CHRISTIAN DRAMA TITLED "HANGGANG KAILAN?" by krisha
HANGGANG KAILAN?
By: Krisha
Narrator: Likas sa tao ang makaramdam ng galit at paghihinakit sa
mga masasakit na bagay na nangyayari sa ating buhay. Pero minsan sa nagiging
dahilan ito para hindi natin makita ang kagandahan pa rin ng buhay. Sana hindi ito maging dahilan
para magkamali tayo sa mga desisyon natin. Tunghayan po natin ang dulang
pinamagatang… HANGGAN KAILAN!
CAST:
Freddie: Pastor Larry
Bert: Greg EdaƱol
Cynthia: Maricris Anilao
SCENE 1:
Freddie: Ilang beses ko na bang sinabi saiyo na huwag mo na akong
piliting umattend sa fellowship na yan..ang kulit mo!
CYNTHIA: Hindi naman kita pinipilit,
niyaya lang kita, anong masama doon?
Freddie: Anong masama? Alam kong concern kayo sa akin pero naiinis
kasi ako dahil lagi mo akong pinapa-alalahanan ng tungkol sa church… ayaw ko
muna maka-alaala ng tungkol dyan.
CYNTHIA: Bakit ayaw mong maalala? Masama
bang alalahanin ang mga masasayang pangyayari sa mga paglilinkod mo sa
Panginoon? (Hindi umiimik si Freddie)… Masama ba Freddie?
Freddie: Basta ayaw ko!
CYNTHIA: Hindi ganyan ang sagot na gusto
kong marinig…
Freddie: Bakit? Anong gusto mong marinig?
CYNTHIA: Oo o Hindi lang naman ang sagot.
Freddie: O sige…Tinatanong mo ako kung masama? (pause) OO… masamang
alalahanin ang masasayang pangyayari sa paglilingkod ko sa Panginoon… Okay ba
yon saiyo? Masaya ka na? Iwan mo na ako!
CYNTHIA: Huwag mong sabihin sa akin na sa
tagal na ng panahon na yon, hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan ang
naging dagok mo sa buhay… Nagtataka ako, sabi mo sa akin tanggap mo na ang
lahat ng masamang nangyari saiyo tapos ngayon sinasabi mo uilt yan sa akin. Akala
ko ba natanggap mo na?
Freddie: Sabihin mo nga sa akin…Paano mo matatanggap ang mawalan ng
mga minamahal mo sa buhay.
CYNTHIA: Andyan pa ang Panginoon. Lahat
ay may dahilan. Magtiwala ka sa Kanya
Freddie: Madali para saiyo ang sabihin yan dahil wala ka sa
katatayuan ko. Ikaw may pamilya ka pa na laging andyan para saiyo… Pero ako
(iiyak) parang wala ng saysay ang buhay ko… hindi ko talaga malimutan ang
pamilya ko.
CYNTHIA: Hindi ko naman sinabi saiyo na
kalimutan mo ang pamilya mo… Huwag mo lang silang alalahanin..
FREDDIE: Paano? Paano kong hindi alalahanin? Na ang pamilya na laging
sumusuporta sa akin sa ministeryo ay pinatay ng mga taong halang ang mga kaluluwa.
Sa ministeryo na ito na halos inilagak ko ang buhay ko sa pagbabahagi ng
mabuting balita sa iba’t-ibang lugar Hindi ko inalintana ang hirap, tanggap ko
ang hirap sa pag-akyat sa bundok, kakapusan ng pagkain, kasalatan sa mga
maraming bagay pero hindi ko matanggap ay ang pagkawala ng mga taong mahal ko
sa buhay. Pinatay sila dahil sa ministeryong ito kaya kung hindi rin maganda
ang dulot nito baka hindi na rin ako epektibo sa ganitong gawain. Huwag ka ng
mag-alala sa akin. Sa ganitong kalagayan ko ayaw ko munang makakita ng mga
taong nagpapaala-ala sa akin dito..Kaya iwan mo na ako!
CYNTHIA: Alam ko nabubulag ka lng ng sakit na nararamdaman mo dyan
sa dibdib mo. Kung makita ka man ng pamilya mo sigurado akong malungkot sila
para saiyo..May sarili kang pagpapasya pero ang tanong ko lang saiyo… HANGGANG
KAILAN? HANGGANG KAILAN KA MAGIGING GANYAN?
FREDDIE: Wala na akong ganang maglingkod…Iwan mo na ako! (iiyak)
(Biglang aalis si CYNTHIA ….. LIGHTS OUT)
SCENE 2:
BERT: Kumusta ka na? Anong nangyari saiyo?
FREDDIE: Eto.. nanghihina… parang
wala na akong ganang mabuhay pa..
BERT: Pare, wag naman ganyan..
FREDDIE: Pag nandito ka sa katayuan ko baka masabi mo rin iyan… May
sakit ako pare… (iiyak)
BERT: Anong sakit?
