Showing posts with label Last days. Show all posts
Showing posts with label Last days. Show all posts

Monday, November 6, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "HANGGANG WAKAS" (LAST DAYS)

 

HANGGANG WAKAS

By krisha412

November, 2023

 

Narrator:

May mga bagay tayong pinagdedesisyunan sa buhay na kahit anupaman ang mangyari ito’y pinaninidigan natin lalong-lalo na kung ito’y nasa tama. Pero paano pag dumating sa punto ng buhay natin na dahil sa matinding kahirapan, at pagtitiis ay hindi na nating kayanin pang manindigan sa tama. Sabi sa bibliya, “Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas” Sa huling panahon kaya pa ba nating manindigan? Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang “HANGGANG WAKAS.”

 

 SCENE 1: CRISTINA IN JAIL

(Puno ng sugat si Cristina at duguan)

CRISTINA: (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Huwag! Tama na! Maawa kayo!!!

SUNDALO1: Hindi kami titigil hangga’t hindi ka sumusuko at umayon sa gusto namin! Oh ano! Magpapatatak ka na ba? Hindi ka na maniniwala na si Kristo ang tagapagligtas!

CRISTINA: Hindi! Hindi ako susuko!

SUNDALO1: (sasampalin si Cristina) Ganon ha! (magdurugo ang bibig ni Cristina at siya’y patuloy na iiyak)

CRISTINA: (bubulong si cristina) Panginoong Hesus tulungan ninyo ako!

SUNDALO2: Oh, may binulong oh!

SUNDALO1: Ano! Ano ang narinig ko “Panginoon” binulong mo pa, ayaw mong marinig namin no! Kasi pag narinig ko dagdaggan ko ang pahirap saiyo… Sorry ka na lang dahil narinig ko

SUNDALO2: kukunin ko na ba ang punyal natin?

SUNDALO1: Sige kunin mo (aalis ang sundalo2) Alam mo ba (hahawakan sa mukha) Hindi ka na maghihirap kung susuko ka… tingnan natin kung ano ang magiging desisiyon mo dito..maghintay ka lang…

CRISTINA: (umiiyak) Maawa ka! Pakiusap….

SUNDALO2: ito na ang punyal natin… pinainitan ko na yan kanina pa…

CRISTINA: (makikita ni Cristina ang punyal at siya’y mapapasigaw) Huwag! Huwag ninyong gawin yan! Maawa kayo!!!

SUNDALO1: (Kukunin ang punyal) Wow! Ang talim nito…. Subukan natin dito sa kamay! (Kukunin ang kamay ni Cristina, magpupumiglas ngunit hindi niya rin kayang lumaban, hahawakan siya ng mga sundalo)… Subukan lang natin ng konti sa kamay para maramdaman mo ang sakit…

CRISTINA: Huwag! Huwag! … (iiyak ng malakas at magdurugo ang kamay)

SUNDALO1: Sa kabilang kamay naman para maramdaman mo pa lalo… (kukunin ang kabilang kamay)

CRISTINA: Huwag!...Tama! Tama na! Susuko na ako (iiyak)

SUNDALO2: OH sa wakas!

SUNDALO1: Ano sabi mo? Magpapatatak ka na ba?

CRISTINA: Oo… magpatatak na ako (pabulong)

SUNDALO1: ILAKAS MO!

CRISTINA: OO!!!… MAGPATATAK NA AKO!!! (sisigaw na may pag-iyak))

 

 (lights off)

SCENE 2: ROWELL IN JAIL

(Puno ng sugat si Rowell at duguan)

ROWELL: (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Tama na! Tama na!!!

SUNDALO1: Nakikita ko sa hitsura mo Hirap na hirap ka na! Kawawa ka naman! Yang mukha mo marami ng sugat. Masakit ba to? (biglang pipisilin ang mukha)

ROWELL: Ahhh (mapapasigaw)

SUNDALO2: Ang tigas talaga nito no! ang dami na nating ginawa sa kanya … ayaw pa rin sumuko at magpatatak…

SUNDALO1: Alam mo ba yong kasama mong kristiyano daw na babae? Ayon nasumuko na… Maganda na buhay niya… lumaya na siya… alam namin na ganon din mangyayari saiyo, susuko ka rin di ba? (biglang susuntukin si ROwell) Di ba? … sumagot ka!!!

ROWELL: Hindi… Hindi ako susuko Hindi ako magpapatatak!!! Ayaw kong magdurusa nang habang buhay sa impiyerno…Alam mo mas gugustuhin ko na pansamantalang mahirapan dito sa lupa kaysa habang buhay akong magdusa sa impiyerno… Naniniwala ako sa Diyos at siya ang magliligtas sa akin kaya kahit anong gawin ninyo… HINDI AKO MAGPAPATATAK!!!

SUNDALO2: Ang yabang mo ahh! (bubugbugin ulit si Rowell)

SUNDALO1: Tama na yan… balikan natin siya… magtatanda na yan.. at least ngayon may na-accomplished tayo…

SUNDALO2: Oo nga… sumuko na ang babae…

SUNDALO1: Pahinga muna tayo!!!

(maiiwang mag-isa si Rowell at hinang-hina)

(lights off)

 

SCENE 3: CRISTINA’S HOUSE

(Mababanaag kay Cristina ang pinanggalingang hirap… may benda ang kamay at mga bandages ang mukha)

JEFF:  Cristina! Cristina! (Makikita ang hitsura ni Cristina at Yayakapin si Cristina sa awa).. Grabe talaga pala ang pinagdaanan mo no?

CRISTINA: Hindi mo lang alam ang lahat ng pinagdaanan ko… Sobrang sakit…

JEFF:  Pasensiya ka na hindi ako nakadalaw ha sa ospital…

CRISTINA: Okay lang…

JEFF:  nandoon ako pero bawal ang bisita eh…may mga sundalong nakabantay…

CRISTINA: Ganon ba?

