CHRISTIAN DRAMA: ISINUKONG BUHAY (TAGALOG SCRIPT)

  •  

ISINUKONG BUHAY

By krisha412

August 03, 2014


CASTS:

Adela: Maricris Anilao

Amie: Nory Pascual

Ana: Kathleen Faith Tampos

Jackie

Amanda: Mary Ann Anilao

Alfred: Ronald Picar

Gayle: Nicole Pascual

Benjamin Pascual

Malchus Jjavhan Rosales

Special Participation: Sam Biado

 

 

 

NARRATOR:

Lahat ng tao kristiyano man o hindi ay nakakaranas ng problema at ang lahat ng mga ito ay dumarating ng may dahilan. Sa mga ganitong sotwasyon isang higit na pagpapala kung ika ay kristiyano at isinuko mo ang iyong buhay sa Panginoon dahil Siya ang nagbibigay saiyo ng pag-asa at nagpapa-alaala na hindi tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kaya. Ngunit minsan dumarating din ang kahinaan na nagdudulot ng kawalan ng pag-asa at pananampalataya. Kaya’t tunghayan po natin ang dulang pinamagatang “ISINUKONG BUHAY.”

 

 

SCENE 1: (Background: bagyo at agos ng tubig)

Props: folding bed and one chair in the center stage

Music: Remember

 

ADELA: (sisigaw) Rodrigo!!!

AMIE: Adela mabuti gising ka na… andito ka sa center… kumusta pakiramdam mo?

ADELA: Amie nasan sila?... si Rodrigo… si Ana at ang mga apo ko nasan sila?

AMIE: Hindi ko pa alam… wala pa akong balita…

ADELA: Kailangan ko silang hanapin

AMIE: Delikado pa ang paligid at kailangan mo pang ipahinga ang mga paa mo..

ADELA: Amie Hindi mo naiintindihan eh…titingnan ko sila… (aambang tatayo pero mabubuwal) Ahhh ang sakit!!!

 

AMIE: (aalalayan si Adela)…Sinabi ko na nga saiyo eh… Hindi pa kaya ng paa mo…

ADELA: Amie… alam ko naiintindihan moa ng nararamdaman ko. Hindi rin ako mapakali dito…

AMIE: Ayaw ko sanang mag-isip ka masyado pero kailangan kong sabihin saiyo na (pause)…

ADELA: Ano yon?

AMIE: Nakita ko si pareng Rodrigo at ang mga apo…

ADELA: Oh, saan sila?

AMIE: Adela… (pause)

ADELA: Bakit ganyan naman ang hitsura mo… Nasa ospital ba sila?

(Biglang darating ang tatay)

AMIE: Adela… (iiyak) wala sila sa ospital (pause)… Nilagay sila sa liwasang bayan…

ADELA: Di ba nasa evacuation center sila, bakit sila andoon?

AMIE: (umiiyak) Adela… wala na sila, patay na si pareng Rodrigo at ang mga apo mo… sa sobrang daming namatay, doon sila pansamantalang inilagay… SI Ana naman hindi pa nakikita kung nasaan

ADELA: Hindi ko maintindihan… Nasa evacuation center sila eh… bakit? Anong nangyari?

AMIE: Hindi inaasahan ang pangyayari, nagkaroon ng malaking agos ng tubig mula sa bundok at naabot ang evacuation center at nasama sila sa hindi nakaligtas…

ADELA: Hindi … (garalgal na boses at emotional gestures) … Bakit ganon akala ko nasa ligtas silang lugar… Paano si Lorna? Hindi kakayanin ng anak koi to… (iiyak)… Inisip ko lang … Amie may pagkukulang ba ako sa Diyos? Sumusunod naman ako sa Panginoon di ba? … Sa katunayan nga hindi ako nawawala sa gawain at ginagampanan ko naman ng maayos ang ministry ko (pahina ang boses) … Hindi koi to maintindihan… Bakit? Bakittttt? (pasigaw)

ANA: Ma!

