Tuesday, October 31, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "KISAP MATA" (revised)

 

KISAP-MATA

By krisha412

August, 2023

 

Narrator:

Ang panahon natin ngayon ay punong-puno ng oras na ginugugol sa maraming bagay na halos hindi na natin namamalayan ang totoong nangyayari sa paligid. Tayo ay abala sa trabaho, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa lahat ng bagay na ating tinatangkilik. Paano kung sa isang kisap-mata, mawala ang lahat ng mga bagay na ito, paano natin haharapin ang katotohanan na akala natin ay kathang-isip lamang at ayaw natin itong paniwalaan.

 

 SCENE 1: (street scene)

(Background: nagkakagulo ang mga tao, nagsisigawan, naghahanapan at may emergency sound na maririnig)

 

CRISTINA: (Si Cristina ay naglalakad at nakikita ang mga taong nagkakagulo at kinausap ang isang taong umiiyak) Ate pasensiya na anong nangyayari?

BABAE1: Yong nanay ko nasagasaan, pero nakita ko walang nagmamaneho sa truck na bumangga sa amin.

CRISTINA: Paano nangyari?

BABAE1: Hindi ko alam…

CRISTINA: Nakatawag na ba ng ambulansiya?

BABAE1: Sana nga dumating na

CRISTINA: Tatagan mo ang loob mo, darating na ang tulong.

 

(Tatayo at makikita ang ang mga babaeng umiiyak at may sumisigaw sa pulis)

 

BABAE2: (Mga babae umiiyak habang ang babae2 ay magtatanong) Mamang pulis, nasaan ang anak ko, biglang nawala eh…

PULIS: Hindi ko po alam eh

BABAE3: Patulong naman po hanapin ang anak ko…sige na kuya!

PULIS: Hind ko po kayo matutulungan sa ngayon kasi marami rin pong nawawala!

MGA BABAE: (sisigaw) sige na kuya maawa ka sa amin. Nasaan na mga anak namin?

PULIS: (sisigaw) HINDI KO ALAM! Nawawala din ang asawa ko. Magkasama lang kaming pumasok at bigla siyang nawala.

 (si Cristina habang nagmamasid, biglang tumakbo pababa ng stage)

 

SCENE 2: Cristina & family’s house

(Si Cristina, Mula sa pinto ay tatakbong paakyat ng stage at sumisigaw)

 CRISTINA: MAMA! MAMA! MAMA! (pagdating sa stage) Mama, nasaan ka? (maghahanap sa paligid ngunit wala at biglang may naalala) Si Abie nasaan? Abie! Abie, Nasaan ka? (nang walang makitang tao, iiyak at hahagugol, mapapaluhod at sisigaw) NASAAN KAYO!!! (tatayo ulit at maghahanap). Abie, baka niloloko mo lang si ate ha… huwag ka na magtago… labas ka na…. Ma! Abie, NASAAN KAYO?! Tayong tatlo na nga lang iniwan pa ninyo ako! (iiyak at nang mahismasan tatayo at makikita ang upuan na may nakalatag na damit at sa ibabaw ng lamesa may Bible, kukunin ito at hahawakan)

Ma, NASAAN KAYO? (titigil dahil may tumatawag)

 

LARA: Cristina! Cristina! Andiyan ka ba? (Nang Makita si Cristina, yayakapin niya ito nang mahigpit)

Salamat at may nakita akong kapitbahay. Nawawala si Papa at Mama, mag- isa na lang ako. Cristina, natatakot ako (iiyak).

 CRISTINA: Ako din natatakot. Hindi ako makapaniwala na sa isang kisap-mata nawala ang lahat sa akin. Wala na nga si Papa at sila Mama at si Abie na nga lang ang kasama ko nawala pa. Alam mo marami pa akong pangarap, marami pa akong pangarap sa amin. Ito nga may maganda sana akong balita sa kanila na nakapasa ako sa board exam (iiyak). Paano na ngayon yan? (lalapit si Lara)

 LARA: Nakakalungkot ang mga nangyayari. Pero huwag tayong mawalan ng pag-asa, hanapin natin sila. (tatango si Crisitina) Teka nakita mo na ba phone mo (kukunin din ni Cristina ang phone niya) … Andami ding palang nawawala sa lahat ng lugar.

 CRISTINA: Hindi lang sa Pilipinas. Sa buong mundo.

 LARA: Teka may nabanggit sa akin si Papa na balang araw kukunin ang mga taong nananampalataya kay Hesus. (Nag-iisip) Ano na nga ba ang tawag nila doon? Grabeng utak to, hindi ko maalala. Hindi kaya ito na yon? Nakasulat yon sa Bible daw sabi ni Papa.

CRISTINA: Narinig ko na rin yan pero imposible.

LARA: Marami pang sinabi si Papa, andami pang mangyayari (iiyak at mangignging sa takot) Cristina maniwala ka… marami pang mangyayari (lalapit si Cristina at kakalmahin si Lara.

 CRISTINA: Kumalma ka lang…

LARA: Hindi eh… hindi mo ako naiintindihan… nakakatakot ang susunod pang mangyayari.. di ba?

CRISTINA: tama na, nag –iisip ako.

LARA: Hindi eh… Naalala ko na ..rapture ang tawag nila doon… tapos may pitong taon na paghihirap kasama tayo doon…(hahagulgol)…

CRISTINA: Ano ba! TAMA NA!

