CHRISTIAN DRAMA: "Ang Hapdi ng Kahapon"

 

HAPDI NG KAHAPON

Krisha412

March, 2009

 

Narrator:

May mga bagay sa ating buhay na mahirap tanggapin at kalimutan… at minsan ito’y nagiging kadahilanan para hindi natin makita ang tunay na kasagutan sa ating kaligtasan… Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang… HAPDI NG KAHAPON

 

 SCENE 1: (left side of the stage)

 

ELSA: Ma… kain na kayo…

 

MARISSA: Hindi ako kakain…

 

ELSA: Hindi puwede… kailangan ninyong kumain…

 

MARISSA: Wala akong ganang kumain…

 

ELSA: Ipaghahanda ko na lang kayo… (sasabat si Mylen)

 

MYLEN: ate… kung ayaw kumain… huwag pilitin… kung magkasakit man siya… huwag kang mag-alala dahil ang masamang damo matagal mamatay…

 

ELSA: Ano ka ba Mylen? … Huwag kang magsalita ng ganyan kay mama…

 

MYLEN: Totoo naman ah… Anong gusto mo sabihin ko… mabait at ulirang ina siya…

 

MARISSA: Tama na yan!

 

ELSA: Ma… sumusobra sa pagsagot –sagot eh

 

MYLEN: Baka nakalimutan mo na ate… siya ang naging dahilan kung bakit umalis si papa!!! IPinagpalit tayo niyan sa ibang pamilya…

 

MARISSA: Tama na!

 

ELSA: Tumigil ka na! Tapos na yan… Pinagsisihan na ni Mama yon! Bakit ba hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan yan!?

 

MYLEN: Hindi ko talaga makakalimutan yan! Sinira yan ng pagkatao ko!

 

ELSA: Hindi ko maintindihan…

 

MYLEN: Hindi mo talaga maiintindihan… dahil si Mama lang ang naiintindihan mo!

 

ELSA: Mag-usap tayo…

 

MYLEN: Hindi na…magsama kayong dalawa… (aalis sa stage at lalapit si Elsa sa nanay)

 

ELSA: Hayaan nyo na yon…

 

MARISSA: Sa tagal ng panahon at lahat ng ginawa ko…akala ko napatawad na ako ng kapatid mo… malaki ang naging bunga ng kasalanan ko sa kanya… (iiyak)

 

ELSA: Ma!

 

MARISSA: Okay lang ako… magpahinga ka na…

 

ELSA: Ma kumain ka muna…

 

MARISSA: Sinabi ko na sayo na wala akong ganang kumain…

 

ELSA: Pilitin nyo para gumaling kayo…

 

MARISSA: Sabihin mo nga sa akin… paano ako kakain ha? Paano ako kakain kung ganito ang sitwasyon ko… kung alam mong mamamatay din lang naman ako, bakit pa?... ano pa ang saysay ng buhay na ito… (iiyak)

 

ELSA: Ma… may saysay ang buhay… huwag kang mawalan ng pag-asa…

 

MARISSA: Narinig mo naman ang sinabi ng doctor kanina… Nasa 3rd degree na ang sakit ko… Paano pa ako gagaling ha?

 

ELSA: Alam ko Ma… mahirap talaga… naiintindihan ko… magtiwala kayo sa Panginoon… Siya lang ang makakatulong  sa atin ngayon…

 

MARISSA: Yon nga eh… ang pakiramdam ko parang wala na talaga akong pag-asa dahil feeling ko hindi ko kakampi ang Diyos…Naging masama ako di ba? Noon hindi kita pinapayagang magsimba, kinukulong kita dito sa bahay… ginawa ko ang lahat para hindi ka mapunta sa anumang relihiyon… na akala ko noon magiging masama ang dulot nito sa’yo…. Nagkamali ako… Nakasumpong ka ng kapayapaan… Noon dahil sa problema naisip ko na mahirap ang mabuhay at hindi ko alam kung paano ko aayusin ang gulong ginawa ko sa pamilya natin… pero ngayon na nalaman ko na maysakit ako… naisip ko na mas mahirap pala ang mamatay dahil hindi ko alam  ang kasiguruhan ng buhay pagkatapos ng kamatayan…

 