JEFF:  Oo… ganon kahigpit… pero noong nabalitaan ko na nakauwi ka na… agad-agad pumunta ako dito sainyo.. Nabalitaan ko ang mga nangyari sayo… Binabalita sa TV ang lahat ng mga taong nagrebelde para hindi pamarisan… Alam mo awang-awa ako saiyo nang makita kita…

 

JEFF:  Pero at least ngayon… nakalabas ka na ng hospital… ang tagal mo ding naconfine, pero ngayon okay ka na…puwede ka na lumabas labas na hindi iniisip na may huhuli saiyo…Oh ito ang daming grocery ahh… saan galing?

CRISTINA: May pa-ayuda ang gobyerno sa mga sumuko…

JEFF:  Wow… galing ahh… ngayon okey na ang buhay mo… (hindi iimik si Cristina)

Teka… isa pala sa dahilan kaya ako nandito ay may good news sabi ni boss puwede ka na daw bumalik sa trabaho basta umayos na pakiramdam mo… Ano masasabi mo? (hindi iimik si Cristina…aakbayan si Cristina) Okey ka lang?

CRISTINA: Okey lang… salamat ha.. babalik na ako sa dati kong ginagawa! (malamlam ang boses)

JEFF:  Hindi ka masaya…Alam ko iniisip mo pa rin ang pinili mong desisyon…

CRISTINA: Oo… naisip ko dahil sa sobrang hirap ng naranasan ko, sumuko ako…Isinuko ko ang langit sa hirap na naranasan ko… Hindi ko na kasi kaya…

JEFF: Wag kang mag-aalala magiging maayos na buhay mo… natin!

CRISTINA: Sigurado ka? …pero paano ang darating na wakas?

JEFF:  Wag mo nang isipin yon… Malay mo naman na hindi totoo yong sinasabi ng ibang kristiyano sa bibliya… mali lang ang interpretasyon nila kaya huwag kang mag-aalala doon…

CRISTINA: Mali ang interpretasyon nila at tayo ang tama? Hindi nga tayo nakapagbasa ng bibliya eh, paano mo masasabi yan… Alam ko pinagagaan mo lang loob ko pero hindi mo maikakaila ang nangyayari…Jeff, Hindi mo ba nakikita? masdan mo ang paligid… may mga lindol na nangyayari, mayroon ulit matinding virus na lumalaganap ngayon… at may posibleng matinding giyerang darating kung kakalas ang presidente sa treaty…

JEFF:  Cristina… sa ganyang usapin, wala na tayong magagawa…

CRISTINA: Oo nga wala na tayong magagawa (iiyak)… Ang malungkot lang… (hihikbi na halos hindi makahinga sa pagpigil ng iyak) Hindi ko na makikita si ate at si Abie…. Nasa langit sila samantalang ako… pagdurusa ang pupuntahan ko…

JEFF:  Cristina… Tama na… harapin muna natin ang kasalukuyan… (aakbayan si Cristina)

 (lights off)

 

SCENE 4: CRISTINA & LARA

(Kumakain si Cristina sa lamesa at bigla siyang may narinig na kaluskos at mahinang katok ng pinto)

CRISTINA:  Sino yan? Tatayo at titingin… Sino yan?

LARA:  Ako to… si Lara, kaibigan mo… (pabulong) Nakauwi ka na? Kumusta ka na? (yayakapin si Cristina pero hindi ito yayakap…hindi magrereact si Cristina).. Namiss kita… ANo na?

CRISTINA:  Okay lang…

LARA:  Andami mong pagkain… ang sasarap… (uupo at titikim ng pagkain sa sobrang gutom… samantalang si Cristina ay tatalikod at hahawakan ang phone)… Teka… (mag-iisip) …Maayos na buhay mo… hindi ka na nagtatago… huwag mong sabihin na … huwag mong sabihin na …. (puputulin siya ni Cristina at sasagot)

CRISTINA:  Oo… sumuko na ako…

LARA:  Bakit?

CRISTINA:  Bakit? Alam mo ba ang hirap na dinaranas ko?... Sobrang pahirap ang ginawa nila sa akin… Grabeng parusa ang ginawa nila at araw araw akong umiiyak sa sakit… Yong balatan ka ng buhay ay hindi ko na nakayanan… (iiyak)

LARA:  Naiintindihan ko… pero Sinabi ng Bibliya na ang manatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas…

CRISTINA:  Ang galing mong magsalita at magsabi ng Bible…Hindi mo ako maiintindihan… Paano mo ako maintindihan eh hindi mo naman naranasan…

LARA:  Alam mo Marami kaming naranasang paghihirap sa pagtatago pa lang…

CRISTINA:  Wala yan sa kalingkingan ng naranasan ko…Kaya huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat….

LARA:  Pasensiya na kung ang dating sayo ay hindi kita naiintindihan… pero naisip ko na gustong-gusto mong makasama sa langit ang mga mahal mo sa buhay… Hindi nila naranasan ang kahirapan na ito ngayon kasi maaga nilang nakita ang katotohanan at nanampalataya sila at tinanggap si Kristo bilang Panginoon at tagapagligtas…Isang araw bigla na lang silang nawala, sila ate mo, Abie at ang mga magulang ko…ito ang katuparan ng sinasabi sa bibliya na tinatawag ding rapture… Sabay tayong nangako na huwag tayong magpapatatak para makasama natin sila sa langit…Ngayong nagpatatak ka na… Paano na yan?

CRISTINA:  Yon ang kalungkutan ko… kaya gusto kong maranasan mo ang naranasan ko…

LARA:  Ano ang ibig mong sabihin? …

CRISTINA: andiyan na sila… (biglang aalis si Lara ngunit dumating ang mga sundalo)

LARA:  Bitiwan ninyo ako!!!