LARA: Sorry… natatakot kasi ako

CRISTINA: natatakot din ako… (yayakapin si Lara)

 

SCENE 3:

(Si Lara at Cristina nakikinig sa balita sa laptop)

 LARA: Naniniwala kaba sa paliwanag ng president sa pagkawala ng mga tao.

CRISTINA: (isasara ang laptop) Hindi ko alam… Nakailang buwan na pro hindi pa rin bumabalik yong mga taong nawawala. Sa totoo lang umaasa pa rin ako na makakabalik sila

 LARA: Sana nga pero sabi dito sa Bibliya nasa langit na bayan na sila.

CRISTINA: Itabi mo nga muna yan… naguguluhan na ako…

LARA: Sabi sa balita, sasang-ayon ang ating president sa pagsama-sama ng mga leaders at magbubunga ito ng pag-angat na ating ekonomiya. Magiging magkakaisa-isa ang buong mundo at magiging isa na lang ang president sa buong mundo. Ang bilis ng pangyayari parang kakaiba. Wala ka bang napapansin?

CRISTINA: Ang alin?

LARA: Yong pagbabago sa mundo.

CRISTINA: Yang balitang yan matagal na yan at yang leader na yan matagal na siyang nakikita sa news… Hindi ka kasi nanood ng news eh…

LARA: Ganon ba… pero hindi mo napapansin yong transition… Kapareho nong sinasabi sa akin ng mga magulang ko…detalyado nila itong sinabi sa akin dati…. Nandito sa Bible ang kasagutan. Basahin natin.

CRISTINA: Ikaw na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung ano nabasa mo. Tulog na muna ako. Sakit na ng ulo ko sa kakaisip. (Papa-alis na si Cristina pro biglang tatawagin siya ulit ni Lara…)

LARA: Teka, tingnan mo to oh. Halos buong mundo handing-handa na sa pagbabago... Tingnan mo may microchip na ilalagay sa tao bilang tatak na yong pagkakilanlan. Para itong ID at lahat ng info mo andoon na at pati bank statement. Wala ka bang naaalala?

CRISTINA: Meron. Oo nga, nabanggit din sa akin ito ni Mama dati.

LARA: Nakakatakot. Nangyayari na yong mga sinasabi sa atin dati. Ano kaya, basahin natin talaga yong Bible… ito oh may Bible guides sa last days.

CRISTINA: Kay mama yan..

LARA: Basahin natin? (tatango si Cristina)

 

SCENE 4:

JEFF (co-worker): Anong nangyari sainyo? Bakit hind na kayo pumapasok? 

CRISTINA: Nagkasakit kasi ng malubha itong si Lara kaya hindi ko rin maiwan.

JEFF (co-worker): Ito pala yong pinabibili ninyong pagkain.

CRISTINA: Salamat Jeff ha.

JEFF (co-worker): Kung hind lang ako naaawa sainyo eh. Pero baka last ko ng punta dito sainyo kasi may last warning na sainyo ang company. Pag di pa kayo nagreport sa Monday. Isasama na kayo sa list ng babantayan ng gobyerno. Bakit kasi nahihirapan kayong magpalagay ng microchip?  (hindi iimik si Cristina at Lara)

Huwag ninyong sabihin na ito ay tungkol pa rin sa paniniwala ng mga magulang ninyo sa paghuhukom na yan. Hindi kaya napaparanoid lang kayo?

LARA: Hindi Jeff… totoo ito… nakasulat sa Bible ito.

JEFF: Pero tingnan ninyo ang nangyayari sainyo hirap na hirap kayo. Gusto ninyong mamatay? Ang gusto lang naman ng gobyerno ay umaangat ang buhay ng bawat mamamayan. Hindi naman big deal ang pagpapalagay ng microchip. Ito’y convenient pa nga kasi wala ka ng hawak na pera at hind pa mawawala saiyo.

LARA: Ang mahirap kasi kailangan akong manumpa na wala akong pinaniniwalaan na ibang relihiyon o sinuman lalo na si Jesus Christ bago ako lagyan ng microchip.

JEFF: Eh ano ang masama doon? Lahat talaga may pagbabago. Ito’y ginagawa, para maiwasan ang di pagkakaunawaan at away-away at maging pantay-pantay ang lahat eh di ba magandang hangarin ng gobyerno to?

LARA: Hindi Jeff… Naalala mo yong mga taong nawala dahil yon sa rapture

JEFF: Yan naman tayo sa rapture na yan eh… Anong gusto ninyo gawin ko? Paniwalaan ko yan? May paliwanag na ang international government diyan…Lara, may pamilya ako, tatay, nanay at mga kapatid na pinapakain ko. Hindi ko kakayanin ang makita silang nagugutom dahil lang sa paniniwalang yan.

LARA: Pero gusto mo bang mapahamak sila sa walang hanggang kaparusahan sa…

JEFF: Tama na! Hindi tayo magkakasundo sa ganyang usapin. Pumunta lang din ako dito para sa warning ng company. Alis na ako! (Susundan siya ni Cristina)

 CRISTINA: Jeff! (hihinto si Jeff sa paglalakad – music background) Salamat pa rin sa lahat. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa nangyayari sa paligid pero sana tama ang bawat desisyon natin. Kilala mo ako na hindi na naniniwala sa langit at impiyerno. Pero sa nangyayari, namulat ang isipan ko nong binasa namin ang Bibliya. Kung ako ang tatanungin mo, ayaw ko rin na makitang naghihirap ang pamilya ko.Pero wala sila ngayon sa tabi ko, gusto ko rin silang makasama… si Mama at si Abie sa langit na bayan na walang hirap… Kung ayaw mong nakikitang naghihirap ang pamilya mo sa ngayon, dapat ayaw mo rin silang makitang maghihirap sa impiyerno! (Tatapikin lang si Jeff) PAALAM!

