Showing posts with label script. Show all posts
Showing posts with label script. Show all posts

Wednesday, November 13, 2024

MALAYA BA AKO? (TAGALOG CHRISTIAN MONOLOGUE)

 

MALAYA BA AKO?

MONOLOGUE @krisha412

November 2024

 

PASIMULA:

Isang napakahalagang karapatan ng tao ang kalayaan – walang sinumang humadlang o pumigil sa anumang naisin o gawin sa kanyang buhay. Malayang gampanan ang mga bagay na naisin. Ikaw at ako, nais makamit ang kalayaan. Bawat tao ay may karapatang mabuhay at magpasya anuman ang nais gawin at walang makakahadlang sa kanyang gawin ito. Ngunit sa mundong ating ginagalawan tila ba mayroon itong puwersa sa bawat isa sa atin na kumukuha ng lahat ng ating oras, ng ating lakas, ng ating kaalaman at lalong-lalo na ang ating buhay. Ang mundo ay punong-puno ng idelohiya; ideolohiya sa pagkakaroon ng maayos na pamilya, kung ano ang buhay na matiwasay, at kung paano magiging matagumpay ngunit ano nga ba ang mga basehan ng mga ito? Dahil dito, hindi na natin makita kung ano ang basehan ng talagang tama at mali. Saan ba ang Panginoon sa buhay natin o sa mundong ating ginagalawan? Gusto ng Diyos na palayain tayo sa mundong ito, palayain sa kasalanang gumugupo sa atin at nilalayo tayo sa KANYA. Ang katanungan ngayon sa ating mga sarili, MALAYA NGA BA AKO?

 

Background Music: (piano instrumental)

Voice over: Rafael Enriquez, you have been found guilty of First-Degree Murder and I sentence you to life imprisonment.

Sound effect: Police Screen Sound Effect & Jail door effect

Setting: Prison Cell

 

RAFAEL: (sisigaw) Hindi! Hindi ito puwede! Ayaw ko dito! Bakit ako nandito? Bakit!! (sigaw)…. Bakit nga ba ako nandito? (patanong)… Nakapatay nga pala ako! (iiyak) Bakit ko nagawa yon? (pupunasan ang mukha) Bakit Ninyo ako tinitingnan ng ganyan? Huwag Ninyo akong tingnan na parang napakasama kong tao. Bakit kayo ba, walang kasalanan? Walang perfect na tao, kagaya din ninyo ako pero mabait naman ako. Tumutulong din naman ako sa mga kasamahan ko. Nakagagawa naman ako ng kabutihan! Kilala nga ako sa lugar namin na madaling pakisamahan. Ako nga si Rafael Enriquez isang matalinong estudyante. Malapit na pala sana akong matapos sa kolehiyo, isang taon na lang pero nandito ako (mangiyak-ngiyak). Hindi na ako malaya. Naalala ko noong nasa labas ako, malaya kong nagagawa ang lahat ng nais ko. Malaya akong magparty kasama ang mga kaibigan ko at paminsan-minsan umiinom kami, malaya akong pumunta sa mall, malaya akong mag out of town, malaya akong pumunta sa eskwelahan at minsan tumatambay doon pagkatapos ng klase, malaya akong manood ng kahit ano at lahat ng gusto ko nagagawa ko (pause).

Ano? Tinatanong nyo kung nakakapunta ako ng simbahan? Hindi eh... Puwede naman akong pumunta; naalala ko inimbita ako dati kaya lang hindi ko siya nabigyan ng pansin. (pause) Bakit? Bakit Ninyo tinatanong? Sinasabi nyo ba na may oras ako sa iba pero sa Diyos wala! (garalgal na boses) Ganon ba ang ibig ninyong sabihin (mataas ang boses). Bakit kayo ba? May oras ba kayo sa Diyos? Eh halos pare-pareho naman tayo dito eh (maluha-luha)… Ang pagkakaiba lang natin malaya kayo (ituturo ang audience) at ako (ituturo ang sarili) nandito sa kulungan… Nakapatay ako (iiyak)… Pero tama lang yong ginawa ko… eh masama namang tao yong napatay ko eh… (pupunasan ang luha)