SUNDALO1: sumama ka sa amin!!!…

LARA:  Bitiwan ninyo ako!!! Bakit mo ako sinuplong, Cristina… kaibigan kita… bakit?

CRISTINA: Para maranasan mo ang naranasan ko…

LARA:  Bitiwan ninyo ako!!!… Cristina hindi kita gagayahin…Magtitiis ako hanggang wakas!

CRISTINA: Tingnan natin… (pupunasan ang luha)

 (lights off)

 

SCENE 5a: (STREET SCENE)

(Nagkakagulo ang mga tao sa lindol na nangyayari … si Cristina at Jeff ay nasa daan at piliit na umiiwas sa mga taong nagkakagulo at bumabagsak na mga bagay… nagkahiwalay sila ng daanan)

CRISTINA: Ahhhhhhhhhh (sisigaw)

(lights off)

 

SCENE 5b: (hospital scene)

JEFF: Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakabisita… may sakit din kasi si mama… wait ko yong result ng CT scan niya … kumusta ka na?

CRISTINA: Hindi ko maigalaw ang isang paa ko. matindi ang pagbagsak ng pader sa paa ko kaya ganito…

JEFF: nkausap mo na ba ang doctor? ano daw sabi?

CRISTINA:  Need daw putulin ang isang paa ko dahil sa impeksiyon… Pero need ko daw mag laboratory test para sa ibang nakita nila sa lungs ko…kasi kagabi hindi ako gaano makahinga, parang may nakabara…Nakakalungkot… ang daming ganap sa buhay…

JEFF: Oo nga…ang daming nangyayari… ako din eh.. yong nararamdaman ko matitiis ko pa pero ang makita ko ang pamilya kong maysakit din at naghihirap… parang hindi ko kakayanin…

CRISTINA:  Ipinagpalit ko ang pansamantalang kaginhawaan sa paninindigan kay Kristo pero ang dulo din ay kasawian…

JEFF: Ako… pinili ko ito para sa aking pamilya…ayaw ko silang maghirap at magutom pero sa dulo ganon din ang nagyayari… mali ako!! (iiyak)

CRISTINA:  Sa simula pa lang sana… nakinig na ako kay ate at nanampalataya na ako kay Kristo… Wala sana ito… 

JEFF: Ang masakit..wala na tayong magagawa… (biglang darating ang doctor at mga hospital crew)

DOKTOR: Kailangang ilipat siya sa isolation area…

JEFF: Bakit doc?

DOKTOR: Nakitaan sa lab test niya na mayroong virus na dumapo sa kanya… Wala pa tayong gamot sa kasalukuyan…

JEFF: Cristina paano yan?

CRISTINA:  Kagaya ng sabi mo…wala na tayong magagawa… Paalam… (iiyak)

 (lights off)

 

SCENE 6: (JAIL scene)

(Puno ng sugat si Rowell at duguan nang makita siya ni Lara)

LARA: Bitiwan nyo ako!!!

SUNDALO1: Huwag kang maingay… yan tingnan mo… baka kilala mo… magagaya ka sa kanya kung hindi ka susunod sa amin… (lalapit si lara kay Rowell)

LARA: Sobrang pahirap ginawa nila saiyo… ikaw ba si Rowell? (tatango lang si rowell) Pinapanalangin ka namin… huwag kang susuko ha… (mangiyak-ngiyak ang boses)… Naghihirap ka man ngayon, darating din ang kaginhawaan sa langit na bayan…. Basta Huwag ka lang susuko ha…

SUNDALO1: Tama na yang drama na yan… titingnan ko kung masasabi mo pa yan sa susunod na mga araw… dalhin mo na yang babaeng yan sa security room…

SUNDALO1: (lalapit kay Rowell) Oh ano…(hihilahin ang buhok ) susuko ka na? Huling huli na ito…

ROWELL: Ahhh…

SUNDALO1: Alam mo sa lahat ng nakulong dito… ikaw ang pinakamatigas ang ulo… (babatukan si Rowell  at darating ang sundalo2)

SUNDALO1: Siguradong kang nakakadena ang gate baka makalabas ang babae…

SUNDALO2: Huwag kang mag-alala…sinigurado ko…

SUNDALO1: Bigyan na natin ng ultimatum ito ang lalaking ito…

SUNDALO2: Sa hitsura pa lang niyan… hindi na niya kakayanin…susuko na yan..di ba? (lalapit at susuntukin si Rowell… biglang babagsak si Rowell… hindi na niya kayang tumayo)

SUNDALO1: Kunin mo ang ultimatum natin… (kukunin ng sundalo2 ang punyal)… hindi kita sasaksakin… dahan-dahan kitang susugatan… (kukunin ang paa ni Rowell at susugatan)

ROWELL: Sisigaw… ahh …Huwag…Tama na!!!

SUNDALO1: Oh.. ano magpapatatak ka na ba? Isusuko mo na ang paniniwala mo kay Kristo bilang iyong tagapagligtas?... Magsalita ka!!!

ROWELL: (Sisigaw) Hindi… Hindi ako susuko… hindi ako magpapatatak.. Hindi ko ipagpapalit ang buhay na walang hanggan sa walang katapusang paghihirap sa impiyerno…MANANATILI AKONG TAPAT HANGGANG WAKAS!

SUNDALO1: Ganon ha… sige ito pa…(susugatan si Rowell ngunit wala ng pagsigaw)

SUNDALO2: Hindi na umiimik…(titingnan ang pulso) patay na siya sir…

SUNDALO1: Itapon na yan… Papuntahin mo muna yong babae para makita niya ang mangyayari sa kanya kung hindi siya susunod… (darating si Lara)

LARA: Rowell! Rowell! Gumising ka!

