Ako ba ‘yon?
(by Nheiz A. Pascual)
DARK SCENE:
Sam:
SINO ANG PUMATAYYY!! BAKIT NIYO SIYA PINATAAAAAY!!
Scene
1:
Lauren:
kilala nyo ba si Barrabas?
Alexandra:
sinong Barrabas?
Andrea:
Barrabas daw yung binansag sa kanya dahil (mapuputol)
Lester:
wag nyo syang pag-usapan, baka may makarinig sa inyo tapos (matatakot)
Lauren:
tapos?
Andrei:
baka patayin rin tayo
Mga
babae: (matatakot)
Lester:
ganon sya kasama, kahit makita nya lang na nakatingin sa kanya? binubugbog nya
na
Alexandra:
grabe naman pala ang kasamaan ni Barrabas
Andrea:
(biglang sasagot) wag mo nang sabihin yung pangalan nya
Andrei:
hindi ko pa sya nakikita, pero natatakot na ako agad
Lauren:
baka mamaya nandito lang siya sa paligid, mag-ingat tayo
Alexandra:
pero, curious lang ako, anu bang itsura niya?
Andrea:
na curious ka pa talaga ha? Yang curiosity mo ang papatay sayo!
Andrei:
ang sabi nila, matangkad, kayumanggi at may itsura? pero basagulero!
Lauren:
(matatakot at mauutal) hi - - hin - - di ba
Alexandra:
ano?
Andrea:
hindi ba siya si Barrabas? (itinuro ang lalaking parating) (matatakot ang
lahat)
Scene
2:
Barrabas:
(palakad papalapit)
LAHAT:
Ikaw ba si
Barrabas:
Sino?
LAHAT:
yung yung, basta si
Barrabas:
Ako si Barrabas! Isang magnanakaw, mamamatay tao, sinungaling tulad nyo!
Ginagawa ang lahat, nang kasamaan sa mundo. Kabutihan? Ano yon? Pang mahina
lang yan, pang duwag lang yan, malakas ako! Magaling ako! Makapangyarihan ako!
LAHAT:
Si Barrabas nga! Takbo!
Barrabas:
HAHAHHAHAHHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!!
(Lights Off)
Scene
3:
Ezekiel:
ikaw ba si Barrabas?
Barrabas:
ako ba kausap nyo?
Johnwill:
oo, ikaw nga, hinuhuli ka naming sa salang (mapuputol)
Barrabas:
pagpatay? Pagnanakaw?
Ezekiel:
isama mo na ang pangdudukot, pagsusunog ng mga bahay, pambubugbog sa mga
kabataan at marami pang iba
Barrabas:
makakatakas din naman ako dyan eh, makakalaya din ako. Oh eto (iaabot ang kamay
at poposasan)
CROWD:
nahuli na si Barrabas, dapat sa kaniya ay mamatay!
Scene
4:
Barrabas:
ano namang ginagawa mo dito, hindi ka ba nagsasawang dumalaw nalang lagi
Tatay:
bakit naman ako magsasawa, anak kita eh, hindi kita kayang tiisin
(magpapatuloy ang katahimikan)
Tatay:
bakit ka naging ganyan anak? Nagkulang ba ako sayo? Hindi ba kita naalagaan ng
maayos? Hindi ba kita nagabayan ng maayos? (maiiyak) pasensya ka na sa Tatay
ha? Hindi ko na alam paano kita mailalabas ngayon
Barrabas:
sinabi ko bang tulungan mo ko? Hindi naman ako humihingi ng tulong sayo
Tatay:
hindi ka nga humihingi ng tulong, pero responsibilidad kong tulungan ka, dahil
mahal kita, hindi ka ba natatakot dito?
Barrabas:
masaya nga dito eh, walang maingay, walang kaaway, walang nakakainis
Tatay:
pero malungkot, kasi mag-isa ka lang at hindi ka malaya. Ni minsan ba anak
nakita mo at naisip mo lahat ng kasamaang nagawa mo? Nagsisi ka ba sa mga buhay
na binawi mo?
Barrabas:
(patuloy na mananahimik)
Tatay:
bukas, ihaharap ka sa madla, sila ang papipiliin kung ikukulong k aba o
papatayin ka na lang dahil salot ka raw sa ating lipunan
Barrabas:
tsh (maiiling) bahala sila, kung pipiliin nilang patayin ako? Wala silang
pinagkaiba sa akin! (payabang) sino bang walang sala? Mas lamang lang ang
kasamaan ko, pero masasama rin sila
Tatay:
gusto mo bang manalangin tayo anak?
