin ulit si Rowell)

SUNDALO1: Tama na yan… balikan natin siya… magtatanda na yan.. at least ngayon may na-accomplished tayo…

SUNDALO2: Oo nga… sumuko na ang babae…

SUNDALO1: Pahinga muna tayo!!!

(maiiwang mag-isa si Rowell at hinang-hina)

(lights off)

 

SCENE 3: CRISTINA’S HOUSE

(Mababanaag kay Cristina ang pinanggalingang hirap… may benda ang kamay at mga bandages ang mukha)

JEFF:  Cristina! Cristina! (Makikita ang hitsura ni Cristina at Yayakapin si Cristina sa awa).. Grabe talaga pala ang pinagdaanan mo no?

CRISTINA: Hindi mo lang alam ang lahat ng pinagdaanan ko… Sobrang sakit…

JEFF:  Pasensiya ka na hindi ako nakadalaw ha sa ospital…

CRISTINA: Okay lang…

JEFF:  nandoon ako pero bawal ang bisita eh…may mga sundalong nakabantay…

CRISTINA: Ganon ba?

JEFF:  Oo… ganon kahigpit… pero noong nabalitaan ko na nakauwi ka na… agad-agad pumunta ako dito sainyo.. Nabalitaan ko ang mga nangyari sayo… Binabalita sa TV ang lahat ng mga taong nagrebelde para hindi pamarisan… Alam mo awang-awa ako saiyo nang makita kita…

 

JEFF:  Pero at least ngayon… nakalabas ka na ng hospital… ang tagal mo ding naconfine, pero ngayon okay ka na…puwede ka na lumabas labas na hindi iniisip na may huhuli saiyo…Oh ito ang daming grocery ahh… saan galing?

CRISTINA: May pa-ayuda ang gobyerno sa mga sumuko…

JEFF:  Wow… galing ahh… ngayon okey na ang buhay mo… (hindi iimik si Cristina)

Teka… isa pala sa dahilan kaya ako nandito ay may good news sabi ni boss puwede ka na daw bumalik sa trabaho basta umayos na pakiramdam mo… Ano masasabi mo? (hindi iimik si Cristina…aakbayan si Cristina) Okey ka lang?

CRISTINA: Okey lang… salamat ha.. babalik na ako sa dati kong ginagawa! (malamlam ang boses)

JEFF:  Hindi ka masaya…Alam ko iniisip mo pa rin ang pinili mong desisyon…

CRISTINA: Oo… naisip ko dahil sa sobrang hirap ng naranasan ko, sumuko ako…Isinuko ko ang langit sa hirap na naranasan ko… Hindi ko na kasi kaya…

JEFF: Wag kang mag-aalala magiging maayos na buhay mo… natin!

CRISTINA: Sigurado ka? …pero paano ang darating na wakas?

JEFF:  Wag mo nang isipin yon… Malay mo naman na hindi totoo yong sinasabi ng ibang kristiyano sa bibliya… mali lang ang interpretasyon nila kaya huwag kang mag-aalala doon…

CRISTINA: Mali ang interpretasyon nila at tayo ang tama? Hindi nga tayo nakapagbasa ng bibliya eh, paano mo masasabi yan… Alam ko pinagagaan mo lang loob ko pero hindi mo maikakaila ang nangyayari…Jeff, Hindi mo ba nakikita? masdan mo ang paligid… may mga lindol na nangyayari, mayroon ulit matinding virus na lumalaganap ngayon… at may posibleng matinding giyerang darating kung kakalas ang presidente sa treaty…

JEFF:  Cristina… sa ganyang usapin, wala na tayong magagawa…

CRISTINA: Oo nga wala na tayong magagawa (iiyak)… Ang malungkot lang… (hihikbi na halos hindi makahinga sa pagpigil ng iyak) Hindi ko na makikita si ate at si Abie…. Nasa langit sila samantalang ako… pagdurusa ang pupuntahan ko…

JEFF:  Cristina… Tama na… harapin muna natin ang kasalukuyan… (aakbayan si Cristina)

 (lights off)

 

SCENE 4: CRISTINA & LARA

(Kumakain si Cristina sa lamesa at bigla siyang may narinig na kaluskos at mahinang katok ng pinto)

CRISTINA:  Sino yan? Tatayo at titingin… Sino yan?

