CHRISTIAN TAGALOG DRAMA SCRIPT TITLED "PINAGKAITAN NG LIWANAG " by krisha412
PINAGKAITAN
NG LIWANAG
Narrator: Dahil sa sistema ng
mundong ito hindi natin maiwasan ang tumingin at makita ang mga bagay na gusto
at tanggap ng sanlibutan… Ito ang karamihang kadahilan na kung bakit ang mga
tao ay hindi makita ang tunay na liwanag ng kaligtasan… Sana sa mga nakasumpong
ay hindi ito magbigay ng takot o dahilan sa atin para pagkaitan sila ng
liwanag… At magsilbi itong pasasalamat sa
ginawa ng Dios sa atin mula noon pa man hanggang ngayon… Panoorin po
natin ang dramang pinamagatang… ‘PINAGKAITAN NG LIWANAG
CAST:
BEN:
Pastor Larry
Dimaandal
JENNY:
Mary Ann Osorio
DERECK;
Rodemir Anilao
NARDO
(TATAY): Bernard Llamado
CARLA:
Neizel Pascual
DOKTOR:
DIRECTOR:
Scene
1: Hospital setting
(Tunog
ng ambulance)
Darating
si Ben na mukhang humahangos
BEN: Ano
nangyari? Carla, Jenny ano ang nangyari kay kuya?
CARLA:
Kuya, nabunggo ng trak ang kotse ni kuya Carlo… nasa loob siya ng operating
room ngayon….
BEN:
Anong sabi ng doctor?
JENNY:
Hinihintay pa namin ang doctor…
CARLA:
Kumusta na kaya si kuya… (mukhang mag-alala ang lahat at maghihintay ng
sandali)
JENNY:
Oh..andyan na ang doctor …
BEN:
dok? Kumusta na ang kuya ko?
DOKTOR:
Nasubukan na namin ang lahat… wala na kaming magagawa… Bumigay na ang katawan
niya…
CARLA:
Patay na si kuya.. Paano yan? (napapaluha)
Jenny: wala
na si kuya (iiyak)…
BEN:
Dok sinubukan na ba ninyong irevive?
DOKTOR:
Nagawa na din namin (tatalikod na ang doctor)
BEN:
Hindi puwede (tatakbo sa operating room)…Kuya… kuya… pakiusap gumising ka… may
sasabihin pa ako saiyo… hindi puwede ito… kuya… KUYA!!! (pasigaw)
(MUSIC
BACKGROUND)
Scene
2: House
BEN: Oh.. napasyal ka…may problema ba?
JENNY:
Kuya concern lang ako may gusto lang akong itanong….Nakita ka raw ni Carla na
sumisigaw sa kabilang barangay at may hawak na Bible.. Nagbago ka na ba ng
relihiyon?
BEN:
Hindi naman relihiyon ang pinag-uusapan sa buhay na ito…
JENNY:
Kuya sana ung tanong ko lang ang sagutin mo…
BEN:
Hindi na ako nagsisimba sa dati … Relasyon sa Panginoon ang mahalaga..
JENNY:
Nababaliw ka na ba kuya? Alam mo ba ang pinagsasabi mo…Paano na ang
pananampalataya na kinagisnan natin…
BEN:
Sana igalang ninyo ang ginagawa ko ngayong paglilingkod … pero may sarili na
akong pagpapasya…Dito ko nakita ang kasagutan sa mga katanungan ko…
JENNY: Yon na nga eh, alam ko ang pananaw ng kuya sa
ganyan… kya pinapa-alalahanan lang kita, … nawala lang ang kuya.. nag- iba ka
na..
BEN:
Hindi… buhay pa si kuya noong nagbago ako ng dinadaluhan… noong nasa Manila
palang ako…nainvite na ako ng isang kaibigan sa isang gawain na nagpapaliwanang
ng Bibliya..
JENNY:
So matagal na pala… hindi namin alam.. Alam mo…siguro kaya nawala ang kuya
dahil sa pagbabago mo ng pananampalataya… Pinaparusahan na tayo ng Dios…
BEN:
Hindi.. lahat tayo ay may kanya-kanyang oras ng pagkawala sa mundo… Nauna lang
si kuya… May purpose ang Panginoon sa lahat ng nagyayari sa atin..