Barrabas:
para saan pa ba? Bakit nandito ka pa? Ano bang rason ng pagdalaw mo? Para
sabihin na mamamatay na ako bukas?
Tatay:
hindi, para sabihing mahal kita, at patuloy kitang minamahal kahit na ganiyan
ka. Kahit masama ang tingin sayo ng mundo, mahal kita, dahil anak kita. Hindi
ko man kayang ibigay sayo ang lahat, pero nandito ang pagmamahal ko para
(mapuputol)
Barrabas:
anong gagawin ko sa pagmamahal mo? Maliligtas ba ko ng pagmamahal mo?
Tatay:
anak (hahawak sa anak)
Barrabas:
umalis ka na
Scene
5:
Edmar:
nandito sa inyong harapan si Barrabas, isang mamamatay tao, magnanakaw,
sinungaling at taglay ang kasamaan ng mundo. Siya ba ay palalayain natin?
CROWD:
Hindi!!!!! Hindi kami papayag!!!!
Edmar:
Papatawan ba natin siya ng pagkakulong habang-buhay?
CROWD:
Hindi!!!!! Hindi pa rin kami papayag!!!!
Edmar:
ano ang hatol na ibibigay natin kay Barrabas?
CROWD:
Patayin!!! Patayin siya!!!
Edmar:
kamatayan ang hatol?
CROWD:
Kamatayan ang hatol!!!!
CROWD:
Kamatayan! Kamatayan! Kamatayan!
(lights on) nakahiga sa sahig ang Tatay
Scene
6:
CROWD:
woooaahhh (magugulat)
Sam:
SINO ANG PUMATAY!! BAKIT NIYO SIYA PINATAY!! TAAAYY!! (pahangos na pagtakbo)
TAY!! (hagulgol na pag-iyak) BAKIT?! BAkit?! bakit?! Anong ginawa niyang masama
sa inyo? Anung kasalanan ba ang nagawa niya para parusahan at patayin niyo siya
ng ganito??! NASAAN SI BARRABAS! ILABAS NINYO SI BARRABAS! Huwag niyo siyang
itago, ILABAS NYO SI BARRABAS!!
Benjie:
AKO, AKO SI BARRABAS!! Katulad ko si Barrabas kasi makasalanan din ako,
sinungaling din ako, magnanakaw rin ako!!
Lauren:
Si Barrabas din ako? Nagsasalita ako ng masama sa kapwa ko
Alexandra:
Ako rin, si Barrabas din ako. Hindi rin ako sumusunod sa mga magulang ko,
pasaway rin akong anak
Andrea:
Barrabas din ang pangalan ko, nananakit ako ng ibang tao, hindi ako nagsisimba,
at wala akong Diyos na kinikilala
Ezekiel:
Ngayon ko lang napagtanto, na katulad ko pala si Barrabas, sino ba ako para
kitilin ang buhay ng isang tao para lang sa prinsipyo?
Agavelle:
Si Barrabas din ako, sino ba ako para humusga sa isang tao? Hindi ba’t
makasalanan rin ako?
(Lights Off)
Sam:
Sino si Barrabas? Siya yung taong makasalanan! Siya yung pinalaya at pinili ng
mga tao. Akala ni Barrabas, pinalaya siya ng mga tao? HINDI, ang PAGMAMAHAL ang
nagpalaya sa kaniya. Ang pagmamahal ng kaniyang tatay, ang pagmamahal ni Hesu
Kristo!
Benjie:
Sino si Barrabas? AKO ‘YON! IKAW ‘YON! TAYO ‘YON! Minamahal natin
si Barrabas at ang mga gawi ni Barrabas! pinapalaya natin siya at winawalang
bahala natin ang regalong buhay na walang hanggan ni Kristo! Habang tayo ay
makasalanan, namatay ang Panginoon para sa atin! Pinadala ni Hesus ang kaniyang
anak para iligtas si Barrabas, para iligtas tayo. Kahit alam niya na hindi
natin siya kikilalanin, kahit alam niya na hindi natin siya tatanggapin. Mahal
ng Diyos si Barrabas, mahal niya tayo!
Sam:
Dahil sa pagmamahal, namatay ang Ama, namatay si Hesus ngunit nabuhay muli.
Hindi tayo karapat-dapat, pero ginawa niya tayong karapat-dapat dahil sa biyaya
at pagmamahal niya. Sino si Barrabas? Sino ang may sala? Sino ang pumatay? Ako
ba ‘yon? Oo,
Sam:
AKO ‘YON!
Benjie:
IKAW ‘YON!
Sam
& Benjie: TAYO ‘YON!
(Lights Off)
1st Quarter Evangelistic Meeting
March 30, 2025
NAP
No comments:
Post a Comment