 

SCENE 5:

(Voice Over - sa likod ng kurtina)

CRISTINA: Ilang buwan na tayong nagtatago. Wala na tayong makain. Madilim na, gabi na baka puwede na akong lumabas para makahanap ng pagkain. (hihinto at titigil sa pagsasalita) May kausap ba ako? Lara, okay ka lang?

LARA: AHhh (masama pakiramdam ko)

CRISTINA: May lagnat ka. Ano gagawin ko? Lalabas ako para makahanap ng paraan kung paano.

LARA: May camera sa maraming lugar.. baka Makita ka nila…

CRISTINA: Hindi rin ako mapakali dito. Hindi ko matiis na wala akong gawin. Kailangan mkahanap tayo ng mga taong kagaya natin na puwedeng tumulong.

LARA: Hindi na kita pipigilan. Ingat ka!

(lalabas si Cristina… tama-tamang may hina habol na lalake ang mga sundalo – Madadapa sa gitna ng stage ang lalaki at si Cristina ay nakasilip sa gilid)

 MGA SUNDALO: tigil! Tigil!

SUNDALO1: ANong pangalan mo? (Hindi iimik ang lalaki) tanggalin mo ang iyong kamay sa noo at titingnan naming ang iyong pagkakilanlan! (hindi tatanggalin ng lalaki ang kamay) Sinabi ng tanggalin mo eh! (Pasigaw) Gusto pang masigawan eh bago sumunod.

(Scan ng isang sundalo ang noo)

SUNDALO2: Wala siyang microchip! Nasaan ang ID mo?

(Kinapkapan at nakita ang wallet. Kinuha ang ID iniscan!

SUNDALO1: kasama ba siya sa listahan? (Tatango lang ang sundalo2)

SUNDALO2: Kristiyano ka ba? (Hindi pa rin iimik ang lalaki)

SUNDALO1: Ano ang pinaniniwalaan mo? Magsalita ka! (Aakmang babarilin at mapapasigaw si Cristina sa gilid)

CRISTINA: Huwag!!!

SUNDALO1: Sino yon? Tingnan mo at hulihin. (Lalapit ang sundalo2 sa lugar ni Cristina at hihilahin)

CRISTINA: Kuyang sundalo napasigaw lang naman ako dahil sa baril. Actually pauwi na ako!

SUNDALO2: Huwag ka maingay! Malalaman din namin ang pagkakilanlan mo! Maghintay ka!

SUNDALO1: Balik tayo sayo lalaki. Ang pangalan mo ay Rowell Santos. Gusto ko lang kumpirmahin, ano ang pinaniniwalaan mo? Kristiyano ka ba? (titigil saglit at lalapit sa mukha ng lalaki. Hahawakan ang panga) MAGSALITA KA! Ang kulit talaga nito kanina pa eh! Ano, kristiyano ka ba?

LALAKI:  OO ako’y kristiyano! Ako’y naniniwala kay Hesu Kristo na aking tagapagligtas! (PASIGAW)

SUNDALO1: Maling kasagutan!  (bubugbuginan ang lalaki at papaluin ng kahoy sa katwan)

CRISTINA: Huwag!!! Huwag! (mapapasigaw)!

SUNDALO2: Tumahimik ka diyan… Sir, walang order na papatayin ang mga ito… pahihirapan sila hanggang sumuko…

SUNDALO1: halika dalhin sila sa quarters! Halika na! isama mo ang babaeng yan!

CRISTINA: Saan ninyo ako dadalhin?

SUNDALO2: Malalaman mo din kung saan

CRISTINA: Hindi ako puwedeng umalis, may kailangan akong gawin.. Kuya iwanan nyo ako dito pakiusap napadaan lang naman ako eh!

 SUNDALO2: Hind puwede… pag okey naman record mo.. walang problema eh..

SUNDALO1: Bilisan ninyo!

(iiyak na lang si Cristina)

 

 SCENE 6:

(Jail scene- voice over)

CRISTINA: Tama na!

SUNDALO1: Pahirapan pa yan para tumanda at sumunod sa batas ng gobyerno

CRISTINA: Tama na! Patayin ninyo na lang ako>>>

SUNDALO2: Hindi yon ang order sa kaso mo.

SUNDALO1: Mr. Alegre. Iwan mo muna yan at may ipapacheck ako saiyo.

SUNDALO2: Yes, sir!... Babae, babalikan kita!

(Music background)

 

CRISTINA: (umiiyak) Mama… sana nandito kayo ni Abie sa tabi ko… Alam mo Abie name-miss ka na ni ate sobra. Mama sana nakinig ako saiyo…sana naniwala ako saiyo noon pa mang una! Naalala ko yong mga panahon na hindi ako naniniwala sa sinasabi mo na galing sa Bibliya.

 (flashback)

TINA (CRISTINA’S MOM): Cristina! Cristina! Nasaan ka na? Hindi ka ba sasama sa church ngayon? (lalabas si Cristina)

CRISTINA: Hindi ako sasama Ma. May gagawin akong report eh.

