Friday, October 11, 2019

CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "PANGARAP NA PAMILYA" by krisha


PANGARAP NA PAMILYA
(By: Krisha)

(With background music)

Narrator: Lahat ng tao ay nagnanais na magkaroon ng maayos na pamilya. Ngunit minsan sa buhay natin hindi maiwasan ang mga problema na nagiging dahilan ng unti- unting kagsira nito… Gayunpaman, kahit ano pa ang mga dumating sa ating buhay… sana huwag tayong magsawa na naisin at gawin ang … PANGARAP NA PAMILYA

Scene 1: (Nasa sala ang pamilya at nagdedekusyunan sa pag-alis ni Zarah )

CELIA:  Sinabi ko na saiyo na huwag kang aalis!

ZARAH: Ayaw nyo man o hindi…aalis ako.

SANDRA: Zarah wag ka namang pabalang kung sumagot kay Mama.

ZARAH: Eh ang hirap kasing umintindi, sinabi ko na na may research project
kami sa school.

CELIA: research project? Bakit sobrang tagal naman ata at may dala ka pang mga      damit.
ZARAH: Wala akong magagawa hindi nyo ma gets.

CELIA: iniisip ko lang ang kalagayan mo baka mapahamak ka.

ZARAH: Ngayon ko lang naramdaman na concern kayo..okay lang ako… si ate na lang na favorite nyo ang pansinin nyo..

CELIA: Wala akong favorite sainyo..Mahal ko kayong pareho…

ZARAH: Tama na! Ayaw ko ng drama.. makaalis na nga!

CELIA: Zarah, huwag kang umalis!

SANDRA: Mama hayaan nyo muna sya, hindi nya rin kayo maintindihan…

CELIA: Ano ba ang kasalanan ko bakit ako ginaganito ng  kapatid mo?... Mula noon, hindi ako nagpipray sa Panginoon ng karangyaaan o ano pa man. Ang gusto ko lang ay magkaroon ng maayos at kumpletong pamilya… Mula ng namatay ang papa mo ang pangarap na yan ay parang hanggang pangarap na lamang…

SANDRA: Di ba sabi nyo sa akin may dahilan ang lahat ng bagay… Kahit na wala na si Papa, pwede pa rin maging maayos ang pamilya na ito… Walang imposible sa prayer di ba?

CELIA: Tama ka… Sige na matulog na tayo…

(LIGHTS OUT WITH MUSIC BACKGROUND)

Scene 2: (nasa sala ang mag-babarkada at biglang dumating si Zarah)

LILIBETH: Oh, Mabuti naman at andito kana

ZARAH: kumusta na yong project natin.

CARLA: Oy! Concern sa pag-aaral

ZARAH: Sympre pra hindi mahalata ang kalokohan ko Di ba… Oh ano okay na?

CYNTHIA: As usual pinagawa na naman kay Bob…
ZARAH: Mabuti naman at baka hindi tayo tanggapin ng bruha nating teacher (kukuha ng yosi sa bag)

LILIBETH: Maya ka na magyosi.. sa party  na lang baka maamoy tayo ni Manang.

CARLA: Oo nga, ngayon na yon…Let’s go na!

Cynthia: Teka lang.. mag – re retouch lang ako…

CARLA:  Tama na yan.. Wala ng mababago jan..

ZARAH: Let’s Go

Scene 3: (Sasampalin ni Celia ang anak)

CELIA: Ginawa ko ang lahat para maging maayos ang kinabukasan nyo. Hindi para sirain mo ito.

SANDRA: Hindi ko sinasadya Ma..

CELIA: Hindi sinasadya, mayroon bang hindi sinasadya… Sino ang ama niyan?

SANDRA: Hindi nyo na kailangan malaman pa!

CELIA: Bakit? Wala ba akong karapatan na malaman bilang nanay mo ha?

SANDRA: (Malakas na boses na umiiyak) Hindi nyo kilala kahit sabihin ko at hindi nyo na rin makikilala pa… Umalis na sya.. Hindi nya kaya ng responsibilidad.

CELIA: Hindi ko maisip na magagawa mo yon… May pagkukulang ba ako saiyo? Alam mo bang kasalanan sa Dios ang nagawa mo?