ADELA: Ana… anak… buhay ka… oo nga buhay ka…salamat sa Diyos

ANA: Ma … (iiyak)

ADELA: Anong nangyari anak?

ANA: Ma… may biglang rumaragasang tubig sa amin… mabuti na lang po at gising ako… kaya lang sila papa, Jenny at Jerry tulog po sila…tumakbo po ako para sabihin sa kanila kaya lang hindi ko na  po naabutan… ang bilis ng pangyayari… naanod sila papa, Jenny at Jerry (iiyak)… Iniisip ko katapusan ko na, marami na akong nainom na tubig… (iiyak)… mabuti na lang at nasabit ako sa puno kaya nakaligtas ako…

ADELA: May purpose saiyo ang Diyos anak!

ANA: Ma… (iiyak) akala ko wala na akong pagkakataon na manghingi ng sorry sainyo…Ma… patawarin mo ako ha… sa katigasan ng ulo ko... Alam ko nagbibigay din ako ng sakit ng ulo sainyo… bigla kong naalala yong mga panahon na pinipilit ninyo akong makasama sa ministry pero ayaw ko dahil mawawalan ako ng oras sa barkada ko… Pero ngayon narealized ko maigsi pala ang buhay… Maganda nga bata pa ako naglilingkod na ako sa Diyos…

ADELA: Salamat pa rin sa  Diyos anak!

(LIGHTS OFF)

 

SCENE 2: (office background)

Props: office table and 2 chairs

Music: My Memory

 

LORNA: Bakit ka narito?

ALFRED: May business meeting kami sa isang department dito sa company ninyo…Napadaan lang ako…

 

LORNA: Ah.. okay

ALFRED: Hindi ka uuwi sa probinsiya?...

LORNA: Hindi ko lang alam… baka next month (malamig ang pakikitungo kay Alfred)

ALFRED: Sige pala… (aalis at mag-aalangang kausapin si Lorna pero babaling)… LORNA!...

LORNA: Bakit?

ALFRED: Ahh… Patawarin mo ako ha!

LORNA: Para saan?

ALFRED: ahh …Alam mo na yon

LORNA: Alam mo natutunan ko sa nagyari sa atin… ang mga babae dapat hindi muna sila nagmag-expect na mahal sila ng isang tao hanggat hindi ito sinasabi kahit pa may mga senyales ito… Kahit na lagi kang tinitext, nagbibigay ng regalo, sweet saiyo at lagi kayong magkakwentuhan… Ang mga lalaki naman dapat hindi sila nagti-take advantage lalo na kung alam nila na mahal sila… Dahil hindi lang nila alam na mas may nasasaktan…

ALFRED: Patawarin mo ako Lorna…

LORNA: Okay na rin yon… Tapos na yon… may kanya-kanya na tayong buhay ngayon (biglang may emergency call si Lorna)

SECRETARY: Ma’am may emergency call kayo galing sa probinsiya…

LORNA: Maiwan na kita… (tatango si Lafred)

 (LIGHTS OFF)

 

SCENE 3: (house background)

Props: 2 chairs at the middle

Music: The day we’ll meet again (piano background)

 

GAYLE: Ate aalis muna ako…

AMANDA: Teka… teka… kararating lang naming ahh tapos aalis ka… saan ka pupunta? At bakit ganyan ang ayos mo?

GAYLE: May aatenan akong party…

AMANDA: Nagkulang ba ng tela yang damit mo?

GAYLE: Si ate ohh… party kaya yon…pangit naman mahabang palda ang suot-suot ko…

AMANDA: Teka nga… halika nga dito… upo ka sandali…

GAYLE:Mali-late na ako ate…

AMANDA: Halika dito… sandali lang (uupo sila)… Biglang may napansin akong pagbabago saiyo… tingnan mo yan… ang laki ng hikaw mo… Nawala lang kami, andami ng nagbago… tanong ko lang, nagsisimba ka pa ba?

