CHRISTIAN DRAMA TITLED "BUHAY… PARA KANINO?" by krisha
BUHAY…
PARA KANINO?
By: Krisha
Narrator:
Sa buhay natin sa mundo… marami tayong mga kaparaan para mabuhay.. Ginagawa
natin ito para maging maayos ang buhay natin at lalong-lalo ang mga mahal natin
sa buhay… Pero isipin din natin na may hangganan ang buhay… Ngunit… para kanino
ba ang talaga ang buhay…
Scene 1: (left side of the stage)
BOBBY:
Oh! Ayan ang panggastos sa bahay… Makabibili ka na kailangan natin ditto…
ELENA:
Kuya… salamat… makabibili na tayo ng masarap na ulam.. Saan ba galling ang pera
mo? (Hindi sumasagot si Bobby)… Kuya may tanong lang ako.. saan galing ang
itong pera?
BOBBY:
Huwag ka ng magtatanong… magpasalamat ka at may panggastos na tayo..
ELENA:
Nagtataka lang kasi ako kuya dahil…
BOBBY:
Tama na yang tanong ng tanong… Mag-iingat ka pala dito ha pag-wala ako… Huwag
kang magpapasok ng di mo kilala.
ELENA:
Aalis ka ba ulit?… kararating-rating mo lang ah!
BOBBY:
Nagtext sa akin si Leandro, may trabaho daw kami…Teka pala pinapunta mo ba ang
kaibigan mo dito?... Ano ba ang pangalan non?
ELENA:
Si ate Sonia kuya…Sasamahan niya raw ako dito sa bahay… Iniinvite nya pala ako
sa church nila… Subukan ko daw baka doon ko makita ang hinahanap ko…
BOBBY:
Hay naku… ang drama mo naman…Oh ano… ingat ka na lang dito.. (Biglang may
tatawag)
SONIA:
ELENA! ELENA!
ELENA:
Pasok ka ate Sonia!
SONIA:
Good evening:
BOBBY:
Ingat kayo dito ha! Sige alis na ako…
ELENA:
Ingat ka kuya!
SONIA:
Saan ba punta kuya mo?
ELENA:
Sa trabaho ata..
SONIA:
Night shift sya? Ano ba work nya?
ELENA:
Hindi ko alam eh.. Nagtataka nga ako sa kanya dahil pag dumadating siya ang
dami niyang dalang pera… pag tinatanong ko naman, sabi nya marami daw siyang
sideline… Kinakabahan ako para kay kuya… Sana hindi naman totoo ang kutob
ko…Siya na lang kasi ang kasama ko sa buhay…
SONIA:
Walang imposible sa panalangin…Ipagpray natin ang kuya mo..
ELENA:
Sa tingin ko sayo parang ang sarap-sarap manalangin…
SONIA:
Masarap dahil kakausapin mo ang Dios… Siyanga pala sama ka sa akin sa church ha..
ELENA:
Sige! sama ako… mabait naman si kuya… maiintindihan nya ako
SONIA:
Ang saya naman.. may kasama na ako!
ELENA:
Gusto ko kasing subukan… Oh ano tulog na tayo para maaga tayo magising
SONIA:
Sige! Halika na…magdevotion muna tayo..
ELENA:
ANo yon?
SONIA:
Malalaman mo rin!
SCENE 2: Darating
si Bobby sa stage at palinga-linga at biglang darating si Leandro
Leandro:
Oh.. dala mo ba?
BOBBY:
Oo.. kumpleto yan… walang labis- walang kulang…
LEANDRO:
Mabuti… baka may nakasunod sayo dito!
BOBBY:
Wala.. sigurado ako!
LEANDRO:
O sige… ito ang komisyon mo… Mag-ingat ka dahil parang mainit ka ngayon sa mga
kalaban natin…
BOBBY:
Salamat…
SCENE 3: (center stage)… Darating si Sonia at
Elena galing sa church..)
ELENA:
Ngayon ko lang naramdaman ito… Ang saya ko!.. Salamat ate Sonia ha!
SONIA:
Walang anuman… ganon talaga… Pag may nalaman kang magandang balita… di ba gusto
mong ishare… kaya gusto ko malaman mo rin..
ELENA:
Sana si kuya din…
SONIA:
Isama mo lang palagi sa panalangin… Oh.. paano uwi na muna ako…
ELENA:
Okay.. Salamat! (biglang darating si Bobby)
BOBBY:
Saan ka galing?
ELENA:
Kuya.. andito ka pala… Kanina ka pa?
BOBBY:
Yong tanong ko ang sagutin mo… Saan ka galing?
ELENA: eh..bakit naman bigla ka na lang sumisigaw?
BOBBY:
Alam mo bang nag-alala ako sayo… Hindi mo alam ang nramdaman ko kanina!