Anong sabi nyo, mali? Oo na!, nandito ako sa kulungan dahil may mali. Pero ano ang pagkakaiba ko sainyo?  Yong sa akin hayag ang kasalanan ko at kayo? Tago ang kasalanan Ninyo. Sinasabi ba Ninyo na ang pagkakaiba ay hindi ako humihingi ng tawad? Tama na nga! Ayaw ko ng makipagdebate sainyo basta ang alam ko may kabaitan naman ako…

Sa totoo lang hindi masaya ang hindi malaya. Masaya ba ako noong nasa labas ako? Oo naman malaya ako eh… (pause) Naalala ko tumatawa ako kasama ng mga kaibigan ko, nag eenjoy sa night out, andiyan ang pamilya  ko pero …(pause).. parang wala akong kapayapaan sa puso ko, walang direksiyon ang buhay at para akong may kulang sa buhay ko, may hinahanap ako na hindi ko alam kung ano. Pero pag pinag usapan ang nararamdaman ko ngayon parang walang pagkakaiba ang nasa  labas ako at sa nandito ako sa loob ngayon. Napapaisip tuloy ako, MALAYA NGA BA AKO noon?

(LIGHTS OUT)

 

BARABBAS: Nandito ako para ilarawan ang posibleng nararamdaman ni Barabbas sa bibliya. (Tatalikod muna ng ilang seconds at haharap)

Alam ninyo ako dapat ang nakapako sa krus na yon (ituro ang TV screen na may tatlong krus), yong nasa gitna na napapalibutan ng mga maraming tao: mga babae, mga pari, pariseo, andoon din ang mga nag-uusisang mga tao at iba pa. Lubhang ang mga tao ay masaya na panoorin ang mga ipapako sa krus. Andoon din dapat ako pero sa totoo lang hindi talaga ako sigurado na wala ako doon sa pagpapako dahil nabigla ako. Nakakagulat talaga dahil wala ako doon. Yong krus na yon para sa akin dapat (pause) pero hindi na sa akin ngayon…(pause, iiyak) sa KANYA (point your finger on top) sa KANYA na yon dahil MALAYA NA AKO!!! Siya ang ipinalit sa akin na dapat ako. Ang pangalan niya ay Hesus. Alam ninyo ang mga tao… sinisigaw nila ang pangalan ko PALAYAIN SI BARaBBAS kaya wala ako dapat dito. Dapat nagtatago ako at tumatakas para sa aking buhay. Yong krus na yon ay para dapat sa akin… Yong mga pako na yon sa akin din dapat. Pero sa isang iglap nakalaya ako. Paano? Paano ba ako nakulong at ano ang ginawa ko? Ibahagi ko sainyo sa maiksing paraan.

Alam Ninyo yong mga tao hindi na nagulat na nakulong ako parang alam na nila na yon ang patutunguhan ko sa buhay. Noong bata ako, pinuno ako ng gang at gustong -gusto ko ang ginagawa ko… lalong-lalo na ang maging pinuno. Pag may kapilyuhan at kaguluhan sigurado nandoon ako. Noong kabataan ko medyo okay pa ako pero noong tumanda na ako, mayroong lumapit sa akin at inalok ako na gumawa na mga bagay na kakaiba at naka-excite, para sa akin, at sinabing makakatulong ito sa aming bansa. Magkakaroon kami ng grupo at nagpaplano ng mga bagay tungkol sa mga Romano na nasa lupain namin. Sila ang kalaban ng aming nasyon, ang aming bansa. Gusto nilang gumawa ng grupo na susugpo sa mga Romano at balang araw marami pang kalalakihan ang hihimuking sumali sa grupo na ito. Kaya’t sumali ako sa grupo. Sinunod ko ang mga plano. Kalaunan naging pinuno nila ako. Naging matapang ako at malakas ang loob para sa aming adhikain. Nagawa namin ang mga bagay na hindi dapat. Nagnakaw kami at ako pa mismo ang naging pinuno nila dito. Isang araw plano naming atakihin ang caravan na galing sa Roma at ito’y punong-puno ng pera at mamahaling mga bagay. Magandang simulain ito para sa grupo na aming sinimulan. Ako ang pinuno dito ngunit may nagtaksil sa amin. Alam na nila ang pangalan ko at inaasahan na nila ako. Nakipaglaban ako at mayroon akong napatay. Nagising na lamang ako na ako’y nasa kulungan.