SUNDALO2: Wala na… patay na yan

SUNDALO1: Pinakita namin sayo para Makita mo ang sasapitin mo pag hindi ka sumunod sa amin…

LARA: Rowell! Hindi man kita nakilala ng lubos pero nagpapasalamat ako saiyo dahil nagtiis ka… nagtiis ka hanggang wakas… Hindi mo lang alam na naging ehemplo ka sa akin para patuloy akong magtiis para sa langit na bayan!  Salamat!!

SUNDALO1: Tama na yan… Ilabas na ang bangkay…

(lights off)

 

 SCENE 7a: (hell scene- left stage with red lights and music background)

 CRISTINA:  Nasaan ako! Ang dilim... Patay na ba ako>… Bakit ang init…bakit ang init… Patay na ako… kung patay na ako…bakit nararamdaman ko ang init… ang andaming naghihiyawan… ayaw ko dito…(iiyak)… wala na ba talagang labasan dito? Totoo pala ang Bibliya… ibig sabihin nasa impiyerno ako.. kung may impiyerno, may langit din… May naaalala pa rin ako…Ate… Abie… hindi ko na kayo makikita kahit kalian…yon ang mas masakit…. SANA NAKINIG AKO saiyo Ate! Sana binigyang pansin ko ang espirituwal ko ang kaluluwa ko… SANA NAGTIIS AKO HANGGANG WAKAS!... ayaw ko dito… AYAW KO DITO (sisigaw)

  

SCENE 7b: (heaven scene- right stage)

ROWELL: Nasaan ako? Ang ganda ng paligid…Patay na ba ako? Wala na ako sa kulungan… Kakaiba ang pakiramdam ko, wala na akong nararamdamang sakit… ang gaan din ng pakiramdam ko ngayon… Teka…Anong liwanag yon?  Panginoon …SALAMAT SA PANGAKO MO… totoo ang bibliya… Nagkamali man ako ng desisyon noong una na hindi ako naniniwala ngunit namulat ako sa mga pangyayari… AT

HiNDI SAYANG ANG PAGTITIIS ko HANGGANG WAKAS

 

Narrator:

Marami man tayong kapighatian at pagdurusang mararanasan dito sa mundo ngunit may pangako siya na papahirin NIYA ang bawat luha s ating mga mata. Wala ng kamatayan, dalamhati, pagtangis, at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay. Ang mga pangakong ito ay mangyayari lamang kung tayo’y tatalima sa ibinibigay na libreng kaligtasan na KANYAng iniaalok sa atin. Magsilbi nawang paalaala sa atin ang dulang ito para magbigay sa atin ng paninindigan na sundin ang tama na nakasaad sa bibliya.

 

Tuesday, October 31, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "KISAP MATA" (revised)

 

KISAP-MATA

By krisha412

August, 2023

 

Narrator:

Ang panahon natin ngayon ay punong-puno ng oras na ginugugol sa maraming bagay na halos hindi na natin namamalayan ang totoong nangyayari sa paligid. Tayo ay abala sa trabaho, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa lahat ng bagay na ating tinatangkilik. Paano kung sa isang kisap-mata, mawala ang lahat ng mga bagay na ito, paano natin haharapin ang katotohanan na akala natin ay kathang-isip lamang at ayaw natin itong paniwalaan.

 

 SCENE 1: (street scene)

(Background: nagkakagulo ang mga tao, nagsisigawan, naghahanapan at may emergency sound na maririnig)

 

CRISTINA: (Si Cristina ay naglalakad at nakikita ang mga taong nagkakagulo at kinausap ang isang taong umiiyak) Ate pasensiya na anong nangyayari?

BABAE1: Yong nanay ko nasagasaan, pero nakita ko walang nagmamaneho sa truck na bumangga sa amin.

CRISTINA: Paano nangyari?

BABAE1: Hindi ko alam…

CRISTINA: Nakatawag na ba ng ambulansiya?

BABAE1: Sana nga dumating na

CRISTINA: Tatagan mo ang loob mo, darating na ang tulong.

 

(Tatayo at makikita ang ang mga babaeng umiiyak at may sumisigaw sa pulis)

 

BABAE2: (Mga babae umiiyak habang ang babae2 ay magtatanong) Mamang pulis, nasaan ang anak ko, biglang nawala eh…

PULIS: Hindi ko po alam eh

BABAE3: Patulong naman po hanapin ang anak ko…sige na kuya!

PULIS: Hind ko po kayo matutulungan sa ngayon kasi marami rin pong nawawala!

MGA BABAE: (sisigaw) sige na kuya maawa ka sa amin. Nasaan na mga anak namin?

PULIS: (sisigaw) HINDI KO ALAM! Nawawala din ang asawa ko. Magkasama lang kaming pumasok at bigla siyang nawala.

 (si Cristina habang nagmamasid, biglang tumakbo pababa ng stage)

 

SCENE 2: Cristina & family’s house

(Si Cristina, Mula sa pinto ay tatakbong paakyat ng stage at sumisigaw)

 CRISTINA: MAMA! MAMA! MAMA! (pagdating sa stage) Mama, nasaan ka? (maghahanap sa paligid ngunit wala at biglang may naalala) Si Abie nasaan? Abie! Abie, Nasaan ka? (nang walang makitang tao, iiyak at hahagugol, mapapaluhod at sisigaw) NASAAN KAYO!!! (tatayo ulit at maghahanap). Abie, baka niloloko mo lang si ate ha… huwag ka na magtago… labas ka na…. Ma! Abie, NASAAN KAYO?! Tayong tatlo na nga lang iniwan pa ninyo ako! (iiyak at nang mahismasan tatayo at makikita ang upuan na may nakalatag na damit at sa ibabaw ng lamesa may Bible, kukunin ito at hahawakan)

Ma, NASAAN KAYO? (titigil dahil may tumatawag)

 

LARA: Cristina! Cristina! Andiyan ka ba? (Nang Makita si Cristina, yayakapin niya ito nang mahigpit)

Salamat at may nakita akong kapitbahay. Nawawala si Papa at Mama, mag- isa na lang ako. Cristina, natatakot ako (iiyak).