ELENA:
parang masyado ka namang takot at kinakabahan.. okay lang ako kuya!
BOBBY:
Iniisip ko lang baka mapahamak ka!
ELENA:
Hindi tayo pababayaan ng Panginoon… kung may mangyari mang masama sa tin, may
dahilan… pero andyan pa rin SYA!
BOBBY:
Parang kakaiba ka ngayon…
ELENA:
Alam mo kuya… nakita ko na ang hinahanap ko… akala ko basta mabait ka lang okay
na.. wala palang kabuluhan yon sa paglilinis ng kasalanan natin… At eto pa
kuya.. may totoong langit at impiyerno… At si Kristo ang daan ng kaligtasan..
kailangan mo lang ay manam…(mapuputol sa
pagsasalita dahil sa pagsagot ni Bobby)
BOBBY:
Ano ka ba Elena!... Tama na Yan!... Baka mabaliw ka nyan…
ELENA:
Iniisip ko lang naman kuya na maigsi lang ang buhay natin… Ikaw kuya… para kanino
ba ang buhay mo?
BOBBY:
Matulog ka na!... (aalis si Elena na malungkot.. maiiwan si Bobby na nag-aalala
at atubili.. at aalis din sa stage ng ilang Segundo)
(INSTRUMENTAL)
SCENE 4: (Walang tao sa stage.. may tunog ng baril
at may sisigaw sa audience..)
AUDIENCE:
Takbo… andyan ang mga pulis… (Pasigaw)
….
BANG!!!!!!!!!!!!!!
(bubulagta
sa center stage si Carlo… Darating si Bobby at Leandro)
BOBBY:
Carlo! Carlo!... Ano nangyri?
LEANDRO:
Bobby …alis na tayo!
BOBBY:
Pare may tama sya!
LEANDRO:
Andyan ang mga pulis sa paligid baka madamay tayo!.. halika na!
BOBBY:
Pare ano ka ba! kaibigan ko siya!.. Hindi ko sya puwedeng iwan na lang!
LEANDRO:
Sige bahala ka… akayin mo… yan ang problema sayo eh! (aalis sila sa stage)
(BACKGROUND MUSIC)
SCENE 5: (Nasa center stage si Bobby at nag-aalala
at drating si Elena..)
ELENA:
Kuya.. ano ang nangyari kay Carlo?
BOBBY:
Wala na … Hindi na sya umabot! (malungkot ang mukha)
ELENA:
Kuya okay ka lang?
BOBBY:
Hindi ako okay! Ikaw Elena… takot ka
bang mamatay?
ELENA:
Dati kuya… dahil di ko alam kung saan ako pupunta pero siyempre hindi nawawala
ang kalungkutan dahil may mga mahal sa buhay na iiwan… Ngayon alam ko talagang
maigsi lang ang buhay…
BOBBY:
Ganon nga ata talaga..Nalulungkot ako para kay Carlo… ang bata pa nya para
mamatay.. (boses ng umiiyak)… at sigurado ako hindi pa siya handa…
ELENA:
Yan nga ang mahirap kuya… maigsi ang buhay… at ang mas mahirap pa hindi rin
natin alam kung kailan ito matatapos…
BOBBY:
Alam ko naman yan … kaya lang (umiiyak) nang makita ko ang huling hininga ni
Carlo… Bigla akong nalungkot sa buhay ko… Paano pag ako ang nakahiga doon at
nag-aagaw buhay? Paano pag ako yong namatay noong oras na yon? Paano na?..
Hindi pa ako handa!... Hindi ko pa alam kung para kanino ang buhay ko…
(hagulgol na iyak)
ELENA:
Binigyan ka pa ng paagkakataon kuya… Hindi pa naman huli ang lahat…
BOBBY:
Salamat… Alam mo ba sa tanoong mo noon na “para kanino ang buhay ko” natanim sa
isip ko yon…tinanong ko ang sarili ko “ para kanino ba ang buhay ko?” Kaya lang
kasi ang dami kong kasalanan kay binabalewala ko lang…
ELENA:
kuya.. mapagpatawad ang Dios…
BOBBY:
Nagbago ka na talaga! Sama nga ako dyan sa sinasabi mong church!
ELENA:
Yan! Ang saya! Sa linggo kuya sama ka sa akin..
BOBBY:
Hindi ba nakakahiya?.. may kasama kang gwapo…
ELENA:
Hindi no! .. may kasama ka naming maganda eh…(sabay na tatawa) Ako bahala
sayo..
Krisha
January, 2008
Revised: April 18, 2010
THE END
Hi... Pwedeng magamit namin ito for our short film? School project lang po...
ReplyDeletethank u for using this script
Delete