LIWANAG NG BUKAS (CHRISTIAN DRAMA SCRIPT)
LIWANAG NG BUKAS
Krisha412, August 2013
CAST:
LARA: Sis. Maricris
Anilao
ROGER: Pastor
Rodemir Anilao
RIZA: Sis. Neizel
Pascual
ABIE: Sis. Mary
Ann Osorio
DORY: Sis.
Nelia Bumotad
SUSIE: Sis. Nicole
Pascual
DINDEE: Sis. Kathleen
Faith Tampos
CARLO: P. Lennard
Llamado
JET: Benjie
Pascual
BETTY: Sis. Nory
Pascual
Narrator: Music: Melancholy –sad piano
Sa mundong ating ginagalawan, ginagawa ang lahat para maging masarap ang buhay at may magandang bukas
kaya’t minsan hindi maiwasan na kahit sa buhay kristiyano nananaig ang
pagnanais na magkaroon ng marangyang buhay. Ngunit kahit na alam na natin na
ang may hawak ng bukas ay ang Panginoon minsan hindi natin ito nakikita o
nararamdaman lalo na kapag dumarating ang mga problema o mga pagsubok…
Tunghayan po natin ang dramang pinamagatang “Liwanag ng bukas.”
SCENE 1: (Music
Background: the day we’ll
meet again)
Props: wheelchair
for Betty & small drawer
Lights: left, right & center stage only
LARA:
Mama kumain na
kayo??
BETTY: (paralisado)
(iiling)
hin…hin..di pa
LARA: (sisigaw)
Susie!!!
Susie!!! Saan ka na?
SUSIE:
Ate, sandali
lang
LARA: (sisigaw)
Bilisan mo…Ano
ba!
SUSIE:
Bakit ate Lara?
LARA: (sisigaw)
Anong bakit? Di
ba sinabi ko na sayo na pakainin mo na si Mama..
SUSIE:
Sorry ate… kasi
may gi… (mapuputol ang salita dahil sasabat ang ate)
LARA: (sisigaw)
Huwag ka nang
magrason.. Yan naman lagi ang trabaho mo tuwing umaga di ba…Di ba alam mo naman
yan?
SUSIE:
(iiyak)…Opo
LARA: (sisigaw)
Yon naman pala
eh bakit lagi kitang pinapa-alalahanan?
(iiyak)…Napagod
po kasi kagabi kaya ngayong umaga ko lang nagawa assignment ko..
LARA:
O sige tama na
yan… San ba ang ate Riza mo?
SUSIE:
Hindi ko po
alam!
LARA:
(darating si
Riza at nag-iis-stay sa gilid) Alam nya naman na busy din ako sa trabaho…ginagawa
ko to para may makain tayo tapos hindi pa siya maasahan!... O nasaan yong
folder dito… Report ko yon eh, nakita mo?
SUSIE:
Hindi po!
LARA: (sisigaw)
Hay naku! Late
na nga ako, nawawala pa ang report na yan… (maghahanap malapit sa lugar ng mama…hanggang
sa mainis at itatapon ang mga gamit) San na ba yon?.. Pagod na ako.. (iiyak)..
Nakakapagod ang buhay na to…
BETTY:
a…ah… anak…
LARA:
Ma… huwag na
ninyong pilitin magsalita… Nahihirapan na nga kayo eh..
BETTY:
anak…
LARA:
Ma..alam ko ang
gusto ninyong sabihin… Hindi po ako galit sa inyo…Pagod lang ako!
SUSIE:
Mama, Huwag na
kayong umiyak (pupunasan ang luha ng inay).. pagod lang si ate
RIZA:
Ang aga ng
drama natin ah… Ito ba ang hinahanap mo?
LARA:
Andiyan pala
saiyo eh
RIZA:
Wala sa akin..
nakita ko yan kagabi nilagay mo sa ibabaw ng drawer. Pasalamat ka at binigay ko
pa saiyo…
LARA:
Dapat mo lang
ibigay para makatulong ka naman…
RIZA:
Bakit ate? Sa
tingin mo hindi ako nakakatulong dito? Sino ba ang mas dapat na tumulong dito
lalo na kay Mama?
LARA:
Ang galing mo
sumagot… kristiyano ka pa naman at ministry leader pa?
RIZA:
Bakit ikaw ate
kristiyano ka rin di ba? pag linggo nasan ka?
LARA:
Tama na!