JENNY:
Alam mo kuya hindi mo talaga alam ang pinagsasabi mo, parang ka ng nababaliw? Natatakot
ako para saiyo.. Alam na ba ito ng Mama at Papa? ikaw pa man din ang ina-asahan
na magpapatuloy ng sinimulan nila.
BEN:
Alam ko… Ngayon naghahanap pa ako ng pagkakataon para masabi ko, pero sigurado
ipapa-alam ko sa kanila…
JENNY:
Yan ang wag na wag mong gagawin… Baka mahigh-blood si Papa saiyo… Alam mo naman
ang pamilya natin…
BEN: Kilala ko ang pamilya natin pagdating sa
pananampalataya, pinaglalaban ito at ikinamamatay kaya halos natakot ako sa
maaring sabihin at gawin sa akin ni kuya noon kya di ako nagsalita… Pero mali ang ginawa ko… dapat nalaman
niya…Nang mamatay si kuya… hindi ko nasabi sa kanya ang katotohanan ng
kaligtasan kaya ayaw ko ng itago.. Gusto kong ipakita ang liwanang na mayroon
ako…
JENNY:
Ang baduy mo kuya… Anong liwanag yang pinagsasabi mo… Hindi ko rin naman
matatanggap yan.. Umayos ka kuya baka Makita na lang kita na isa ka sa mga
baliw a kalsada. Nakkabaliw talaga ang ginagawa mo.. Basta wag mong sasabihin
kay Mama at Papa.. MAKAALIS NA NGA!
(AALIS
SA STAGE… Maiiwan si Ben na nag-aalala tapos aalis din sya sa stage)
Scene
3:
DERECK:
Nagulat ako sa nabalitaan ko tungkol sa nangyari sa kuya mo…Condolence bro!
BEN:
Salamat…
DERECK:
Kumusta ka na?
BEN:
Masakit ang kalooban ko ngayon… Alam mo ba kinabahan ako at natakot nang
malaman ko ang nangyari kay kuya… agad-agad akong pumunta sa hospital… para
makita ko kalagayan nya at para na rin masabi
ko sa kanya ang dapat niyang malaman.. akala ko mahahabol ko pa at mamakausap
ko pa sya… Alam ko naman na lahat tayo ay mamamatay din pero hindi ko naisip na
noong araw na iyon mawawala si kuya… Huli na ang lahat Dereck.. huli na
(iiyak)…
DERECK:
Naiintindihan kita bro. (lalapitan si Ben)
BEN:
Ang masakit doon matagal ko na ring alam ang kaligtasan pero kahit minsan hindi
ko naibuka ang bibig ko patungkol sa kaligtasan…Hindi ko nasabi sa kanya na may
impiyerno at langit na siguradong puwedeng pupuntahan ng tao pag namatay.. at
hindi ko rin nasabi na may higit na nagmamahal sa kanya.
DERECK:
Kung hindi mo man nasabi sa kanya ang kaligtasan.. sigurado akong may ginamit na
iba ang Panginoon para malaman nya…
BEN:
Yon nga ang mas masakit eh.. Hindi ako nagpagamit sa Panginoon para magbahagi
ng ebanghelyo o gumawa man lang ng paraan na kung tutu-usin
ako ang dapat gumawa noon… Ako dapat (iiyak)…
DERECK:
Wala na tayong magagawa pa sa ngayon…
BEN:
Ako dapat ang ginamit para makita ni kuya ang
liwanag.. Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon.. ang nararamdaman ko… Parang
pinagkaitan ko sya ng liwanag..
DERECK:
Minsan hindi natin ginagawa ang isang bagay dahil alam natin marami pang
pagkakataon pero hindi natin naiisip na hindi natin hawak ang buhay ng tao..
Isa itong paala-ala saiyo na dapat gawin ang tama… Hindi man natin masigurado kung nasaan ang
kuya mo ngayon.. ang tingnan mo yong ibang
miyembro nyo pa sa pamilya…Huwag mo ng piliing maging tahimik pa.. Gawin mo na
ang dapat bago pa mahuli ulit ang lahat!!!
