CHRISTIAN DRAMA: "HANGGANG WAKAS" (LAST DAYS)
HANGGANG WAKAS
By krisha412
November, 2023
Narrator:
May mga bagay tayong
pinagdedesisyunan sa buhay na kahit anupaman ang mangyari ito’y pinaninidigan natin
lalong-lalo na kung ito’y nasa tama. Pero paano pag dumating sa punto ng buhay
natin na dahil sa matinding kahirapan, at pagtitiis ay hindi na nating kayanin
pang manindigan sa tama. Sabi sa bibliya, “Ngunit ang mananatiling tapat
hanggang wakas ay maliligtas” Sa huling panahon kaya pa ba nating manindigan?
Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang “HANGGANG WAKAS.”
SCENE 1: CRISTINA IN JAIL
(Puno ng sugat si Cristina
at duguan)
CRISTINA: (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Huwag! Tama na! Maawa kayo!!!
SUNDALO1: Hindi kami titigil hangga’t hindi ka sumusuko at umayon sa gusto
namin! Oh ano! Magpapatatak ka na ba? Hindi ka na maniniwala na si Kristo ang
tagapagligtas!
CRISTINA: Hindi! Hindi ako susuko!
SUNDALO1: (sasampalin si Cristina) Ganon ha! (magdurugo ang bibig ni Cristina at
siya’y patuloy na iiyak)
CRISTINA: (bubulong si cristina) Panginoong Hesus tulungan ninyo ako!
SUNDALO2: Oh, may binulong oh!
SUNDALO1: Ano! Ano ang narinig ko “Panginoon” binulong mo pa, ayaw mong marinig
namin no! Kasi pag narinig ko dagdaggan ko ang pahirap saiyo… Sorry ka na lang
dahil narinig ko
SUNDALO2: kukunin ko na ba ang punyal natin?
SUNDALO1: Sige kunin mo (aalis ang sundalo2) Alam mo ba (hahawakan sa mukha)
Hindi ka na maghihirap kung susuko ka… tingnan natin kung ano ang magiging
desisiyon mo dito..maghintay ka lang…
CRISTINA: (umiiyak) Maawa ka! Pakiusap….
SUNDALO2: ito na ang punyal natin… pinainitan ko na yan kanina pa…
CRISTINA: (makikita ni Cristina ang punyal at siya’y mapapasigaw) Huwag! Huwag
ninyong gawin yan! Maawa kayo!!!
SUNDALO1: (Kukunin ang punyal) Wow! Ang talim nito…. Subukan natin dito sa
kamay! (Kukunin ang kamay ni Cristina, magpupumiglas ngunit hindi niya rin
kayang lumaban, hahawakan siya ng mga sundalo)… Subukan lang natin ng konti sa
kamay para maramdaman mo ang sakit…
CRISTINA: Huwag! Huwag! … (iiyak ng malakas at magdurugo ang kamay)
SUNDALO1: Sa kabilang kamay naman para maramdaman mo pa lalo… (kukunin ang
kabilang kamay)
CRISTINA: Huwag!...Tama! Tama na! Susuko na ako (iiyak)
SUNDALO2: OH sa wakas!
SUNDALO1: Ano sabi mo? Magpapatatak ka na ba?
CRISTINA: Oo… magpatatak na ako (pabulong)
SUNDALO1: ILAKAS MO!
CRISTINA: OO!!!… MAGPATATAK NA AKO!!! (sisigaw na may pag-iyak))
(lights off)
SCENE 2: ROWELL IN JAIL
(Puno ng sugat si Rowell at
duguan)
ROWELL: (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Tama na! Tama na!!!