RIZA:
Ganyan ka naman
eh.. pag tungkol na sayo ayaw mo ng pag-usapan.. Pero pag iba.. ang galing mo…
Pinakikita mo na ikaw na ang pinakamabait ng anak dahil
LARA:
Sinabi nang
Tama na!
Bakit ate… ayaw
mong marinig na ikaw ang dahilan kung bakit nagkaganyan si Inay! Hinahabol ka
nya noong time na yon dahil sumama ka kay Jerry… Sa kahahabol niya nalaglag
siya sa hagdan… kaya ngayon dapat lang na mapagod ka sa pagtatrabaho para sa
kanya…
LARA:
Yan ba ang
dahilan bakit ka nagkakaganyan?..
RIZA:
Tama naman di
ba? Kaya ka nagkukumahog sa trabaho dahil kasalanan mo naman talga di ba?
LARA:.
O sige ako na
ang may kasalanan.. Ako na!!(pasigaw)…Yan bang gusto mong marinig… Masaya ka na
ha
BETTY:
Ma…nga mgaa…ah…
anak…
SUSIE:
Ate si Mama..
nahihirapan na namang huminga!
LARA:
Ma!
SCENE 2: (Music Background: Melancholy
– sad piano)
Props: No
chairs on the center stage
Lights: center stage
only
ABIE: (sasampalin si Roger)
Bakit mo ginawa
ito? (hagulgol na iyak) Bakit!!!
ROGER:
Abie… Abie…
aayusin ko ito… kayo ng mga anak natin ang mahal ko…
ABIE:
Huwag mo akong
hawakan!!!, pakiusap—(Pasigaw at iiyak ng hagulgol)..
ROGER:
Abie… Abie…
patawad… hindi ko sinasadya
ABIE:
Hindi sinasadya
(iiyak).. hindi ba sinasadya yong may iba kang babae…
ROGER:
Abie… Patawarin
mo ako…Abie… pakiusap flight ko na next week.. gusto ko magkaayos na tayo.. Abie
patawarin mo ako…
ABIE:
Masakit ang
ginawa mo…Bahala na ang Diyos sa ating dalawa…. (biglang aalis at iiyak si
Roger)
(LIGHTS OUT…. COUNT 10 THEN LIGHTS ON)
Props: Two
chairs on the center stage
Lights: center stage
only
CARLO:
Kuya hindi ka
pa aalis, mahuhuli ka sa biyahe mo? (hindi iimik si Roger)
Kuya wag kang
magalit ha… narinig ko ang pag-uusap ninyo ni ate Abie noong nakaraan..
ROGER:
Astig ba ang
ginawa ko? Isipin mo ha- ang pangalan ng kuya mo..Roger Villanueva.. astig…
astig di ba, lalaking-lalaki?...Sabi nga ng mga kaibigan ko normal lang sa
lalaki yong ginawa ko.. pero sa nararamdaman ko ngayon hindi okey
eh..nakokonsensya ako (iiyak)… diyahe ba? Ngayon mo lang akong nakitang umiyak?
CARLO:
Kuya Naiintindihan
kita…
ROGER:
Carlo..huwag
mong gayahin yon ha? Masisira ang buhay mo- ang pangarap mong pamilya… Ngayon
hindi ko alam kong may liwanag pa ang bukas para sa amin…
CARLO:
Kuya alam kong
mas bata ako saiyo… pero ang alam ko lang na puwede kong sabihin saiyo… baka
nakakalimutan mo na may Panginoon na handang gumabay saiyo
ROGER:
Oo nga… tama
ka, na busy ako masyado sa trabaho…Bigla nag-iba ang priority ko sa buhay..
Naisip ko nga mas maigi pa noon na wala akong malaking pinagkikitaan dahil
parang mas malapit ako sa Diyos… Tama si pastor kahit anong taghumpay basta
wala ang Panginoon hindi magiging Masaya… Narealized ko nga ngayon na mahirap pala
ang mawala sa kalooban ng Diyos… Sa sitwasyon ko ngayon parang mahirap nang ibalik
yong dati…
CARLO:
Walang
imposible sa Diyos kuya…Maasahan mo ang panalangin namin…
(Aakbay si
Roger kay Carlo ….LIGHTS OUT….)
SCENE 3: (Music Background: No
background on the first part)
Props: Two
chairs on the center stage
Lights: center stage only
LARA:
Sis. Dory
salamat ha, kung hindi lang ako gipit talaga, hindi ako lalapit saiyo,
DORY:
Wala yon.