Alam ko na ang mga Romano ay hindi sasayangin ang oras na naisin nila na ako ay mamatay at mapako sa krus. Gagawin nila akong halimbawa sa mga tao para hindi pamarisan, ipapakita nila sa mga tao na papatayin ako. Alam Ninyo iniisip ko palagi kung ano na ang mangyayari sa susunod para sa akin. Nakakadena ang mga kamay ko, nakakulong sa hindi komprotableng lugar. Walang Liwanag na makikita pag ikaw ay hindi malaya. Maya-maya narinig ko ang mga yabag ng mga guwardiya, ang kanilang paglakad ay dinig na dinig ko sa tahimik kong kulungan . Ito na ang kinakatakutan ko- ang pagpako sa krus. Ngayon ko naramdaman ang takot sa kamatayan. Hinila nila ako ngunit dinala nila ako sa may hagdanan at hind isa labas na nandoon ang krus. Bakit kaya? Yon ang nasa isip ko. Maraming boses ng tao akong naririnig at mga sigaw. Nakaharap ko ang taong sinasakdal at tinanong ang mga tao kung sino ang papalayin. Tama ba ang dinig ko? Pangalan ko ang sinisigaw. Sabi nila PALAYAIN SI BARABBAS.

Alam Ninyo yong titulo na “SON of the Father” na sinasabi ng ibang tao sa Kanya. Ganon din ang ang ibig sabihin ng pangalan kong Barabbas. Ang ibig sabihin ng pangalang Barabbas ay “son of the father.” Parehas kami; kakatuwa di ba?  Ang mga tao kilalang-kilala nila ako. Alam din nila ang mga masasama kong ginawa. Pero Siya na sinasakdal, hindi Siya masama. Sino ang pipiliin ng mga tao? Alam ninyo ang tamang piliin ay Siya. Ako kasi ay nahuli at nahatulan na. Pero sinisigaw ng mga tao ang pangalan ko, “PALAYAIN SI BARABBAS, PALAYAIN SI BARABBAS!” Sa gaanong mga salita nag utos ang governador na palayain ako. Narinig ko ang mga katagang “PALAYAIN SIYA.” Ang mga kamay at paa ko ay tinanggalan sa pagkagapos. “MALAYA NA AKO! MALAYA NA AKO” Sa tingin Ninyo ano ang aking gagawin na malaya na ako? Hindi ko na kailangang ibahagi pa. Gusto ko ng umalis sa lugar na ito. Tatakbo at aalis sa lugar na ito. Pero habang bumababa ako nagsisigawan ang mga tao>>> Tama ba ang dinig ko… sigaw nila “IPAKO SIYA SA KRUS! IPAKO SIYA SA KRUS” Malaya ako pero yong isang SON OF THE FATHER ay ipapako sa krus. Mamatay Siya kapalit ko. Kahit sinong tao, masama o mabuti, mag-iisip na (pause)…SIYA ang mamamatay kapalit ko. Yong mga salita na yon ang nasa isip ko. KAPALIT KO SIYA!

Alam Ninyo ba yong pakiramdam na ikaw na yong mamatay tapos nakaligtas ka? Ano ang patunay ko na dapat ako? Tatlo ang krus na itinayo. Yong dalawa sa dulo ay mga kasamahan ko. Yong nasa gitna dapat ako (iiyak).  Alam ba Ninyo yong pakiramdam na may ibang TAONG umako ng lugar mo na kung tutuusin ay ikaw naman dapat dahil ikaw yong may kasalanan at yong ipinako ay inosente. ALAM BA NINYO YONG PAKIRAMDAM NG MALAYA?  

Pero ang katanungan ngayon MALAYA NA NGA BA AKONG TALAGA?

Thursday, May 30, 2024

MALING AKALA (christian drama script - True to Life)

 

MALING AKALA

By krisha412

May, 2024

 

 

SCENE 1: (background music na may record na boses ng iba’t-bang reasons sa pananambahan at ilang mga pananaw sa buhay)

 

VOICE 1: Sama ka naman sa church

VOICE 2: Titingnan ko ha… busy eh

VOICE 1: May event kami sa church, invite kita

VOICE 2: Hindi ako puwede eh

OTHER VOICES:

·         Hindi ko puwedeng iwan ang religion kong kinagisnan

·         Iisa lang naman ang Diyos

·         Lahat naman yan pare-parehas lang

·         Kahit hindi naman ako nagsisimba, alam ng Diyos ng mahal ko SIya.

