Sunday, October 22, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "BAKAS NG KAHAPON"

 

BAKAS NG KAHAPON

Krisha412

2007- 2009
(scene: church life/scenario)

 

Narrator:

Minsan sa tagal na natin sa paglilingkod hindi natin napapansin kung sino na an gating tinitingnan para magpatuloy… at habang tumatagal tayo sa ating buhay kristiyano minsan ang hirap na rin nating abutin. Pero sana wag umabot sa oras na kahit sa Gawain para sa Panginoon ay hindi na tayo kayang abutin… Tunghayan po natin ang maikling dula na pinamagatang, “BAKAS NG KAHAPON.”

 

GRACE: Paano yan pag umalis na si pastor Roy?

 

CAST:

1.   Pastor Roy: Ptr. Jhoren

2.   Fred: Bro. Greg

3.   Zeny: Cathy F.

4.   Grace: Cris A.

5.   Narrator: Ptr. Elmer

 

 SCENE 1:

 

ROY: Hinihintay ka naming kahapon. Saan ka pumunta?

 

FRED: Diyan lang

 

ROY: Puwede bang sagutin mo ng maayos ang tanong ko?...

 

FRED: Puwede rin bang iwanan mo muna ako…

 

ROY: Hindi puwede dahil kailangan ko ng sagot sa katanungan ko.

 

FRED: Iwan mo muna ako…

 

ROY: Brod. gawain yong hindi mo sinipot… At hindi lang basta Gawain, evangelistic meeting pa! Sana sinabi mo na di ka makakapunta paranakapaghanda ako. Nasira ang gawain dahil sa’yo…

 

FRED: Nasira pala eh, sige mula ngayong hindi na ako magpepreach!

 

ROY: Brod. pinaiintindi ko lang sa’yo na huwag naman ganon. Ito’y gawain para sa Panginoon, hindi ito sa akin…

 

FRED: Sorry…

 

ROY: Ano ba ang nangyayari saiyo?

 

FRED: (napapaluha) Hindi ko na maramdaman ang tamis ng paglilingkod…

 

ROY: Ano ba ang problema?

 

FRED: Saka na tayo mag-usap, may gagawin ka pa ngayon alam ko…

(aalis si Fred sa stage at darating si Grace)

 

GRACE: Pastor Roy totoo ba ito? (resignation papers) Magreresign na kayo?

 

ROY: Grace dumating na ang papers naming last week. Hindi naman puwedeng ipostpone naming ito, mahirap na. Matagal naming pinagpray ito di ba? At ministry din yong pupuntahan ko doon?

 

GRACE: Paano na ang gawain dito? (napapaluha)

 

ROY: Bago ko tinanggap ang ministry dito, alam mo naman na paalis ako di ba? Huwag kang mag-alala may ipapalit ang Lord.

 

GRACE: Noong namatay si Papa parang walang ipinalit ang Diyos. Paano kung hindi na magbigay ang Panginoon?...

 

ROY: Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan… manalangin at magtiwala lang…

 

GRACE: Ipanalangin nyo kami pastor!

 

ROY: Huwag ka mag-alala, lagi ito sa panalangin ko…

 

GRACE: Salamat sa lahat-lahat ng tulong ninyo pastor!

(tatapikin ni Ptr.Roy si Grace at aalis sila sa stage….background music)

 

SCENE 2:

(darating si Fred sa stage, may dalang bag at biglang darating si Grace)

 

GRACE: Fred aalis ka?

 

FRED: Oo

 

GRACE: Bakit? Paano ang ministry mo dito?

 

FRED: Stop muna ako… magtatrabaho muna ako….

 

GRACE: Susuportahan ka naman ng church ah.. at wala pang hahawak ng ministry mo…

 

FRED: Sigurado may hahawak niyan…

 

GRACE: Wala nga eh!!!

FRED: Magbibigay ang Panginoon!

 

GRACE: Hindi na magbibigay ang Panginoon! (pasigaw)… wala na!... wala na! (iiyak)… wala na dahil aalis na rin si Pastor….(pause)… bilang matagal na tayong magkamang-gagawa nakikiusap ako saiyo, huwag mo naming iwan ng ganun-ganon na lang ang gawain…wag ka muna umalis… kahit ilang buwan lang… magpipray tayo ng kapalit mo…

 

FRED: kung ang pastor mismo may dahilan para umalis sa  ministry, bakit ako wala ba?