LARA:
Pambili ko
kasing gamot ni Mama, hindi kasi umabot sa sahod ko eh.. pasenciya na ha..
nahihiya tuloy ako saiyo…
DORY:
Ano ka ba naman..sino
pa ang magtutulungan kundi tayo-tayo ding magkakapatid sa Panginoon..
LARA:
Yon nga eh.. hindi na ako
nakakasimba kaya din ako nahihiya…
DORY:
Wala yon…Hindi
yon sa ganon… Sana lang kahit anong dagok sa buhay natin huwag tayong
makakalimot sa Panginoon.
LARA:
Sa dami ng nangyari sa buhay namin natuon ang isip ko sa trabaho at kung paano
kumita para sa pamilya… at hindi ko namalayan na hindi na pala ako nagsisimba…
DORY:
Lagi ka naming sinasama sa
panalangin.. sana makadalo ka sa 30th Anniversary ng church…
LARA: (Music
Background: Memory)
Oo nga pala,
August na… naalala ko sa ganitong panahon busy tayo sa paghahanda para sa
gawain.. Naalala ko tuloy yong mga dati kong ginagawa… dati akong teacher sa
Sun. Sch….Teacher ako sa young adults at lagi akong nagsasabi ng mga positibong
mga bagay sa aking mga tinuturuan. Lingo-linggo nila akong nakikita na nagbabahagi ng Salita ng Diyos. Lagi akong nagtetestimony sa harap para ihayag
ang kabutihan ng Panginoon sa akin at sa aming pamilya… (iiyak) Pag naalala ko nalulungkot ako at
nanghihinayang… Ikaw ba sa tingin mo, kaya ko pang ibalik yong dati kong mga
ginagawa sa simbahan? Hindi ba ako’y masamang halimbawa na para sa mga
kapatiran?
DORY:
Hindi mo kakayanin bumalik
kung wala ang Panginoon… hingi ka ng tulong sa Kanya… Lahat ng kasalanan may
kapatawaran.. basa bukal sa puso mo ang
paghingi ng tawad… Anuman ang nagawa natin – Puwede itong gamitin para maging
babala sa iba na huwag nilang pamarisan…may paraan ang Diyos na iba sa
atin… Basta anuman nagawa mo…mahal ka pa
rin ng Diyos.. Kailangan mong tumayo at manumbalik sa Panginoon…
LARA:
Salamat ha!
SCENE 4:
Props: Three
chairs & small table on the center stage
Lights: center stage
only
DINDEE:
Hoy.. Susie!
Susie!
SUSIE:
Oh, Dindee ikaw
pala
DINDEE:
Bakit ka naman
nakatulog dito? Mabuti hindi ka nakita ng librarian, hindi ka pumasok ah
SUSIE:
Anong oras na
ba?
DINDEE:
3:25 na
SUSIE:
Patay hindi ko
na naihabol yong research ko sa teacher natin
DINDEE:
Ano bang
nangyayari sayo? Napapansin ko nangangalummata ka
SUSIE:
Binabantayan ko
kasi si mama, lagi kasi siyang di
makahinga
DINDEE:
Ikaw lang ba
nagbabantay? Si ate Riza at ate Lara mo
SUSIE:
Si ate Riza
laging wala… si ate Lara naman laging pagod at wala na din magawa sa bahay
nag-aaral at nagtatrabaho din kasi yon…naawa na ako sa kanya.. ngayon nga lagi
siyang nakasigaw at minsan naman nakikita ko umiiyak sa kwarto..
DINDEE: (Music
Background: the day we’ll meet again)
Si mommy ko nga
din eh.. minsan nagising ako ng madaling araw.. nakita ko siyang nakaluhod at umiiyak… Umiiyak din ako
tuloy noon, naaawa ako kay mommy…Siguro hiwalay na sila ni daddy
SUSIE:
Hindi naman
siguro pero bakit mo naman nasabi?
DINDEE:
Bihira na kasi
siyang tumawag sa amin, matagal na din siyang hindi umuuwi tapos ngayon lumipat
pa kami ng school … nami-miss ko tuloy ang daddy…tuwing maalala ko naiiyak ako
SUSIE:
Wala tayong
magagawa eh.. ipagpray na lang natin..
DINDEE:
Alam mo naisip
ko, akala ng mga nakakatatanda sa atin hindi natin napapansin na may mga
problema sa pamilya… akala nila bata pa rin tayo na hindi maiintindihan at lalo
na hindi nila napapansin na pati tayo naapektuhan din
SUSIE:
Oo nga… Haay! Ako
naman napapagod na rin ako sa kakautos sa kin… Oh ayan na pala kapatid mo..
