Posts

Showing posts from February, 2024

CHRISTIAN DRAMA: "MULING NASUMPUNGAN"

  MULING NASUMPUNGAN By krisha412 February, 2024   OPENING SCENE : (dark scene) (Background: Tumatakbo si Lance dahil may humahabol sa kanyang mga gangster na papatay sa kanya ngunit siya ay nakorner)   LANCE : (sisigaw) HUWAG NIYO AKONG PATAYIN!!!… huwag kayong mag-aalala mababayaran ko kayo basta huwag lang biglaan! Maawa kayo! Pakiusap! Huwag! Huwaggggg!!   (voice background) LANCE : Ako si Lance. Hindi ganitong buhay ang kinagisnan ko. Dati kong nakukuha ang mga bagay na nais ko. Ang katotohanan ay hindi ako naging mapagpasalamat at hindi nabibigyan ng halaga ang mga bagay na mayroon ako. Dahil dito, nasaktan ko ang mga taong tunay na nagmamahal sa akin, at higit sa lahat ANG AKING AMA. Nagising na lang ako na sa magulong buhay na ako mismo ang pumili. Gusto kong magkaroon ng pagkakataon na ayusin ang buhay ko. Iniisip ko kung kaya pa ba akong mapatawad ng aking ama sa hirap at pasakit na dulot ko sa aming pamilya? Ang mga maling desisyon sa buhay at mga kasal