CHRISTIAN DRAMA: "PANGAKO NG KRUS"

 

PANGAKO NG KRUS

Glitter

March, 2002

 

Narrator:

Minsan sa ating buhay, marami tayong bagay na di maunawaaan at tanging sa Diyos lamang natin matatagpuan ang kasagutan sa katanungan ng ating mga puso. Maraming kahirapan at pasakit an gating pinagdaraanan, ngunit sa kabila ng lahat ng ito,  wala pa ring papantay sa kahirapan at pasakit na dinanas ng ating Panginoon sa krus at ang dapat lang nating gawin ay lumapit sa kanya at ipagkatiwala ang lahat…

Inihahandog ng Tabernacle’s Performing Arts’ Ministry ang dulang hango sa ikapitong wika ni Hesus sa krus, ang dulang pinamagatang… PANGAKO NG KRUS!

 

 SCENE 1:

 

CARMEN: (umiiyak)

 

RONALD: Nay, magkape muna tayo,… nay tama nay an, alam naman nating maligaya na si Itay sa langit, kasama na niya ang Panginoon.

 

CARMEN: Nalulungkot lang ako anak, mahal na mahal tayo ng itay mo, napakabuti niyang tao,    bakit siya pa ang…

 

RONALD: Nay, huwag na kayong umiyak, lalo lang akong nalulungkot pag nakikita ko kayong nagkakaganyan e. Alam ko na gusto rin ng tatay na maging masaya tayo kahit wala na siya.

 

CARMEN: Nag-aalala lang ako anak, wala ka nang makakatulong sa palengke, hindi ko na rin kaya dahil matanda na ako. Ngayon pa naming napakahirap ng buhay.

 

RONALD: Huwag kayong mag-aalala inay, hindi kop o kayo pababayaan at lalong hindi tayo pababayaan ng Panginoon, di ba sabi nga Niya, hindi Niya tayo bibigyan ng problema na hindi natin kaya.

 

CARMEN: (Ngingiti) Salamat anak, ikaw ang nagpapalakas ng loob ko… tama na nga tong drama ko, matulog na tayo anak, maaga ka pa sa palengke bukas.

 

 

SCENE 2:

 

FELY: Carmen, heto nga pala pinabibigay ni Pastor, sana raw makatulong to sa inyo ng anak mo, hindi ka na daw nahabol noong libing ni Ben, kaya sa akin na lang pinabigay.

CARMEN: (uubo) … Naku, nag-abala pa kayo, salamat, salamat sa Dios.

 

FELY: Kumusta ka na?

 

CARMEN: Aaminin ko sayo, hindi mabuti, napakahirap ng sitwasyon naming na anak ko ngayon, wala na siyang kasama sa palengke, mahina na ako, hindi ko na kayang tumayo sa palengke ng maghapon, naawa ako sa anak ko, pero wala akong magawa, kailangan niyang akuin ang responsibilidad ni Ben. Alam mo naming yon lang ang hanapbuhay naming. Naisip ko nga minsan, ang daya ni Ben, sabay naming binuo ang pangarap na mabigyan si Ronald ng magandang kinabukasan, pero ngayon mag-isa na lang ako.

 

FELY: Alam mo hindi ka nag-iisa, nandiyan pa ang anak mo, nandito lang ako, sila pastor, ang mga kapatiran, pero higit sa lahat nandiyan lagi ang Panginoon, hindi ka Niya pababayaan.

 

CARMEN: (uubo)… Alam mo kung hindi dahil sa Panginoon, siguro hindi ko na kakayanin ang pagkawala ni Ben, sa Kanya lamang ako kumukuha ng lakas, at sa pag-asa na, magiging magaang rin ang buhay para sa akin.. (uubo ng malakas)

 

FELY: Mare, parang iba na yang ubo mo ah, nagpatingin ka na ba sa doctor?

 

CARMEN: Hindi na bale mare, kaya ko pa naman ito. (medyo nanlalambot)

 

FELY: Gusto mo samahan kita kay Dr. Ana, siguradong matutulungan ka niya.

 

CARMEN: (naghahabol ng hininga) ha? O sige…

 

 

SCENE 3a:

 

DOKTOR: Nay, ikinalulungkot ko pero naapektuhan na masyado ang baga ninyo, kailangan ninyo ng complete bed rest.

 

CARMEN: Salamat po ng marami, dok..

 

 

SCENE 3b:

 

CARMEN: Fely, puwede ba huwag mo na lang sabihin sa anak ko, baka kasi lalo siyang malungkot.

 

FELY: Lalong kailangan niyang malaman, dahil kailangan may mag-aalaga sa’yo.

 

CARMEN: Mabuti na yong ako na lamang ang nag-iintindi, ayoko na siyang bigyan ng problema, napakabata pa niya. Alam ko sa biyaya ng Panginoon, gagaling rin ako.

 

FELY: Ipagpray ka namin.

 

CARMEN: Maraming salamat!

 

 

SCENE 4:

 

RONALD: Mano po nay!

 

CARMEN: Kaawaan ka ng Dios (uubo)

 

RONALD: Nay, kumain na ba kayo, bakit parang namumutla kayo?

 

CARMEN: Mabuti naman ako anak. Kumain ka na ba? Ipaghahain na kita?... (tatayo at manghihina)

 

RONALD: Nay, maupo muna nga kayo, maysakit ba kayo? Ha?

 

CARMEN: Anak (uubo)… patawarin mo ko…

 

RONALD: Nay!!! (itatakbo sa ospital)

 

 

SCENE 5:

 

RONALD: (umiiyak na galit) Bakit?!!! Bakit mo pa kailangang kuhanin si inay? Una si itay, tapos ngayon… ang daya mo naman eh…… naglilingkod kami sa’yo, buong buhay namin binigay naming sa’yo, ito ba ang kapalit ng paglilingkod namin?.... Sa lahat ng paghihirap naming kahit minsan hindi ako nagtanong Sa’yo,…. dahil ang alam ko, marami pang magagandang bagay na mangyayari, basta ka naming, …. bakit ngayon parang wala na ang mga pangako mo…. bakit? Bakit?!!!

 

FELY: (lalapit) Hindi ko na alam kung ano pang salita ang makakapag-pagaan ng loob mo, pero kahit ano pa man, alam ko na mabuti ang dahilan ng Diyos bakit nangyayari ito saiyo, huwag mong sisihin ang Panginoon, sa bandang huli, makikita mo na Siya rin ang hahawak at mag-aakay sa’yo

 

 

RONALD: (pause…iiyak) Panginoon, patawarin mo ako… patawarin mo ako… alam ko na hindi Kita dapat sinisi, alam ko rin na, walang katumbas ang pag-ibig Mo sa akin at wala ring kapantay ang hirap ng dinanas Mo sa krus, salamat sa Panginoon dahil alam ko kapiling nyo na sina inay at itay. Panginoon ipinagkakatiwala ko sa iyo ang aking buhay, alam ko na mas maganda ang bukas, dahil ikaw ang kasama ko… salamat po Panginoon…. Salamat po!

 

(lights off)

Comments

Popular posts from this blog

CHRISTIAN TAGALOG DRAMA SCRIPT TITLED "PINAGKAITAN NG LIWANAG " by krisha412

CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "PANGARAP NA PAMILYA" by krisha