GAYLE: Medyo nabusy dahil graduating na ako…

AMANDA: Busy ahh… pero may time sa party…

GAYLE: Ate naman…

AMANDA: Bakit nga… bakit di ka na nakapagsisimba?

GAYLE: Wala lang… tinamad na ako noong wala na kayo…Wala na rin kasi yong mga kaibigan ko doon eh…

AMANDA: Wala lang mga kaibigan mo hindi ka na nagsimba…

GAYLE: Bakit kayo ate… nakapagsisimba pa rin ba kayo sa Manila?

AMANDA: Oy, oy… huwag mo ibaling sa akin ang tanong… ikaw ang tinatanong ko…Teka di ba kaibigan mo si Ana? Bakit wala na ba si Ana sa church?

GAYLE: Siya na lang nag-iisa kong kaibigan na nandoon kaya lang bigla siyang nagbago…

AMANDA: Anong pagababago?

GAYLE: Basta ate… mahabang usapan… alis na ako…

AMANDA: Sige..pagdating mo usap tayo ha… Teka baka naman may boyfriend ka ng unbeliever ha…

GAYLE: Wala no… wala akong boyfriend… (darating si Alfred)

ALFRED: Andito na ako!

GAYLE: Andito na si kuya ate… alis na ako baka sermonan pa ako (masasalubong si Gayle sa paglabas)

ALFRED: Anong meron saiyo?...

GAYLE: Alis ako kuya…may pupuntahan ako…

ALFRED: Saan pupunta yon? Bakit ganoon ang ayos?

AMANDA: Party daw…

ALFRED: Nasaan ag anak natin?

AMANDA: Nakatulog nang maaga dahil sa pagod siguro sa biyahe natin…kumusta pala meeting mo sa Manila?

ALFRED: Yon pinasa ko proposal ko sa kanila..sana ma-approve..

AMANDA: Sa tingin mo kalooban ng Diyos itong mga desisyon natin?

ALFRED: Di ba ito rin naman ang gusto mo para makaranas ka ng marangyang buhay… Di ba pinag-usapan na din natin ito?

AMANDA: Oo nga… kaya lang… (hindi itutuloy ang sasabihin) … sige matulog na nga tayo (aalis sila sa stage at papasok sina Gayle at A)

 

GAYLE: Oh, Ana ..bakit nandito ka?... inaabangan mo ba ako?

ANA: Oo nga eh…

GAYLE: Sama ka sa akin? Dating gawi…

ANA: Gayle… hindi… gusto lang kitang paalalahanan… sana bumalik na tayo sa dati…yong malapit sa Panginoon…

GAYLE: Eto ka na naman eh…

ANA: Noong kamuntik na akong mamatay… naisip ko na maigsi talaga ang buhay…at binigyan pa ako ng Diyos ng chance… di ba mas maganda na habang bata pa tayo at may oras pa tayo ay maging kagamit-gamit na tayo sa Diyos?…Pinaalalahanan kita dahil kaibigan kita at mahal kita…

GAYLE: Salamat…pero sa sitwasyon ko ngayon… mahirap umalis… darating sin tayo diyan… sige alis na ako (tatalikod)

ANA: Gayle!  (medyo pasigaw at si Gayle ay hihinto sa paglakad)… Sana pagdating ng oras na yon… hindi pa huli ang lahat…

(LIGHTS OFF)

SCENE 4: (house background)

Props: table with food, plate and spoon

Music: Melancholy sad piano

(Si Lorna nakatulala)

 

ANA: Ate Lorna kumain ka na… (hindi iimik si Lorna at ang nana yang lalapit)

ADELA: Anak… kumain ka na… manghihina ka niyan…Ana dalhin mo rito ang paboritong pagkain ng ate mo (ilalapag ni Ana ang plato)

ANA: Ate… ito na ang paborito mong ulam…

LORNA: (Ibabagsak ang mga gamit) Lumayo kayo sa akin… Ikaw! … bakit ka nandirito? Bakit ikaw naligtas? Bakit ang mga anak ko hindi? (Magugulat si Ana at iiyak)

 ANA: Ate… wala akong kasalanan…

LORNA: (lalapit kay Ana at hahawakan ang balikat)… Anong wala!!! Meron!!!