 CRISTINA: Ako din natatakot. Hindi ako makapaniwala na sa isang kisap-mata nawala ang lahat sa akin. Wala na nga si Papa at sila Mama at si Abie na nga lang ang kasama ko nawala pa. Alam mo marami pa akong pangarap, marami pa akong pangarap sa amin. Ito nga may maganda sana akong balita sa kanila na nakapasa ako sa board exam (iiyak). Paano na ngayon yan? (lalapit si Lara)

 LARA: Nakakalungkot ang mga nangyayari. Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa, hanapin natin sila. (tatango si Crisitina) Teka nakita mo na ba phone mo (kukunin din ni Cristina ang phone niya) … Andami ding palang nawawala sa lahat ng lugar.

 CRISTINA: Hindi lang sa Pilipinas. Sa buong mundo.

 LARA: Teka may nabanggit sa akin si Papa na balang araw kukunin ang mga taong nananampalataya kay Hesus. (Nag-iisip) Ano na nga ba ang tawag nila doon? Grabeng utak to, hindi ko maalala. Hindi kaya ito na yon? Nakasulat yon sa Bible daw sabi ni Papa.

CRISTINA: Narinig ko na rin yan pero imposible.

LARA: Marami pang sinabi si Papa, andami pang mangyayari (iiyak at mangignging sa takot) Cristina maniwala ka… marami pang mangyayari (lalapit si Cristina at kakalmahin si Lara.

 CRISTINA: Kumalma ka lang…

LARA: Hindi eh… hindi mo ako naiintindihan… nakakatakot ang susunod pang mangyayari.. di ba?

CRISTINA: tama na, nag –iisip ako.

LARA: Hindi eh… Naalala ko na ..rapture ang tawag nila doon… tapos may pitong taon na paghihirap kasama tayo doon…(hahagulgol)…

CRISTINA: Ano ba! TAMA NA!

LARA: Sorry… natatakot kasi ako

CRISTINA: natatakot din ako… (yayakapin si Lara)

 

SCENE 3:

(Si Lara at Cristina nakikinig sa balita sa laptop)

 LARA: Naniniwala kaba sa paliwanag ng president sa pagkawala ng mga tao.

CRISTINA: (isasara ang laptop) Hindi ko alam… Nakailang buwan na pro hindi pa rin bumabalik yong mga taong nawawala. Sa totoo lang umaasa pa rin ako na makakabalik sila

 LARA: Sana nga pero sabi dito sa Bibliya nasa langit na bayan na sila.

CRISTINA: Itabi mo nga muna yan… naguguluhan na ako…

LARA: Sabi sa balita, sasang-ayon ang ating president sa pagsama-sama ng mga leaders at magbubunga ito ng pag-angat na ating ekonomiya. Magiging magkakaisa-isa ang buong mundo at magiging isa na lang ang president sa buong mundo. Ang bilis ng pangyayari parang kakaiba. Wala ka bang napapansin?

CRISTINA: Ang alin?

LARA: Yong pagbabago sa mundo.

CRISTINA: Yang balitang yan matagal na yan at yang leader na yan matagal na siyang nakikita sa news… Hindi ka kasi nanood ng news eh…

LARA: Ganon ba… pero hindi mo napapansin yong transition… Kapareho nong sinasabi sa akin ng mga magulang ko…detalyado nila itong sinabi sa akin dati…. Nandito sa Bible ang kasagutan. Basahin natin.

CRISTINA: Ikaw na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung ano nabasa mo. Tulog na muna ako. Sakit na ng ulo ko sa kakaisip. (Papa-alis na si Cristina pro biglang tatawagin siya ulit ni Lara…)

LARA: Teka, tingnan mo to oh. Halos buong mundo handing-handa na sa pagbabago... Tingnan mo may microchip na ilalagay sa tao bilang tatak na yong pagkakilanlan. Para itong ID at lahat ng info mo andoon na at pati bank statement. Wala ka bang naaalala?

CRISTINA: Meron. Oo nga, nabanggit din sa akin ito ni Mama dati.

LARA: Nakakatakot. Nangyayari na yong mga sinasabi sa atin dati. Ano kaya, basahin natin talaga yong Bible… ito oh may Bible guides sa last days.

CRISTINA: Kay mama yan..

LARA: Basahin natin? (tatango si Cristina)

 

SCENE 4:

JEFF (co-worker): Anong nangyari sainyo? Bakit hind na kayo pumapasok? 

CRISTINA: Nagkasakit kasi ng malubha itong si Lara kaya hindi ko rin maiwan.

JEFF (co-worker): Ito pala yong pinabibili ninyong pagkain.

CRISTINA: Salamat Jeff ha.

JEFF (co-worker): Kung hind lang ako naaawa sainyo eh. Pero baka last ko ng punta dito sainyo kasi may last warning na sainyo ang company. Pag di pa kayo nagreport sa Monday. Isasama na kayo sa list ng babantayan ng gobyerno. Bakit kasi nahihirapan kayong magpalagay ng microchip?  (hindi iimik si Cristina at Lara)

Huwag ninyong sabihin na ito ay tungkol pa rin sa paniniwala ng mga magulang ninyo sa paghuhukom na yan. Hindi kaya napaparanoid lang kayo?

LARA: Hindi Jeff… totoo ito… nakasulat sa Bible ito.