TINA: puwede namang gawin yan mamaya. Sige naman na… Maganda event ngayon! Evangelistic Meeting

CRISTINA: Yon na nga eh… Ayaw ko ng evangelistic meeting.

TINA: Anak para malaman mo ang tungkol sa rapture at sa kaligtasan.

CRISTINA: Rapture na naman. Ayaw ko na marinig yan!

ABIE: Hindi pa nga niya tinatanggap si Jesus niya sa puso niya eh.

CRISTINA: Sumabat naman ang batang ito! Kumain ka lang diyan

TINA: Anak, gusto ka naming makasama hanggang sa walang hanggan!

CRISTINA: Kasama nyo naman ako ngayon eh…

TINA: Alam mo ang ibig kong sabihin.

CRISTINA: Mama, alam mo naman na iba ang paniniwala ko tungkol sa bagay na yan. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Itong nararanasan na to sa mundong hirap…ito na yong impiyerno…

TINA: Anak.. May langit at impiyerno … Yan ata ang bunga ng pag-aaral mo sikat na unibersidad eh… Alam mo anak sinasaktan mo ako sa ganyang pananalita mo!

CRISTINA: Sorry Ma… (lalapit sa mama) Sorry na Ma…. eh si Lara ba kasama ni Ninang?

TINA: Hindi ata!

CRISTINA: Eh si Lara nga din ayaw eh… ako pa kaya!

TINA: Anak panregalo mo na sa akin ito. Sama ka na!

CRISTINA: Love kita ma… pero huwag ito. Iba na lang…

TINA: Baka wala ng oras anak.. hindi natin alam!

CRISTINA: Huwag kayo mag-aalala… darating din tayo diyan!

TINA: Promise?

Cristina: YES…

TINA: Sige pala.

CRISTINA: Oy, tama na yan. Magtoothbrush ka na.. Hindi mo na ata ako tinirahan ng sinagag ahh

ABIE: meron pa ate.. yong langgonisa na nga lang.. iisa lang natira saiyo…

CRISTINA: Grabe siya oh…Ang lakas kumain!

 (aalis sa stage at iplay yong music background - Maririnig sa voice over ang paghikbi ni Cristina sa pag-alaala sa kanyang pamilya at sa kanyang mga maling desisyon)

 

SCENE 7:

(Mga grupo ng kristiyano na nasa stage at umaawit)

 When we all get to Heaven,

What a day of rejoicing that will be!
When we all see Jesus,
We'll sing and shout the victory!

(Magsasalita ang lahat - AMEN!)

LEADER: Salamat sa Panginoon at nakahanap tayo ngayon ng masisilungan na puwede tayong makapanambahan. Kailangan lang mag-ingat na walang makahuli sa atin.  Ikinalulungkot man natin ang pagkahuli ng ating kasamahan na si Bro Rowell, isama natin siya sa panalangin… Nayon, mayroon naman tayong bagong makakasama, si Sis. Lara.

LARA: Salamat po sa Panginoon sa Kanyang paggabay at kagalingan. Nakita nyo ako at ako’y gumaling sa sakit. Salamat po sainyong lahat sa pagkalinga. Ininihihingi ko po ng panalangin ang dati kong kasama na si Cristina, hindi na siya nakabalik. Marahil siya po ay nahuli ng mga kasundaluhan kaya ipinalangin natin po siya.

LEADER: Sige isama natin sa panalangin mamaya. Sa tindi ng kahirapan, salamat sa Panginoon at tayo’y nagpapatuloy. Basahin natin ang paalaala sa atin sa Bibliya.Mkikita natin ito sa Matteo 24:

Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.

“Pagkatapos ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”

SCENE 8:

(Jail scene- Si rowel ay binubugbog ng mga sundalo (center stage) …

ROWELL: ahh.. (mapapasigaw sa sakit) Tama na!

SUNDALO 1: tigas nito oh..

SUNDALO 2: mamaya ulit, tingnan lang ntin…ibalik mo na ulit sa kulungan yan!

 (babaling ang mga sundalo sa  babae, kay cristina (right stage) ito’y papaluin ng makailang ulit at mapapasigaw na lang si Cristina…. (lights off)

 (when lights on, cristina on the center stage at ang mga sundalo sa right stage kumakain)

 CRISTINA: Wala ba kayong ibibigay na pagkain gutom na gutom na kasi ako?

SUNDALO2: Hindi ka nman umaayon sa gusto naming eh, paano ka namin bibigyan ng pagkain?

SUNDALO1: (lalapit at bibigyan ng dahon ng kamoteng hindi luto) ito oh.

SUNDALO2: Bakit mo binigyan? Baka biglang dumating si Boss, makita yan

SUNDALO1: dahon lang naman yon!

 (Si Cristina habang umiiyak, pilit na kinakain ang dahon… biglang may darating)

SUNDALO: Good morning sir! (biglang tatayo ang sundalo at sasaludo)

JAIL ADMINISTRATOR: kumusta? Ilan na lang ang report natin sa rebellion list?

SUNDALO2: out of 20 po na nahuli, dalawa na lang ang hindi nag-give-give in

JAIL ADMINISTRATOR: Bakit?

SUNDALO2: Yong isa po ayaw talaga!

JAIL ADMINISTRATOR: Nakailang encounter na?

SUNDALO2: Maraming beses na sir.