ANA: Ate… (iiyak lang)

ADELA: (lalapit si Adela at pipigilan si Lorna) Ano ka ba LORNA!!! Anak huwag ka naming ganyan… huwag mo namang isisi sa iba ang mga nangyari… May rason ang lahat ng bagay… Anak lakasan mo naman ang loob mo…

LORNA: Lakasan ang loob ko? Paano? Sabihin nyo nga kung paano?... Ma… nawalan ako ng mga anak!

ADELA: Nawalan din ako ng asawa… ang papa mo…

LORNA: Ma… si Jerry at Jenny ang nawala…isipin ninyo dalawang anak kong pinakamamahal ang namatay…dalawang anak ko…wala ng natira sa akin (hahagulgol na iyak)

ADELA: Anak, mahal ko rin ang mga apo ko…

LORNA: Hindi ninyo naiintindihan…sila ang rason bakit ako nagsisikap ng ganito… Wala na akong dahilan para mabuhay…

ADELA: Anak… may dahilan pa…andiyan ang Diyos…Anak… hindi kaya… panahon na para isuko mo ang buhay mo sa Panginoon anak…tanggapin mo SIya sa buhay mo…

LORNA: Sige nga Ma… sabihin ninyo sa akin. Paano ko isusuko ang buhay ko sa Diyos na hinayaan Niya akong magdusa ng ganito?

ADELA: Huwag mong sisihin ang Diyos anak!

LORNA: Sino ang sisisihin ko? Kayo?... Sabagay nagtataka nga ako, magaling kayong lumangoy at kasama kayo sa rescuer, naligtas ninyo ang iba pero bakit hindi ninyo man lang nailigtas kahit isa man sa kanila… maging si Papa? (iiyak)

ADELA: Hindi mo  lang alam kung ano ang paghihirap ko…

LORNA: Ma pasensiya na ha hindi ko kasi matanggap na ang isang rescuer na kagaya ninyo, wala man lang nailigtas kahit isa sa pamilya niya… Tama kayo Ma… naghirap kayo- naghirap kayong iligtas ang iba… Bakit ganon? Hindi ko maintindihan…

ADELA: Anak… (biglang aalis si Lorna) 

(LIGHTS OFF)

SCENE 5: (labas ng bahay – nakaabang si Amanda sa durungawan at may hinihintay)

Props: no chair

Music: Remember

 

AMANDA: (hihilahin si Gayle) Halika nga dito… mag-usap tayo… Sino yong nakita kong kayakap mo sa sulok ha?

GAYLE: (magugulat)… ate nasasaktan ako…

AMANDA: Tinatanong kita! Sino yon?

GAYLE: Wala yon ate…. (iiyak)

AMANDA: Sino yon?  (pasigaw) boyfriend mo ba yon? (hindi iimik si Gayle)… Magslaita ka!!!

GAYLE: (umiiyak) … Si Richard yon ate… (pause)… tama ka ate boyfriend ko…

AMANDA: Sinungaling ka!... sinabi mong wala kang boyfriend … (iiyak) … alam mo naming naghihirap ang mga magulang natin sa ibang bansa… kahit na matanda na sila nagtatrabaho pa rin para lang may pantustos saiyo at sa pamilya natin sa Bisaya… tapos ito pa igaganti mo… pag-aaral ng mabuti at magandang disposisyon sa buhay ang gusto lang kapalit ng magulang natin…tapos ito pa ginagawa mo… kawawa ang mga magulang natin…(iiyak)

GAYLE: Ate sorry… ate… sorry po…

AMANDA: Di ba nag-usap  na tayo… pinag-usapan natin ito noon… nakalimutan mo na baa ng pangarap natin nila Papa at Mama…

