CHRISTIAN DRAMA: "BAKAS NG KAHAPON"

 

BAKAS NG KAHAPON

Krisha412

2007- 2009
(scene: church life/scenario)

 

Narrator:

Minsan sa tagal na natin sa paglilingkod hindi natin napapansin kung sino na an gating tinitingnan para magpatuloy… at habang tumatagal tayo sa ating buhay kristiyano minsan ang hirap na rin nating abutin. Pero sana wag umabot sa oras na kahit sa Gawain para sa Panginoon ay hindi na tayo kayang abutin… Tunghayan po natin ang maikling dula na pinamagatang, “BAKAS NG KAHAPON.”

 

GRACE: Paano yan pag umalis na si pastor Roy?

 

CAST:

1.   Pastor Roy: Ptr. Jhoren

2.   Fred: Bro. Greg

3.   Zeny: Cathy F.

4.   Grace: Cris A.

5.   Narrator: Ptr. Elmer

 

 SCENE 1:

 

ROY: Hinihintay ka naming kahapon. Saan ka pumunta?

 

FRED: Diyan lang

 

ROY: Puwede bang sagutin mo ng maayos ang tanong ko?...

 

FRED: Puwede rin bang iwanan mo muna ako…

 

ROY: Hindi puwede dahil kailangan ko ng sagot sa katanungan ko.

 

FRED: Iwan mo muna ako…

 

ROY: Brod. gawain yong hindi mo sinipot… At hindi lang basta Gawain, evangelistic meeting pa! Sana sinabi mo na di ka makakapunta paranakapaghanda ako. Nasira ang gawain dahil sa’yo…

 

FRED: Nasira pala eh, sige mula ngayong hindi na ako magpepreach!

 

ROY: Brod. pinaiintindi ko lang sa’yo na huwag naman ganon. Ito’y gawain para sa Panginoon, hindi ito sa akin…

 

FRED: Sorry…

 

ROY: Ano ba ang nangyayari saiyo?

 

FRED: (napapaluha) Hindi ko na maramdaman ang tamis ng paglilingkod…

 

ROY: Ano ba ang problema?

 

FRED: Saka na tayo mag-usap, may gagawin ka pa ngayon alam ko…

(aalis si Fred sa stage at darating si Grace)

 

GRACE: Pastor Roy totoo ba ito? (resignation papers) Magreresign na kayo?

 

ROY: Grace dumating na ang papers naming last week. Hindi naman puwedeng ipostpone naming ito, mahirap na. Matagal naming pinagpray ito di ba? At ministry din yong pupuntahan ko doon?

 

GRACE: Paano na ang gawain dito? (napapaluha)

 

ROY: Bago ko tinanggap ang ministry dito, alam mo naman na paalis ako di ba? Huwag kang mag-alala may ipapalit ang Lord.

 

GRACE: Noong namatay si Papa parang walang ipinalit ang Diyos. Paano kung hindi na magbigay ang Panginoon?...

 

ROY: Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan… manalangin at magtiwala lang…

 

GRACE: Ipanalangin nyo kami pastor!

 

ROY: Huwag ka mag-alala, lagi ito sa panalangin ko…

 

GRACE: Salamat sa lahat-lahat ng tulong ninyo pastor!

(tatapikin ni Ptr.Roy si Grace at aalis sila sa stage….background music)

 

SCENE 2:

(darating si Fred sa stage, may dalang bag at biglang darating si Grace)

 

GRACE: Fred aalis ka?

 

FRED: Oo

 

GRACE: Bakit? Paano ang ministry mo dito?

 

FRED: Stop muna ako… magtatrabaho muna ako….

 

GRACE: Susuportahan ka naman ng church ah.. at wala pang hahawak ng ministry mo…

 

FRED: Sigurado may hahawak niyan…

 

GRACE: Wala nga eh!!!

FRED: Magbibigay ang Panginoon!

 

GRACE: Hindi na magbibigay ang Panginoon! (pasigaw)… wala na!... wala na! (iiyak)… wala na dahil aalis na rin si Pastor….(pause)… bilang matagal na tayong magkamang-gagawa nakikiusap ako saiyo, huwag mo naming iwan ng ganun-ganon na lang ang gawain…wag ka muna umalis… kahit ilang buwan lang… magpipray tayo ng kapalit mo…

 

FRED: kung ang pastor mismo may dahilan para umalis sa  ministry, bakit ako wala ba?

 

GRACE: Gawain din yong pupuntahan ni pastor Roy. Matagal ng panalangin ni pastor ang pupuntahan niyang gawain, alam naman natin yon di ba?

 

FRED: aywan ko basta ako may dahilan din…

 

GRACE: Oo bawata tao o manggagawa may mga dahilan… pero… iiwan mo na lang bang basta-basta ang ministry kung saan ibinigay mo na nang maraming taon ang buhay dito? Brod. ang tagal na natin dito….