BEN:
Tama!... Salamat bro…
DERECK:
Marami ka pang aayusin…
(AALIS
SA STAGE AT MUSIC BACKGROUND… UNANG PUPUNTA SA STAGE SI BEN… DARATING DIN SI CARLA)
(MUSIC
BACKGROUND)
Scene
4:
CARLA:
Oh, napasyal ka kuya!
BEN:
Nangungumusta lang…Kagagaling ko lang sa misyon…Nasaan pala si Jenny?
CARLA:
Pinapasok sila sa work ngayon kahit holiday…
BEN:
Magpapa-alam lang din sana ako, luluwas kasi ako ng Manila, mag-aaral ng Bible
School, medyo matatagalan bago ako makakauwi..
CARLA:
Ok! (Hindi matitinag sa ginagawa)
BEN:
May tatanungin pala ako saiyo… Bakit hindi mo hinintay na ako ang magsabi kila
Mama at Papa?
CARLA:
Ah.. yon ba… Ayaw mo yon kuya natulungan na kitang magsabi sa hindi mo
masabi-sabi noon pa.
BEN:
Ako ang involved doon, dapat ako ang nagsabi at naipaliwanag ko mabuti… Lumuwas
ako sa atin at hindi ako pinapasok sa bahay…
CARLA:
kahit na maipaliwanag mo pa ng mabuti kuya, hindi ka pa rin tatanggpin nila papa..
BEN:
Mas maganda pa rin na ako ang magsabi..
CARLA:
Eh di sorry na…
BEN:
Mayroon pa akong tatanungin saiyo… Bakit iniwasan mo ako noong pumunta kami sa
school nyo noong isang linggo?
CARLA:
Hindi naman ah..
BEN:
Huwag ka ng magsinungaling
CARLA:
Hindi kita iniwasan kuya!
BEN:
Kuya mo ako, huwag kang magsisinungaling!
CARLA:
Hindi kita iniwasan!!! Ayaw ko lang makita ko ang kuya kong kahiya-hiya ang
ginagawa sa harap ng mga tao…
BEN:
Kung sainyo kahiya-hiya ang ginagawa kong pagsi-share ng Bible sa mga tao sa
akin hindi…
CARLA: May religion na tayo kuya!
BEN:
Hindi relihiyon- relasyon… Alam mo na bang may ino-offer ang Dios na buhay na
walang hanggan…
CARLA:
Tama na yang ganyan kuya…hindi pa ko mamamatay
BEN:
Kailangan mong malaman…
CARLA:
Tama na ( Isasarado ang tenga)
BEN:
Bahala ka…At eto pa pala…Alam mo ba ang lalong nagpadagdag ng sakit sa
akin…yung hindi mo ako pinakilalang kapatid mo sa mga kaibigan mo..
CARLA: Yong religion natin kuya, hindi ginagawa yan, ayaw ko lang maging kahiya-hiya… Naisip mo rin sana na naging kahiya-hiya kami
sa ginagawa mo…
BEN:
Wala akong magagawa sa pananaw mo..pero ang hinihingi ko lang respeto bilang
kuya mo… Aalis na ako… Baka makabalik rin ako dito bago lumuwas.
Scene
5:
JENNY:
Oh kuya, luwas ka daw… at mag-aaral pa
sa Bible School?
BEN:
Oo nga.. Dumaan lang ako bago para magpa-alam na din sainyo, wala ka kasi noong
pumunta ako dito..
JENNY:
Nagpapa-alaala lang ako kuya sa mga pinapasok mo lalo ngayon alam na ng mga
magulang natin… (lalapit si Ben at may ibibigay kay Jenny)…. Ano ito? ( biglang
sasabat si Carla)
CARLA:
Eh ano pa eh di tungkol na naman sa
relihiyon nya
BEN:
May mga bagong libro kasing dumating… Magandang babasahin yan… subukan mo…
CARLA:
Ayan na naman… makaalis na nga!!!.(aalis
na si Carla sa stage)
BEN:
Ingat ka…
JENNY:
Oh! Carla Maagang umuwi ha!!
CARLA:
Try ko
JENNY:
(titingnan niya ang binigay ni Ben) Ano ka ba naman kuya… Iniinsulto mo ba ako?
Sa iba mo na lang ibigay yan!!!