ELSA: Ma… tanungin nyo ang sarili niyo… sa mga nagdaang taon ng buhay nyo… para kanino ba talaga ang buhay?... ito’y pahiram lamang ng Diyos… kahit anong gawin natin, lilipas din ito… At sana huwag nating hayaan pa na maghingalo tayo bago natin isuko ang ating buhay sa KANYA…at higit sa lahat ang malaman ang kaligtsan…

 

MARISSA: Nakakalungkot… Bakit ganon?... Hinintay ko pang magkaroon ng malalang sakit bago ko marealized ang Panginoon sa buhay ko… Sayang ang mga panahon na nabuhay ako sa aking sarili… Gusto kong bumawi sa Kanya… at higit sa lahat gusto kong malaman ang kaligtsan…

 

ELSA: Salamat Ma… hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya… naging bukas na ang isipan nyo sa kaligtasan… Ma, halika doon tayo sa kwarto para kumportable kayo at  nandoon din ang bibliya para maipaliwanag ko sa sainyo ang kaligtasan na bigay ng DIyos….Pero pagtapos nito, kumain ka ha… sabayan kita para may gana ka… (tatayo sila at aalis sa stage)

 

Narrator:

Ang buhay natin ay walang kasiguruhan… kahit anong oras ito’y mawawala o lilipas… Ngunit kahit ganito, ang kasiguruhan lang ay ang patutunguhan pagkatapos ng kamatayan. Ngunit minsan ang tao, ito’y pinagwawalang bahala. Ang wala kay Kristo ay makakaranas ng walang hanggang kaparusahan. Sana maging paala-ala sa ating lahat ang babala ng Bibliya. Isuko na natin ang ating buhay sa Diyos.

 

SCENE 2:

(tunog ng ambulance)

 

MYLEN: Oh ano! Andito ka nap ala ate!... kumusta na si Mama? (Hindi iimik si Elsa)… Huwag kang mag-alala… mabubuhay pa yon… sabi nga ng kasabihan na “ang masamang… (hindi matutuloy dahil  puputulin ni Elsa ang sasabihin)

 

ELSA: Ibang klase ka din no… ang sama ng ugali mo… kakaiba ka!

 

MYLEN: Hindi ate! May mas masama pa ang ugali keysa sa akin!

 

ELSA: Sasabihin mo na naman si mama

 

MYLEN: Hindi!

 

ELSA: Eh sino pa ba tinutukoy mo?... Bakit ba hindi mo matanggap na pinagsisihan na ni mama ang ginawa niya…

 

MYLEN: Sige nga ate… sabihin mo nga sa akin kung paano ko matatanggap ang nangyari sa akin… Noon masaya at magandang pamilya tayo tapos bigla na lang nagbago nang dumating si Conrad sa buhay ni mama… umalis si papa… hindi mo ba alam na sobrang lungkot ko noon…

 

ELSA: Alam ko… pare-pareho tayo… naiintindihan ko ang nararamdaman mo…

 

MYLEN: hindi mo naiintindihan!!! (sisigaw at mapapaupo sa pag-iyak)…Iniwan nyo ako… iniwan nyo ko!!!

 

ELSA: Ano ba nangyayari saiyo… sabihin mo sa akin… (hindi pa rian umiimik si Mylene, umiiyak lang)… nakikiusap ako saiyo… sabihin mo sa akin…

 

MYLEN: Iniwan nyo ko ate…Noong nagbakasyon ka dito… gusto kong sumama saiyo sa Manila kaya lang ayaw mo…si mama naman lagi akong iniiwan dito sa bahay… Naiiwan akong kasama ang Conrad na yon! Wala kayo nong time na yon… at hindi ninyo ako naramdaman…  Sinira nya ang buhay ko ate!...

 

ELSA: Alam ba ni mama yan? … dapat sinabi mo sa kanya…

 

MYLEN: Takot na takot ako ate…hindi ako makapagsalita… pero sa loob ko galit na galit ako, kaya natuwa ako ng iwan ni mama ang lalaking iyon… pero lagi ko pa rin naaalala lalo na pag nakikita ko si mama na malungkot at alam kong iniisip niya ang lalaking iyon… iniisip niya pero ako hindi niya ako naramdaman sa nangyayari sa akin… kaya parang siya ang sinisisi ko sa nangyari sa akin… tama naman ako di ba?.. ate bakit? Bakit nangyari ito sa akin? Dahil ito sa kanya … hindi sana mangyayari ito sa akin!!