LARA:  Ako to… si Lara, kaibigan mo… (pabulong) Nakauwi ka na? Kumusta ka na? (yayakapin si Cristina pero hindi ito yayakap…hindi magrereact si Cristina).. Namiss kita… ANo na?

CRISTINA:  Okay lang…

LARA:  Andami mong pagkain… ang sasarap… (uupo at titikim ng pagkain sa sobrang gutom… samantalang si Cristina ay tatalikod at hahawakan ang phone)… Teka… (mag-iisip) …Maayos na buhay mo… hindi ka na nagtatago… huwag mong sabihin na … huwag mong sabihin na …. (puputulin siya ni Cristina at sasagot)

CRISTINA:  Oo… sumuko na ako…

LARA:  Bakit?

CRISTINA:  Bakit? Alam mo ba ang hirap na dinaranas ko?... Sobrang pahirap ang ginawa nila sa akin… Grabeng parusa ang ginawa nila at araw araw akong umiiyak sa sakit… Yong balatan ka ng buhay ay hindi ko na nakayanan… (iiyak)

LARA:  Naiintindihan ko… pero Sinabi ng Bibliya na ang manatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas…

CRISTINA:  Ang galing mong magsalita at magsabi ng Bible…Hindi mo ako maiintindihan… Paano mo ako maintindihan eh hindi mo naman naranasan…

LARA:  Alam mo Marami kaming naranasang paghihirap sa pagtatago pa lang…

CRISTINA:  Wala yan sa kalingkingan ng naranasan ko…Kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat….

LARA:  Pasensiya na kung ang dating sayo ay hindi kita naiintindihan… pero naisip ko na gustong-gusto mong makasama sa langit ang mga mahal mo sa buhay… Hindi nila naranasan ang kahirapan na ito ngayon kasi maaga nilang nakita ang katotohanan at nanampalataya sila at tinanggap si Kristo bilang Panginoon at tagapagligtas…Isang araw bigla na lang silang nawala, sila ate mo, Abie at ang mga magulang ko…ito ang katuparan ng sinasabi sa bibliya na tinatawag ding rapture… Sabay tayong nangako na huwag tayong magpapatatak para makasama natin sila sa langit…Ngayong nagpatatak ka na… Paano na yan?

CRISTINA:  Yon ang kalungkutan ko… kaya gusto kong maranasan mo ang naranasan ko…

LARA:  Ano ang ibig mong sabihin? …

CRISTINA: andiyan na sila… (biglang aalis si Lara ngunit dumating ang mga sundalo)

LARA:  Bitiwan ninyo ako!!!

SUNDALO1: sumama ka sa amin!!!…

LARA:  Bitiwan ninyo ako!!! Bakit mo ako sinuplong, Cristina… kaibigan kita… bakit?

CRISTINA: Para maranasan mo ang naranasan ko…

LARA:  Bitiwan ninyo ako!!!… Cristina hindi kita gagayahin…Magtitiis ako hanggang wakas!

CRISTINA: Tingnan natin… (pupunasan ang luha)

 (lights off)

 

SCENE 5a: (STREET SCENE)

(Nagkakagulo ang mga tao sa lindol na nangyayari … si Cristina at Jeff ay nasa daan at piliit na umiiwas sa mga taong nagkakagulo at bumabagsak na mga bagay… nagkahiwalay sila ng daanan)

CRISTINA: Ahhhhhhhhhh (sisigaw)

(lights off)

 

SCENE 5b: (hospital scene)

JEFF: Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakabisita… may sakit din kasi si mama… wait ko yong result ng CT scan niya … kumusta ka na?