VOICE OVER:

Ako si Velle. Marami akong paniniwala sa buhay na pinaninindigan ko. Pero lahat ba ng mga ito ay may basehan at dapat panindigan? Lahat ba ng kinagisnan ay tama? Lahat ba ng tinuro mula pa sa ating kamusmusan ay dapat tayuan? Lahat ba ng iniidolo natin ay dapat tularan? Hanggang saan hahantong ang ganitong kaisipan na walang makitang matibay na basehan. Tunghayan natin ang aking kuwento.

 

SCENE 2: (Pagkawala ng mahal sa buhay)

 

VELLE: Mama!!! Mamaaaa… (pasigaw)

(After ng sigaw lights on!)

VELLE: Wala na si Mama!!! (umiiyak)

PINSAN1: (umiiyak) Velle… nakikiramay ako velle…

VELLE: Maraming salamat po…. Wala na si mama!!! …. Wala na magluluto sa akin ng tsamporado pag maysakit ako… wala na magsasama sa akin kung saan-saan… Wala ng maghahatid sa akin sa school… wala na si Mama!!!

PINSAN2: Kahit bata ka pa, kaya mo yan! Pakatatag ka … kayo nila Papa mo! Andito lang kami.

PINSAN1: Kahit wala na si mama mo, mag-aral ka ng mabuti!

VELLE: Opo...  Yon po ang nais ko sa buhay makatapos ng pag-aaral at tumulong sa pamilya… yon lang ang alam kong purpose ko sa mundo!

PINSAN2: Matutuwa ang mama pag nakita kang maabot ang pangarap mo kung saan man siya naroon.

VELLE: Mabait si mama kaya alam ko nasa langit siya…

PINSAN1: Oo… pakatatag ka… kaya yan!

(LIGHTS OFF)

 

SCENE 3: (bahay)

 

VELLE: Papa… wala na pala si ate?

PAPA: Oo… lumuwas papuntang Velenzuela…

LANCE: Hindi ko man lang nakita or nag-paalam man lang… bakit daw po?

PAPA: Hindi ko alam…

VELLE:  Bakit ganon? Mag-kaaway po ba kayo? (Hindi iimik ang tatay) … Paano na ngayon Papa..wala na si mama? … (hindi pa rin iimik ang tatay at aalis papuntang kwarto- at kakausapin ni velle ang tatay) …Papa kumain na ba kayo? (hindi pa rin iimiik at malungkot ang mukha ng tatay na aalis)

(Mag-isang maiiwan sa stage, maglalakad ng konti at mag-iisip) Bakit kaya ganon? Bakit kaya maaga akong nawalan ng nanay? …Iniisip ko makakasama ko pa ang nanay ko hanggan sa makamit ko ang pangarap ko o kaya’y haggang sa pagtanda niya…babantayan at aalagan ko siya… parang ang bata ko naman para mawalan ng nanay (iiyak)… Pag nanay ang nawala sa tingin ko mahirap… Mama ko laging naiiwan dito sa bahay… naglilinis, nagluluto, nag-lalaba at nag-aasikaso sa lahat. Pag may sakit ako… wala ng magluluto sa akin ng lugaw (iiyak)… Kahit bata pa ako, marami akong katanungan sa isip ko… paano na wala si Mama? Sino na magluluto ng baon ni papa? Paano na pag may event sa school? Sino na makakasama ko? Mama… mami-miss ko kayo… Ma, sorry po pag makulit ako at matigas ang ulo ko…Hindi ko man nasasabi palagi pero sa totoo lang Mahal na mahal po kita!

SCENE 4: (school background)

(Magkakasalubong ang mag-kaibigan)

 

ANGELA: Oh velle… Kumusta na?

VELLE: Oh… sorry ha hindi ako nakadalo noong nakaraan na invitation mo sa church nyo ha… may biglaan kasing nangyari eh…

ANGELA: Oo ng eh!

VELLE: Galit ka ba or nagtatampo?

ANGELA: Hindi naman… Kung magagalit ako, noon pa sana… imagine tatlong (3) taon na kitang iniimbita…

VELLE: Tatlong taon na ba?