SUNDALO1: Nakikita ko sa hitsura mo Hirap na hirap ka na! Kawawa ka naman! Yang
mukha mo marami ng sugat. Masakit ba to? (biglang pipisilin ang mukha)
ROWELL: Ahhh (mapapasigaw)
SUNDALO2: Ang tigas talaga nito no! ang dami na nating ginawa sa kanya … ayaw pa
rin sumuko at magpatatak…
SUNDALO1: Alam mo ba yong kasama mong kristiyano daw na babae? Ayon nasumuko na…
Maganda na buhay niya… lumaya na siya… alam namin na ganon din mangyayari saiyo,
susuko ka rin di ba? (biglang susuntukin si ROwell) Di ba? … sumagot ka!!!
ROWELL: Hindi… Hindi ako susuko Hindi ako magpapatatak!!! Ayaw kong magdurusa
nang habang buhay sa impiyerno…Alam mo mas gugustuhin ko na pansamantalang
mahirapan dito sa lupa kaysa habang buhay akong magdusa sa impiyerno…
Naniniwala ako sa Diyos at siya ang magliligtas sa akin kaya kahit anong gawin
ninyo… HINDI AKO MAGPAPATATAK!!!
SUNDALO2: Ang yabang mo ahh! (bubugbugin ulit si Rowell)
SUNDALO1: Tama na yan… balikan natin siya… magtatanda na yan..
at least ngayon may na-accomplished tayo…
SUNDALO2: Oo nga… sumuko na ang babae…
SUNDALO1: Pahinga muna tayo!!!
(maiiwang mag-isa si Rowell at hinang-hina)
(lights off)
SCENE 3: CRISTINA’S HOUSE
(Mababanaag kay Cristina ang
pinanggalingang hirap… may benda ang kamay at mga bandages ang mukha)
JEFF: Cristina! Cristina! (Makikita ang hitsura ni Cristina at Yayakapin si Cristina sa awa).. Grabe talaga pala ang pinagdaanan mo no?
CRISTINA: Hindi mo lang alam ang lahat ng pinagdaanan ko… Sobrang sakit…
JEFF: Pasensiya ka na hindi ako
nakadalaw ha sa ospital…
CRISTINA: Okay lang…
JEFF: nandoon ako pero bawal ang bisita
eh…may mga sundalong nakabantay…
CRISTINA: Ganon ba?
JEFF: Oo… ganon kahigpit… pero noong
nabalitaan ko na nakauwi ka na… agad-agad pumunta ako dito sainyo.. Nabalitaan
ko ang mga nangyari sayo… Binabalita sa TV ang lahat ng mga taong nagrebelde
para hindi pamarisan… Alam mo awang-awa ako saiyo nang makita kita…
JEFF: Pero at least ngayon… nakalabas
ka na ng hospital… ang tagal mo ding naconfine, pero ngayon okay ka na…puwede
ka na lumabas labas na hindi iniisip na may huhuli saiyo…Oh ito ang daming
grocery ahh… saan galing?
CRISTINA: May pa-ayuda ang gobyerno sa mga sumuko…
JEFF: Wow… galing ahh… ngayon okey na
ang buhay mo… (hindi iimik si Cristina)
Teka… isa pala sa dahilan kaya
ako nandito ay may good news sabi ni boss puwede ka na daw bumalik sa trabaho
basta umayos na pakiramdam mo… Ano masasabi mo? (hindi iimik si Cristina…aakbayan
si Cristina) Okey ka lang?
CRISTINA: Okey lang… salamat ha.. babalik na ako sa dati kong ginagawa!
(malamlam ang boses)
JEFF: Hindi ka masaya…Alam ko iniisip
mo pa rin ang pinili mong desisyon…
CRISTINA: Oo… naisip ko dahil sa sobrang hirap ng naranasan ko, sumuko
ako…Isinuko ko ang langit sa hirap na naranasan ko… Hindi ko na kasi kaya…
JEFF:
Wag kang mag-aalala magiging maayos na buhay mo… natin!
CRISTINA: Sigurado ka? …pero paano ang darating na wakas?
