CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "PANGARAP NA PAMILYA" by krisha
PANGARAP NA PAMILYA
(By: Krisha)
(With background music)
Narrator: Lahat ng tao
ay nagnanais na magkaroon ng maayos na pamilya. Ngunit minsan sa buhay natin hindi
maiwasan ang mga problema na nagiging dahilan ng unti- unting kagsira nito…
Gayunpaman, kahit ano pa ang mga dumating sa ating buhay… sana huwag tayong magsawa na naisin at gawin
ang … PANGARAP NA PAMILYA
Scene 1: (Nasa sala ang pamilya at nagdedekusyunan sa pag-alis ni Zarah )
CELIA: Sinabi ko na saiyo na huwag kang aalis!
ZARAH: Ayaw nyo man o
hindi…aalis ako.
SANDRA: Zarah wag ka
namang pabalang kung sumagot kay Mama.
ZARAH: Eh ang hirap
kasing umintindi, sinabi ko na na may research project
kami sa school.
CELIA: research project? Bakit sobrang tagal naman ata at may dala
ka pang mga damit.
ZARAH: Wala akong
magagawa hindi nyo ma gets.
CELIA: iniisip ko lang
ang kalagayan mo baka mapahamak ka.
ZARAH: Ngayon ko lang
naramdaman na concern kayo..okay lang ako… si ate na lang na favorite nyo ang
pansinin nyo..
CELIA: Wala akong favorite sainyo..Mahal ko kayong pareho…
ZARAH: Tama na! Ayaw ko ng drama.. makaalis na nga!
CELIA: Zarah, huwag kang umalis!
SANDRA: Mama hayaan nyo muna sya, hindi nya rin kayo maintindihan…
CELIA: Ano ba ang
kasalanan ko bakit ako ginaganito ng kapatid
mo?... Mula noon , hindi ako
nagpipray sa Panginoon ng karangyaaan o ano pa man. Ang gusto ko lang ay
magkaroon ng maayos at kumpletong pamilya… Mula ng namatay ang papa mo ang
pangarap na yan ay parang hanggang pangarap na lamang…
SANDRA: Di ba sabi nyo
sa akin may dahilan ang lahat ng bagay… Kahit na wala na si Papa, pwede pa rin
maging maayos ang pamilya na ito… Walang imposible sa prayer di ba?
CELIA: Tama ka… Sige na
matulog na tayo…
(LIGHTS OUT WITH MUSIC BACKGROUND)
Scene 2: (nasa sala
ang mag-babarkada at biglang dumating si Zarah)
LILIBETH: Oh, Mabuti
naman at andito kana
ZARAH: kumusta na yong
project natin.
CARLA: Oy! Concern sa
pag-aaral
ZARAH: Sympre pra hindi mahalata ang kalokohan ko Di ba… Oh ano
okay na?
CYNTHIA: As usual
pinagawa na naman kay Bob…
ZARAH: Mabuti naman at baka hindi tayo tanggapin ng bruha nating teacher
(kukuha ng yosi sa bag)
LILIBETH: Maya ka na
magyosi.. sa party na lang baka maamoy
tayo ni Manang.
CARLA: Oo nga, ngayon na yon…Let’s go na!
Cynthia: Teka
lang.. mag – re retouch lang ako…
CARLA: Tama na yan.. Wala ng
mababago jan..
ZARAH: Let’s Go
Scene 3: (Sasampalin ni Celia ang anak)
CELIA: Ginawa ko ang
lahat para maging maayos ang kinabukasan nyo. Hindi para sirain mo ito.
SANDRA: Hindi ko sinasadya Ma..
CELIA: Hindi sinasadya, mayroon bang hindi sinasadya… Sino ang ama
niyan?
SANDRA: Hindi nyo na kailangan malaman pa!
CELIA: Bakit? Wala ba akong karapatan na malaman bilang nanay mo
ha?
SANDRA: (Malakas na
boses na umiiyak) Hindi nyo kilala kahit sabihin ko at hindi nyo na rin
makikilala pa… Umalis na sya.. Hindi nya kaya ng responsibilidad.
CELIA: Hindi ko maisip
na magagawa mo yon… May pagkukulang ba ako saiyo? Alam mo bang kasalanan sa
Dios ang nagawa mo?
SANDRA: (umiiyak) akala ko lahat na ng kasalanan alam ko… Dahil
lumaki ako sa church. Dumating sa point ng buhay ko na nakita ko ang aking
sarili na naging sobrang bait ... Naging mabait ako sa inyo… sa church at lalong- lalo na sa Panginoon. Feeling ko
talaga naging sobrang mabait ako Kaya naging curious ako sa layaw ng buhay.
