Posts

Showing posts from 2019

CHRISTIAN DRAMA TITLED "BUHAY… PARA KANINO?" by krisha

BUHAY… PARA KANINO? By: Krisha Narrator: Sa buhay natin sa mundo… marami tayong mga kaparaan para mabuhay.. Ginagawa natin ito para maging maayos ang buhay natin at lalong-lalo ang mga mahal natin sa buhay… Pero isipin din natin na may hangganan ang buhay… Ngunit… para kanino ba ang talaga ang buhay… Scene 1: (left side of the stage) BOBBY: Oh! Ayan ang panggastos sa bahay… Makabibili ka na kailangan natin ditto… ELENA: Kuya… salamat… makabibili na tayo ng masarap na ulam.. Saan ba galling ang pera mo? (Hindi sumasagot si Bobby)… Kuya may tanong lang ako.. saan galing ang itong pera? BOBBY: Huwag ka ng magtatanong… magpasalamat ka at may panggastos na tayo.. ELENA: Nagtataka lang kasi ako kuya dahil… BOBBY: Tama na yang tanong ng tanong… Mag-iingat ka pala dito ha pag-wala ako… Huwag kang magpapasok ng di mo kilala. ELENA: Aalis ka ba ulit?… kararating-rating mo lang ah! BOBBY: Nagtext sa akin si Leandro, may trabaho daw kami…Teka pala pinapunta...

CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "HABANG PANAHON" by krisha

HABANG PANAHON                                       Krisha412 – November 28, 2010 Narrator:   Minsan nakikita natin na ang mga kabataan ay marami pang panahon na puwedeng igugol sa mundo dahil dito kalimitan hindi sila nabibigyan ng panahon sa kanilang spiritual na buhay at hindi rin sila napapansin na marami silang puwedeng gawin sa gawain. Ang mga magulang ay binigyan ng responsibilidad ng Panginoon sa paggabay sa mga kabataan. Ngunit hanggang kalian? … Lahat tayo ay hindi perpekto ngunit ang mga panahon ng mga kabataan ay panahon na hindi dapat ipagpawalang bahala… Ang kanilang murang isipan ay nagsisilbing paraan na dapat sila’y punan ng tamang kaalaman na nagmumula sa Panginoon… Sana’y ang dramang ito ang magsilbing paala-ala sa atin na bawa’t isa ay may responsibildad na dapat gampanan…Tunghayan   po natin ang dramang pinamagatang , “Habang Panahon.” CAST: Cla...