 

GRACE: Gawain din yong pupuntahan ni pastor Roy. Matagal ng panalangin ni pastor ang pupuntahan niyang gawain, alam naman natin yon di ba?

 

FRED: aywan ko basta ako may dahilan din…

 

GRACE: Oo bawata tao o manggagawa may mga dahilan… pero… iiwan mo na lang bang basta-basta ang ministry kung saan ibinigay mo na nang maraming taon ang buhay dito? Brod. ang tagal na natin dito….

 

FRED: (iiyak) nahihirapan na ako. Alam mo ba yon? Nahihirapan na ako! Ang hirap nang imbitahan ang mga miyembro sa gawain. Parang hindi na sila sanay na nasa simbahan sila… Nalulungkot ako pag konti lang ang dumadalo sa church services… Iniisip ko hindi na ata ako effective sa gawain na ito

Pag may bisita tayo halos wala nang gustong mag share ng kaligtasan… parang sapilitan pa… Ang hirap maglingkod… nahihirapan na ako… kahit matagal na akong kristiyano, nanghihina rin ako… parang wala na akong makitang matatag at patuloy na naglilingkod…

 

GRACE: Huwag kang ganyan, andito pa kami… hindi kami aalis… magtulungan tayo… hindi tayo pababayaan ng Diyos… Mahirap naman isipin na iiwan mo na lang basta-basta ng ganon na lang… Alam kong mahirap ng baguhin ang desisyon mo at hindi na rita kayang iencourage pa… Pero sana isipin moa ng nagdaang panahon na ipingalaban mo ang Gawain na ito… Sana kung hindi kami ang magsilbing encourgement mo para magpatuloy… alalahanin mo na lang sana ang mga bakas ng kahapon ng paglilingkod mo

 

FRED: Salamat pero… kailangan ko ng umalis… (Hahabulin na lang ng tingin si Fred na paalis… mangiyak-ngiyak at uupo na lang sa upuan at mag-iisip… biglang darating ang kaibigan)

 

ZENY: Oh, Grace andito ka na pala … (tatabi sa katabing upuan ni Grace)…alam mo ang ganda ng fellowship ng mga ladies kanina… (biglang tatayo si Grace)… oh, bakit? May problema ba?

 

GRACE: Nalulungkot ako dahil aalis na si Pastor Roy…

 

ZENY: Bakit? Dumating na ba yong matagal na niyang pinagpipray?

 

GRACE: Oo, anong gagawin natin?

 

ZENY: May dahilan kung bakit nangyayari ito?

 

GRACE: Alam mo hanggang ngayon hindi ko pa rin maiisip kung anong dahilan ng Diyos kung bakit naaksidente sila Mama at Papa. Noong nasa ospital sila, alam mo nag-expect ako na hindi sila mawawala kasi sila ay nasa ministeryo pero iba pala ang kalooban natin sa kalooban ng Diyos (iiyak)…Kung hindi sila nawala, hindi ganito ang mangyayari sa gawain. Minsan naisip ko na sana hindi na lang ako ang naging anak nila…naging anak na lang sana ako ng ordinaryong miyembro, ang hirap ng responsibilidad… Umabot ako sa edad na ito na laging iniisip kung ano ang puwedeng sabihin ng iba sa akin…

 

ZENY: Huwag kang magsalita ng ganyan…

 

GRACE: Naalala mo noong nasa ospital tayo at nakita ko na nahihirapan na sila.. Si papa parang gusto magsalita (paiyak ang boses)… inisip ko iniisip niya ang gawain…di ba nangako ako kay Papa bago siya namatay?

 

ZENY: Oo… sabi mo… wag siyang mag-alala dahil hindi mo pababayaan ang iiwanan niyang ministry…

 

GRACE: Puwede kayang hindi ko na tuparin ang pangako ko kay Papa, maging simpleng miyembro na lang ako… wala na sa ministeryo…

 

ZENY: Bakit naman?