GAYLE: Hindi ate… hindi ko nakakalimutan…  

AMANDA: Eh anong ginagawa mo ngayon…

GAYLE: Aywan ko… bigla kasi akong nalungkot nang umalis kayo… Kayo kasama ko palagi sa lahat ng bagay, lalo na sa ministry… ganon pala yon, nalungkot talaga ako at parang wala akong ganang gawin yong ginagawa natin dati… tapos ang tagal kayong nawala… ang kasama ko lagi dito si manang… parang feeling ko malaya akong gawin ang lahat ng bagay… walang pumapansin sa akin sa mga ginagawa ko… Hindi na rin ako nakakapakinig ng mga mensahe hindi kagaya dati… ate sana bumalik yong dati nating ginagawa… 

AMANDA: Gayle… Alam ko may pagkukulang kami sa Diyos… sana huwag mong ibase sa iba ang paglilingkod mo dahil hindi palaging andiyan kami sa tabi mo… Sa Dios ka tumingin at umasa… Okay ba yon? (Tatango lang si Gayle at yayakapin siya ng ate)

(LIGHTS OFF)

SCENE 6: (church ground)

Props: three chairs

Music: Violet- winter sonata

 

SAM: Andiyan na si kuya Benjie!... (lalapit kay Benjie)… Laro tayo kuya Benjie?

BENJIE: Mamaya na lang ha?... (tatango si Sam)

MALCHUS: Wala ka na naman noong linggo ahh?... Mabuti pa saiyo si Sam nakaka-aatend.

JACKIE: Oo nga…Ilang beses ka na rin na hindi sumama sa KFJ choir.

MALCHUS: Mabuti pa sayo si Sam nakakapag-choir..

BENJIE: Dito naman kasi nakatira yan sa church…

JACKIE: Kahit na… nagigising naman kaya siya ng maaga… DI ba Sam? (tatango si Sam) High five nga tayo Sam!

BENJIE: May pinuntahan kasi kami nila Mama eh…

MALCHUS: Bakit hindi mo sinabi na may choir tayo ng 4th Sunday?

BENJIE: Sinabi ko kaya…

JACKIE: Ows…bakit tuwing Sabado o Linggo ang biyahe ninyo?... baka gusto mo lang kasing gumala din…

BENJIE: Hindi kaya… kahit sabihin kong may choir, eh ano magagawa ko bata lang ako… sunod-sunuran sa magulang…

JACKIE: Bahala ka nga… (kakalabitinsi Benjie at ituturo si Malchus na nakatulala at nag-iisip)

BENJIE: Hoy!...anong iniisip mo?

 

MALCHUS: Naalala ko lang sila Jerry at Jenny… Hindi kaya multihin nila tayo dahil minsan inaaway natin sila?

JACKIE: Sabi ni teacher Brenda hindi na raw bumabalik ang kaluluwa.. kaya hindi yon…

 

MALCHUS: Sabi naman ni teacher Sally… nagshare daw siya ng kaligtasan kila Jerry at Jenny… tinanggap daw nila si Jesus sa puso nila… Naisip ko din… Ako kaya tinanggap ko na ba si Jesus sa puso ko… pUpunta ba ako sa langit o sa impiyerno?

 

JACKIE: Kaya yan si Benjie  pag hindi nagsisimba, pupunta yan sa impiyerno…

 

MALCHUS: Hindi kaya ganon… sabi ni teacher pupunta raw sa impiyerno pag hindi naniniwala sa Diyos at hindi tinanggap si Jesus sa puso…

 

JACKIE: Ang tanong tinanggap mob a si Jesus, Benjie? (hindi iimik si Benjie)

 

MALCHUS: Halika na nga… bigla akong napagod sa kakaisip… punta tayo sa tindahan at bili ng meryenda.