JEFF: Pero tingnan ninyo ang nangyayari sainyo hirap na hirap kayo. Gusto ninyong mamatay? Ang gusto lang naman ng gobyerno ay umaangat ang buhay ng bawat mamamayan. Hindi naman big deal ang pagpapalagay ng microchip. Ito’y convenient pa nga kasi wala ka ng hawak na pera at hind pa mawawala saiyo.

LARA: Ang mahirap kasi kailangan akong manumpa na wala akong pinaniniwalaan na ibang relihiyon o sinuman lalo na si Jesus Christ bago ako lagyan ng microchip.

JEFF: Eh ano ang masama doon? Lahat talaga may pagbabago. Ito’y ginagawa, para maiwasan ang di pagkakaunawaan at away-away at maging pantay-pantay ang lahat eh di ba magandang hangarin ng gobyerno to?

LARA: Hindi Jeff… Naalala mo yong mga taong nawala dahil yon sa rapture

JEFF: Yan naman tayo sa rapture na yan eh… Anong gusto ninyo gawin ko? Paniwalaan ko yan? May paliwanag na ang international government diyan…Lara, may pamilya ako, tatay, nanay at mga kapatid na pinapakain ko. Hindi ko kakayanin ang makita silang nagugutom dahil lang sa paniniwalang yan.

LARA: Pero gusto mo bang mapahamak sila sa walang hanggang kaparusahan sa…

JEFF: Tama na! Hindi tayo magkakasundo sa ganyang usapin. Pumunta lang din ako dito para sa warning ng company. Alis na ako! (Susundan siya ni Cristina)

 CRISTINA: Jeff! (hihinto si Jeff sa paglalakad – music background) Salamat pa rin sa lahat. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa nangyayari sa paligid pero sana tama ang bawat desisyon natin. Kilala mo ako na hindi na naniniwala sa langit at impiyerno. Pero sa nangyayari, namulat ang isipan ko nong binasa namin ang Bibliya. Kung ako ang tatanungin mo, ayaw ko rin na makitang naghihirap ang pamilya ko.Pero wala sila ngayon sa tabi ko, gusto ko rin silang makasama… si Mama at si Abie sa langit na bayan na walang hirap… Kung ayaw mong nakikitang naghihirap ang pamilya mo sa ngayon, dapat ayaw mo rin silang makitang maghihirap sa impiyerno! (Tatapikin lang si Jeff) PAALAM!

 

SCENE 5:

(Voice Over - sa likod ng kurtina)

CRISTINA: Ilang buwan na tayong nagtatago. Wala na tayong makain. Madilim na, gabi na baka puwede na akong lumabas para makahanap ng pagkain. (hihinto at titigil sa pagsasalita) May kausap ba ako? Lara, okay ka lang?

LARA: AHhh (masama pakiramdam ko)

CRISTINA: May lagnat ka. Ano gagawin ko? Lalabas ako para makahanap ng paraan kung paano.

LARA: May camera sa maraming lugar.. baka Makita ka nila…

CRISTINA: Hindi rin ako mapakali dito. Hindi ko matiis na wala akong gawin. Kailangan mkahanap tayo ng mga taong kagaya natin na puwedeng tumulong.

LARA: Hindi na kita pipigilan. Ingat ka!

(lalabas si Cristina… tama-tamang may hina habol na lalake ang mga sundalo – Madadapa sa gitna ng stage ang lalaki at si Cristina ay nakasilip sa gilid)

 MGA SUNDALO: tigil! Tigil!

SUNDALO1: ANong pangalan mo? (Hindi iimik ang lalaki) tanggalin mo ang iyong kamay sa noo at titingnan naming ang iyong pagkakilanlan! (hindi tatanggalin ng lalaki ang kamay) Sinabi ng tanggalin mo eh! (Pasigaw) Gusto pang masigawan eh bago sumunod.

(Scan ng isang sundalo ang noo)

SUNDALO2: Wala siyang microchip! Nasaan ang ID mo?

(Kinapkapan at nakita ang wallet. Kinuha ang ID iniscan!

SUNDALO1: kasama ba siya sa listahan? (Tatango lang ang sundalo2)

SUNDALO2: Kristiyano ka ba? (Hindi pa rin iimik ang lalaki)

SUNDALO1: Ano ang pinaniniwalaan mo? Magsalita ka! (Aakmang babarilin at mapapasigaw si Cristina sa gilid)

CRISTINA: Huwag!!!

SUNDALO1: Sino yon? Tingnan mo at hulihin. (Lalapit ang sundalo2 sa lugar ni Cristina at hihilahin)

CRISTINA: Kuyang sundalo napasigaw lang naman ako dahil sa baril. Actually pauwi na ako!

SUNDALO2: Huwag ka maingay! Malalaman din namin ang pagkakilanlan mo! Maghintay ka!

SUNDALO1: Balik tayo sayo lalaki. Ang pangalan mo ay Rowell Santos. Gusto ko lang kumpirmahin, ano ang pinaniniwalaan mo? Kristiyano ka ba? (titigil saglit at lalapit sa mukha ng lalaki. Hahawakan ang panga) MAGSALITA KA! Ang kulit talaga nito kanina pa eh! Ano, kristiyano ka ba?

LALAKI:  OO ako’y kristiyano! Ako’y naniniwala kay Hesu Kristo na aking tagapagligtas! (PASIGAW)

SUNDALO1: Maling kasagutan!  (bubugbuginan ang lalaki at papaluin ng kahoy sa katwan)

CRISTINA: Huwag!!! Huwag! (mapapasigaw)!

SUNDALO2: Tumahimik ka diyan… Sir, walang order na papatayin ang mga ito… pahihirapan sila hanggang sumuko…

SUNDALO1: halika dalhin sila sa quarters! Halika na! isama mo ang babaeng yan!

CRISTINA: Saan ninyo ako dadalhin?