SANDRA: (umiiyak)  akala ko lahat na ng kasalanan alam ko… Dahil lumaki ako sa church. Dumating sa point ng buhay ko na nakita ko ang aking sarili na naging sobrang bait ... Naging mabait ako sa inyo… sa church at  lalong- lalo na sa Panginoon. Feeling ko talaga naging sobrang mabait ako Kaya naging curious ako sa layaw ng buhay. Iniisip ko na subukan kahit minsan ang di maging mabait… Pero mali ako… Nagkamali ako… Nagkasala ako sa inyo at sa Panginoon.. Patawad po dahil nasira ko ang pangarap nyo sa pamilya natin.. Natatakot po ako sa sasabihin nila sainyo at sa akin… Tatanggapin nyo pa ba ako kahit di na ako mabait sa tingin ng tao?

CELIA: Anak naintindihan naman kita… Ngayon ang mahalaga nakita mo ang kamalian mo at humingi ka ng tawad… Kahit ano pa ang nagawa mo…anak pa rin kita at mahal kita!

SANDRA: Salamat po! Mahal ko din kayo…


Scene 4: (Nasa madilim na lugar sa sala si Zarah ng biglang dumating ang kanyang Mama)


CELIA: Ano yan?

ZARAH: (Nabigla).. Wala ito Ma (may itinago sa likod)

CELIA: Wala..Bakit parang may tinatago ka…

ZARAH: Wala ito

CELIA: Ano sabi yan eh (hahablutin at malalaglag)

ZARAH: Hindi akin yan Ma.. Pina… (mapuputol sa pagsasalita)

CELIA: Kailan mo pa ginagawa ito? (Hindi sumasagot si Zarah).. Sumagot Ka…KAILAN PA! (pasigaw)

ZARAH: Sige… Gusto nyong malaman?...  Mula nang maramdaman ko na… mas mahal nyo si ate kesa sa akin… Napansin ko na paborito nyo siya!

CELIA: Nagkakamali ka.. pantay ang pagmamahal ko sa inyo ng ate mo!

ZARAH: Mula ng mawala si Papa.. wala na akong kakampi dito sa bahay.. si ate Sandra lagi nyong kasama… lalo na sa pag linggo sa pag-atend nyo sa church nyo…Nakikita ko lagi kayong nagkukuwentuhan sa nangyari sa inyo sa church… Sa lahat naging  mabait si ate at ako ang Blacksheep sa pamilyang ito. Andito kayo pero hindi ko maramdaman… Naghanap ako ng makakatanggap sa akin sa mga barkada ko… pakiramdam ko lumalayo kayo sa akin, hindi ko kayo maabot…

CELIA: Nagkakamali ka.. hindi kami lumalayo, ikaw ang lumalayo… Huwag kami ang abutin mo.. ang Panginoon.. inaabot nya ang kamay Nya para saiyo… Sa kanya ka lumapit.. kailangan mo Sya anak

ZARAH: Imposible na…. Hindi ko na kaya

CELIA: Pero kaya ng Panginoon … paki-usap anak… Gusto mo bang na ganyang klase ng buhay ang maabot mo?

ZARAH: (iiyak) Ayaw ko ng ganitong buhay pero wala akong choice… Hindi ako kasimbait ni Ate… (biglang papasok si Sandra)

SANDRA: Zarah hindi ako mabait.. ang Panginoon lang ang mabait… Na realized ko ang kasalanan ko… Hindi rin sa kabaitan ang kaligtasan… kundi sa pananampalataya… Mahal ka namin ni Mama.. pero mas mahal ka ng Diyos…

CELIA: Anak… andito lang kami.. hindi ka namin iniwan… (pause) halika ka na,.. Halika na… Magpahinga ka na sa kwarto mo…

ZARAH: Iwan nyo muna ako…  (paalis na sila Sandra at Celia)… Mama… pwede ba akong tumabi sa inyo… ( BAWAT ISA NGUMITI)

Narrator: Ang pananaw ng mundo sa pangarap na pamilya ay may kaayusan at walang kasalatan sa maraming bagay… Ngunit kahit ganito marami pa rin ang sirang pamilya… dahil sa kadahilanang ang susi talaga sa pangarap na pamilya ay si Kristo… Kaya nga huwag tayong manghihinawa na ipanalangin at gumawa ng opurtunidad na ilapit an gating pamilya sa Panginoon.. Salamat po sana naging magandang paalala sa atin ang maikling drama na ito..