Hello Jet
JET:
Hello poh..
(lalapit sa ate Dindee).. alam mo ate
ang ganda noong tablet noong kaklase ko.. ang daming games
DINDEE:
Bawal mag-tablet sa school
ah..
JET:
Recess naman yon eh
DINDEE:
Kahit na bawal pa din magdala ng tablet sa school
JET:
Ate gusto ko ng ganon…
kasi sa mga classmates ko.. ako na lang wala eh.. Puwede ba nating tawagan si daddy
para magbili tayo
DINDEE:
Nasa barko si Daddy at mas
maganda kong ipagpray mo muna
JET:
Pagpray na naman.. lagi
namang ganon.. puwede bang bumili na lang
DINDEE:
Alam mo Jet nasa Panginoon
ang blessing kaya sa kanya tayo lumapit..
SUSIE:
Tama ang ate mo… huwag
makulit at lagi kang umattend ng Sunday School ha…
Oy 4pm na pala…Hindi pa ba
kayo uuwi.. mauna na ako (aakmang tatayo pero mahihilo)
DINDEE:
Susie..Susie.. anong
nangyari sayo
SCENE 5: (Music Background: Reason)
Props: No
chairs on the center stage
Lights: center stage only
ABIE:
Riza, Ano ba
ang nangyayari sa iyo? (hindi
magsasalita si Riza) Magsalita ka!
RIZA:
Wala
ABIE:
Anong wala,
nararamdaman ko meron… Yong despidada ni
Carla wala ka, hinananap ka kaya niya…Tapos yong gawain sa Panginoon
pinaghintay mo rin Ano bang nangayayari sayo?(hindi pa rin magsasalita si Riza
at hihilahin niya ito sa kamay) Ano ba talaga ha?, Magsalita ka!!!
RIZA:
Sinabi kong
wala eh!!!(pasigaw na garalgal na boses- paiyak) Kaya naman ninyo kahit wala
ako eh
ABIE:
Hindi yon ang
punto ko, alam kong bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang talento pero itong
gawain na sinasabi ko ay commitment mo sa Panginoon
RIZA:
Alam ko naman
yon eh!
ABIE:
Alam mo pala eh…Oh,
bakit ganon? nakita ko may pagbabago saiyo… kaibigan kita… Nalulungkot ako na
makita kita na hindi na namin nakakasama sa paglilingkod at iba na rin ang
pananaw mo sa spiritual na mga bagay… matagal ka nasa ministry na ito.. iiwan mo na lang ba ng ganon na
lang?
RIZA:
(maluluha at
mangiyak-ngiyak na boses) Ayaw kong maging ganito, pero nahihirapan na ako…Hindi
ko na nakikita ang bukas para sa akin dito…
ABIE:
Hndi kita
maintindihan, ano ba ang problema?
RIZA:
Gusto ko maging
plain member na lang ako… yong walang hassle walang commitment.. hindi
inaasahan sa gawain at hindi kumplekado ang oras. .. Para mabigyan ko ng
panahon ang pamilya namin para naman masabi ni ate Lara na maaasahan ako sa
bahay.
ABIE:
Ahh para pala
sa ate mo… darating din ang panahon na magiging kagaya mo na ang ate mo, walang
panahon sa gawain… Riza naman alam mo naman na marami na ang tumatalikod sa
Panginoon pero nagtagumpay ba sila?
RIZA:
Nagtagumpay
naman sila ah.. nagkaroon sila ng pera
ABIE:
Pera lang ba
ang batayan mo para masabing matagumpay ka?.. Marami nga silang pera pero
kumusta ang spiritual at pamilya nila naging matagumpay ba? Alam ko sa puso mo
naiintindihan mo ang sinasabi ko.. huwag mo nang idagdag pa ang sarili mo sa
mga tumalikod sa Panginoon… maawa ka sa pamilya mo…
RIZA:
Anong gusto
mong gawin ko? Panoorin ang ate ko na nagkukumahog sa pagtattrabaho para sa
amin at panoorin ang nanay ko na naghihirap
ABIE:
Hindi sa ganon…
ang gusto ko lang isama mo ang Panginoon sa plano mo… Isangguni mo sa kanya
dahil Siya ang mas nakaka-alam ng lahat…
RIZA:
Alam mo dati
habang naglilingkod ako nakikita ko ang liwanag ng bukas pero habang tumatagal
nagiging madilim ang bukas para sa kin…Ngayon tumigil ako sa pag-aaral dahil nalugi
ang business namin, nagkasakit pa si Inay at wala kaming maasahan ngayon..