Iniisip ko na subukan kahit minsan ang di maging mabait… Pero mali ako…
Nagkamali ako… Nagkasala ako sa inyo at sa Panginoon.. Patawad po dahil nasira
ko ang pangarap nyo sa pamilya natin.. Natatakot po ako sa sasabihin nila
sainyo at sa akin… Tatanggapin nyo pa ba ako kahit di na ako mabait sa tingin
ng tao?
CELIA: Anak
naintindihan naman kita… Ngayon ang mahalaga nakita mo ang kamalian mo at
humingi ka ng tawad… Kahit ano pa ang nagawa mo…anak pa rin kita at mahal kita!
SANDRA: Salamat po!
Mahal ko din kayo…
Scene 4: (Nasa madilim na lugar sa sala si Zarah ng
biglang dumating ang kanyang Mama)
CELIA: Ano yan?
ZARAH: (Nabigla).. Wala
ito Ma (may itinago sa likod)
CELIA: Wala..Bakit
parang may tinatago ka…
ZARAH: Wala ito
CELIA: Ano sabi yan eh
(hahablutin at malalaglag)
ZARAH: Hindi akin yan
Ma.. Pina… (mapuputol sa pagsasalita)
CELIA: Kailan mo pa
ginagawa ito? (Hindi sumasagot si Zarah).. Sumagot Ka…KAILAN PA! (pasigaw)
ZARAH: Sige… Gusto
nyong malaman?... Mula nang maramdaman
ko na… mas mahal nyo si ate kesa sa akin… Napansin ko na paborito nyo siya!
CELIA: Nagkakamali ka..
pantay ang pagmamahal ko sa inyo ng ate mo!
ZARAH: Mula ng mawala
si Papa.. wala na akong kakampi dito sa bahay.. si ate Sandra lagi nyong
kasama… lalo na sa pag linggo sa pag-atend nyo sa church nyo…Nakikita ko lagi
kayong nagkukuwentuhan sa nangyari sa inyo sa church… Sa lahat naging mabait si ate at ako ang Blacksheep sa
pamilyang ito. Andito kayo pero hindi ko maramdaman… Naghanap ako ng
makakatanggap sa akin sa mga barkada ko… pakiramdam ko lumalayo kayo sa akin,
hindi ko kayo maabot…
CELIA: Nagkakamali ka..
hindi kami lumalayo, ikaw ang lumalayo… Huwag kami ang abutin mo.. ang
Panginoon.. inaabot nya ang kamay Nya para saiyo… Sa kanya ka lumapit..
kailangan mo Sya anak
ZARAH: Imposible na….
Hindi ko na kaya
CELIA: Pero kaya ng
Panginoon … paki-usap anak… Gusto mo bang na ganyang klase ng buhay ang maabot
mo?
ZARAH: (iiyak) Ayaw ko
ng ganitong buhay pero wala akong choice… Hindi ako kasimbait ni Ate… (biglang
papasok si Sandra)
SANDRA: Zarah hindi ako
mabait.. ang Panginoon lang ang mabait… Na realized ko ang kasalanan ko… Hindi
rin sa kabaitan ang kaligtasan… kundi sa pananampalataya… Mahal ka namin ni
Mama.. pero mas mahal ka ng Diyos…
CELIA: Anak… andito
lang kami.. hindi ka namin iniwan… (pause) halika ka na,.. Halika na…
Magpahinga ka na sa kwarto mo…
ZARAH: Iwan nyo muna
ako… (paalis na sila Sandra at Celia)…
Mama… pwede ba akong tumabi sa inyo… ( BAWAT ISA NGUMITI)
Narrator: Ang pananaw ng mundo sa pangarap
na pamilya ay may kaayusan at walang kasalatan sa maraming bagay… Ngunit kahit
ganito marami pa rin ang sirang pamilya… dahil sa kadahilanang ang susi talaga
sa pangarap na pamilya ay si Kristo… Kaya nga huwag tayong manghihinawa na
ipanalangin at gumawa ng opurtunidad na ilapit an gating pamilya sa Panginoon..
Salamat po sana
naging magandang paalala sa atin ang maikling drama na ito..
THE END
Krisha,,
Dec.2008
Can I use this script po? I will put the name of the rightful owner po sa credits. Sana po may makapansin. Thanks :)
ReplyDeleteI am a teacher, and right now naassign ako to write a Learning Pocket about Theater Arts. Pede ko bang magamit ang copy ng script na ito as source/reference sa activity na ipagagawa ko for my students? Sana mapansin mo ako writer Krisha412. Gusto kong mareceive ng maayos ang permission mula sayo. I will love to put your name on credit for this masterpiece. Thank you and God Bless.
ReplyDelete