Christian Drama titled "MALING AKALA" (short -scenes 1-5)
MALING AKALA
By krisha412
May, 2024
SCENE 1: (background music na may record na boses ng
iba’t-bang reasons sa pananambahan at ilang mga pananaw sa buhay)
VOICE 1: Sama ka naman sa church
VOICE 2: Titingnan ko ha… busy eh
VOICE 1: May event kami sa church, invite kita
VOICE 2: Hindi ako puwede eh
OTHER VOICES:
·
Hindi
ko puwedeng iwan ang religion kong kinagisnan
·
Iisa
lang naman ang Diyos
·
Lahat
naman yan pare-parehas lang
·
Kahit
hindi naman ako nagsisimba, alam ng Diyos ng mahal ko SIya.
VOICE OVER:
Ako si Velle. Marami akong paniniwala sa buhay na
pinaninindigan ko. Pero lahat ba ng mga ito ay may basehan at dapat panindigan?
Lahat ba ng kinagisnan ay tama? Lahat ba ng tinuro mula pa sa ating kamusmusan
ay dapat tayuan? Lahat ba ng iniidolo natin ay dapat tularan? Hanggang saan
hahantong ang ganitong kaisipan na walang makitang matibay na basehan.
Tunghayan natin ang aking kuwento.
SCENE 2: (Pagkawala ng minamahal)
VELLE: Mama!!! Mamaaaa… (pasigaw)
(After ng sigaw lights on!)
VELLE: Wala na si Mama!!! (umiiyak)
PINSAN1: (umiiyak) Velle… nakikiramay ako velle…
VELLE: Maraming salamat po…. Wala na si mama!!! …. Wala na
magluluto sa akin ng tsamporado pag maysakit ako… wala na magsasama sa akin
kung saan-saan… Wala ng maghahatid sa akin sa school… wala na si Mama!!!
PINSAN2: Kahit bata ka pa, kaya mo yan! Pakatatag ka … kayo
nila Papa mo! Andito lang kami.
PINSAN1: Kahit wala na si mama mo, mag-aral ka ng mabuti!
VELLE: Opo... Yon po
ang nais ko sa buhay makatapos ng pag-aaral at tumulong sa pamilya… yon lang
ang alam kong purpose ko sa mundo!
PINSAN2: Matutuwa ang mama pag nakita kang maabot ang
pangarap mo kung saan man siya naroon.
VELLE: Mabait si mama kaya alam ko nasa langit siya…
PINSAN1: Oo… pakatatag ka… kaya yan!
(LIGHTS OFF)
SCENE 3: (bahay)
VELLE: Papa… wala na pala si ate?
PAPA: Oo… lumuwas papuntang Velenzuela…
LANCE: Hindi ko man lang nakita or nag-paalam man lang… bakit daw po?
PAPA: Hindi ko alam…
VELLE: Bakit ganon?
Mag-kaaway po ba kayo? (Hindi iimik ang tatay) … Paano na ngayon Papa..wala na
si mama? … (hindi pa rin iimik ang tatay at aalis papuntang kwarto- at
kakausapin ni velle ang tatay) …Papa kumain na ba kayo? (hindi pa rin iimiik at
malungkot ang mukha ng tatay na aalis)
(Mag-isang maiiwan sa stage, maglalakad ng konti at
mag-iisip) Bakit kaya ganon? Bakit kaya maaga akong nawalan ng nanay? …Iniisip
ko makakasama ko pa ang nanay ko hanggan sa makamit ko ang pangarap ko o kaya’y
haggang sa pagtanda niya…babantayan at aalagan ko siya… parang ang bata ko
naman para mawalan ng nanay (iiyak)… Pag nanay ang nawala sa tingin ko mahirap…
Mama ko laging naiiwan dito sa bahay… naglilinis, nagluluto, nag-lalaba at
nag-aasikaso sa lahat. Pag may sakit ako… wala ng magluluto sa akin ng lugaw
(iiyak)… Kahit bata pa ako, marami akong katanungan sa isip ko… paano na wala
si Mama? Sino na magluluto ng baon ni papa? Paano na pag may event sa school?