ANGELA: Oo naman… mabuti kaibigan kita, kung hindi nagsawa na siguro ako sa kakaimbita saiyo…

VELLE: Pasensiya na talaga… Mayroon lang talaga dapat gawin o kaya naman may emergency…

ANGELA: Owws... kilala kita na bahay at eskuwela ang ganap mo lang sa buhay…

VELLE: Oo nga, marami kasi ginagawa sa bahay lalo na andito na ang ate ko…

ANGELA: Matanong ko lang… bakit ayaw mo dumalo sa CBT?

VELLE: Huwag ka magagalit ha… (tatango si Angela) Sa totoo lang… Iniisip kop ag dumalo ako sa ganyan, kagaya ng sa CBT, mapapalitan ang religion ko… Naniniwala rin ako na iisa lamang ang Diyos at kahit na hindi ako magsimba, alam ng Diyos na mahal ko Siya!

ANGELA: Hindi naman religion ang pinag-uusapan dito… relasyon natin sa Diyos… Teka pala may next event kami ulit… theater play sa church…

VELLE: Theater?

ANGELA: Oo… alam ko favorite mo ang teatro…

VELLE: Sige… try ko…

ANGELA: Huwag mo i-try… punta ka na… kain na rin tayo ng ice cream after treat ko, cookies and cream… alam ko favorite mo din yon…

VELLE: Sige…

 

 

SCENE 5: (Evangelistic Time- invitation time with music background)

 

PASTOR: Hindi natin alam ang ating bukas… maikli lang ang buhay natin sa mundo… Ngunit mainam na alam natin ang ating pupuntahan pag tayo’y namatay… Wala pong mabait sa atin, lahat tayo ay makasalanan. Ayon sa bibliya, dalawa lang ang pupuntahan natin… langit at impiyerno…Ayaw ng Panginoon na mapahamak tayo kaya binigay niya ang kanyang bugtong na anak para tayo ay iligtas… Maaring huli na ang lahat, kung hindi pa tayo magdesisyon ngayon… Kung sino ang nais tumugon sa pagliligtas na Panginoon, tayo ay pumunta sa harap para s ating desisyon!

(Si Velle ay pupunta sa gitna sa harap…habang may voice over sa panalangin niya)

VELLE’S PRAYER: Panginoon Hesus… akala ko po ako’y may maayos na relasyon sa inyo. Akala ko mabait ako at sapat na yon para ako’y mapunta sa langit. Akala ko rin sapat na - na alam kong may Diyos. Akala ko mahal ko kayo ngunit hindi naman pala, hindi nakikita sa aking gawa. Akala ko religion ang makakapagligtas sa akin, ang religion na kinagisnan ko ngunit hindi pala. Akala ko ang basehan ng espirituwal na kaalaman ay yong kinagisnan ko. MARAMI AKONG AKALA pero lahat na iyon ay MALI PALA... Bibliya pala ang dapat basehan ng lahat! Sa oras na ito NANiNIWALA AKO na ikaw lang ang Tagapagligtas. Ikaw ay namatay at nabuhay na mag-uli para sa aming mga kasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at sa mga mali kong akala. Ngayong oras na ito tinatanggap ko ang regalo ninyong BUHay na Walang Hanggan sa Langit. Tinatanggap ko Ngayon bilang Panginoon at Tagapagligtas. AMEN!

 

SCENE 6: (PAKIKIPAG-USAP SA PAMILYA)

 

PAPA: Kumusta pag-aaral mo…

VELLE: Okay naman po Papa…

PAPA: Kailangang makatapos ka dahil pinag-aaral ka ng auntie mo..

VELLE: Opo Pa…

PAPA: Napansin ko pala.. lagi kang dumadalo sa church ni Angela ahh...

VELLE: Opo papa… masaya po doon sa CBT papa…

PAPA: Masaya? Hindi naman dapat lagi nasa church ahh… bakit andoon ka lagi?

VELLE: Pa bukod sa Bibliya, tinuturuan din kami pa na mangarap at magtapos sa pag-aaral kaya masaya po…

 

PAPA: Masaya ka lang ata dahil may crush ka doon o kaya may boyfriend ka na doon?

VELLE: Panginoon po ang dahilan Papa at Wala po akong boyfriend Papa!

PAPA: Huwag ka ng dumalo palagi diyan ha.. baka mamaya niyan mag-iba ka na ng relihiyon!

(aalis ang tatay sa stage at parating ang ate)

ATE: Yan na nga ang sinasabi ng mga pinsan mo

VELLE: Ano yon ate?