 

JACKIE: Kain ka na naman… tataba ka masyado niyan…

 

MALCHUS: Inggit ka lang dahil payatot ka… ibibigay ko taba ko saiyo…

 

JACKIE: Wag na… baka maging baboy ako kagaya mo… (tatawa at tatakbo, hahabulin siya ni Malchus)

 

MALCHUS: Hindi kita ililibre…

 

JACKIE: joke lang pala! (maiiwan si Benjie sandali sa stage at aalis din sa stage)

 

(LIGHTS OFF)

 

 

SCENE 7: (house background)

Props: table with food and two chairs

Music: Remember

(Si Lorna ay nakatulala sa hapag kainan… sina Ana at Adela nag-uusap sa kabilang stage)

 

ANA: Mama… iba na ang kinikilos ni ate…

ADELA: Anak, pagpasyensahan mo na ang ate mo ha…

ANA: Alam kop o yon… kaya lang naaawa ako kay ate..

ADELA: Isama mo siya lagi sa panalangin…

ANA: Opo…

ADELA: Lalapitan ko muna ang ate mo… (lalapit kay Lorna)… Lorna … anak

LORNA: (magugulat at biglang tatayo)… Oh Ma… andiyan pala kayo… sabay na kayo… nagluto ako ng masarap na ulam…

ADELA: Bakit andaming pagkain?

LORNA: Siyempre para kila Jerry at Jenny…

ADELA: Anak…

LORNA: Maupo na kayo Ma…

ADELA: Anak…wala na sila Jerry at Jenny

LORNA: Mama andito sila… narinig ko nga mga boses nila… pinaghandaan ko nga sila ng paborito nilang ulam eh…

ADELA: Lorna…Anak…alam ko masakit pero tanggapin mo na…

LORNA: Ma… andiyan lang sila sa kuwarto nagbibihis… Teka tawagin ko sila…

ADELA: (hihilahin si Lorna) Anak… patay na sila…

LORNA: Ma… hindi… bitiwan ninyo ako Ma…

ADELA: Anak… ano ka ba!

LORNA: Bitiwan nyo ako Ma… pupuntahan ko sila…

ADELA: Anak… patay na sila!!! (pasigaw)

LORNA: Ma… hindi… hindi puwede yon… buhay sila… Jerry!!! Jenny!!! Halika nga kayo dito!

ADELA: Anak… (yayakapin ang anak)… anak wala na sila… patay na sila anak… andito lang ako… hindi kita pababayaan…

LORNA: Mama… (hahagulgol) Mama!!! (matagal na iyak)… Hindi ko na ata kaya para na akong mababaliw… kahit saan ako bumaling naaalala ko sila… Noong iniwan ako ng asawa ko, nakayanan ko pa… pero ito…hindi ko na ata kaya…. Mahal ko ang mga anak ko…Ma… bakit… bakit hindi mo sila nailigtas? Bakit ma? Bakit ma? Bakitttt? (iyak)

ADELA: Anak… sorry… akala ko nasa ligtas silang lugar… dinala ko sila sa evacuation center pero hindi ko alam na may tubig na raragasa sa kanila… Anak… mahal na Mahal ko sila Jerry at Jenny … pero hindi ako ang may hawak ng buhay…

LORNA: Mama… nahihirapan na ako…namimiss ko ang mga anak ko… MGA ANAK!! Mahal ko kayo!!!

(LIGHTS OFF)

 

SCENE 8: (house background)

Props: two chairs

Music: I Miss You instrumental

 

AMIE: Kumusta na si Lorna?

 

ADELA: Hindi pa rin okay eh…Minsan nagtatanong ako sa sarili ko… Hindi naman saying ang pagsuko natin ng buhay sa Diyos di ba?

 

AMIE: Oo naman… bakit mo nasabi?