THE END
Krisha,, Dec.2008

CHRISTIAN TAGALOG DRAMA SCRIPT TITLED "PINAGKAITAN NG LIWANAG " by krisha412


PINAGKAITAN NG LIWANAG

Narrator: Dahil sa sistema ng mundong ito hindi natin maiwasan ang tumingin at makita ang mga bagay na gusto at tanggap ng sanlibutan… Ito ang karamihang kadahilan na kung bakit ang mga tao ay hindi makita ang tunay na liwanag ng kaligtasan… Sana sa mga nakasumpong ay  hindi ito magbigay ng takot o  dahilan sa atin para pagkaitan sila ng liwanag… At magsilbi itong pasasalamat sa  ginawa ng Dios sa atin mula noon pa man hanggang ngayon… Panoorin po natin ang dramang pinamagatang… ‘PINAGKAITAN NG LIWANAG

CAST:
BEN:                            Pastor Larry Dimaandal
JENNY:                         Mary Ann Osorio
DERECK;                      Rodemir Anilao
NARDO (TATAY):         Bernard Llamado
CARLA:                         Neizel Pascual
DOKTOR:                    
DIRECTOR:                 

Scene 1: Hospital setting
(Tunog ng ambulance)
Darating si Ben na mukhang humahangos

BEN: Ano nangyari? Carla, Jenny ano ang nangyari kay kuya?

CARLA: Kuya, nabunggo ng trak ang kotse ni kuya Carlo… nasa loob siya ng operating room ngayon….

BEN: Anong sabi ng doctor?

JENNY: Hinihintay pa namin ang doctor…

CARLA: Kumusta na kaya si kuya… (mukhang mag-alala ang lahat at maghihintay ng sandali)

JENNY: Oh..andyan na ang doctor …

BEN: dok?  Kumusta na ang kuya ko?

DOKTOR: Nasubukan na namin ang lahat… wala na kaming magagawa… Bumigay na ang katawan niya…

CARLA: Patay na si kuya.. Paano yan? (napapaluha)

Jenny: wala na si kuya (iiyak)…

BEN: Dok sinubukan na ba ninyong irevive?

DOKTOR: Nagawa na din namin (tatalikod na ang doctor) 

BEN: Hindi puwede (tatakbo sa operating room)…Kuya… kuya… pakiusap gumising ka… may sasabihin pa ako saiyo… hindi puwede ito… kuya… KUYA!!! (pasigaw)

(MUSIC BACKGROUND)

Scene 2: House

BEN:  Oh.. napasyal ka…may problema ba?

JENNY: Kuya concern lang ako may gusto lang akong itanong….Nakita ka raw ni Carla na sumisigaw sa kabilang barangay at may hawak na Bible.. Nagbago ka na ba ng relihiyon?

BEN: Hindi naman relihiyon ang pinag-uusapan sa buhay na ito…

JENNY: Kuya sana ung tanong ko lang ang sagutin mo…

BEN: Hindi na ako nagsisimba sa dati … Relasyon sa Panginoon ang mahalaga..

JENNY: Nababaliw ka na ba kuya? Alam mo ba ang pinagsasabi mo…Paano na ang pananampalataya na kinagisnan natin…

BEN: Sana igalang ninyo ang ginagawa ko ngayong paglilingkod … pero may sarili na akong pagpapasya…Dito ko nakita ang kasagutan sa mga katanungan ko…

JENNY:  Yon na nga eh, alam ko ang pananaw ng kuya sa ganyan… kya pinapa-alalahanan lang kita, … nawala lang ang kuya.. nag- iba ka na..

BEN: Hindi… buhay pa si kuya noong nagbago ako ng dinadaluhan… noong nasa Manila palang ako…nainvite na ako ng isang kaibigan sa isang gawain na nagpapaliwanang ng Bibliya..

JENNY: So matagal na pala… hindi namin alam.. Alam mo…siguro kaya nawala ang kuya dahil sa pagbabago mo ng pananampalataya… Pinaparusahan na tayo ng Dios…

BEN: Hindi.. lahat tayo ay may kanya-kanyang oras ng pagkawala sa mundo… Nauna lang si kuya… May purpose ang Panginoon sa lahat ng nagyayari sa atin..

JENNY: Alam mo kuya hindi mo talaga alam ang pinagsasabi mo, parang ka ng nababaliw? Natatakot ako para saiyo.. Alam na ba ito ng Mama at Papa? ikaw pa man din ang ina-asahan na magpapatuloy ng sinimulan nila.