JAIL ADMINISTRATOR: ang lakas ng loob ninyong kamain na hindi pa tapos ang trabaho ninyo… (tatabigin ang upuan at nanatiling nakatayo ang mga sundalo)

(lalapit sa lugar ni Cristina)

 JAIL ADMINISTOR: HOYY (pasigaw) ikaw ba yong ayaw magpatatak… (iiyak lang si Cristina sa takot) Anong pangalan nito?

SUNDALO 1: Sir… Cristina!

 JAIL ADMINISTOR: Ikaw pala yong Cristina! Bakit ayaw mo pang magpatatak ha? (sisigaw) Matigas ka daw ahh…Pinapahirapan mo pa kami…! Alam mo ang ganda-ganda ng layunin ng gobyerno natin… Ang gusto lang ng gobyerno ay magkaroon tayo ng pagkakaisa…magkaroon ng magandang buhay pero bakit ganon…ang titigas ng ulo ninyo (babatukan sa ulo si Cristina)

CRISTINA: Tama na po!!!

JAIL ADMINISTOR: Ahh…Siguro isa ka mga taong nagsasabi na ayaw magpatatak kasi kristiyano daw sila at naniniwala daw sila sa Bibliya… kasi naninidigan daw sila sa Dios nila…Eh kung ganyan din ang paninindigan mo sa Dios mo at paniniwala mo sa Bibliya, bakit hanggang ngayon, bakit hanggang ngayon andito ka pa? (hahawakan sa mukha si Cristina at sisigawan) … Di ba sabi sa Bibliya ninyo na ang mga kristiyanong ay matagal nang wala… bakit ngayon andito ka pa? SUmagot ka!!!

CRISTINA: Tama na po!!!

JAIL ADMINISTOR: Alam ko na, siguro katulod ka ng lalaki kanina…Ano ba pangalan non? Ahh Rowell… sabi niya sa akin kaya daw siya naiwan dahil matagal na daw siyang nakakapakinig ng salita ng Diyos, palagi na daw niya naririnig ang kaligtasan pero ayaw niyang maniwala…ayaw daw niyang manampalataya… kaya ngayon nagsisi siya..nagsisisi ka ba na nakikita mo lahat… kalokohan yang mga yan! Malas ninyo lang kasi ang gobyerno natin hindi papayag na ang lahat ay hindi magpapatatak…. Papahirapan ka naming hanggang sa sumunod ka sa kagustuhan namin! Yong kasama mo alam mo ba!... lalo pa naming pinahihirapan  binabalatan nmin ng buhay…

Pero alam mo Cristina… hindi mo naman kailangang maranasan yon o mahirapan at nakikita ko gutom na gutom ka na… Oh..ano? (lalapit kay Cristina) alam mo madali lang naman yan…ang gusto lang naming magpatatak ka!!! Kaya ano? Magpatatak ka na ba? (hahawakan sa ulo si Cristina)

 CRISTINA: Hindi! Hindi ako magpapatatak!!! Sabi sa Bibliya, once na ang isang tao ay magpatatak, ang kanyang kaluluwa ay habang buhay na magdurusa sa impiyerno…Alam mo mas gugustuhin ko na pansamantalang mahirapan dito sa lupa keysa  habang buhay akong magdusa sa impiyerno… Naniniwala ako sa Diyos at siya ang magliligtas sa akin kaya kahit anong gawin mo… HINDI AKO MAGPAPATATAK!!!

 JAIL ADMINISTOR: Ahh ganon! Ginagalit mo talaga ako.. Hawakan nyo siya… Gusto mo palang mahirapan ha… sige! Pahirapan ka namin hanggang gusto namin…. (saampalin at bubugbugin si Cristina hanggang kukuha ng kutsilyo ang jail administrator)

 (kukuha ng kutsilyo) Ito marahil ang gusto mo ang mabalatan. (ilalapit sa mukha) huwag kang mag-alaala dahan-dahanin natin… sa kamay ang unahin natin…

 CRISTINA: (Sisigaw) Huwaggggggg!!!!

(lights off)

 

Narrator:

Sana huwag ng humantong sa ganitong sitwasyon ng buhay natin bago natin makita ang katotohanan. Marami tayong desisyong ginagawa araw-araw at sana ngayon pa lang ay piliin na natin ang tama. Dahil kung hindi, sa isang kisap-mata, mawawala ang lahat ng bagay at pagsisihan natin ang ating desisyong ginawa!

 


Sunday, October 22, 2023

CHRISTIAN DRAMA: "BAKAS NG KAHAPON"

 

BAKAS NG KAHAPON

Krisha412

2007- 2009
(scene: church life/scenario)

 

Narrator:

Minsan sa tagal na natin sa paglilingkod hindi natin napapansin kung sino na an gating tinitingnan para magpatuloy… at habang tumatagal tayo sa ating buhay kristiyano minsan ang hirap na rin nating abutin. Pero sana wag umabot sa oras na kahit sa Gawain para sa Panginoon ay hindi na tayo kayang abutin… Tunghayan po natin ang maikling dula na pinamagatang, “BAKAS NG KAHAPON.”

 

GRACE: Paano yan pag umalis na si pastor Roy?

 

CAST:

1.   Pastor Roy: Ptr. Jhoren

2.   Fred: Bro. Greg

3.   Zeny: Cathy F.

4.   Grace: Cris A.

5.   Narrator: Ptr. Elmer

 

 SCENE 1:

 

ROY: Hinihintay ka naming kahapon. Saan ka pumunta?

