Posts

Showing posts from November, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "HANGGANG WAKAS" (LAST DAYS)

  HANGGANG WAKAS By krisha412 November, 2023   Narrator : May mga bagay tayong pinagdedesisyunan sa buhay na kahit anupaman ang mangyari ito’y pinaninidigan natin lalong-lalo na kung ito’y nasa tama. Pero paano pag dumating sa punto ng buhay natin na dahil sa matinding kahirapan, at pagtitiis ay hindi na nating kayanin pang manindigan sa tama. Sabi sa bibliya, “Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas” Sa huling panahon kaya pa ba nating manindigan? Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang “HANGGANG WAKAS.”     SCENE 1 : CRISTINA IN JAIL (Puno ng sugat si Cristina at duguan) CRISTINA : (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Huwag! Tama na! Maawa kayo!!! SUNDALO1 : Hindi kami titigil hangga’t hindi ka sumusuko at umayon sa gusto namin! Oh ano! Magpapatatak ka na ba? Hindi ka na maniniwala na si Kristo ang tagapagligtas! CRISTINA : Hindi! Hindi ako susuko! SUNDALO1 : (sasampalin si Cristina) Ganon ha! (magdurugo ang bibig ni Cristin