BEN:
Try mo lang…
JENNY:
Ano ka ba…
BEN:
Wala namang mawawala saiyo.. Sige na
JENNY:
Ayaw ko niyan (itatapon)… Hindi ka ba
nagsisi o nahihiya sa ginagawa mong yan… Ultimong magulang natin hindi
ka tinatanggap ngayon… para kang itinakwil.. bakit ganyan ka?... Bakit mo
pinagpapatuloy ang kalokohan na yan kuya?
BEN: Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?...
Kalokohan ba ang nagbago ang buhay ko… Dati walang direksyon ang buhay ko…
Lango sa alak at puto babae ang ina-atupag ko… Ngayon nagkaroon ng direksyon at
purpose ang buhay ko.. saan doon ang kalokohan? Sabihin mo nga sa akin, ang
binagong buhay ba ay kalokohan?... (lalapit si Ben kay Jenny)… Kalokohan ba yon
ha?...(mangiyak-ngiyak)… Aalis na ako…
JENNY:
Kuya!! (Babaling si Ben)
BEN:
Pasensiya na sa abala saiyo!!!
JENNY:
Sorry!!! (TITINGIN SI JENNY KAY BEN HABANG PAPAALIS AT HINDI NA MARIRINIG ANG
PAGHINGI NG SORRY…PUPULUTIN ANG BABASAHIN NA TINAPON)
Scene
6:
JENNY: Anong
nangyayari saiyo? ( hindi umiimik si Carla at lalapit sya sa kapatid)… Umiiyak
ka ba? (babaling si Carla)… Maaga kang umuwi ngayon ah.. May nangyari ba sa
school nyo?
CARLA:
Wala
JENNY:
Eh anong problema?
CARLA:
Nakita ko si Jessica kanina sa daanan
JENNY:
Yong naka-away mo?
CARLA:
Oo
JENNY:
Oh, bakit nag-away na naman ba kayo sa daan?
CARLA:
Hindi ate… Nakita ko siya kung paano hilahin ng sasakyan ang katawan nya
kanina… Naglalakad siya at masayang kasama ang mga barkada niya tapos hindi
niya namalayan na nasabit ang bag niya
sa kotse at nahila siya….Ang bilis ng pangyayari..nakakbigla.. Patay na siya
ate… (iiyak)
JENNY:
Nakakalungkot nga… kawawa naman siya…
CARLA:
Punong-puno ng dugo ang katawan niya at laging sumasagi sa isipan ko ang
nangyari sa kanya… Bigla akong natakot at naalala ko ang mga sinasabi ni kuya
Ben sa akin… (iiyak) Natakot ako.. totoo ba yon ate? (tatango si Jenny)… Ikaw ate..
ano ang nagtulak saiyo para baguhin ang kinagisnan natin?
JENNY:
Bukod sa pagbabago ni kuya, narealize ko na kailangan ko talaga ng
tagapagligtas dahil nakita ko na di ko kaya sa sarili ko lang at hindi
relihiyon natin…
CARLA:
Sa totoo lang Ate…natatakot talaga ako (iiyak).. tulungan mo ako…
JENNY:
Oo tutulungan kita… Salamat sa Dios at bukas na ang puso mo… salamat sa mga panahon
ng pananalangin ko para saiyo..
Scene
7:
JENNY: Mabuti nakarating ka kuya, ngayon lang ulit tayo
nagkita…
BEN: Marami akong nabalitaan saiyo..salamat sa
Panginoon… Oh Carla, kumusta ka na?
CARLA:
Mabuti naman kuya…
BEN:
Mabait ka na ba?... joke lang…
JENNY:
Alam mo kuya pag binigyan mo siya ng babasahin… hindi ka nya hihindian..
BEN:
Oh… talaga!!!
CARLA:
Huwag kayong maingay marinig tayo ni Papa
BEN:
Nasaan pala si Papa?
JENNY:
Nasa loob siya ngayon…
BEN:
… puntahan ko muna pala si Papa… (lalapit
si Ben kay Nardo)
BEN: Pa…
NARDO:
Bakit ka nandito?... (strikto ang boses)
BEN: nabalitaan ko po ang nangyari sa inyo… Nag-alala
lang ako sainyo
NARDO:
Wag kang mag-alala… buhay pa ako…(strikto ang boses)
BEN:
Galit pa ba kayo sa akin? (Hindi iimik ang tatay)… Pa… sana maintindihan nyo na
ako… Pa.. hindi ibig sabihin na hindi ako sumunod sa inyo ay nilabanan ko na kayo..