BEN: Alam ko… Ngayon naghahanap pa ako ng pagkakataon para masabi ko, pero sigurado ipapa-alam ko sa kanila…

JENNY: Yan ang wag na wag mong gagawin… Baka mahigh-blood si Papa saiyo… Alam mo naman ang pamilya natin…

 BEN: Kilala ko ang pamilya natin pagdating sa pananampalataya, pinaglalaban ito at ikinamamatay kaya halos natakot ako sa maaring sabihin at gawin sa akin ni kuya noon kya di ako nagsalita…  Pero mali ang ginawa ko… dapat nalaman niya…Nang mamatay si kuya… hindi ko nasabi sa kanya ang katotohanan ng kaligtasan kaya ayaw ko ng itago.. Gusto kong ipakita ang liwanang na mayroon ako…

JENNY: Ang baduy mo kuya… Anong liwanag yang pinagsasabi mo… Hindi ko rin naman matatanggap yan.. Umayos ka kuya baka Makita na lang kita na isa ka sa mga baliw a kalsada. Nakkabaliw talaga ang ginagawa mo.. Basta wag mong sasabihin kay Mama at Papa.. MAKAALIS NA NGA!
(AALIS SA STAGE… Maiiwan si Ben na nag-aalala tapos aalis din sya sa stage)


Scene 3:


DERECK: Nagulat ako sa nabalitaan ko tungkol sa nangyari sa kuya mo…Condolence bro!

BEN: Salamat…

DERECK: Kumusta ka na?

BEN: Masakit ang kalooban ko ngayon… Alam mo ba kinabahan ako at natakot nang malaman ko ang nangyari kay kuya… agad-agad akong pumunta sa hospital… para makita ko kalagayan nya at para na  rin masabi ko sa kanya ang dapat niyang malaman.. akala ko mahahabol ko pa at mamakausap ko pa sya… Alam ko naman na lahat tayo ay mamamatay din pero hindi ko naisip na noong araw na iyon mawawala si kuya… Huli na ang lahat Dereck.. huli na (iiyak)…

DERECK:  Naiintindihan kita bro. (lalapitan si Ben)

BEN: Ang masakit doon matagal ko na ring alam ang kaligtasan pero kahit minsan hindi ko naibuka ang bibig ko patungkol sa kaligtasan…Hindi ko nasabi sa kanya na may impiyerno at langit na siguradong puwedeng pupuntahan ng tao pag namatay.. at hindi ko rin nasabi na may higit na nagmamahal sa kanya.

DERECK: Kung hindi mo man nasabi sa kanya ang kaligtasan.. sigurado akong may ginamit na iba ang Panginoon para malaman nya…

BEN: Yon nga ang mas masakit eh.. Hindi ako nagpagamit sa Panginoon para magbahagi ng  ebanghelyo  o gumawa man lang ng paraan na kung tutu-usin ako ang dapat gumawa noon… Ako dapat (iiyak)…

DERECK: Wala na tayong magagawa pa sa ngayon…

BEN: Ako dapat ang ginamit para makita ni kuya ang  liwanag.. Alam mo ba ang nararamdaman ko ngayon.. ang nararamdaman ko… Parang pinagkaitan ko sya ng liwanag..

DERECK: Minsan hindi natin ginagawa ang isang bagay dahil alam natin marami pang pagkakataon pero hindi natin naiisip na hindi natin hawak ang buhay ng tao.. Isa itong paala-ala saiyo na dapat gawin ang tama…  Hindi man natin masigurado kung nasaan ang kuya mo ngayon.. ang tingnan  mo yong ibang miyembro nyo pa sa pamilya…Huwag mo ng piliing maging tahimik pa.. Gawin mo na ang dapat bago pa mahuli ulit ang lahat!!!

BEN: Tama!... Salamat bro…

DERECK: Marami ka pang aayusin…

(AALIS SA STAGE AT MUSIC BACKGROUND… UNANG PUPUNTA SA STAGE SI BEN… DARATING DIN SI CARLA)

(MUSIC BACKGROUND)


Scene 4:

CARLA: Oh, napasyal ka kuya!

BEN: Nangungumusta lang…Kagagaling ko lang sa misyon…Nasaan pala si Jenny?

CARLA: Pinapasok sila sa work ngayon kahit holiday…

BEN: Magpapa-alam lang din sana ako, luluwas kasi ako ng Manila, mag-aaral ng Bible School, medyo matatagalan bago ako makakauwi..

CARLA: Ok! (Hindi matitinag sa ginagawa)

BEN: May tatanungin pala ako saiyo… Bakit hindi mo hinintay na ako ang magsabi kila Mama at Papa?

CARLA: Ah.. yon ba… Ayaw mo yon kuya natulungan na kitang magsabi sa hindi mo masabi-sabi noon pa.