 

ADELA: Iniisip ko lang… mula nang makilala ko ang Diyos, lumawak ang kaalaman ko sa Bibliya at sa buhay… pati na rin ata sa problema tumataas na rin ang antas…pahirap na rin ata ng pahirap…Sa tagal ng panahon ng pagsuko ko ng buhay sa Diyos… akala ko lahat ng hirap ng damdamin naranasan ko na… pro ito ang hirap din (garalgal na boses)

 

AMIE: Alam mo Adela walang pagsubok na binibigay ng Diyos na hindi natin kaya… kasama natin Siya…

 

ADELA: Tama ka… sabi sa Bibliya… sa 1 Corinto 10:13 di ba? (tatango si Amie)… walang pagsubok na binibigay ng Diyos na hindi natin kaya… pero sa totoo lang… aaminin ko saiyo… nahihirapan talaga ako…Na mi-miss ko ang asawa ko…masarap di ba amglingkod na kasama mo ang mahal mo sa buhay?... Sabay  kayong magsimba…manalangin at maglingkod pero ngayon ang hirap…grabe talaga (naiiyak)…pakiramdam ko…ito na ang pinakamasakit na problemang naramdaman ko… Sa ganitong problema, masusubok talaga kung magsusuko ka pa ng buhay… kung wala ka ng kasama o wala na ang pinakamamahal mong tao…

 

AMIE: Adela, alam ko masakit yang nararamdaman mo… pero may nakalimutan ka…Nakalimutan mo yong panghuling pangungusap sa verse na ito…ang sabi… “pagdating ng pagsubok, bibigyan kayo ng lakas ng Dios para mapagtagumpayan ito…

 

ADELA: Oo nga… tama ka… Pero di ko pa rin maiwasan ang malungkot at magtanong

kung anong rason ang lahat ng bagay  na ito… mabuti ka pa maayos ang buhay mo

 

AMIE: Akala mo lang yon… Alam mo kahit hindi mo nakikita sa ngayon ang tunay na dahilan ng lahat ng bagay… alam ng Diyos ang tama para sa atin…Magpasalamat ka pa rin sa Diyos dahil… kahit nawalan ka ng minamahal sa buhay… alam mon a makakapiling sila ng Panginoon sa langit… (iiyak)… pero ako hindi…noong naaksidente ang mga magulang ko, akala ko may pagkakataon at panahon pa…pero hanggang sa huling sandali… hindi nila natanggap sa kanilang puso ang kaligtasan ng Diyos…Sa ating mga kristiyano masakit ang ganong sitwasyon lalo alam natin na may impiyernong patutunguhan ang tao at ang layunin natin na ibahagi ang kaligtasan… Naisip ko lang … Hindi ba pagpapala na hindi nakasama si Lorna sa trahedya dahil hindi pa siya nakakakilala sa Diyos… Kaya maganda siya ang pagtuunan mo ng pansin ngayon…. (tatango si Adela)

 

(LIGHTS OFF)

SCENE 9: (house background)

Props: two chairs

Music: From the beginning until now instrumental

 

AMANDA: Anak… hindi puwedeng maiwan ka dito… hindi ako mapapakali kung si Manang lang ang mag-aasikaso saiyo… one week kasi tayo sa Baguio…

 

BENJIE: Nalulungkot po kasi ako…

 

AMANDA: Bakit naman?

 

BENJIE:  Wala po… (babaling at kukunin ang tablet)

 

AMANDA: (hahawakan ang tablet)… Anak… bakit nga?

 

BENJIE:  Nami-miss ko po kasi yong dati

 

AMANDA: Anong dati?

 

BENJIE:  Dati po hindi tayo nawawala sa church, sa prayer meeting, worship service at Gospel Hour; andoon tayo palagi… Ngayon bihira na tayo magsimba at minsan naman worship service na lang… Alam mo Ma (iiyak)… Naiinggit ako kila Jackie at Jjavhan kasi lagi sila kasama sa activity…

 

AMANDA: Anak… ako din naman nahihirapan… pero ganon talaga…

 

BENJIE:  Bakit po ganoon… Hindi nap o pastor si Daddy? Dati nakikita ko sa program PASTOR ALFRED RIVERA pero ngayon hindi na nakalagay…

 

AMANDA: (maiiyak) May pinili ang daddy mo na akala niya mas makakabuti sa atin… pero pag pray natin si Daddy ha…

 

BENJIE:  Nalungkot din po ako dahil namatay sila Jenny ay Jerry kahit bata pa sila… Paano pag ako namatay, pupunta ba ako sa langit mommy?  Okay lang din ba na hindi tayo magsimba?