JEFF: Wag mo nang isipin yon… Malay mo
naman na hindi totoo yong sinasabi ng ibang kristiyano sa bibliya… mali lang
ang interpretasyon nila kaya huwag kang mag-aalala doon…
CRISTINA: Mali ang interpretasyon nila at tayo ang tama? Hindi nga tayo
nakapagbasa ng bibliya eh, paano mo masasabi yan… Alam ko pinagagaan mo lang
loob ko pero hindi mo maikakaila ang nangyayari…Jeff, Hindi mo ba nakikita?
masdan mo ang paligid… may mga lindol na nangyayari, mayroon ulit matinding
virus na lumalaganap ngayon… at may posibleng matinding giyerang darating kung
kakalas ang presidente sa treaty…
JEFF: Cristina… sa ganyang usapin, wala
na tayong magagawa…
CRISTINA: Oo nga wala na tayong magagawa (iiyak)… Ang malungkot lang… (hihikbi
na halos hindi makahinga sa pagpigil ng iyak) Hindi ko na makikita si ate at si
Abie…. Nasa langit sila samantalang ako… pagdurusa ang pupuntahan ko…
JEFF: Cristina… Tama na… harapin muna
natin ang kasalukuyan… (aakbayan si Cristina)
(lights off)
SCENE 4: CRISTINA & LARA
(Kumakain si Cristina sa
lamesa at bigla siyang may narinig na kaluskos at mahinang katok ng pinto)
CRISTINA: Sino yan? Tatayo at titingin… Sino yan?
LARA:
Ako to… si Lara, kaibigan mo… (pabulong)
Nakauwi ka na? Kumusta ka na? (yayakapin si Cristina pero hindi ito
yayakap…hindi magrereact si Cristina).. Namiss kita… ANo na?
CRISTINA:
Okay lang…
LARA: Andami mong pagkain… ang sasarap…
(uupo at titikim ng pagkain sa sobrang gutom… samantalang si Cristina ay
tatalikod at hahawakan ang phone)… Teka… (mag-iisip) …Maayos na buhay mo… hindi
ka na nagtatago… huwag mong sabihin na … huwag mong sabihin na …. (puputulin
siya ni Cristina at sasagot)
CRISTINA:
Oo… sumuko na ako…
LARA:
Bakit?
CRISTINA:
Bakit? Alam mo ba ang hirap na dinaranas
ko?... Sobrang pahirap ang ginawa nila sa akin… Grabeng parusa ang ginawa nila
at araw araw akong umiiyak sa sakit… Yong balatan ka ng buhay ay hindi ko na
nakayanan… (iiyak)
LARA:
Naiintindihan ko… pero Sinabi ng Bibliya na
ang manatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas…
CRISTINA:
Ang galing mong magsalita at magsabi ng Bible…Hindi
mo ako maiintindihan… Paano mo ako maintindihan eh hindi mo naman naranasan…
LARA:
Alam mo Marami kaming naranasang paghihirap sa
pagtatago pa lang…
CRISTINA:
Wala yan sa kalingkingan ng naranasan ko…Kaya
huwag kang magsalita na parang alam mo ang lahat….
LARA: Pasensiya na kung ang dating sayo
ay hindi kita naiintindihan… pero naisip ko na gustong-gusto mong makasama sa
langit ang mga mahal mo sa buhay… Hindi nila naranasan ang kahirapan na ito ngayon
kasi maaga nilang nakita ang katotohanan at nanampalataya sila at tinanggap si
Kristo bilang Panginoon at tagapagligtas…Isang araw bigla na lang silang
nawala, sila ate mo, Abie at ang mga magulang ko…ito ang katuparan ng sinasabi
sa bibliya na tinatawag ding rapture… Sabay tayong nangako na huwag tayong
magpapatatak para makasama natin sila sa langit…Ngayong nagpatatak ka na… Paano
na yan?
CRISTINA:
Yon ang kalungkutan ko… kaya gusto kong
maranasan mo ang naranasan ko…
LARA:
Ano ang ibig mong sabihin? …
CRISTINA:
andiyan na sila…
(biglang aalis si Lara ngunit dumating ang mga sundalo)
LARA:
Bitiwan ninyo ako!!!