SUNDALO2: Malalaman mo din kung saan

CRISTINA: Hindi ako puwedeng umalis, may kailangan akong gawin.. Kuya iwanan nyo ako dito pakiusap napadaan lang naman ako eh!

 SUNDALO2: Hind puwede… pag okey naman record mo.. walang problema eh..

SUNDALO1: Bilisan ninyo!

(iiyak na lang si Cristina)

 

 SCENE 6:

(Jail scene- voice over)

CRISTINA: Tama na!

SUNDALO1: Pahirapan pa yan para tumanda at sumunod sa batas ng gobyerno

CRISTINA: Tama na! Patayin ninyo na lang ako>>>

SUNDALO2: Hindi yon ang order sa kaso mo.

SUNDALO1: Mr. Alegre. Iwan mo muna yan at may ipapacheck ako saiyo.

SUNDALO2: Yes, sir!... Babae, babalikan kita!

(Music background)

 

CRISTINA: (umiiyak) Mama… sana nandito kayo ni Abie sa tabi ko… Alam mo Abie name-miss ka na ni ate sobra. Mama sana nakinig ako saiyo…sana naniwala ako saiyo noon pa mang una! Naalala ko yong mga panahon na hindi ako naniniwala sa sinasabi mo na galing sa Bibliya.

 (flashback)

TINA (CRISTINA’S MOM): Cristina! Cristina! Nasaan ka na? Hindi ka ba sasama sa church ngayon? (lalabas si Cristina)

CRISTINA: Hindi ako sasama Ma. May gagawin akong report eh.

TINA: puwede namang gawin yan mamaya. Sige naman na… Maganda event ngayon! Evangelistic Meeting

CRISTINA: Yon na nga eh… Ayaw ko ng evangelistic meeting.

TINA: Anak para malaman mo ang tungkol sa rapture at sa kaligtasan.

CRISTINA: Rapture na naman. Ayaw ko na marinig yan!

ABIE: Hindi pa nga niya tinatanggap si Jesus niya sa puso niya eh.

CRISTINA: Sumabat naman ang batang ito! Kumain ka lang diyan

TINA: Anak, gusto ka naming makasama hanggang sa walang hanggan!

CRISTINA: Kasama nyo naman ako ngayon eh…

TINA: Alam mo ang ibig kong sabihin.

CRISTINA: Mama, alam mo naman na iba ang paniniwala ko tungkol sa bagay na yan. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Itong nararanasan na to sa mundong hirap…ito na yong impiyerno…

TINA: Anak.. May langit at impiyerno … Yan ata ang bunga ng pag-aaral mo sikat na unibersidad eh… Alam mo anak sinasaktan mo ako sa ganyang pananalita mo!

CRISTINA: Sorry Ma… (lalapit sa mama) Sorry na Ma…. eh si Lara ba kasama ni Ninang?

TINA: Hindi ata!

CRISTINA: Eh si Lara nga din ayaw eh… ako pa kaya!

TINA: Anak panregalo mo na sa akin ito. Sama ka na!

CRISTINA: Love kita ma… pero huwag ito. Iba na lang…

TINA: Baka wala ng oras anak.. hindi natin alam!

CRISTINA: Huwag kayo mag-aalala… darating din tayo diyan!

TINA: Promise?

Cristina: YES…

TINA: Sige pala.

CRISTINA: Oy, tama na yan. Magtoothbrush ka na.. Hindi mo na ata ako tinirahan ng sinagag ahh

ABIE: meron pa ate.. yong langgonisa na nga lang.. iisa lang natira saiyo…

CRISTINA: Grabe siya oh…Ang lakas kumain!

 (aalis sa stage at iplay yong music background - Maririnig sa voice over ang paghikbi ni Cristina sa pag-alaala sa kanyang pamilya at sa kanyang mga maling desisyon)

 

SCENE 7:

(Mga grupo ng kristiyano na nasa stage at umaawit)

 When we all get to Heaven,

What a day of rejoicing that will be!
When we all see Jesus,
We'll sing and shout the victory!

(Magsasalita ang lahat - AMEN!)

LEADER: Salamat sa Panginoon at nakahanap tayo ngayon ng masisilungan na puwede tayong makapanambahan. Kailangan lang mag-ingat na walang makahuli sa atin.  Ikinalulungkot man natin ang pagkahuli ng ating kasamahan na si Bro Rowell, isama natin siya sa panalangin… Nayon, mayroon naman tayong bagong makakasama, si Sis. Lara.

LARA: Salamat po sa Panginoon sa Kanyang paggabay at kagalingan. Nakita nyo ako at ako’y gumaling sa sakit. Salamat po sainyong lahat sa pagkalinga. Ininihihingi ko po ng panalangin ang dati kong kasama na si Cristina, hindi na siya nakabalik. Marahil siya po ay nahuli ng mga kasundaluhan kaya ipinalangin natin po siya.

LEADER: Sige isama natin sa panalangin mamaya. Sa tindi ng kahirapan, salamat sa Panginoon at tayo’y nagpapatuloy. Basahin natin ang paalaala sa atin sa Bibliya.Mkikita natin ito sa Matteo 24:

Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.

“Pagkatapos ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”

SCENE 8:

(Jail scene- Si rowel ay binubugbog ng mga sundalo (center stage) …

ROWELL: ahh.. (mapapasigaw sa sakit) Tama na!

SUNDALO 1: tigas nito oh..

SUNDALO 2: mamaya ulit, tingnan lang ntin…ibalik mo na ulit sa kulungan yan!

 (babaling ang mga sundalo sa  babae, kay cristina (right stage) ito’y papaluin ng makailang ulit at mapapasigaw na lang si Cristina…. (lights off)

 (when lights on, cristina on the center stage at ang mga sundalo sa right stage kumakain)

 CRISTINA: Wala ba kayong ibibigay na pagkain gutom na gutom na kasi ako?