CRISTINA: Hindi ko maigalaw ang isang paa ko. matindi ang pagbagsak ng pader sa paa ko kaya ganito…

JEFF: nkausap mo na ba ang doctor? ano daw sabi?

CRISTINA:  Need daw putulin ang isang paa ko dahil sa impeksiyon… Pero need ko daw mag laboratory test para sa ibang nakita nila sa lungs ko…kasi kagabi hindi ako gaano makahinga, parang may nakabara…Nakakalungkot… ang daming ganap sa buhay…

JEFF: Oo nga…ang daming nangyayari… ako din eh.. yong nararamdaman ko matitiis ko pa pero ang makita ko ang pamilya kong maysakit din at naghihirap… parang hindi ko kakayanin…

CRISTINA:  Ipinagpalit ko ang pansamantalang kaginhawaan sa paninindigan kay Kristo pero ang dulo din ay kasawian…

JEFF: Ako… pinili ko ito para sa aking pamilya…ayaw ko silang maghirap at magutom pero sa dulo ganon din ang nagyayari… mali ako!! (iiyak)

CRISTINA:  Sa simula pa lang sana… nakinig na ako kay ate at nanampalataya na ako kay Kristo… Wala sana ito… 

JEFF: Ang masakit..wala na tayong magagawa… (biglang darating ang doctor at mga hospital crew)

DOKTOR: Kailangang ilipat siya sa isolation area…

JEFF: Bakit doc?

DOKTOR: Nakitaan sa lab test niya na mayroong virus na dumapo sa kanya… Wala pa tayong gamot sa kasalukuyan…

JEFF: Cristina paano yan?

CRISTINA:  Kagaya ng sabi mo…wala na tayong magagawa… Paalam… (iiyak)

 (lights off)

 

SCENE 6: (JAIL scene)

(Puno ng sugat si Rowell at duguan nang makita siya ni Lara)

LARA: Bitiwan nyo ako!!!

SUNDALO1: Huwag kang maingay… yan tingnan mo… baka kilala mo… magagaya ka sa kanya kung hindi ka susunod sa amin… (lalapit si lara kay Rowell)

LARA: Sobrang pahirap ginawa nila saiyo… ikaw ba si Rowell? (tatango lang si rowell) Pinapanalangin ka namin… huwag kang susuko ha… (mangiyak-ngiyak ang boses)… Naghihirap ka man ngayon, darating din ang kaginhawaan sa langit na bayan…. Basta Huwag ka lang susuko ha…

SUNDALO1: Tama na yang drama na yan… titingnan ko kung masasabi mo pa yan sa susunod na mga araw… dalhin mo na yang babaeng yan sa security room…

SUNDALO1: (lalapit kay Rowell) Oh ano…(hihilahin ang buhok ) susuko ka na? Huling huli na ito…

ROWELL: Ahhh…

SUNDALO1: Alam mo sa lahat ng nakulong dito… ikaw ang pinakamatigas ang ulo… (babatukan si Rowell  at darating ang sundalo2)

SUNDALO1: Siguradong kang nakakadena ang gate baka makalabas ang babae…

SUNDALO2: Huwag kang mag-alala…sinigurado ko…

SUNDALO1: Bigyan na natin ng ultimatum ito ang lalaking ito…

SUNDALO2: Sa hitsura pa lang niyan… hindi na niya kakayanin…susuko na yan..di ba? (lalapit at susuntukin si Rowell… biglang babagsak si Rowell… hindi na niya kayang tumayo)

SUNDALO1: Kunin mo ang ultimatum natin… (kukunin ng sundalo2 ang punyal)… hindi kita sasaksakin… dahan-dahan kitang susugatan… (kukunin ang paa ni Rowell at susugatan)

ROWELL: Sisigaw… ahh …Huwag…Tama na!!!