 

FRED: (iiyak) nahihirapan na ako. Alam mo ba yon? Nahihirapan na ako! Ang hirap nang imbitahan ang mga miyembro sa gawain. Parang hindi na sila sanay na nasa simbahan sila… Nalulungkot ako pag konti lang ang dumadalo sa church services… Iniisip ko hindi na ata ako effective sa gawain na ito

Pag may bisita tayo halos wala nang gustong mag share ng kaligtasan… parang sapilitan pa… Ang hirap maglingkod… nahihirapan na ako… kahit matagal na akong kristiyano, nanghihina rin ako… parang wala na akong makitang matatag at patuloy na naglilingkod…

 

GRACE: Huwag kang ganyan, andito pa kami… hindi kami aalis… magtulungan tayo… hindi tayo pababayaan ng Diyos… Mahirap naman isipin na iiwan mo na lang basta-basta ng ganon na lang… Alam kong mahirap ng baguhin ang desisyon mo at hindi na rita kayang iencourage pa… Pero sana isipin moa ng nagdaang panahon na ipingalaban mo ang Gawain na ito… Sana kung hindi kami ang magsilbing encourgement mo para magpatuloy… alalahanin mo na lang sana ang mga bakas ng kahapon ng paglilingkod mo

 

FRED: Salamat pero… kailangan ko ng umalis… (Hahabulin na lang ng tingin si Fred na paalis… mangiyak-ngiyak at uupo na lang sa upuan at mag-iisip… biglang darating ang kaibigan)

 

ZENY: Oh, Grace andito ka na pala … (tatabi sa katabing upuan ni Grace)…alam mo ang ganda ng fellowship ng mga ladies kanina… (biglang tatayo si Grace)… oh, bakit? May problema ba?

 

GRACE: Nalulungkot ako dahil aalis na si Pastor Roy…

 

ZENY: Bakit? Dumating na ba yong matagal na niyang pinagpipray?

 

GRACE: Oo, anong gagawin natin?

 

ZENY: May dahilan kung bakit nangyayari ito?

 

GRACE: Alam mo hanggang ngayon hindi ko pa rin maiisip kung anong dahilan ng Diyos kung bakit naaksidente sila Mama at Papa. Noong nasa ospital sila, alam mo nag-expect ako na hindi sila mawawala kasi sila ay nasa ministeryo pero iba pala ang kalooban natin sa kalooban ng Diyos (iiyak)…Kung hindi sila nawala, hindi ganito ang mangyayari sa gawain. Minsan naisip ko na sana hindi na lang ako ang naging anak nila…naging anak na lang sana ako ng ordinaryong miyembro, ang hirap ng responsibilidad… Umabot ako sa edad na ito na laging iniisip kung ano ang puwedeng sabihin ng iba sa akin…

 

ZENY: Huwag kang magsalita ng ganyan…

 

GRACE: Naalala mo noong nasa ospital tayo at nakita ko na nahihirapan na sila.. Si papa parang gusto magsalita (paiyak ang boses)… inisip ko iniisip niya ang gawain…di ba nangako ako kay Papa bago siya namatay?

 

ZENY: Oo… sabi mo… wag siyang mag-alala dahil hindi mo pababayaan ang iiwanan niyang ministry…

 

GRACE: Puwede kayang hindi ko na tuparin ang pangako ko kay Papa, maging simpleng miyembro na lang ako… wala na sa ministeryo…

 

ZENY: Bakit naman?

 

GRACE: Nahihirapan na ako… Noong namatay si Papa, ang nagbibigay na lang sa akin ng kalakasan ay yong mga nakaraang paglilingkod na kasama ko siya… pag may problema ako sa ministry, inaalala ko lang ang mga bakas ng kahapon namin sa paglilingkod… pero ngayon napapagod na ako… hindi ko na ata kaya…

 

ZENY: Huwag kang ganyan… Hindi mo lang alam kung gaano din kaming miyembro nahirapan, nang mawala ang aming pastor na gumagabay sa min… nanghina kami, wala na yong pastor na nag-eencourage sa amin. Akala ko mawawala na ang Gawain. Noong time na yon parang nawalan na rin ako ng rason para maglingkod pa… mahal na mahal naming an gaming pastor… mahal na mahal naming ang papa mo… pero naisip ko na ang paglilingkod ay para sa Panginoon (pause, iiyak)…. May isang bagay na nakalimutan ka… yong tunay na rason kung bakit ka nagpapatuloy… Bakit ka ba naglilingkod? Naglilingkod k aba dahil sa pangako mo sa Papa mo? Hindi dapat… kung nakabase ang paglilingkod mo sa dahil sa iba… hindi ka makakapagpatuloy sa Gawain at patuloy kang maghihina… Dapat maglingkod ka para sa Panginoon

 

GRACE: Ang tagal ko ng kristiyano pero ngayon ko lang narealize na may mali sa paglilingkod ko… Akala ko sa Panginoon ako nakatingin pero hindi pala… Sa tagal na yon nakalimutan ko na kung kanino na ako naglilingkod… Kung hindi pa nawala ang mahalang tao sa aking buhay hindi ko makikita kung anong klaseng paglilingkod mayroon ako.  Nakita ko rin na…Hindi din dapat nakabase sa emosyon ang paglilingkod kasi ang emosyon ay paiba-iba… Maraming salamat!!!

 

ZENY: Salamat sa Panginoon!

 

GRACE: Paano yan pag umalis na si pastor Roy?

 

ZENY: Ipagpray natin… Walang imposible sa Dios!

 

GRACE: Wala ng magpi-preach? Sino kaya ang pupuwede o posibleng tawagin ng Diyos sa pagpapastor? (biglang darating si Fred)

 

FRED: Puwede bang ako na lang mag-preach?

 

GRACE: Hindi ka umalis…. Salamat! (mag-ngingitaan ang lahat)

 

 

_the end_

 

Comments

Popular posts from this blog

CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "PANGARAP NA PAMILYA" by krisha

CHRISTIAN TAGALOG DRAMA SCRIPT TITLED "PINAGKAITAN NG LIWANAG " by krisha412