SUNDALO2: Hindi ka nman umaayon sa gusto naming eh, paano ka namin bibigyan ng pagkain?

SUNDALO1: (lalapit at bibigyan ng dahon ng kamoteng hindi luto) ito oh.

SUNDALO2: Bakit mo binigyan? Baka biglang dumating si Boss, makita yan

SUNDALO1: dahon lang naman yon!

 (Si Cristina habang umiiyak, pilit na kinakain ang dahon… biglang may darating)

SUNDALO: Good morning sir! (biglang tatayo ang sundalo at sasaludo)

JAIL ADMINISTRATOR: kumusta? Ilan na lang ang report natin sa rebellion list?

SUNDALO2: out of 20 po na nahuli, dalawa na lang ang hindi nag-give-give in

JAIL ADMINISTRATOR: Bakit?

SUNDALO2: Yong isa po ayaw talaga!

JAIL ADMINISTRATOR: Nakailang encounter na?

SUNDALO2: Maraming beses na sir.

JAIL ADMINISTRATOR: ang lakas ng loob ninyong kamain na hindi pa tapos ang trabaho ninyo… (tatabigin ang upuan at nanatiling nakatayo ang mga sundalo)

(lalapit sa lugar ni Cristina)

 JAIL ADMINISTOR: HOYY (pasigaw) ikaw ba yong ayaw magpatatak… (iiyak lang si Cristina sa takot) Anong pangalan nito?

SUNDALO 1: Sir… Cristina!

 JAIL ADMINISTOR: Ikaw pala yong Cristina! Bakit ayaw mo pang magpatatak ha? (sisigaw) Matigas ka daw ahh…Pinapahirapan mo pa kami…! Alam mo ang ganda-ganda ng layunin ng gobyerno natin… Ang gusto lang ng gobyerno ay magkaroon tayo ng pagkakaisa…magkaroon ng magandang buhay pero bakit ganon…ang titigas ng ulo ninyo (babatukan sa ulo si Cristina)

CRISTINA: Tama na po!!!

JAIL ADMINISTOR: Ahh…Siguro isa ka mga taong nagsasabi na ayaw magpatatak kasi kristiyano daw sila at naniniwala daw sila sa Bibliya… kasi naninidigan daw sila sa Dios nila…Eh kung ganyan din ang paninindigan mo sa Dios mo at paniniwala mo sa Bibliya, bakit hanggang ngayon, bakit hanggang ngayon andito ka pa? (hahawakan sa mukha si Cristina at sisigawan) … Di ba sabi sa Bibliya ninyo na ang mga kristiyanong ay matagal nang wala… bakit ngayon andito ka pa? SUmagot ka!!!

CRISTINA: Tama na po!!!

JAIL ADMINISTOR: Alam ko na, siguro katulod ka ng lalaki kanina…Ano ba pangalan non? Ahh Rowell… sabi niya sa akin kaya daw siya naiwan dahil matagal na daw siyang nakakapakinig ng salita ng Diyos, palagi na daw niya naririnig ang kaligtasan pero ayaw niyang maniwala…ayaw daw niyang manampalataya… kaya ngayon nagsisi siya..nagsisisi ka ba na nakikita mo lahat… kalokohan yang mga yan! Malas ninyo lang kasi ang gobyerno natin hindi papayag na ang lahat ay hindi magpapatatak…. Papahirapan ka naming hanggang sa sumunod ka sa kagustuhan namin! Yong kasama mo alam mo ba!... lalo pa naming pinahihirapan  binabalatan nmin ng buhay…

Pero alam mo Cristina… hindi mo naman kailangang maranasan yon o mahirapan at nakikita ko gutom na gutom ka na… Oh..ano? (lalapit kay Cristina) alam mo madali lang naman yan…ang gusto lang naming magpatatak ka!!! Kaya ano? Magpatatak ka na ba? (hahawakan sa ulo si Cristina)

 CRISTINA: Hindi! Hindi ako magpapatatak!!! Sabi sa Bibliya, once na ang isang tao ay magpatatak, ang kanyang kaluluwa ay habang buhay na magdurusa sa impiyerno…Alam mo mas gugustuhin ko na pansamantalang mahirapan dito sa lupa keysa  habang buhay akong magdusa sa impiyerno… Naniniwala ako sa Diyos at siya ang magliligtas sa akin kaya kahit anong gawin mo… HINDI AKO MAGPAPATATAK!!!

 JAIL ADMINISTOR: Ahh ganon! Ginagalit mo talaga ako.. Hawakan nyo siya… Gusto mo palang mahirapan ha… sige! Pahirapan ka namin hanggang gusto namin…. (saampalin at bubugbugin si Cristina hanggang kukuha ng kutsilyo ang jail administrator)

 (kukuha ng kutsilyo) Ito marahil ang gusto mo ang mabalatan. (ilalapit sa mukha) huwag kang mag-alaala dahan-dahanin natin… sa kamay ang unahin natin…

 CRISTINA: (Sisigaw) Huwaggggggg!!!!

(lights off)

 

Narrator:

Sana huwag ng humantong sa ganitong sitwasyon ng buhay natin bago natin makita ang katotohanan. Marami tayong desisyong ginagawa araw-araw at sana ngayon pa lang ay piliin na natin ang tama. Dahil kung hindi, sa isang kisap-mata, mawawala ang lahat ng bagay at pagsisihan natin ang ating desisyong ginawa!

 


REMEMBER WHO YOU WERE (HEBREWS 2:13-15)

  REMEMBER WHO YOU WERE Bible Passage: Hebrews 2: 13-15 Lesson Prepared by: krisha of Solomon Wisdom FB page Lesson ideas taken: LESSON KE...