 

GRACE: Nahihirapan na ako… Noong namatay si Papa, ang nagbibigay na lang sa akin ng kalakasan ay yong mga nakaraang paglilingkod na kasama ko siya… pag may problema ako sa ministry, inaalala ko lang ang mga bakas ng kahapon namin sa paglilingkod… pero ngayon napapagod na ako… hindi ko na ata kaya…

 

ZENY: Huwag kang ganyan… Hindi mo lang alam kung gaano din kaming miyembro nahirapan, nang mawala ang aming pastor na gumagabay sa min… nanghina kami, wala na yong pastor na nag-eencourage sa amin. Akala ko mawawala na ang Gawain. Noong time na yon parang nawalan na rin ako ng rason para maglingkod pa… mahal na mahal naming an gaming pastor… mahal na mahal naming ang papa mo… pero naisip ko na ang paglilingkod ay para sa Panginoon (pause, iiyak)…. May isang bagay na nakalimutan ka… yong tunay na rason kung bakit ka nagpapatuloy… Bakit ka ba naglilingkod? Naglilingkod k aba dahil sa pangako mo sa Papa mo? Hindi dapat… kung nakabase ang paglilingkod mo sa dahil sa iba… hindi ka makakapagpatuloy sa Gawain at patuloy kang maghihina… Dapat maglingkod ka para sa Panginoon

 

GRACE: Ang tagal ko ng kristiyano pero ngayon ko lang narealize na may mali sa paglilingkod ko… Akala ko sa Panginoon ako nakatingin pero hindi pala… Sa tagal na yon nakalimutan ko na kung kanino na ako naglilingkod… Kung hindi pa nawala ang mahalang tao sa aking buhay hindi ko makikita kung anong klaseng paglilingkod mayroon ako.  Nakita ko rin na…Hindi din dapat nakabase sa emosyon ang paglilingkod kasi ang emosyon ay paiba-iba… Maraming salamat!!!

 

ZENY: Salamat sa Panginoon!

 

GRACE: Paano yan pag umalis na si pastor Roy?

 

ZENY: Ipagpray natin… Walang imposible sa Dios!

 

GRACE: Wala ng magpi-preach? Sino kaya ang pupuwede o posibleng tawagin ng Diyos sa pagpapastor? (biglang darating si Fred)

 

FRED: Puwede bang ako na lang mag-preach?

 

GRACE: Hindi ka umalis…. Salamat! (mag-ngingitaan ang lahat)

 

 

_the end_

 

Saturday, October 21, 2023

WHO KNOWS?

 

WHO KNOWS?

picture taken from Goggle

BIBLE PASSAGE: Ecclesiastes 6:12; 7:13-14

THEME VERSE:

For who knoweth what is good for man in this life, all the days of his vain life which he spendeth as a shadow? for who can tell a man what shall be after him under the sun?

INTRODUCTION:

Who knows what is good for man in this life?

As we become adults, we act like we’re good. In decisions, future plans, family issues, and everything. Let’s see and learn from the characters in the Bible and then let’s answer with our mind who really knows what is good for man in this life?

·         King Saul – He chased David in order to kill him. He made desperate measures to make his son, Jonathan, to be in throne. Normally, his son should be the successor but he saw that David was the great possibility because the hand of the Lord was in him. He wanted his son to be in throne which is what a king wanted to be but his will is different from God’s. 

·         King Rehoboam – He asked the two different opinions: the nation’s elders versus his childhood friends. This was regard to the kind of labor that would be given to the workers but he chose the wrong counsel- his childhood friends.

·         King David – When David committed sin (adultery), he solved the problem in his own way. Instead of repenting, he tried to cover it up by killing the husband of Bathshaba.

·         King Solomon – He was given the wisdom, wealth and fame but he came to a point in his life where his wives led him to the wrong way.

·         Ananias and Sapphira – They are married couple, sell a piece of property and promise to donate but they secretly hold back a portion. They chose to lie in the presence of God.

 

These are some of the adults in the bible who had wrong decisions and chose the wrong path. Most of them had higher positions and had higher status in life but these are not guarantee that you know how what is good in your life. Ecclesiastes 6:12 reminds us…

For who knoweth what is good for man in this life, all the days of his vain life which he spendeth as a shadow? for who can tell a man what shall be after him under the sun?

LESSON POINTS:

1)   WHO KNOWS WHAT IS GOOD FOR A PERSON IN THIS LIFE?

There is a way which seemeth right unto a man, but the end thereof are the ways of death.