SUNDALO1: sumama ka sa amin!!!…
LARA:
Bitiwan ninyo ako!!! Bakit mo ako sinuplong,
Cristina… kaibigan kita… bakit?
CRISTINA:
Para maranasan
mo ang naranasan ko…
LARA:
Bitiwan ninyo ako!!!… Cristina hindi kita
gagayahin…Magtitiis ako hanggang wakas!
CRISTINA:
Tingnan natin… (pupunasan
ang luha)
SCENE 5a: (STREET SCENE)
(Nagkakagulo ang mga tao sa lindol na nangyayari … si
Cristina at Jeff ay nasa daan at piliit na umiiwas sa mga taong nagkakagulo at
bumabagsak na mga bagay… nagkahiwalay sila ng daanan)
CRISTINA: Ahhhhhhhhhh (sisigaw)
(lights off)
SCENE 5b: (hospital scene)
JEFF: Pasensiya ka na ngayon lang ulit ako nakabisita… may sakit din kasi si mama… wait ko yong result ng CT scan niya … kumusta ka na?
CRISTINA: Hindi ko maigalaw ang isang paa ko. matindi ang pagbagsak ng pader sa
paa ko kaya ganito…
JEFF:
nkausap mo na ba ang doctor? ano daw sabi?
CRISTINA: Need daw putulin ang isang paa ko
dahil sa impeksiyon… Pero need ko daw mag laboratory test para sa ibang nakita
nila sa lungs ko…kasi kagabi hindi ako gaano makahinga, parang may
nakabara…Nakakalungkot… ang daming ganap sa buhay…
JEFF:
Oo nga…ang daming nangyayari… ako din eh.. yong nararamdaman ko matitiis ko pa
pero ang makita ko ang pamilya kong maysakit din at naghihirap… parang hindi ko
kakayanin…
CRISTINA: Ipinagpalit ko ang
pansamantalang kaginhawaan sa paninindigan kay Kristo pero ang dulo din ay
kasawian…
JEFF:
Ako… pinili ko ito para sa aking pamilya…ayaw ko silang maghirap at magutom
pero sa dulo ganon din ang nagyayari… mali ako!! (iiyak)
CRISTINA: Sa simula pa lang sana… nakinig
na ako kay ate at nanampalataya na ako kay Kristo… Wala sana ito…
JEFF:
Ang masakit..wala na tayong magagawa… (biglang darating ang doctor at mga
hospital crew)
DOKTOR: Kailangang ilipat siya sa isolation area…
JEFF: Bakit doc?
DOKTOR: Nakitaan sa lab test niya na mayroong virus na
dumapo sa kanya… Wala pa tayong gamot sa kasalukuyan…
JEFF: Cristina paano yan?
CRISTINA: Kagaya ng
sabi mo…wala na tayong magagawa… Paalam… (iiyak)
SCENE 6: (JAIL scene)
(Puno ng sugat si Rowell at
duguan nang makita siya ni Lara)
LARA: Bitiwan nyo ako!!!
SUNDALO1: Huwag kang maingay… yan tingnan mo… baka kilala mo… magagaya ka sa
kanya kung hindi ka susunod sa amin… (lalapit si lara kay Rowell)
LARA: Sobrang pahirap ginawa nila saiyo… ikaw ba si Rowell? (tatango lang si
rowell) Pinapanalangin ka namin… huwag kang susuko ha… (mangiyak-ngiyak ang
boses)… Naghihirap ka man ngayon, darating din ang kaginhawaan sa langit na
bayan…. Basta Huwag ka lang susuko ha…
SUNDALO1: Tama na yang drama na yan… titingnan ko kung masasabi mo pa yan sa
susunod na mga araw… dalhin mo na yang babaeng yan sa security room…
SUNDALO1: (lalapit kay Rowell) Oh ano…(hihilahin ang buhok ) susuko ka na?