Pa.. (lalapit sa tatay)… Pa (mangiyak-ngiyak)…
(biglang tatayo ang tatay)… Kilala nyo naman ako mula pa ng pagkabata…
Alam ko na marami akong nadalang problema sa pamilya natin… Naging basagolero
ako, hindi nag-aral ng mabuti at laman ako ng mga bar…Ngayon nagbigay na naman
ako ng problema sa inyo pero… Pa… problema ba
sainyo ang pagbabago ko? Hindi na ako basagolero, pinagpapatuloy ko na
ang pag-aaral ko at hindi na ako laman ng mga bar… PA… (iiyak)… binago na ako
ng Dios…. (Iiyak at mdyo matagal ang walang imikan)
…
Sa tingin ko hindi nyo pa ako handang kausapin… aalis na po ako… (aambang aalis
nang biglang matitigilan sa biglang pagsasalita ng tatay)
NARDO:
(strikto ang boses)…Galit ang umiral sa akin ng nalaman ko ang pagbabago mo ng
pananampalataya dahil alam mo naman kung gaano ko kayo minulat sa paniniwala
natin… Mula pa sa pagkabata naitanim na sayo yan… Hindi ko maintindihan… Alam
mo ba kung ano ang naisip ko… magbibigay ito ng kaguluhan sa simbahan natin…
Ano na lang ang sasabihin ng elders natin…
BEN:
Sorry po sa naidulot na ito sainyo…( darating si
jenny at may dalang tray ng pagkain… hihinto sa gilid)
NARDO:
(Mataas ang boses)…Ito na ang minulat na relihiyon ng ating ninuno at bago namatay ang lolo mo nangako ako na ipapagtuloy ko ang pagiging relihiyoso ng pamilya… masakit ito sa akin bilang ama… At pati si Jenny nadamay mo pa…
Nasaktan ako ng husto, sampal sa akin ang ginawa ninyo… Sa sobrang sakit
natikis kita na di kausapin ng maraming taon… Ginagawa ko iyon para saktan kita
sa problemang binigay mo sa pamilya natin pero sa ganong pagkakataon mas lalo
ko palang sinasaktan ang aking sarili.. Naisip ko rin itong paraan na baka may
pag-asa pa na bumalik ka sa dating pananampalataya… Nagkamali ako… (iiyak)… sa
tagal na iyon nakita ko ang pagbabago mo ng buhay…( umiiyak sa kasalukuyan si
Ben)… Ito ang nagbigay sa akin ng kaginhawaan ng kalooban na tama ang
pananampalataya mo… Alam mo anak, ayaw ko sanang aminin pero nakita ko ang
liwanag dahil saiyo…
BEN:
Salamat Pa… Antagal kong namiss ang boses nyo…. (aakap sa tatay)… salamat sa
Dios…isa itong magandang regalong natanggap ko…
NARDO:
Salamat saiyo…Huwag ka ng umuwi.. dito ka na kumain… (Tatango si Ben at
ngingiti.. darating si Jenny)
JENNY:
Meryenda muna tayo… (pagkababa ng tray.. aakbayin ng tatay si Jenny at biglang
papasok si Carla)
CARLA:
Oh.. nakakainggit sweetness ninyo…. Isama nyo naman ako..
Narrator: May mga bagay sa ating buhay na sa tingin
natin ito ang tama at ito’y pinaglalaban natin kahit anuman ang mangyari… At
minsan ito ang nagiging dahilan para hindi natin makita ang liwanag… Dahil
dito, may mga pangyayari na
pinahihintulutan ng Panginoon para maramdaman natin at makita ang tunay na
liwanag…At bilang pasasalamat huwag nating pagkaitan ang mga taong nais na
makasumpong ng liwanag…
The End
Gamitin po namin ang script for christian presentatio, kung ok lang p.. salamat 😇
ReplyDeleteGamitin po namin ang script for christian presentatio, kung ok lang p.. salamat 😇
ReplyDeletethank you for choosing this script... just give credits to the author
ReplyDelete