Tapos yong kaibigan natin si Carla naka-alis na pumuntang America, lungkot na
lungkot ako alam mo ba kaya hindi ako umaatend ng despidada niya… feeling ko
napag-iiwanan na ako… wala akong mahanap na trabaho at marami pang problema sa
bahay.. Parang wala akong makitang liwanag ng bukas para sa akin…
ABIE:
May rason ang
lahat ng bagay…Alam mo Riza hindi man natin makita ang liwanag ng kinabukasan
mo- alam naman natin kung sino ang may hawak nito anjan ang Panginoon..
RIZA:
Nasasabi mo
lang yan dahil wala ka sa katayuan ko…
ABIE:
Lahat tayo may
pinagdadaanan din sa buhay…iba-iba lang tayo ng aspeto
RIZA:
(pupunasan ang
luha) hindi mo rin talaga ako maiintindihan dahil maganda ang naging buhay mo…
may pamilya ka at may matatag na trabaho!.... (pause) Saka na ulit tayo mag-usap, aalis na ako (aalis nang bigla siyang hawakan sa braso ni
Abie)
ABIE:
Riza… kaibigan
kita.. alam mo bang malulungkot din ako…ayaw kong iwan mo ako.. malungkot para
akin na hindi kita kasama sa
paglilingkod… Akala mo ba ikaw lang ang may problema.. ako din… (iiyak) Iniwan
na kami ni Roger, mayron siyang nakarelasyon…
RIZA:
Kailan pa
nangyari ito?
ABIE:
Matagal na…
RIZA:
Akala ko 2
years ang kontrata niya kaya di siya umuuwi…
ABIE:
Alam mo ang
sakit-sakit non sa akin… gabi-gabi umiiyak ako sa Panginoon… sinasabi ko sa
Kanya lahat ng nararamdaman ko.. Ang pagkakamali ko umikot lang ang mundo ko sa
asawa ko- kay Roger… akala ko nakasandig ako sa Panginoon pero sa asawa ko
pala…
RIZA:
Pasensiya na
hindi ko alam, hindi kita nadamayan…
ABIE:
Hindi ko sinabi
kasi para di siya masira sa inyo, ung testimony niya dahil kahit papano asawa
ko pa rin siya…Pero kahit ganon nakita mo ba akong tumigil sa paglilingkod? Pag tumigil ba ako sa tingin mo mas masaya
ako? Panginoon lang ang puwedeng magbigay ng tunay na kasiyahan kahit may
problema…
RIZA:
Tama ka.. (iiyak) ngayon pa lang hindi na ako masaya…
ABIE:
Sapat na ba yon
saiyo para masabi kong naiintindihan kita? Puwede wag kang mawala sa
paglilingkod?
RIZA:
(tatango) Dahil
sa testimony mo nakapagbigay sa akin ito ng pag-asa…Kagaya mo, alam ko mahirap
pero kakayanin ko dahil ikaw msmo naranasan mo ang tulong ng Diyos…
ABIE:
… hindi para sa
akin kundi para sa Panginoon… dahil ako mismo hindi pinabayaan ng Panginoon…(tatango si Riza at hahwakan ang kamay
ni Abie)
………………….INSTRUMENTAL……………………………..(LIGHTS OFF)
SCENE 6: (Music Background: the
day we’ll meet again)
Props: Two
chairs on the center stage & small table with a glass of milk
Lights: center stage
only
LARA:
Nahilo ka daw (tatango si
Susie)… Alam mo ba sakit mo? (iiling lang si Susie).. Anemic ka… mababa ang
dugo mo kailangan mong kumain ng gulay at vitamins at siyempre huwag
magpupuyat..
SUSIE:
Sino magbabantay kay mama?
LARA:
Pag gabi na siguro ako na
lang
SUSIE:
Di ba pagod ka na ate
dahil galing ka pa sa trabaho at sa school?
LARA:
Oo nga eh…pero siguro lagi
na lang akong iinom ng gatas at magvitamins… o kaya kakausapin ko ng masinsinan
ang ate Riza mo kung hindi niya ako susungitan ha
SUSIE:
Alam mo ate
ninsan naiinis din talaga ako kay ate Riza kasi parang ayaw niya akong mag-stay
sa simbahan kasi lagi niya akong pinauuwi agad-agad ditto sa bahay kaya minsan
kahit gusto ko pang makipagfellowship napipilitan na akong umuwi dahil
papagalitan niya ako…
LARA:
Siguro naiisip
niya lang na walang kasama dito sa bahay si mama kaya ka niya pinauuwi agad..
