CHRISTIAN DRAMA TITLED "HANGGANG KAILAN?" by krisha
HANGGANG KAILAN ? By: Krisha Narrator: Likas sa tao ang makaramdam ng galit at paghihinakit sa mga masasakit na bagay na nangyayari sa ating buhay. Pero minsan sa nagiging dahilan ito para hindi natin makita ang kagandahan pa rin ng buhay. Sana hindi ito maging dahilan para magkamali tayo sa mga desisyon natin. Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang… HANGGAN KAILAN! CAST: Freddie: Pastor Larry Bert: Greg EdaƱol Cynthia: Maricris Anilao SCENE 1: Freddie: Ilang beses ko na bang sinabi saiyo na huwag mo na akong piliting umattend sa fellowship na yan..ang kulit mo! CYNTHIA : Hindi naman kita pinipilit, niyaya lang kita, anong masama doon? Freddie: Anong masama? Alam kong concern kayo sa akin pero naiinis kasi ako dahil lagi mo akong pinapa-alalahanan ng tungkol sa church… ayaw ko muna maka-alaala ng tungkol dyan. CYNTHIA : Bakit ayaw mong maalala? Masama bang alalahanin ang mga masasayang pangyayari sa mga paglilinkod mo sa Panginoon? (Hindi umiimi...