ATE: Hindi mo kasi naririnig yong sinasabi ng mga kamag-anak na natin?

VELLE: Yon din ba tungkol sa post mo sa Facebook?

ATE: Oo… at yong mga pinsan natin, hindi ka raw nila mapagsabihan na lagi kang nasa church… WALA KA NA HALOS nagagawa dito sa bahay…

VELLE: Sorry ate… aayusin ko schedule ko ate….

(lights off)

VOICE OVER: Marami man ang pagsubok sa buhay, naramdaman ko ang pagkilos ng Panginoon sa buhay ko. Nang magpaalam ako sa Papa ko na magpa-baptize, marubdob na panalangin ang aking ginawa dahil ayaw nila mabago ang aking religion. Yong akala kong hinid ako papayagan, nagkaroon ng himala at pinayagan niya ako… Natutunan ko na Yong akala natin walang pag-asa, may tunay palang pag-asa sa Panginoon. Taong 2020, nagkaroon na matinding pagsubok sa aming pamilya, namatay ang aking minamahal na Papa dahil sa sakit.

SCENE 7: (COLLEGE PROBLEM)

 

(Ring ng phone)

VELLE:  hello insan… Napatawag ka po Nang?

PINSAN: Mayroon lang akong concern… Tanong ko lang, bakit hindi ka na lang pla magtrabaho para may pantustos ka sa College mo kesa diyan na lagi kang nasa simbahan. Anong mapapala mo diyan?

VELLE:  Kasi po Nang… masaya po akong naglilingkod sa Panginoon...

PINSAN: Andoon na tayo sa masaya ka sa ginagawa mo kaso wala naming nagagawa ‘yang Panginoon na sinasabi mo sa buhay mo!

VELLE:  Sige po Nang…salamat po sa concern pero masaya po talaga ang maglingkod sa Panginoon!

PINSAN: Nagpapapa-alaala lang ako… O sige!

(Papatayin ang phone na may kalungkutan at dismaya)

VELLE: Panginoon, maawa ka po sa iyong lingkod… Tulungan mo po ako… hindi po nila maintindihan ang kasayahan sa paglilingkod sa inyo… Tulungan mo po ako sa aking pag-aaral. Kayo po ang aking pag-asa!

(LIGHTS OFF COUNT 10 SECONDS THEN LIGHT ON)

ATE: May sasabihin ako saiyo

VELLE: Ano yon te?

ATE: Narinig ko na nag-uusap si Maricar at si Luz na hayaan ka na raw at huwag ka na lang tulungan sa board exam mo. Sapat na raw na nakapag-aral ka…

VELLE: Ganon ba te…nakakalungkot naman…

ATE: Paano yan?

VELLE: Oo ng ate eh… ipanalangin natin kung paano… bka magtrabaho muna ako para maka-ipon ng pang board exam…

SCENE 8: CHURCH

PASTOR: Mayroon lang po akong concern na ilalahad sa ting mga kapatiran… Hindi po lingid sa atin na mayroon po ating mga Young People ang magti-take ng board exam at may ilan po sa ting mga young people ang walang kakayahang makapagboard exam dahil may kakulangan sa pananalapi! Manalangin po tayo at ipagpray po natin ang kanilang pangangailangan at ganon din ipanalangin din natin ang amount na puwede nating i-commit… (Mananalangin ng tahimik at may voice over)

VOICE OVER:

Sa ganitong problema, sinagot ng Panginoon ang aking pagsumamo. Nakalikom po ng pang board exam sa tulong ng mga kapatiran at sinagot din ng Panginoon ang higit kong kailangan- NAKAPASA PO AKO SA BOARD EXAM.

Tunay ngang sa buhay na ito ay punong-puno ng pagsubok. Hindi po natin kakayaning mag-isa. Kailangan natin ang Panginoon sa ating buhay. Hindi po natin maiiwasan ang mga problema pero ang sigurado may Panginoon na nandiyan at gagabay sa tin…

Marami po tayong maling akala sa buhay. Kailangan po natin ang gabay, gabay na galing sa totoong basehan ng buhay para makapamuhay tayo ng maayos sa mundo. Kailangan natin ang gabay ng Bibliya, ng pastor at simbahan para tayo’y makapamuhay ng maayos dito sa mundo. Magsilbing paalaala sana sa atin na ang buhay ay maikli lamang para hindi pa natin tanggapin ang Panginoon sa buhay natin!