Huling huli na ito…
ROWELL: Ahhh…
SUNDALO1: Alam mo sa lahat ng nakulong dito… ikaw ang
pinakamatigas ang ulo… (babatukan si Rowell
at darating ang sundalo2)
SUNDALO1: Siguradong kang nakakadena ang gate baka makalabas ang babae…
SUNDALO2: Huwag kang mag-alala…sinigurado ko…
SUNDALO1: Bigyan na natin ng ultimatum ito ang lalaking ito…
SUNDALO2: Sa hitsura pa lang niyan… hindi na niya kakayanin…susuko na yan..di
ba? (lalapit at susuntukin si Rowell… biglang babagsak si Rowell… hindi na niya
kayang tumayo)
SUNDALO1: Kunin mo ang ultimatum natin… (kukunin ng sundalo2 ang punyal)… hindi
kita sasaksakin… dahan-dahan kitang susugatan… (kukunin ang paa ni Rowell at
susugatan)
ROWELL: Sisigaw… ahh …Huwag…Tama na!!!
SUNDALO1: Oh.. ano magpapatatak ka na ba? Isusuko mo na ang
paniniwala mo kay Kristo bilang iyong tagapagligtas?... Magsalita ka!!!
ROWELL: (Sisigaw) Hindi… Hindi ako susuko… hindi ako
magpapatatak.. Hindi ko ipagpapalit ang buhay na walang hanggan sa walang
katapusang paghihirap sa impiyerno…MANANATILI AKONG TAPAT HANGGANG WAKAS!
SUNDALO1: Ganon ha… sige ito pa…(susugatan si Rowell ngunit
wala ng pagsigaw)
SUNDALO2: Hindi na umiimik…(titingnan ang pulso) patay na siya
sir…
SUNDALO1:
Itapon na yan…
Papuntahin mo muna yong babae para makita niya ang mangyayari sa kanya kung
hindi siya susunod… (darating si Lara)
LARA: Rowell! Rowell! Gumising ka!
SUNDALO2: Wala na… patay na yan
SUNDALO1: Pinakita namin sayo para Makita mo ang sasapitin mo
pag hindi ka sumunod sa amin…
LARA:
Rowell! Hindi man kita nakilala ng lubos pero nagpapasalamat ako saiyo dahil
nagtiis ka… nagtiis ka hanggang wakas… Hindi mo lang alam na naging ehemplo ka
sa akin para patuloy akong magtiis para sa langit na bayan! Salamat!!
SUNDALO1: Tama na yan… Ilabas na ang bangkay…
(lights off)
SCENE 7b: (heaven scene- right stage)
ROWELL: Nasaan ako? Ang ganda ng paligid…Patay na ba ako? Wala
na ako sa kulungan… Kakaiba ang pakiramdam ko, wala na akong nararamdamang
sakit… ang gaan din ng pakiramdam ko ngayon… Teka…Anong liwanag yon? Panginoon …SALAMAT SA PANGAKO MO… totoo ang
bibliya… Nagkamali man ako ng desisyon noong una na hindi ako naniniwala ngunit
namulat ako sa mga pangyayari… AT
HiNDI SAYANG ANG PAGTITIIS ko HANGGANG WAKAS
Narrator:
Marami man tayong
kapighatian at pagdurusang mararanasan dito sa mundo ngunit may pangako siya na
papahirin NIYA ang bawat luha s ating mga mata. Wala ng kamatayan, dalamhati, pagtangis,
at paghihirap sapagkat lumipas na ang dating mga bagay. Ang mga pangakong ito
ay mangyayari lamang kung tayo’y tatalima sa ibinibigay na libreng kaligtasan
na KANYAng iniaalok sa atin. Magsilbi nawang paalaala sa atin ang dulang ito
para magbigay sa atin ng paninindigan na sundin ang tama na nakasaad sa
bibliya.
Comments
Post a Comment