BEN: Ako ang involved doon, dapat ako ang nagsabi at naipaliwanag ko mabuti… Lumuwas ako sa atin at hindi ako pinapasok sa bahay…

CARLA: kahit na maipaliwanag mo pa ng mabuti kuya, hindi ka pa rin tatanggpin nila papa..

BEN: Mas maganda pa rin na ako ang magsabi..

CARLA: Eh di sorry na…

BEN: Mayroon pa akong tatanungin saiyo… Bakit iniwasan mo ako noong pumunta kami sa school nyo noong isang linggo?

CARLA: Hindi naman ah..

BEN: Huwag ka ng magsinungaling

CARLA: Hindi kita iniwasan kuya!

BEN: Kuya mo ako, huwag kang magsisinungaling!

CARLA: Hindi kita iniwasan!!! Ayaw ko lang makita ko ang kuya kong kahiya-hiya ang ginagawa sa harap ng mga tao…

BEN: Kung sainyo kahiya-hiya ang ginagawa kong pagsi-share ng Bible sa mga tao sa akin hindi…

CARLA: May religion na tayo kuya!

BEN: Hindi relihiyon- relasyon… Alam mo na bang may ino-offer ang Dios na buhay na walang hanggan…

CARLA: Tama na yang ganyan kuya…hindi pa ko mamamatay

BEN: Kailangan mong malaman…

CARLA: Tama na ( Isasarado ang tenga)

BEN: Bahala ka…At eto pa pala…Alam mo ba ang lalong nagpadagdag ng sakit sa akin…yung hindi mo ako pinakilalang kapatid mo sa mga kaibigan mo..

CARLA: Yong religion natin kuya, hindi ginagawa yan, ayaw ko lang maging kahiya-hiya… Naisip mo rin sana na naging kahiya-hiya kami sa ginagawa mo…

BEN: Wala akong magagawa sa pananaw mo..pero ang hinihingi ko lang respeto bilang kuya mo… Aalis na ako… Baka makabalik rin ako dito bago lumuwas.

Scene 5:

JENNY:  Oh kuya, luwas ka daw… at mag-aaral pa sa Bible School?

BEN: Oo nga.. Dumaan lang ako bago para magpa-alam na din sainyo, wala ka kasi noong pumunta ako dito..

JENNY: Nagpapa-alaala lang ako kuya sa mga pinapasok mo lalo ngayon alam na ng mga magulang natin… (lalapit si Ben at may ibibigay kay Jenny)…. Ano ito? ( biglang sasabat si Carla)

CARLA: Eh ano pa eh di tungkol  na naman sa relihiyon nya

BEN: May mga bagong libro kasing dumating… Magandang babasahin yan… subukan mo…

CARLA: Ayan na naman… makaalis  na nga!!!.(aalis na si Carla sa stage)

BEN: Ingat ka…

JENNY: Oh! Carla Maagang umuwi ha!!

CARLA: Try ko

JENNY: (titingnan niya ang binigay ni Ben) Ano ka ba naman kuya… Iniinsulto mo ba ako? Sa iba mo na lang ibigay yan!!!

BEN: Try mo lang…

JENNY: Ano ka ba…

BEN: Wala namang mawawala saiyo.. Sige na

JENNY: Ayaw ko niyan (itatapon)… Hindi ka ba  nagsisi o nahihiya sa ginagawa mong yan… Ultimong magulang natin hindi ka tinatanggap ngayon… para kang itinakwil.. bakit ganyan ka?... Bakit mo pinagpapatuloy ang kalokohan na yan kuya?

BEN:  Ano bang kalokohan ang sinasabi mo?... Kalokohan ba ang nagbago ang buhay ko… Dati walang direksyon ang buhay ko… Lango sa alak at puto babae ang ina-atupag ko… Ngayon nagkaroon ng direksyon at purpose ang buhay ko.. saan doon ang kalokohan? Sabihin mo nga sa akin, ang binagong buhay ba ay kalokohan?... (lalapit si Ben kay Jenny)… Kalokohan ba yon ha?...(mangiyak-ngiyak)… Aalis na ako…

JENNY: Kuya!! (Babaling si Ben)

BEN: Pasensiya na sa abala saiyo!!!

JENNY: Sorry!!! (TITINGIN SI JENNY KAY BEN HABANG PAPAALIS AT HINDI NA MARIRINIG ANG PAGHINGI NG SORRY…PUPULUTIN ANG BABASAHIN NA TINAPON)

Scene 6:

JENNY: Anong nangyayari saiyo? ( hindi umiimik si Carla at lalapit sya sa kapatid)… Umiiyak ka ba? (babaling si Carla)… Maaga kang umuwi ngayon ah.. May nangyari ba sa school nyo?