Proverbs 14:12 reminds us that we don’t know the right path. In fact, we don’t know the best for us that’s why we need Someone to guide us and that Someone is not our friends, parents and others- HE IS OUR CREATOR. Our friends, parents and others are used by God for our guidance but the greater SOURCE of wisdom is the Lord. Psalms 139: 1-4 mentioned that God knows all.

O lord, thou hast searched me, and known me. Thou knowest my downsitting and mine uprising, thou understandest my thought afar off. Thou compassest my path and my lying down, and art acquainted with all my ways. For there is not a word in my tongue, but, lo, O Lord, thou knowest it altogether.

Ignoring God and make your own way is a great mistake. In 2 Kings 1:1-15, the king, Ahaziah, fell down from the lattice in his upper chamber and he got ill. With this, he sent messengers to inquire Baal-zebub, the god of Ekron if he would recover. God talked to Elijah and commanded to meet the messengers and reminded them if Israel has no great God to be inquired about and rather inquired to other god. The messengers hadn’t continued inquiring and they went back to the palace. Then the king sent captain with his fifty men to get Elijah in his place but God consumed them. The king sent another captain with his fifty but they were also consumed like the first group of men. For the third time, the king sent another captain with his fifty to get Elijah. This time the captain fell on his knees and begged Elijah to spare him and fifty men. Elijah went with them and told everything to the king what God had asked him to tell. Because he didn’t acknowledge the God of Israel, sad to say, he didn’t recover with this and died.

 

2)   WHO KNOWS WHO CAN MAKE A STRAIGHT LIFE INTO CROOKED?

Consider the work of God: for who can make that straight, which he hath made crooked?

Ecclesiastes 7:13 reminds us to consider the work of God. In this life, God can make everything into place. He can make your life crooked for us to learn something and your crooked life can be straight depending on God’s will.

 

Let’s remember Naomi’s life. She had a better life in Israel but when famine comes, she moved to Moab. When they were in Moab, there were bad things happened in her life. Her husband died and her sons too; her two daughters-in-law left without husbands. Her daughter-in-law, Ruth, begged to come with her in going back to her country. Ruth and Naomi went back to Israel and this was she said when asked by the people, “I went out full, and the Lord brought me home again empty.” Personally, this caught my attention and truly, only GOD can make you full and empty. It’s not the place that gives you wealth and opportunities, it’s our CREATOR. He has the power to give you wealth. 

 

3)   WHO KNOWS WHAT THE FUTURE LIES AHEAD?

In the day of prosperity be joyful, but in the day of adversity consider: God also hath set the one over against the other, to the end that man should find nothing after him.

Ecclesiastes 7:14 is a greatly reminder that everything happens for a reason. In prosperity be joyful and if other bad things happen consider God’s dealings.

One of my favorite characters in the Bible is Joseph. Though there are many bad things happened to him, we can see that God’s still in control. His brothers treated him badly, he was sold to a merchant, he was served in a place he was not comfortable, a different country and away from family. He was accused of being a rapist by the wife of his boss. He was in prison for years. Though we may see these things a bad luck or being unfortunate and we may not consider that the hands of the Lord are still there or still in control but the fact is all things happened for a reason. He was given by God the ability to interpret dreams. He helped one of the prisoners by interpreting his dreams but sad to say the prisoner forgot that someone in prison helped him and that was Joseph. Though he was forgotten by the prisoner, God would never forget him. He made a way for Joseph to be recognized by Potiphar.

And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are the called according to his purpose.

Romans 8:28 is the best verse for us to remember that whatever we face at this moment, God has better plans for us. Let’s consider God’s works and trust Him.

CONCLUSION:

In order for us to know God’s hands in the midst of trials and sufferings, let’s consider what Romans 12:2 says,

And be not conformed to this world: but be ye transformed by the renewing of your mind, that ye may prove what is that good, and acceptable, and perfect, will of God.

We need God’s wisdom for us to determine what is right from wrong and also to discern what is right and almost right. We can do this by renewing our minds and fill our minds with God’s words. Why fill our minds with God’s words? So it could help us with the implanted views we have by the world.