 

ELSA: Huwag kang mag-alala tutulungan kita sa ganitong kalagayan… gagawa tayo ng paraan para magkaroon ng hustisya ang nangyari sa iyo… sa ngayon manalangin tayo at humingi ng tulong sa Panginoon… (aalis sa stage)

 

Narrator:

Kahit ano pa mang problema ang maranasan natin, hindi panahon ang hihilom sa anumang sakit ng damdamin na dulot nito… kundi sa biyaya na binibigay ng ating Panginoong Hesu Kristo.

 

SCENE 3:

(nasa sala si Elsa at umiiyak)

 

MYLEN: Oh ate!...nasaan na si mama?

 

ELSA: (haharap)… Nasa kuwarto na…

 

MYLEN: Bakit ka umiiyak?

 

ELSA: Malapit na tayong iwan ni mama…

 

MYLEN: Bakit? Gaano ba kalala ang sakit niya? (biglang tatawag ang nanay)

 

MARISSA: Elsa! Elsa!... (biglang lalapit si Mylen)

ELSA: Ma… dahan-dahan sa paglakad, mahina pa kayo… (aalalayan at iuupo sa silya ang ina)

 

MARISSA: Hindi ko naramdaman na nakauwi nap ala tayo…. Ano pla ang sabi ng doctor?...

 

ELSA: Okay naman… huwag daw ninyong kalimutang uminom ng gamot at vitamins… Siyempre kailangan ninyong kumain ng ng masustansiyang pagkain at magpahinga…Pero… (hindi na itutuloy ang pagsasalita dahil sa pinipigil ang pag-iyak)

 

MARISSA: hanggang kaila daw ang buhay ko?

 

ELSA: Wala namang sinabing ganoon ma…

 

MARISSA: Kahit di mo sabihin nararamdaman ko… ilang buwan pa daw baa ng itatagal ko? (hindi pa rin iimik si Elsa)… Sabihin mo naman sa akin para mas makahanda naman ako…

 

ELSA: (iiyak)… Ma… pina-uwi na kayo ng doctor dito sa bahay dahil dumarami na raw ang nagiging komplikasyon, hindi na rin kakayanin ng katawan ninyo ang gamutan … mas maganda raw sa bahay para makasama ang pamilya sa mga panahon na kakayanin pa…

 

MARISSA: Nakita ko na rin n pumayat na nga ako ng husto…Aabot pa kaya ako ng isang buwan? (maiiyak)… siguro pag uminom ako ng gamot… makakatulong kahit papaano di ba?... (tatango lang si Elsa)… saan ba yong gamot ko? (biglang lalapit si Mylene para ibigay ang gamot) … Mylene… (lilingon si Mylene) … anak… alam ko na ang lahat… Malaki ang naging kasalanan ko saiyo… PATAWARIN MO AKO!!! (umiiyak si Mylene pero hindi iimik)…. Patawarin mo ako… Puwede mo ba akong mapatawad? … sana bago ako mamatay mapatawad mo ako anak…

 

MYLEN: Ma… nagalit ako sainyo ng sobra… dumating na ako sa punto na  parang ayaw ko na kayong makita…sinisi ko kayo sa lahat ng nangyari sa akin… ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng poot sa puso ko… ang HAPDI NG KAHAPON  ang naging balakid sa akin para di ko makita ang katotohanan ng buhay…  (pero ngayon… ang Panginoon ang nagmulat sa akin sa tunay na saysay ng buhay… dahil sa Panginoon nakapagpatawad ako… Pinatawad ko na kayo ma… dahil pinatawad na rin ako ng Panginoon… Hindi ko rin pala kayo matikis… mahal ko kayo… ( iiyak at lalapit at ibibigay sa kamay ng ina ang gamot)… inumin nyo na to para makasama ka pa naming ng matagal, mag a o-outing pa tayo…

 

MARISSA: (pipiliting tumayo at yayakap sa anak – aalalayan siya ni Mylen)…. Salamat… salamat anak… salamat sa Panginoon…

 

 

_the end_

Comments

Popular posts from this blog

CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "PANGARAP NA PAMILYA" by krisha

CHRISTIAN TAGALOG DRAMA SCRIPT TITLED "PINAGKAITAN NG LIWANAG " by krisha412