 

Christian Drama titled "MALING AKALA" (short -scenes 1-5)

 

MALING AKALA

By krisha412

May, 2024

 

 

SCENE 1: (background music na may record na boses ng iba’t-bang reasons sa pananambahan at ilang mga pananaw sa buhay)

 

VOICE 1: Sama ka naman sa church

VOICE 2: Titingnan ko ha… busy eh

VOICE 1: May event kami sa church, invite kita

VOICE 2: Hindi ako puwede eh

OTHER VOICES:

·         Hindi ko puwedeng iwan ang religion kong kinagisnan

·         Iisa lang naman ang Diyos

·         Lahat naman yan pare-parehas lang

·         Kahit hindi naman ako nagsisimba, alam ng Diyos ng mahal ko SIya.

VOICE OVER:

Ako si Velle. Marami akong paniniwala sa buhay na pinaninindigan ko. Pero lahat ba ng mga ito ay may basehan at dapat panindigan? Lahat ba ng kinagisnan ay tama? Lahat ba ng tinuro mula pa sa ating kamusmusan ay dapat tayuan? Lahat ba ng iniidolo natin ay dapat tularan? Hanggang saan hahantong ang ganitong kaisipan na walang makitang matibay na basehan. Tunghayan natin ang aking kuwento.

 

SCENE 2: (Pagkawala ng minamahal)

 

VELLE: Mama!!! Mamaaaa… (pasigaw)

(After ng sigaw lights on!)

VELLE: Wala na si Mama!!! (umiiyak)

PINSAN1: (umiiyak) Velle… nakikiramay ako velle…

VELLE: Maraming salamat po…. Wala na si mama!!! …. Wala na magluluto sa akin ng tsamporado pag maysakit ako… wala na magsasama sa akin kung saan-saan… Wala ng maghahatid sa akin sa school… wala na si Mama!!!

PINSAN2: Kahit bata ka pa, kaya mo yan! Pakatatag ka … kayo nila Papa mo! Andito lang kami.

PINSAN1: Kahit wala na si mama mo, mag-aral ka ng mabuti!

VELLE: Opo...  Yon po ang nais ko sa buhay makatapos ng pag-aaral at tumulong sa pamilya… yon lang ang alam kong purpose ko sa mundo!

PINSAN2: Matutuwa ang mama pag nakita kang maabot ang pangarap mo kung saan man siya naroon.

VELLE: Mabait si mama kaya alam ko nasa langit siya…

PINSAN1: Oo… pakatatag ka… kaya yan!

(LIGHTS OFF)

 

SCENE 3: (bahay)

 

VELLE: Papa… wala na pala si ate?

PAPA: Oo… lumuwas papuntang Velenzuela…

LANCE: Hindi ko man lang nakita or nag-paalam man lang… bakit daw po?

PAPA: Hindi ko alam…

VELLE:  Bakit ganon? Mag-kaaway po ba kayo? (Hindi iimik ang tatay) … Paano na ngayon Papa..wala na si mama? … (hindi pa rin iimik ang tatay at aalis papuntang kwarto- at kakausapin ni velle ang tatay) …Papa kumain na ba kayo? (hindi pa rin iimiik at malungkot ang mukha ng tatay na aalis)

(Mag-isang maiiwan sa stage, maglalakad ng konti at mag-iisip) Bakit kaya ganon? Bakit kaya maaga akong nawalan ng nanay? …Iniisip ko makakasama ko pa ang nanay ko hanggan sa makamit ko ang pangarap ko o kaya’y haggang sa pagtanda niya…babantayan at aalagan ko siya… parang ang bata ko naman para mawalan ng nanay (iiyak)… Pag nanay ang nawala sa tingin ko mahirap… Mama ko laging naiiwan dito sa bahay… naglilinis, nagluluto, nag-lalaba at nag-aasikaso sa lahat. Pag may sakit ako… wala ng magluluto sa akin ng lugaw (iiyak)… Kahit bata pa ako, marami akong katanungan sa isip ko… paano na wala si Mama? Sino na magluluto ng baon ni papa? Paano na pag may event sa school? Sino na makakasama ko? Mama… mami-miss ko kayo… Ma, sorry po pag makulit ako at matigas ang ulo ko…Hindi ko man nasasabi palagi pero sa totoo lang Mahal na mahal po kita!