Friday, October 13, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "Ang Hapdi ng Kahapon"

 

HAPDI NG KAHAPON

Krisha412

March, 2009

 

Narrator:

May mga bagay sa ating buhay na mahirap tanggapin at kalimutan… at minsan ito’y nagiging kadahilanan para hindi natin makita ang tunay na kasagutan sa ating kaligtasan… Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang… HAPDI NG KAHAPON

 

 SCENE 1: (left side of the stage)

 

ELSA: Ma… kain na kayo…

 

MARISSA: Hindi ako kakain…

 

ELSA: Hindi puwede… kailangan ninyong kumain…

 

MARISSA: Wala akong ganang kumain…

 

ELSA: Ipaghahanda ko na lang kayo… (sasabat si Mylen)

 

MYLEN: ate… kung ayaw kumain… huwag pilitin… kung magkasakit man siya… huwag kang mag-alala dahil ang masamang damo matagal mamatay…

 

ELSA: Ano ka ba Mylen? … Huwag kang magsalita ng ganyan kay mama…

 

MYLEN: Totoo naman ah… Anong gusto mo sabihin ko… mabait at ulirang ina siya…

 

MARISSA: Tama na yan!

 

ELSA: Ma… sumusobra sa pagsagot –sagot eh

 

MYLEN: Baka nakalimutan mo na ate… siya ang naging dahilan kung bakit umalis si papa!!! IPinagpalit tayo niyan sa ibang pamilya…

 

MARISSA: Tama na!

 

ELSA: Tumigil ka na! Tapos na yan… Pinagsisihan na ni Mama yon! Bakit ba hanggang ngayon hindi mo pa rin makalimutan yan!?

 

MYLEN: Hindi ko talaga makakalimutan yan! Sinira yan ng pagkatao ko!

 

ELSA: Hindi ko maintindihan…

 

MYLEN: Hindi mo talaga maiintindihan… dahil si Mama lang ang naiintindihan mo!

 

ELSA: Mag-usap tayo…

 

MYLEN: Hindi na…magsama kayong dalawa… (aalis sa stage at lalapit si Elsa sa nanay)

 

ELSA: Hayaan nyo na yon…

 

MARISSA: Sa tagal ng panahon at lahat ng ginawa ko…akala ko napatawad na ako ng kapatid mo… malaki ang naging bunga ng kasalanan ko sa kanya… (iiyak)

 

ELSA: Ma!

 

MARISSA: Okay lang ako… magpahinga ka na…

 

ELSA: Ma kumain ka muna…

 

MARISSA: Sinabi ko na sayo na wala akong ganang kumain…

 

ELSA: Pilitin nyo para gumaling kayo…

 

MARISSA: Sabihin mo nga sa akin… paano ako kakain ha? Paano ako kakain kung ganito ang sitwasyon ko… kung alam mong mamamatay din lang naman ako, bakit pa?... ano pa ang saysay ng buhay na ito… (iiyak)

 

ELSA: Ma… may saysay ang buhay… huwag kang mawalan ng pag-asa…

 

MARISSA: Narinig mo naman ang sinabi ng doctor kanina… Nasa 3rd degree na ang sakit ko… Paano pa ako gagaling ha?

 

ELSA: Alam ko Ma… mahirap talaga… naiintindihan ko… magtiwala kayo sa Panginoon… Siya lang ang makakatulong  sa atin ngayon…

 

MARISSA: Yon nga eh… ang pakiramdam ko parang wala na talaga akong pag-asa dahil feeling ko hindi ko kakampi ang Diyos…Naging masama ako di ba? Noon hindi kita pinapayagang magsimba, kinukulong kita dito sa bahay… ginawa ko ang lahat para hindi ka mapunta sa anumang relihiyon… na akala ko noon magiging masama ang dulot nito sa’yo…. Nagkamali ako… Nakasumpong ka ng kapayapaan… Noon dahil sa problema naisip ko na mahirap ang mabuhay at hindi ko alam kung paano ko aayusin ang gulong ginawa ko sa pamilya natin… pero ngayon na nalaman ko na maysakit ako… naisip ko na mas mahirap pala ang mamatay dahil hindi ko alam  ang kasiguruhan ng buhay pagkatapos ng kamatayan…

 

ELSA: Ma… tanungin nyo ang sarili niyo… sa mga nagdaang taon ng buhay nyo… para kanino ba talaga ang buhay?... ito’y pahiram lamang ng Diyos… kahit anong gawin natin, lilipas din ito… At sana huwag nating hayaan pa na maghingalo tayo bago natin isuko ang ating buhay sa KANYA…at higit sa lahat ang malaman ang kaligtsan…