CARLA: Wala

JENNY: Eh anong problema?

CARLA: Nakita ko si Jessica kanina sa  daanan

JENNY: Yong naka-away mo?

CARLA: Oo

JENNY: Oh, bakit nag-away na naman ba kayo sa daan?

CARLA: Hindi ate… Nakita ko siya kung paano hilahin ng sasakyan ang katawan nya kanina… Naglalakad siya at masayang kasama ang mga barkada niya tapos hindi niya namalayan  na nasabit ang bag niya sa kotse at nahila siya….Ang bilis ng pangyayari..nakakbigla.. Patay na siya ate… (iiyak)

JENNY: Nakakalungkot nga… kawawa naman siya…

CARLA: Punong-puno ng dugo ang katawan niya at laging sumasagi sa isipan ko ang nangyari sa kanya… Bigla akong natakot at naalala ko ang mga sinasabi ni kuya Ben sa akin… (iiyak) Natakot ako.. totoo ba yon ate? (tatango si Jenny)… Ikaw ate.. ano ang nagtulak saiyo para baguhin ang kinagisnan natin?

JENNY: Bukod sa pagbabago ni kuya, narealize ko na kailangan ko talaga ng tagapagligtas dahil nakita ko na di ko kaya sa sarili ko lang at hindi relihiyon natin…

CARLA: Sa totoo lang Ate…natatakot talaga ako (iiyak).. tulungan mo ako…

JENNY: Oo tutulungan kita… Salamat sa Dios at bukas na ang puso mo… salamat sa mga panahon ng pananalangin ko para saiyo..

Scene 7:

JENNY: Mabuti nakarating ka kuya, ngayon lang ulit tayo nagkita…

BEN: Marami akong nabalitaan saiyo..salamat sa Panginoon… Oh Carla, kumusta ka na?

CARLA: Mabuti naman kuya…

BEN: Mabait ka na ba?... joke lang…

JENNY: Alam mo kuya pag binigyan mo siya ng babasahin… hindi ka nya hihindian..

BEN: Oh… talaga!!!

CARLA: Huwag kayong maingay marinig tayo ni Papa

BEN: Nasaan pala si Papa?

JENNY: Nasa loob siya ngayon…

BEN:  … puntahan ko muna pala si Papa… (lalapit si Ben kay Nardo)

BEN: Pa…

NARDO: Bakit ka nandito?... (strikto ang boses)

BEN: nabalitaan ko po ang nangyari sa inyo… Nag-alala lang ako sainyo

NARDO: Wag kang mag-alala… buhay pa ako…(strikto ang boses)

BEN: Galit pa ba kayo sa akin? (Hindi iimik ang tatay)… Pa… sana maintindihan nyo na ako… Pa.. hindi ibig sabihin na hindi ako sumunod sa inyo ay nilabanan ko na kayo.. Pa.. (lalapit sa tatay)… Pa (mangiyak-ngiyak)…  (biglang tatayo ang tatay)… Kilala nyo naman ako mula pa ng pagkabata… Alam ko na marami akong nadalang problema sa pamilya natin… Naging basagolero ako, hindi nag-aral ng mabuti at laman ako ng mga bar…Ngayon nagbigay na naman ako ng problema sa inyo pero… Pa… problema ba  sainyo ang pagbabago ko? Hindi na ako basagolero, pinagpapatuloy ko na ang pag-aaral ko at hindi na ako laman ng mga bar… PA… (iiyak)… binago na ako ng Dios…. (Iiyak at mdyo matagal ang walang imikan)
… Sa tingin ko hindi nyo pa ako handang kausapin… aalis na po ako… (aambang aalis nang biglang matitigilan sa biglang pagsasalita ng tatay)

NARDO: (strikto ang boses)…Galit ang umiral sa akin ng nalaman ko ang pagbabago mo ng pananampalataya dahil alam mo naman kung gaano ko kayo minulat sa paniniwala natin… Mula pa sa pagkabata naitanim na sayo yan… Hindi ko maintindihan… Alam mo ba kung ano ang naisip ko… magbibigay ito ng kaguluhan sa simbahan natin… Ano na lang ang sasabihin ng elders natin…

BEN: Sorry po sa naidulot na ito sainyo…( darating si jenny at may dalang tray ng pagkain… hihinto sa gilid)