 

FRED: Diyan lang

 

ROY: Puwede bang sagutin mo ng maayos ang tanong ko?...

 

FRED: Puwede rin bang iwanan mo muna ako…

 

ROY: Hindi puwede dahil kailangan ko ng sagot sa katanungan ko.

 

FRED: Iwan mo muna ako…

 

ROY: Brod. gawain yong hindi mo sinipot… At hindi lang basta Gawain, evangelistic meeting pa! Sana sinabi mo na di ka makakapunta paranakapaghanda ako. Nasira ang gawain dahil sa’yo…

 

FRED: Nasira pala eh, sige mula ngayong hindi na ako magpepreach!

 

ROY: Brod. pinaiintindi ko lang sa’yo na huwag naman ganon. Ito’y gawain para sa Panginoon, hindi ito sa akin…

 

FRED: Sorry…

 

ROY: Ano ba ang nangyayari saiyo?

 

FRED: (napapaluha) Hindi ko na maramdaman ang tamis ng paglilingkod…

 

ROY: Ano ba ang problema?

 

FRED: Saka na tayo mag-usap, may gagawin ka pa ngayon alam ko…

(aalis si Fred sa stage at darating si Grace)

 

GRACE: Pastor Roy totoo ba ito? (resignation papers) Magreresign na kayo?

 

ROY: Grace dumating na ang papers naming last week. Hindi naman puwedeng ipostpone naming ito, mahirap na. Matagal naming pinagpray ito di ba? At ministry din yong pupuntahan ko doon?

 

GRACE: Paano na ang gawain dito? (napapaluha)

 

ROY: Bago ko tinanggap ang ministry dito, alam mo naman na paalis ako di ba? Huwag kang mag-alala may ipapalit ang Lord.

 

GRACE: Noong namatay si Papa parang walang ipinalit ang Diyos. Paano kung hindi na magbigay ang Panginoon?...

 

ROY: Lahat ng pangyayari sa buhay natin ay may dahilan… manalangin at magtiwala lang…

 

GRACE: Ipanalangin nyo kami pastor!

 

ROY: Huwag ka mag-alala, lagi ito sa panalangin ko…

 

GRACE: Salamat sa lahat-lahat ng tulong ninyo pastor!

(tatapikin ni Ptr.Roy si Grace at aalis sila sa stage….background music)

 

SCENE 2:

(darating si Fred sa stage, may dalang bag at biglang darating si Grace)

 

GRACE: Fred aalis ka?

 

FRED: Oo

 

GRACE: Bakit? Paano ang ministry mo dito?

 

FRED: Stop muna ako… magtatrabaho muna ako….

 

GRACE: Susuportahan ka naman ng church ah.. at wala pang hahawak ng ministry mo…

 

FRED: Sigurado may hahawak niyan…

 

GRACE: Wala nga eh!!!

FRED: Magbibigay ang Panginoon!

 

GRACE: Hindi na magbibigay ang Panginoon! (pasigaw)… wala na!... wala na! (iiyak)… wala na dahil aalis na rin si Pastor….(pause)… bilang matagal na tayong magkamang-gagawa nakikiusap ako saiyo, huwag mo naming iwan ng ganun-ganon na lang ang gawain…wag ka muna umalis… kahit ilang buwan lang… magpipray tayo ng kapalit mo…

 

FRED: kung ang pastor mismo may dahilan para umalis sa  ministry, bakit ako wala ba?

 

GRACE: Gawain din yong pupuntahan ni pastor Roy. Matagal ng panalangin ni pastor ang pupuntahan niyang gawain, alam naman natin yon di ba?

 

FRED: aywan ko basta ako may dahilan din…

 

GRACE: Oo bawata tao o manggagawa may mga dahilan… pero… iiwan mo na lang bang basta-basta ang ministry kung saan ibinigay mo na nang maraming taon ang buhay dito? Brod. ang tagal na natin dito….

 

FRED: (iiyak) nahihirapan na ako. Alam mo ba yon? Nahihirapan na ako! Ang hirap nang imbitahan ang mga miyembro sa gawain. Parang hindi na sila sanay na nasa simbahan sila… Nalulungkot ako pag konti lang ang dumadalo sa church services… Iniisip ko hindi na ata ako effective sa gawain na ito

Pag may bisita tayo halos wala nang gustong mag share ng kaligtasan… parang sapilitan pa… Ang hirap maglingkod… nahihirapan na ako… kahit matagal na akong kristiyano, nanghihina rin ako… parang wala na akong makitang matatag at patuloy na naglilingkod…

 

GRACE: Huwag kang ganyan, andito pa kami… hindi kami aalis… magtulungan tayo… hindi tayo pababayaan ng Diyos… Mahirap naman isipin na iiwan mo na lang basta-basta ng ganon na lang… Alam kong mahirap ng baguhin ang desisyon mo at hindi na rita kayang iencourage pa… Pero sana isipin moa ng nagdaang panahon na ipingalaban mo ang Gawain na ito… Sana kung hindi kami ang magsilbing encourgement mo para magpatuloy… alalahanin mo na lang sana ang mga bakas ng kahapon ng paglilingkod mo

 

FRED: Salamat pero… kailangan ko ng umalis… (Hahabulin na lang ng tingin si Fred na paalis… mangiyak-ngiyak at uupo na lang sa upuan at mag-iisip… biglang darating ang kaibigan)

 

ZENY: Oh, Grace andito ka na pala … (tatabi sa katabing upuan ni Grace)…alam mo ang ganda ng fellowship ng mga ladies kanina… (biglang tatayo si Grace)… oh, bakit? May problema ba?