 

MARISSA: Nakakalungkot… Bakit ganon?... Hinintay ko pang magkaroon ng malalang sakit bago ko marealized ang Panginoon sa buhay ko… Sayang ang mga panahon na nabuhay ako sa aking sarili… Gusto kong bumawi sa Kanya… at higit sa lahat gusto kong malaman ang kaligtsan…

 

ELSA: Salamat Ma… hindi ninyo alam kung gaano ako kasaya… naging bukas na ang isipan nyo sa kaligtasan… Ma, halika doon tayo sa kwarto para kumportable kayo at  nandoon din ang bibliya para maipaliwanag ko sa sainyo ang kaligtasan na bigay ng DIyos….Pero pagtapos nito, kumain ka ha… sabayan kita para may gana ka… (tatayo sila at aalis sa stage)

 

Narrator:

Ang buhay natin ay walang kasiguruhan… kahit anong oras ito’y mawawala o lilipas… Ngunit kahit ganito, ang kasiguruhan lang ay ang patutunguhan pagkatapos ng kamatayan. Ngunit minsan ang tao, ito’y pinagwawalang bahala. Ang wala kay Kristo ay makakaranas ng walang hanggang kaparusahan. Sana maging paala-ala sa ating lahat ang babala ng Bibliya. Isuko na natin ang ating buhay sa Diyos.

 

SCENE 2:

(tunog ng ambulance)

 

MYLEN: Oh ano! Andito ka nap ala ate!... kumusta na si Mama? (Hindi iimik si Elsa)… Huwag kang mag-alala… mabubuhay pa yon… sabi nga ng kasabihan na “ang masamang… (hindi matutuloy dahil  puputulin ni Elsa ang sasabihin)

 

ELSA: Ibang klase ka din no… ang sama ng ugali mo… kakaiba ka!

 

MYLEN: Hindi ate! May mas masama pa ang ugali keysa sa akin!

 

ELSA: Sasabihin mo na naman si mama

 

MYLEN: Hindi!

 

ELSA: Eh sino pa ba tinutukoy mo?... Bakit ba hindi mo matanggap na pinagsisihan na ni mama ang ginawa niya…

 

MYLEN: Sige nga ate… sabihin mo nga sa akin kung paano ko matatanggap ang nangyari sa akin… Noon masaya at magandang pamilya tayo tapos bigla na lang nagbago nang dumating si Conrad sa buhay ni mama… umalis si papa… hindi mo ba alam na sobrang lungkot ko noon…

 

ELSA: Alam ko… pare-pareho tayo… naiintindihan ko ang nararamdaman mo…

 

MYLEN: hindi mo naiintindihan!!! (sisigaw at mapapaupo sa pag-iyak)…Iniwan nyo ako… iniwan nyo ko!!!

 

ELSA: Ano ba nangyayari saiyo… sabihin mo sa akin… (hindi pa rian umiimik si Mylene, umiiyak lang)… nakikiusap ako saiyo… sabihin mo sa akin…

 

MYLEN: Iniwan nyo ko ate…Noong nagbakasyon ka dito… gusto kong sumama saiyo sa Manila kaya lang ayaw mo…si mama naman lagi akong iniiwan dito sa bahay… Naiiwan akong kasama ang Conrad na yon! Wala kayo nong time na yon… at hindi ninyo ako naramdaman…  Sinira nya ang buhay ko ate!...

 

ELSA: Alam ba ni mama yan? … dapat sinabi mo sa kanya…

 

MYLEN: Takot na takot ako ate…hindi ako makapagsalita… pero sa loob ko galit na galit ako, kaya natuwa ako ng iwan ni mama ang lalaking iyon… pero lagi ko pa rin naaalala lalo na pag nakikita ko si mama na malungkot at alam kong iniisip niya ang lalaking iyon… iniisip niya pero ako hindi niya ako naramdaman sa nangyayari sa akin… kaya parang siya ang sinisisi ko sa nangyari sa akin… tama naman ako di ba?.. ate bakit? Bakit nangyari ito sa akin? Dahil ito sa kanya … hindi sana mangyayari ito sa akin!!