SUNDALO1: Oh.. ano magpapatatak ka na ba? Isusuko mo na ang paniniwala mo kay Kristo bilang iyong tagapagligtas?... Magsalita ka!!!

ROWELL: (Sisigaw) Hindi… Hindi ako susuko… hindi ako magpapatatak.. Hindi ko ipagpapalit ang buhay na walang hanggan sa walang katapusang paghihirap sa impiyerno…MANANATILI AKONG TAPAT HANGGANG WAKAS!

SUNDALO1: Ganon ha… sige ito pa…(susugatan si Rowell ngunit wala ng pagsigaw)

SUNDALO2: Hindi na umiimik…(titingnan ang pulso) patay na siya sir…

SUNDALO1: Itapon na yan… Papuntahin mo muna yong babae para makita niya ang mangyayari sa kanya kung hindi siya susunod… (darating si Lara)

LARA: Rowell! Rowell! Gumising ka!

SUNDALO2: Wala na… patay na yan

SUNDALO1: Pinakita namin sayo para Makita mo ang sasapitin mo pag hindi ka sumunod sa amin…

LARA: Rowell! Hindi man kita nakilala ng lubos pero nagpapasalamat ako saiyo dahil nagtiis ka… nagtiis ka hanggang wakas… Hindi mo lang alam na naging ehemplo ka sa akin para patuloy akong magtiis para sa langit na bayan!  Salamat!!

SUNDALO1: Tama na yan… Ilabas na ang bangkay…

(lights off)

 

 SCENE 7a: (hell scene- left stage with red lights and music background)

 CRISTINA:  Nasaan ako! Ang dilim... Patay na ba ako>… Bakit ang init…bakit ang init… Patay na ako… kung patay na ako…bakit nararamdaman ko ang init… ang andaming naghihiyawan… ayaw ko dito…(iiyak)… wala na ba talagang labasan dito? Totoo pala ang Bibliya… ibig sabihin nasa impiyerno ako.. kung may impiyerno, may langit din… May naaalala pa rin ako…Ate… Abie… hindi ko na kayo makikita kahit kalian…yon ang mas masakit…. SANA NAKINIG AKO saiyo Ate! Sana binigyang pansin ko ang espirituwal ko ang kaluluwa ko… SANA NAGTIIS AKO HANGGANG WAKAS!... ayaw ko dito… AYAW KO DITO (sisigaw)

  

SCENE 7b: (heaven scene- right stage)

ROWELL: Nasaan ako? Ang ganda ng paligid…Patay na ba ako? Wala na ako sa kulungan… Kakaiba ang pakiramdam ko, wala na akong nararamdamang sakit… ang gaan din ng pakiramdam ko ngayon… Teka…Anong liwanag yon?  Panginoon …SALAMAT SA PANGAKO MO… totoo ang bibliya… Nagkamali man ako ng desisyon noong una na hindi ako naniniwala ngunit namulat ako sa mga pangyayari… AT

HiNDI SAYANG ANG PAGTITIIS ko HANGGANG WAKAS

 

Narrator:

Marami man tayong kapighatian at pagdurusang mararanasan dito sa mundo ngunit may pangako siya na papahirin NIYA ang bawat luha s ating mga mata. Wala ng kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay. Ang mga pangakong ito ay mangyayari lamang kung tayo’y tatalima sa ibinibigay na libreng kaligtasan na KANYAng iniaalok sa atin. Magsilbi nawang paalaala sa atin ang dulang ito para magbigay sa atin ng paninindigan na sundin ang tama na nakasaad sa bibliya.

 

REMEMBER WHO YOU WERE (HEBREWS 2:13-15)

  REMEMBER WHO YOU WERE Bible Passage: Hebrews 2: 13-15 Lesson Prepared by: krisha of Solomon Wisdom FB page Lesson ideas taken: LESSON KE...