 

GRACE: Nalulungkot ako dahil aalis na si Pastor Roy…

 

ZENY: Bakit? Dumating na ba yong matagal na niyang pinagpipray?

 

GRACE: Oo, anong gagawin natin?

 

ZENY: May dahilan kung bakit nangyayari ito?

 

GRACE: Alam mo hanggang ngayon hindi ko pa rin maiisip kung anong dahilan ng Diyos kung bakit naaksidente sila Mama at Papa. Noong nasa ospital sila, alam mo nag-expect ako na hindi sila mawawala kasi sila ay nasa ministeryo pero iba pala ang kalooban natin sa kalooban ng Diyos (iiyak)…Kung hindi sila nawala, hindi ganito ang mangyayari sa gawain. Minsan naisip ko na sana hindi na lang ako ang naging anak nila…naging anak na lang sana ako ng ordinaryong miyembro, ang hirap ng responsibilidad… Umabot ako sa edad na ito na laging iniisip kung ano ang puwedeng sabihin ng iba sa akin…

 

ZENY: Huwag kang magsalita ng ganyan…

 

GRACE: Naalala mo noong nasa ospital tayo at nakita ko na nahihirapan na sila.. Si papa parang gusto magsalita (paiyak ang boses)… inisip ko iniisip niya ang gawain…di ba nangako ako kay Papa bago siya namatay?

 

ZENY: Oo… sabi mo… wag siyang mag-alala dahil hindi mo pababayaan ang iiwanan niyang ministry…

 

GRACE: Puwede kayang hindi ko na tuparin ang pangako ko kay Papa, maging simpleng miyembro na lang ako… wala na sa ministeryo…

 

ZENY: Bakit naman?

 

GRACE: Nahihirapan na ako… Noong namatay si Papa, ang nagbibigay na lang sa akin ng kalakasan ay yong mga nakaraang paglilingkod na kasama ko siya… pag may problema ako sa ministry, inaalala ko lang ang mga bakas ng kahapon namin sa paglilingkod… pero ngayon napapagod na ako… hindi ko na ata kaya…

 

ZENY: Huwag kang ganyan… Hindi mo lang alam kung gaano din kaming miyembro nahirapan, nang mawala ang aming pastor na gumagabay sa min… nanghina kami, wala na yong pastor na nag-eencourage sa amin. Akala ko mawawala na ang Gawain. Noong time na yon parang nawalan na rin ako ng rason para maglingkod pa… mahal na mahal naming an gaming pastor… mahal na mahal naming ang papa mo… pero naisip ko na ang paglilingkod ay para sa Panginoon (pause, iiyak)…. May isang bagay na nakalimutan ka… yong tunay na rason kung bakit ka nagpapatuloy… Bakit ka ba naglilingkod? Naglilingkod k aba dahil sa pangako mo sa Papa mo? Hindi dapat… kung nakabase ang paglilingkod mo sa dahil sa iba… hindi ka makakapagpatuloy sa Gawain at patuloy kang maghihina… Dapat maglingkod ka para sa Panginoon

 

GRACE: Ang tagal ko ng kristiyano pero ngayon ko lang narealize na may mali sa paglilingkod ko… Akala ko sa Panginoon ako nakatingin pero hindi pala… Sa tagal na yon nakalimutan ko na kung kanino na ako naglilingkod… Kung hindi pa nawala ang mahalang tao sa aking buhay hindi ko makikita kung anong klaseng paglilingkod mayroon ako.  Nakita ko rin na…Hindi din dapat nakabase sa emosyon ang paglilingkod kasi ang emosyon ay paiba-iba… Maraming salamat!!!

 

ZENY: Salamat sa Panginoon!

 

GRACE: Paano yan pag umalis na si pastor Roy?

 

ZENY: Ipagpray natin… Walang imposible sa Dios!

 

GRACE: Wala ng magpi-preach? Sino kaya ang pupuwede o posibleng tawagin ng Diyos sa pagpapastor? (biglang darating si Fred)

 

FRED: Puwede bang ako na lang mag-preach?

 

GRACE: Hindi ka umalis…. Salamat! (mag-ngingitaan ang lahat)

 

 

_the end_

 

Saturday, October 21, 2023

WHO KNOWS?

 

WHO KNOWS?

picture taken from Goggle

BIBLE PASSAGE: Ecclesiastes 6:12; 7:13-14

THEME VERSE:

For who knoweth what is good for man in this life, all the days of his vain life which he spendeth as a shadow? for who can tell a man what shall be after him under the sun?

INTRODUCTION:

Who knows what is good for man in this life?

As we become adults, we act like we’re good. In decisions, future plans, family issues, and everything. Let’s see and learn from the characters in the Bible and then let’s answer with our mind who really knows what is good for man in this life?

·         King Saul – He chased David in order to kill him. He made desperate measures to make his son, Jonathan, to be in throne. Normally, his son should be the successor but he saw that David was the great possibility because the hand of the Lord was in him. He wanted his son to be in throne which is what a king wanted to be but his will is different from God’s. 

·         King Rehoboam – He asked the two different opinions: the nation’s elders versus his childhood friends. This was regard to the kind of labor that would be given to the workers but he chose the wrong counsel- his childhood friends.