FREDDIE: May leukemia ako pare..alam mo ba kung bakit hanggang
ngayon hindi ko pa rin makalimutan ang mga pangit na nangyari sa mga mahal ko buhay
dahil hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil ang paghihirap ko sa buhay.. dumating
ako sa punto ng buhay ko na tinatanong ko ang Dios sa mga nangyari sa akin…
BERT: Alam kong di kayang makapagkalma sa nararamdaman mo ang aking
mga sasabihin..dahil sa ngayon walang salita ang makakapagpagpatunay na mayroon
pa rin pag-asa maliban sa mga pangko ng Dios sa kanyang salita… Kaya kahit
ganito wag ka sana mawalan ng pag-asa kahit na sa tingin o pakiramdam mo ay
wala na itong saysay pa…
FREDDIE: Ang hirap bro..
BERT: Hindi ko man nararamdaman ang kalagayan mo ngayon pero sa
totoo lang bro naiintindihan kita… Hindi ka ba magsasabi kila Cynthia?
FREDDIE: Hindi na siguro… baka makadagdag pa ako sa problema sa
gawain…
BERT: Di ba karapatan din nila ang malaman., hindi na sila iba
saiyo…
FREDDIE: Ayaw kong kaawaan
nila ako… Minsan naisip ko masarap na lang yong bigla ang kamatayan mo kesa sa
sakit na ganito, bawal akong ma-expose sa maraming bagay… Alam mo ba ang
nararamdaman ko bawat araw na lumilipas na alam kung kahit anong araw pwede
akong mamatay. Ang sakit pare! Hindi na ata matatapos ang sakit na nararamdaman
ko..
BERT: Kagaya ng sinabi ko…Naiintindihan ko… tibayin mo ang loob mo,
lumapit ka sa Panginoon… isipin mo may dahilan ang lahat ng bagay Minsan ang
kalooban ng Dios ay hindi natin maintidihan pero balang araw maiintindihan din
natin ito!...
FREDDIE: Matagal bago ko natanggap ang pagkawala ng pamilya ko pero
heto ako ngayon bumabalik na naman sa akin ang sakit… Bert sabihin mo nga sa
akin, sa ganitong kalagayan ko… may silbi pa ba ang mabuhay…Maraming taon na
rin akong nasayang sa paghihinagpis ko at nakita ko na parang wala atang naging
bunga ang lahat ng paglilingkod ko noon… (Biglang darating at sasagot si
Cynthia na hindi nila namalayan ang pagdating)
CYNTHIA: Huwag mong sabihin yan… Walang sayang na palilingkod mo…
Sa totoo lang , matagal na akong gustong mag-give-up sa pag-eencourage saiyo
para bumalik ka sa paglilingkod… Alam mo ba kung bakit hindi kita iniiwan… Alam
mo ba…Paano ko iiwan ang taong nagdala sa akin at sa buong pamilya ko sa
Panginoon. Nakalimutan mo na ba yon? Kya huwag mong sabihin walang bunga ang
paglilingkod mo… Kahit di man natin makita, hindi pa rin sayang!
FREDDIE: Pasensiya na mga alalahanin na naidulot ko sayo at sa
pamilya mo… Sana
maitindihan nyo…
CYNTHIA: Naintindihan ko… Sana
maramdaman mo na naintindihan ko talaga.. Masakit ang nandyan sa katayuan mo!
FREDDIE: Nang mawalan ako ng mahal sa buhay, sabi ko sa sarili ko
mahirap ang biglang kamatayan.. Pero ngayon sa ganitong sitwasyon ko naramdaman
ko mas mahirap pala ang alam mong mamatay ka.. lagi mong inihahanda ang sarili
sa bawat araw.. Ang sakit ng kalooban ko para akong kandila na unti-unting
natutunaw… Sa ganitong sitwasyon, hindi maiwasan na mawalan ako ng ganang
maglingkod…
CYNTHIA: Hindi man naming nararamdaman ang nararamdaman mo pero
alam naming kung gaano kasakit.. Pero kagaya ng sinabi ko.. HANGGANG KAILAN?
HANGGANG KAILAN NATIN TITIKISIN ANG PAGLILINGKOD… kung wala na tayong lakas…
Sana sa konting buhay mo.. gamitin mo pa rin sa paglilingkod! Pwede ba yon
Pastor?
FREDDIE: Pastor? Oo nga pala naging pastor ako!... Sa mga inasal ko
para akong hindi naging pastor… Akala ko noon walang pangyayari ang
makakabagsak sa akin, mahirap tanggapin ang lahat… Ngayon ko nakita na kahit
sino puwedeng bumagsak… kahit ikaw pa ay malapit sa gawain..
BERT: Alam ninyo pastor nalungkot talaga ako ng husto sa nangyari
sa atin sa church at alam nyo pastor namiss namin kayo (naiiyak ang boses)…
dahil sa inyo naging paala-ala sa amin na totoo na kahit sino puwedeng mawala
sa ministeryo at nakita namin na tayo mismo hindi natin kaya.. HUwag akyong
mag-alala pastor Andito pa kami … Hindi ka namin iiwan…
FREDDIE: Salamat sa paalala. Pwede ba nyo akong ipagpray?
(Magtitinginan si Cynthia at Bert at lalapit kay Pastor Freddie at magpipray)
LIGHTS OUT
Comments
Post a Comment