NARDO: (Mataas ang boses)…Ito na ang minulat na relihiyon ng ating ninuno at bago namatay ang lolo mo nangako ako na ipapagtuloy ko ang pagiging relihiyoso ng pamilya… masakit ito sa akin bilang ama… At pati si Jenny nadamay mo pa… Nasaktan ako ng husto, sampal sa akin ang ginawa ninyo… Sa sobrang sakit natikis kita na di kausapin ng maraming taon… Ginagawa ko iyon para saktan kita sa problemang binigay mo sa pamilya natin pero sa ganong pagkakataon mas lalo ko palang sinasaktan ang aking sarili.. Naisip ko rin itong paraan na baka may pag-asa pa na bumalik ka sa dating pananampalataya… Nagkamali ako… (iiyak)… sa tagal na iyon nakita ko ang pagbabago mo ng buhay…( umiiyak sa kasalukuyan si Ben)… Ito ang nagbigay sa akin ng kaginhawaan ng kalooban na tama ang pananampalataya mo… Alam mo anak, ayaw ko sanang aminin pero nakita ko ang liwanag dahil saiyo…

BEN: Salamat Pa… Antagal kong namiss ang boses nyo…. (aakap sa tatay)… salamat sa Dios…isa itong magandang regalong natanggap ko…

NARDO: Salamat saiyo…Huwag ka ng umuwi.. dito ka na kumain… (Tatango si Ben at ngingiti.. darating si Jenny)

JENNY: Meryenda muna tayo… (pagkababa ng tray.. aakbayin ng tatay si Jenny at biglang papasok si Carla)

CARLA: Oh.. nakakainggit sweetness ninyo…. Isama nyo naman ako..

Narrator: May mga bagay sa ating buhay na sa tingin natin ito ang tama at ito’y pinaglalaban natin kahit anuman ang mangyari… At minsan ito ang nagiging dahilan para hindi natin makita ang liwanag… Dahil dito,  may mga pangyayari na pinahihintulutan ng Panginoon para maramdaman natin at makita ang tunay na liwanag…At bilang pasasalamat huwag nating pagkaitan ang mga taong nais na makasumpong ng liwanag…


The End

Monday, October 7, 2019

HAVE YOU NEVER READ?

Matthew 22: 15-46;
Matthew 21: 14 - 16
picture taken from Google

MEMORY VERSE
Matthew 22:29
Jesus answered and said unto them, Ye do err, not knowing the scriptures, nor the power of God.

Lesson Prepared by: Krisha of Solomon Wisdom
FB page
some lesson points taken from: https://www.tomorrowsworld.org/magazines/2005/september-october/how-the-bible-can-help-


Have you tried a new-bought machine and tried to assembly it with your own knowledge? It is possible that we have a little knowledge about it, but the full details are needed to be read and executed.

One time our nephew, this was already mentioned by my sister in her lessons, bought a swing from the store to be their gift to their mother as Mothers’ Day gift. At first, we just watched him in a distance but when we saw that he was struggling in assembling, we offered help. He was about to bring the swing to the store and pay for assembling the parts when we approached him. The first thing my sister, Kris, asked was “where’s the manual?” She read the manual and followed the instruction and after few minutes, it was successfully assembled.

We know that the Bible is a manual of life but most of the time we try our own way and knowledge and seldom read the manual which is the best way to do.
The title of our lesson is taken in Matthew 21:15-16 wherein the priests and scribes were displeased when they saw Jesus did wonderful things and heard the children crying and saying, “Hosanna to the Son of David.”
And said unto him, Hearest thou what these say? And Jesus saith unto them, Yea; have ye never read, Out of the mouth of babes and sucklings thou hast perfected praise?
The Lord Jesus Christ quoted the verse in Psalms 8:2
Out of the mouth of babes and sucklings hast thou ordained strength because of thine enemies, that thou mightest still the enemy and the avenger.
Jesus was pointing out that they didn’t read what mentioned in God’s written word

In our passage today we have read, Matthew 22: 15-46, there are five situations wherein God answered the people’s questions.:
         a)      Matthew 22:15-22 – Jesus was asked about paying taxes. When people heard His words,             they marvelled.
         b)      Matthew 22:23-30 – Jesus was asked about a wife who had 7 husbands; whose wife shall         she be in the resurrection. Jesus answered in this manner in verse 29, “…Ye do err, not              knowing the scriptures, nor the power of God.”
         c)      Matthew 22: 31-33 – Jesus answered with these words, “…have ye not read that which          was spoken unto you by God…? He has explained the God of the living and not the dead and the people were astonished to his doctrine.   
          d)      Matthew 22: 34-40 – Jesus was asked about the greatest commandment
         e)      Matthew 22: 41-46 – This time Jesus was the one asking them., “What think ye of Christ? Whose son is He?
       If you notice to the following situations, there are commonality; those are coming from God’s Word, the scriptures, and the Lord Jesus Christ always says, “HAVE YE NOT READ?” If today at our present time, we have struggles and problems and we feel confuse, our Lord might say, “HAYE YOU NEVER READ?”