SCENE 4: (school background)

(Magkakasalubong ang mag-kaibigan)

 

ANGELA: Oh velle… Kumusta na?

VELLE: Oh… sorry ha hindi ako nakadalo noong nakaraan na invitation mo sa church nyo ha… may biglaan kasing nangyari eh…

ANGELA: Oo ng eh!

VELLE: Galit ka ba or nagtatampo?

ANGELA: Hindi naman… Kung magagalit ako, noon pa sana… imagine tatlong (3) taon na kitang iniimbita…

VELLE: Tatlong taon na ba?

ANGELA: Oo naman… mabuti kaibigan kita, kung hindi nagsawa na siguro ako sa kakaimbita saiyo…

VELLE: Pasensiya na talaga… Mayroon lang talaga dapat gawin o kaya naman may emergency…

ANGELA: Owws... kilala kita na bahay at eskuwela ang ganap mo lang sa buhay…

VELLE: Oo nga, marami kasi ginagawa sa bahay lalo na andito na ang ate ko…

ANGELA: Matanong ko lang… bakit ayaw mo dumalo sa CBT?

VELLE: Huwag ka magagalit ha… (tatango si Angela) Sa totoo lang… Iniisip kop ag dumalo ako sa ganyan, kagaya ng sa CBT, mapapalitan ang religion ko… Naniniwala rin ako na iisa lamang ang Diyos at kahit na hindi ako magsimba, alam ng Diyos na mahal ko Siya!

ANGELA: Hindi naman religion ang pinag-uusapan dito… relasyon natin sa Diyos… Teka pala may next event kami ulit… theater play sa church…

VELLE: Theater?

ANGELA: Oo… alam ko favorite mo ang teatro…

VELLE: Sige… try ko…

ANGELA: Huwag mo i-try… punta ka na… kain na rin tayo ng ice cream after treat ko, cookies and cream… alam ko favorite mo din yon…

VELLE: Sige…

 

 

SCENE 5: (Evangelistic Time- invitation time with music background)

 

PASTOR: Hindi natin alam ang ating bukas… maikli lang ang buhay natin sa mundo… Ngunit mainam na alam natin ang ating pupuntahan pag tayo’y namatay… Wala pong mabait sa atin, lahat tayo ay makasalanan. Ayon sa bibliya, dalawa lang ang pupuntahan natin… langit at impiyerno…Ayaw ng Panginoon na mapahamak tayo kaya binigay niya ang kanyang bugtong na anak para tayo ay iligtas… Maaring huli na ang lahat, kung hindi pa tayo magdesisyon ngayon… Kung sino ang nais tumugon sa pagliligtas na Panginoon, tayo ay pumunta sa harap para s ating desisyon!

(Si Velle ay pupunta sa gitna sa harap…habang may voice over sa panalangin niya)

VELLE’S PRAYER: Panginoon Hesus… akala ko po ako’y may maayos na relasyon sa inyo. Akala ko mabait ako at sapat na yon para ako’y mapunta sa langit. Akala ko rin sapat na - na alam kong may Diyos. Akala ko mahal ko kayo ngunit hindi naman pala, hindi nakikita sa aking gawa. Akala ko religion ang makakapagligtas sa akin, ang religion na kinagisnan ko ngunit hindi pala. Akala ko ang basehan ng espirituwal na kaalaman ay yong kinagisnan ko. MARAMI AKONG AKALA pero lahat na iyon ay MALI PALA... Bibliya pala ang dapat basehan ng lahat! Sa oras na ito NANiNIWALA AKO na ikaw lang ang Tagapagligtas. Ikaw ay namatay at nabuhay na mag-uli para sa aming mga kasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at sa mga mali kong akala. Ngayong oras na ito tinatanggap ko ang regalo ninyong BUHay na Walang Hanggan sa Langit. Tinatanggap ko Ngayon bilang Panginoon at Tagapagligtas. AMEN!

 

REMEMBER WHO YOU WERE (HEBREWS 2:13-15)

  REMEMBER WHO YOU WERE Bible Passage: Hebrews 2: 13-15 Lesson Prepared by: krisha of Solomon Wisdom FB page Lesson ideas taken: LESSON KE...