 

ELSA: Huwag kang mag-alala tutulungan kita sa ganitong kalagayan… gagawa tayo ng paraan para magkaroon ng hustisya ang nangyari sa iyo… sa ngayon manalangin tayo at humingi ng tulong sa Panginoon… (aalis sa stage)

 

Narrator:

Kahit ano pa mang problema ang maranasan natin, hindi panahon ang hihilom sa anumang sakit ng damdamin na dulot nito… kundi sa biyaya na binibigay ng ating Panginoong Hesu Kristo.

 

SCENE 3:

(nasa sala si Elsa at umiiyak)

 

MYLEN: Oh ate!...nasaan na si mama?

 

ELSA: (haharap)… Nasa kuwarto na…

 

MYLEN: Bakit ka umiiyak?

 

ELSA: Malapit na tayong iwan ni mama…

 

MYLEN: Bakit? Gaano ba kalala ang sakit niya? (biglang tatawag ang nanay)

 

MARISSA: Elsa! Elsa!... (biglang lalapit si Mylen)

ELSA: Ma… dahan-dahan sa paglakad, mahina pa kayo… (aalalayan at iuupo sa silya ang ina)

 

MARISSA: Hindi ko naramdaman na nakauwi nap ala tayo…. Ano pla ang sabi ng doctor?...

 

ELSA: Okay naman… huwag daw ninyong kalimutang uminom ng gamot at vitamins… Siyempre kailangan ninyong kumain ng ng masustansiyang pagkain at magpahinga…Pero… (hindi na itutuloy ang pagsasalita dahil sa pinipigil ang pag-iyak)

 

MARISSA: hanggang kaila daw ang buhay ko?

 

ELSA: Wala namang sinabing ganoon ma…

 

MARISSA: Kahit di mo sabihin nararamdaman ko… ilang buwan pa daw baa ng itatagal ko? (hindi pa rin iimik si Elsa)… Sabihin mo naman sa akin para mas makahanda naman ako…

 

ELSA: (iiyak)… Ma… pina-uwi na kayo ng doctor dito sa bahay dahil dumarami na raw ang nagiging komplikasyon, hindi na rin kakayanin ng katawan ninyo ang gamutan … mas maganda raw sa bahay para makasama ang pamilya sa mga panahon na kakayanin pa…

 

MARISSA: Nakita ko na rin n pumayat na nga ako ng husto…Aabot pa kaya ako ng isang buwan? (maiiyak)… siguro pag uminom ako ng gamot… makakatulong kahit papaano di ba?... (tatango lang si Elsa)… saan ba yong gamot ko? (biglang lalapit si Mylene para ibigay ang gamot) … Mylene… (lilingon si Mylene) … anak… alam ko na ang lahat… Malaki ang naging kasalanan ko saiyo… PATAWARIN MO AKO!!! (umiiyak si Mylene pero hindi iimik)…. Patawarin mo ako… Puwede mo ba akong mapatawad? … sana bago ako mamatay mapatawad mo ako anak…

 

MYLEN: Ma… nagalit ako sainyo ng sobra… dumating na ako sa punto na  parang ayaw ko na kayong makita…sinisi ko kayo sa lahat ng nangyari sa akin… ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon ako ng poot sa puso ko… ang HAPDI NG KAHAPON  ang naging balakid sa akin para di ko makita ang katotohanan ng buhay…  (pero ngayon… ang Panginoon ang nagmulat sa akin sa tunay na saysay ng buhay… dahil sa Panginoon nakapagpatawad ako… Pinatawad ko na kayo ma… dahil pinatawad na rin ako ng Panginoon… Hindi ko rin pala kayo matikis… mahal ko kayo… ( iiyak at lalapit at ibibigay sa kamay ng ina ang gamot)… inumin nyo na to para makasama ka pa naming ng matagal, mag a o-outing pa tayo…

 

MARISSA: (pipiliting tumayo at yayakap sa anak – aalalayan siya ni Mylen)…. Salamat… salamat anak… salamat sa Panginoon…

 

 

_the end_

AKO BA 'YON? (Tagalog Short Drama Script)

  Ako ba ‘yon? (by Nheiz A. Pascual)     picture taken from Google DARK SCENE: Sam: SINO ANG PUMATAYYY!! BAKIT NIYO SIYA PINATAAAAAY!!...