Lesson Points:
     1.   HAVE YOU NEVER READ THE WAY TO LIFE BEYOND DEATH? (LUKE        10:25 -28)
The Bible reveals the way to eternal life and salvation. After you die, will you live again? How do you know? Look at what the Apostle Paul wrote to the young evangelist Timothy: "But continue thou in the things which thou hast learned and hast been assured of, knowing of whom thou hast learned them; and that from a child thou hast known the Holy Scriptures, which are able to make thee wise unto salvation through faith which is in Christ Jesus" (2 Timothy 3:14–15)
.
  Another verses from Luke 10:25-28, we see that a lawyer asked the Lord on how to inherit eternal life
25 And, behold, a certain lawyer stood up, and tempted him, saying, Master, what shall I do to inherit eternal life?




26 He said unto him, What is written in the law? HOW READEST THOU?
27 And he answering said, Thou shalt love the Lord thy God with all thy heart, and with all thy
soul, and with all thy strength, and with all thy mind; and thy neighbour as thyself.
28 And he said unto him, Thou hast answered right: this do, and thou shalt live.

In 2 Timothy we can see that Timothy has leaned the scriptures since childhood and it’s a good spiritual idea that the parents as well as the Sunday school teachers need to teach the kids the right way to God’s salvation. And in our next verses, again, we notice that Jesus replied the lawyer with a question, “What is written in the law? How readest thou?”  All things are answered in God’s word but sometimes we are sidetrack, we listen to false views in social media. Another thing, when we are asked about our salvation, we keep silent and what does this imply? We don’t listen to the sermons and we think that our bible is not readable.

         2.     HAVE YOU NEVER READ YOUR LIFE’S REAL MEANING AND             PURPOSE? (JEREMIAH 29:11-14)
Christians know that the world we live in today is temporary and our final destination is in heaven because we have faith and accepted Jesus Christ as our Lord and Saviour but why there are Christians don’t still give time for spiritual matters. What is the purpose of this life? Have we never read in the Bible our purpose?
God had a purpose for Jeremiah. God selected him. He knew him before he was formed. It is one thing to brag about who you know. It is quite another thing to boast about who knows you.
There may be many people you know who don’t claim to know you. God knows you and claims to know you.
Not only did God know Jeremiah, He chose him. Nothing makes a person feel better than to be chosen by someone. Knowing everything about you even before you were conceived, your strengths and flaws, your obedience and disobedience, God chose you. Wow!
Not only did God select Jeremiah, He shaped him in his mother’s womb. In the words of the Psalmist, we are “fearfully and wonderfully made” (Psalm 139:14). When God made Adam and Eve, He did so with His hands. Handmade items always have a greater value. God wove you while in your mother’s womb. You are a one-of-a-kind creation of God.
God also sanctified the prophet. He was set apart for a special purpose. God has special plans for you (Jeremiah 29:11-14). God has chosen you to do things and say things that will impact all time and eternity.
He sanctioned Jeremiah to carry out that plan.  Jeremiah realized the facts. Notice the absolute words God used. God declared to him that he would go to everyone God sent him to, speak whatever God told him to speak, and not to fear anyone.
Why? God told him he was not alone. God promised to be with him and to deliver him.
     3.      HAVE YOU NEVER READ THE WAY TO HARMONIOUS RELATIONSHIPS?
    4.      HAVE YOU NEVER READ ON HOW TO FIND TRUE SUCCESS, FULFILLMENT AND         HAPPINESS?
     5.      HAVE YOU NEVER READ THE FUTURE?


I'VE GOT PEACE LIKE A RIVER (GALATIANS 5;22; ISAIAH 66:12)

  I’VE GOT PEACE LIKE A RIVER BIBLE PASSAGE: GALATIANS 5:22/ ISAIAH 66:12 Picture taken from Google Lesson Prepared by: Krisha of Solomo...