·         King David – When David committed sin (adultery), he solved the problem in his own way. Instead of repenting, he tried to cover it up by killing the husband of Bathshaba.

·         King Solomon – He was given the wisdom, wealth and fame but he came to a point in his life where his wives led him to the wrong way.

·         Ananias and Sapphira – They are married couple, sell a piece of property and promise to donate but they secretly hold back a portion. They chose to lie in the presence of God.

 

These are some of the adults in the bible who had wrong decisions and chose the wrong path. Most of them had higher positions and had higher status in life but these are not guarantee that you know how what is good in your life. Ecclesiastes 6:12 reminds us…

For who knoweth what is good for man in this life, all the days of his vain life which he spendeth as a shadow? for who can tell a man what shall be after him under the sun?

LESSON POINTS:

1)   WHO KNOWS WHAT IS GOOD FOR A PERSON IN THIS LIFE?

There is a way which seemeth right unto a man, but the end thereof are the ways of death.

Proverbs 14:12 reminds us that we don’t know the right path. In fact, we don’t know the best for us that’s why we need Someone to guide us and that Someone is not our friends, parents and others- HE IS OUR CREATOR. Our friends, parents and others are used by God for our guidance but the greater SOURCE of wisdom is the Lord. Psalms 139: 1-4 mentioned that God knows all.

O lord, thou hast searched me, and known me. Thou knowest my downsitting and mine uprising, thou understandest my thought afar off. Thou compassest my path and my lying down, and art acquainted with all my ways. For there is not a word in my tongue, but, lo, O Lord, thou knowest it altogether.

Ignoring God and make your own way is a great mistake. In 2 Kings 1:1-15, the king, Ahaziah, fell down from the lattice in his upper chamber and he got ill. With this, he sent messengers to inquire Baal-zebub, the god of Ekron if he would recover. God talked to Elijah and commanded to meet the messengers and reminded them if Israel has no great God to be inquired about and rather inquired to other god. The messengers hadn’t continued inquiring and they went back to the palace. Then the king sent captain with his fifty men to get Elijah in his place but God consumed them. The king sent another captain with his fifty but they were also consumed like the first group of men. For the third time, the king sent another captain with his fifty to get Elijah. This time the captain fell on his knees and begged Elijah to spare him and fifty men. Elijah went with them and told everything to the king what God had asked him to tell. Because he didn’t acknowledge the God of Israel, sad to say, he didn’t recover with this and died.

 

2)   WHO KNOWS WHO CAN MAKE A STRAIGHT LIFE INTO CROOKED?

Consider the work of God: for who can make that straight, which he hath made crooked?

Ecclesiastes 7:13 reminds us to consider the work of God. In this life, God can make everything into place. He can make your life crooked for us to learn something and your crooked life can be straight depending on God’s will.

 

Let’s remember Naomi’s life. She had a better life in Israel but when famine comes, she moved to Moab. When they were in Moab, there were bad things happened in her life. Her husband died and her sons too; her two daughters-in-law left without husbands. Her daughter-in-law, Ruth, begged to come with her in going back to her country. Ruth and Naomi went back to Israel and this was she said when asked by the people, “I went out full, and the Lord brought me home again empty.” Personally, this caught my attention and truly, only GOD can make you full and empty. It’s not the place that gives you wealth and opportunities, it’s our CREATOR. He has the power to give you wealth. 

 

3)   WHO KNOWS WHAT THE FUTURE LIES AHEAD?

In the day of prosperity be joyful, but in the day of adversity consider: God also hath set the one over against the other, to the end that man should find nothing after him.

Ecclesiastes 7:14 is a greatly reminder that everything happens for a reason. In prosperity be joyful and if other bad things happen consider God’s dealings.

One of my favorite characters in the Bible is Joseph. Though there are many bad things happened to him, we can see that God’s still in control. His brothers treated him badly, he was sold to a merchant, he was served in a place he was not comfortable, a different country and away from family. He was accused of being a rapist by the wife of his boss. He was in prison for years. Though we may see these things a bad luck or being unfortunate and we may not consider that the hands of the Lord are still there or still in control but the fact is all things happened for a reason. He was given by God the ability to interpret dreams. He helped one of the prisoners by interpreting his dreams but sad to say the prisoner forgot that someone in prison helped him and that was Joseph. Though he was forgotten by the prisoner, God would never forget him. He made a way for Joseph to be recognized by Potiphar.

And we know that all things work together for good to them that love God, to them who are the called according to his purpose.

Romans 8:28 is the best verse for us to remember that whatever we face at this moment, God has better plans for us. Let’s consider God’s works and trust Him.

CONCLUSION:

In order for us to know God’s hands in the midst of trials and sufferings, let’s consider what Romans 12:2 says,

And be not conformed to this world: but be ye transformed by the renewing of your mind, that ye may prove what is that good, and acceptable, and perfect, will of God.

We need God’s wisdom for us to determine what is right from wrong and also to discern what is right and almost right. We can do this by renewing our minds and fill our minds with God’s words. Why fill our minds with God’s words? So it could help us with the implanted views we have by the world.

I'VE GOT PEACE LIKE A RIVER (GALATIANS 5;22; ISAIAH 66:12)

  I’VE GOT PEACE LIKE A RIVER BIBLE PASSAGE: GALATIANS 5:22/ ISAIAH 66:12 Picture taken from Google Lesson Prepared by: Krisha of Solomo...