SUSIE:
Kaya lang ate marami
na tuloy akong nami-miss na gawain sa church… Minsan masungit din talaga siya
pero ate nong minsan naramdaman ko noong nakatulog ako sa kwarto ni mama
binuhat niya ako papunta sa kwarto ko.. Naisip ko concern din pala siya sa
akin.
LARA:
Ganon lang talaga
si ate Riza mo, pero siyempre mabait naman din yon… ikaw galit ka ba sa akin
dahil lagi kitang nasisigawan?
SUSIE:
Hindi ate… Alam
mo ate minsan naisip ko na huwag na lang pumasok kasi naaantok ako palagi at
kadalasan wala akong naiintindihan sa lesson… Minsan din nagsasawa na rin ako
sa pagbabantay kay mama dahil nakakapagod… pero pag nakikita ko siya na
nahihirapan.. hindi ko rin siya matiis…mahal ko si mama eh (iiyak) kaya hindi
ko siya kayang pababayaan..
LARA:
Pasenciya ka na
ha.. Hindi ko napapansin na pati ikaw masyado na palang nasabak sa bigat ng
responsibilidad. Palagi na rin kitang nasisigawan at lagi kong iniisip yong
sarili ko… yong pagod ko. Yong iba hindi ko na napapansin.. O ssha.. inom ka na
ng gatas
SCENE 7:
(Music Background: Remember)
Props: Two
chairs on the center stage
Lights: center stage
only
ABIE:
Oh, anak… Gabi
na ah.. bakit hindi ka pa tulog
DINDEE:
Mommy totoo ba
na tumawag si daddy at darating siya?
ABIE:
Oo anak dadalaw
daw siya pero bukas pa yon…
DINDEE:
Hindi na lang
ako matutulog hihintayin ko siya..
ABIE:
Dindee anak…
hindi natin alam kung anong oras darating bukas kaya matulog ka na..
DINDEE:
Ayaw ko mommy
baka bigla siyang umalis at hindi ko makita si daddy (iiyak)Miss ko na si daddy
eh.. Puwede ba akong mag-absent mommy para kahit isang araw makasama namin si
daddy..
ABIE:
Dindee anak…
hindi puwede
DINDEE:
Bakit hindi…
baka kasi hindi namin makita si daddy eh.. kagaya ng dati.. bigla siyang nawala
ABIE:
Sige anak… (iiyak)
promise ko saiyo pag dumating si daddy mo… hindi ko papa-alisin agad para makasama
ninyo siya
DINDEE:
Promise ha..
ABIE:
Oo.. promise…
tulog ka na…
(LIGHTS OUT…. )
SCENE 8:
(Music Background: Melancholy-sad piano)
Props: Two
chairs on the center stage
Lights: center, right
& left stage
ROGER:
Basta ikaw na
ang bahala sa mga bata ha
ABIE:
(tatango)
Kailan ka kaya makikita ulit ng mga bata?
ROGER:
Dadalasan ko na
pagpunta dito.. salamat ha dahil hindi na naging mahirap ang pagpasyal ko dito
ABIE:
Hindi mahirap dahil
kinakausap na kita ng maayos, alam mo sa taong nagdaan nagsawa na rin ako.
Hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako lalo pag naa-alala ko yong nangyari sa
atin kagaya ngayon pero unti-unti natatanggap ko na din… (napapaluha)
ROGER:
Humihingi ako
ng tawad sa lahat ng kasalanan ko…
ABIE:
Mahirap pero
Inisip ko na lang na Kung ang Diyos kayang magpatawad ako pa kaya kaya lang
hindi maiwasan na nasasaktan pa rin ako pag naalala ko na pinagpalit mo kami sa
iba…
ROGER:
Naayos ko na
ang buhay ko… wala na kami…Sana maibalik
yong pamilya natin…
ABIE:
Kaya pa ba?
Dati hindi ko nakikita na may liwanag ang bukas para sa atin pero ng dahil sa
pangako ng Panginoon, nagiging madali na ang lahat. Sa Panginoon ako umaasa
hindi sa mga pangako mo…
ROGER:
Welcome pa rin
ba ako ulit dito.. (hindi sasagot si Abie)
DINDEE:
Daddy!!!...