Sino na makakasama ko? Mama… mami-miss ko kayo… Ma, sorry po pag makulit ako at
matigas ang ulo ko…Hindi ko man nasasabi palagi pero sa totoo lang Mahal na
mahal po kita!
SCENE 4: (school background)
(Magkakasalubong ang
mag-kaibigan)
ANGELA: Oh velle… Kumusta na?
VELLE: Oh… sorry ha hindi ako nakadalo noong nakaraan na
invitation mo sa church nyo ha… may biglaan kasing nangyari eh…
ANGELA: Oo ng eh!
VELLE: Galit ka ba or nagtatampo?
ANGELA: Hindi naman… Kung magagalit ako, noon pa sana…
imagine tatlong (3) taon na kitang iniimbita…
VELLE: Tatlong taon na ba?
ANGELA: Oo naman… mabuti kaibigan kita, kung hindi nagsawa
na siguro ako sa kakaimbita saiyo…
VELLE: Pasensiya na talaga… Mayroon lang talaga dapat gawin
o kaya naman may emergency…
ANGELA: Owws... kilala kita na bahay at eskuwela ang ganap
mo lang sa buhay…
VELLE: Oo nga, marami kasi ginagawa sa bahay lalo na andito
na ang ate ko…
ANGELA: Matanong ko lang… bakit ayaw mo dumalo sa CBT?
VELLE: Huwag ka magagalit ha… (tatango si Angela) Sa totoo
lang… Iniisip kop ag dumalo ako sa ganyan, kagaya ng sa CBT, mapapalitan ang
religion ko… Naniniwala rin ako na iisa lamang ang Diyos at kahit na hindi ako
magsimba, alam ng Diyos na mahal ko Siya!
ANGELA: Hindi naman religion ang pinag-uusapan dito…
relasyon natin sa Diyos… Teka pala may next event kami ulit… theater play sa
church…
VELLE: Theater?
ANGELA: Oo… alam ko favorite mo ang teatro…
VELLE: Sige… try ko…
ANGELA: Huwag mo i-try… punta ka na… kain na rin tayo ng ice
cream after treat ko, cookies and cream… alam ko favorite mo din yon…
VELLE: Sige…
SCENE 5: (Evangelistic Time- invitation time with music
background)
PASTOR: Hindi natin alam ang ating bukas… maikli lang ang
buhay natin sa mundo… Ngunit mainam na alam natin ang ating pupuntahan pag
tayo’y namatay… Wala pong mabait sa atin, lahat tayo ay makasalanan. Ayon sa
bibliya, dalawa lang ang pupuntahan natin… langit at impiyerno…Ayaw ng
Panginoon na mapahamak tayo kaya binigay niya ang kanyang bugtong na anak para
tayo ay iligtas… Maaring huli na ang lahat, kung hindi pa tayo magdesisyon
ngayon… Kung sino ang nais tumugon sa pagliligtas na Panginoon, tayo ay pumunta
sa harap para s ating desisyon!
(Si Velle ay pupunta sa gitna sa harap…habang may
voice over sa panalangin niya)
VELLE’S PRAYER: Panginoon
Hesus… akala ko po ako’y may maayos na relasyon sa inyo. Akala ko mabait ako at
sapat na yon para ako’y mapunta sa langit. Akala ko rin sapat na - na alam kong
may Diyos. Akala ko mahal ko kayo ngunit hindi naman pala, hindi nakikita sa
aking gawa. Akala ko religion ang makakapagligtas sa akin, ang religion na
kinagisnan ko ngunit hindi pala. Akala ko ang basehan ng espirituwal na
kaalaman ay yong kinagisnan ko. MARAMI AKONG AKALA pero lahat na iyon ay MALI
PALA... Bibliya pala ang dapat basehan ng lahat! Sa oras na ito NANiNIWALA AKO
na ikaw lang ang Tagapagligtas. Ikaw ay namatay at nabuhay na mag-uli para sa
aming mga kasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at sa mga mali
kong akala. Ngayong oras na ito tinatanggap ko ang regalo ninyong BUHay na
Walang Hanggan sa Langit. Tinatanggap ko Ngayon bilang Panginoon at
Tagapagligtas. AMEN!
Comments
Post a Comment