(yayakap si Daddy)
ABIE:
Ang aga mo
magising ha
ROGER:
Ang laki mo na
ah..May pasalubong ako sainyo ni Jet
ABIE:
Sandali lang ha
ihanda ko muna almusal natin ha…
(pupunta sa left stage)
DINDEE:
Daddy… aalis ka
naman ba ulit? (iiyak) Wala na ulit kami makakasama dito sa bahay…
ROGER:
Dindee, anak
aalis ako para may pantustos ako sainyo.. Huwag ka ng umiyak
DINDEE:
Kasi ang bilis
mo umalis pag dumating ka ditto sa bahay eh… Aalis ka na ba agad?
ROGER:
anak…tahan na…
DINDEE:
(umiiyak) Mahirap
daddy pag wala ka dito sa bahay… Alam mo minsan natakot si Mommy nang biglang
umapoy yong shellane mabuti na lang at dumalaw si Kuya Carlo at siya ang
nakapatay ng apoy… pero pag nandito kayo hindi mangyayari yon… Minsan naman
natatakot ako sa gabi pag malakas ang kulog at kidlat… tumakbo ako sa kwarto
ninyo pero wala kayo doon at bigla kong naalala wala nga pala kayo…Hindi na ako
tumuloy sa kwarto kasi nakita ko Mommy nakupo at umiiyak… Kaya Daddy please wag
na kayong umalis!!! (iiyak) (nakatingin si Abie at umiiyak)
ROGER:
(mangiyak-ngiyak
na boses) …Anak… tahan na!! (darating si Jet)
JET:
Daddy, may
pasalubong ka sa akin?
ROGER:
Siyempre ikaw
pa… nilagay ko sa kwarto mo hindi mo nakita? (biglang baablik sa kwarto)
JET:
Wow! Tablet…
ang ganda… Ito saiyo ate oh…
DINDEE:
Oh, Jet
answered prayer na tayo…Salamat Daddy ha! (pupunta sa lamesa at kakain)
ABIE:
Oh.jet… mamaya
na gamitin yang tablet… maligo ka muna dahil may pasok ka pa..
JET:
Mommy puwede
kong dalhin ito sa school?
ABIE:
Hindi puwede
bawal sa school yan.
JET:
Hindi ko naman
gagamitin pag may klase.. pag recess lang…
ROGER:
Anak sunod na
lang kay mommy ha… wala namang gagalaw niyan ditto..
JET:
Sige po.. ligo
na ako...Yes, may tablet na ako…sasabihin ko to sa kaklase ko
ABIE: (tatayo sa table si Dindee)
Oh. Tapos ka
na!
DINDEE:
Opo, mommy..
ligo na rin po ako… Daddy! Pag-uwi ko andito ka pa?
ROGER:
Anak…Basta
isipin mo kahit anong mangyari, mahal kayo ni Daddy ha.
DINDEE:
Hindi nyo naman
sinagot tanong ko eh..
ABIE:
Anak pag-uwi mo
andito si Daddy… hindi siya aalis (titingnan ni Roger si Abie at ngingiti)
DINDEE:
Talaga ha… sige
po.. (aalis si Dindee)
ROGER:
(hahawakan si
Abie)…Salamat… maraming salamat
(LIGHTS OUT…. )
SCENE 9: (Music Background: Memory)
Props: wheelchair
on the center stage
Lights: right &
center stage only
LARA:
Mama!!... (itatayo
ang inay) Mama naman eh bakit ninyo pinilit na tumayo..
SUSIE:
Ate Lara anong
nangyari kay Mama
LARA:
Natumba siya …
Susie tawag ka ng sasakyan para madala natin siya sa hospital
(aalis si Susie)
Mama wag kayong
mag-alala dadalhin ka namin sa hospital ha..!!!
(hahawakan ang
ulo ng mama at makikita ang duguang kamay).. Mama.. Ma. huwag kayong matutulog
ha… Mama… mama imulat ninyo ang mata ninyo.. Ma… Mama!!
Mama…Ma… huwag mo kaming
iwan…Mama gumising kayo..MA!!!!
(darating si Susie at
Riza)
RIZA:
Ate anong
nangyari?
LARA:
(itatago ni Lara ang
kanyang kamay na may dugo)…Natumba si Mama dahil pinilit niyang tumayo…
RIZA:
ate bakit?
(makikita niya ang umiiyak na mukha ni
Lara at kamay nito)… Hindi…Hindi…Wala pa ba ang ambulansiya?
SUSIE:
(iiyak)
Tinawagan na ate!!!
RIZA:
Ma… may dala
akong pasalubong at vitamins para sainyo… at alam ninyo Ma may nahanap na akong
trabaho na hindi makaka-apekto sa ministry ko…Mama mulat naman ninyo mata nyo
oh…
Mama.. Mama…
huwag muna ninyo kaming iwan… Hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa pagkukulang
ko at hindi ko pa nasasabi na hindi na ako aalis sa ministry… alam ko magiging
masaya kayo para sa akin…Mama naman huwag naman ninyo kaming iwan… Mahal na
mahal kita Ma… Mama..Mama…Ma!!!
(LIGHTS OUT 10 COUNTS THEN
LIGHT ON) : (Music Background: Reason)
Props: Two
chairs on the center stage
Lights: center stage only
Scene: (nakaupo at umiiyak si Riza at darating si
Lara at uupo sa tabi ni Riza)
LARA:
Riza tama na…
magpahinga ka na…
RIZA:
kung binatayan
ko lang sana si Mama noong time na yon hindi ganito ang nangyariwala na naman
akong naitulong (iiyak)…
LARA:
Huwag mo nang
sisihin ang sarili mo, may dahilan lahat..’Sa mga sinabi mo dati…Tama ka…
kasalanan ko bakit nagkaganon si Mama…Alam mo ba lagi kong sinisisi ang sarili
ko sa nangyari sa kanya… Pangarap ko kasi magkaroon ng magandang buhay… matanda
na rin kasi ako pero parang wala pa akong nararating sa buhay… naisip ko sumama
na lang kay Jerry kahit hindi ko siya mahal dahil mayaman naman siya gaganda
ang buhay ko… pero sinabihan ako ni Mama na hindi yon ang kalooban ng Diyos sa
akin… pero pinilit ko pa rin hanggang sa hinabol niya ako at nalaglag sa
hagdan…Pinatawad na ako ni Mama pero hindi mo lang alam na tuwing makikita ko
ang kalagayan niya hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko..(iiyak)
RIZA:
Ate sorry ha sa
mga sinabi ko dati… Huwag mo na rin sisihin ang sarili mo…
LARA:
Dahil sa mga
problema hindi ko na isinama ang Panginoon sa plano ko… tama si Mama, mali ang
desisyon ko… (iiyak)
RIZA:
Lahat ng bagay ay may
dahilan… Ako din naman may pagkukulang…
hindi ko kayo tinulungan sa responsibilidad dahil inisip ko ikaw naman ang may
kasalanan kaya ikaw ang dapat maghirap… pero di ko napansin na hndi ko na
pinakikita ang concern ko kay Mama…hindi ko na napapakikita ang pagmamahal ko
sa kanya… Ganito tuloy ang nangyari..wala na si Mama.. mahal ko si Mama ate
(iiyak)
LARA:
Alam naman ni Mama na
mahal mo siya… salamat at hindi mo ako ginaya na iniwan ang ministry kaya natutuwa na din ako sa narinig ko na
hindi ka aalis sa ministry
RIZA:
Oo ate.. narealize ko na
mayroon pa ring bukas para sa atin.. dahil andiyan ang Panginoon…Kahit marami
tayong problema at pagdadaanan pa sa buhay…
Ang panginoon ang liwanag ng bukas…Ate.. makakasama ba kita sa panibagong
pagsisimula na kasama ang Panginoon?
LARA:
Maibabalik pa kaya yong
dati?
RIZA:
Ate sa Panginoon walang
imposible…Mas masaya ako pag kasama ka sa panglilingkod
(tatango si Lara at darating si Susie)
SUSIE:
Ang lagay ay kayo
lang..Hindi ba ako kasama jan?
LARA:
Siyempre kasama ka, halika
dito
RIZA:
Manalangin kaya tayo para
magpasalamat sa Panginoon
Narrator:
Kahit anong tagumpay ang ating makamit na wala ang Panginoon kahit
kalian man ay hindi natin malalasap ang tunay na kasayahan. At anuman ang
pagsubok na ating dinaranas ay mayroon pa ring pag-asa na naghihintay sa atin
dahil kahit kalian hindi tayo iniwan ng Diyos… Mula po sa Christian Baptist
Tabernacle magsilbi po itong paala-ala sa atin…
=THE
END=
To
be performed:
August,
2013
CBT’s
30th Anniversary
Comments
Post a Comment