 

AMANDA: (iiyak at yayakapin ang anak… hahawakan ang balikat bago magsalita ulit)… andami ko na palang nakakaligtaan…(biglang darating si Alfred)…

 

ALFRED:  Amanda! Amanda!

 

AMANDA: Ipapaliwanag ko sayo mamaya sa kwarto…(sasalubingin nila si Alfred… magmamano si Benjie at pupunta sa kwarto)

 

AMANDA:  Anong meron at anlakas ng sigaw mo?

 

ALFRED:  Good news! Nasama ako sa pagpipilian ng mapopromote at yong business proposal ko kay Mr. Lee approved na… tuloy- tuloy na ang biyahe natin…

 

AMANDA:  Eh.. di maganda pala…

 

ALFRED:  Bakit parang malungkot ka? Hindi k aba masaya?

 

AMANDA:  Masaya naman kaya lang may mga nagpa-alala sa akin ng ilang mga spiritual na bagay, may narealize ako sa mga pangyayari dito sa bahay… ang anak mo pala nagtatanong hindi ka na raw ba pastor?...

 

ALFRED: Anong sinagot mo?

 

AMANDA:  Sinabi ko lang na may mas pinili ka na akala mo mas kailangan… naisip ko lang… pag nagsuko ka ba ng buhay sa Panginoon, puwede rin bang bawiin ito at sabihin na ito’y may hangganan? Di baa ng Diyos hindi naman niya binabawi ang sakripisyo at kung ano ang ginawa niya para sa atin…

 

ALFRED: Hindi ka na ba masaya? (garalgal na boses)

 

AMANDA:  Masaya naman ako dahil kasama ko kayo ng anak natin… pero mas masaya pala pag nasa ministry… alam ko tinawag ako gn Panginoon para maging kabahagi sa gawain at ipahayag ang kaligtasan sa tao…

 

ALFRED: Ganon ba… kilala kita na mahilig sa mga bagong damit at maraming pagkain… akala ko mas masaya ka dahil marami kang nahahain sa hapag at naisusuot na mga damit…

 

AMANDA:  (iiyak)… tama ka… mahilig ako sa mga bagong mga damit at iba pa… Pero hindi iyon angsusi sa tunay na kaligayahan… Sorry kung noon nagrereklamo ako sa ganong mga bagay… Pero na realized ko (iiyak) hindi naman tayo pinagkulang ng Diyos noon di ba? (tatango si Alfred)… Nagbago na baa ng panawagan mo sa Diyos?

 

ALFRED: Hindi nagbago… (magiyak-ngiyak) ako ang nagbago… Iniwan ko ang ministry dahil pakiramdam ko wala akong kasama o partner sa Gawain… Pinagbigyan ko ang kagustuhan mo at alam kung mali yon dapat pinag-isipan anting mabuti at pinalangin… Pero mahirap naman sa ministeryo ng pagpapastor kung hindi ko maiayos ang pamilya ko… Akala ko masaya ako, pero sa kaibuturan ng puso ko hind kasayahan kundi kakulangan… Naisip ko lang ngayon puwede naman na ituloy ang proposal natin, ikaw ang mag-asikaso at ako naman sa gawain… Payag ka?

 

AMANDA: Tama… oo payag ako.. yong offer sa work yon ang i-give up natin… Magiging supportive na ako saiyo sa gawain…

 

ALFRED: Salamat sa Dios at binigyan Niya tayo ng liwanag sa ang ating nilalakaran…

 

(LIGHTS OFF)

 

SCENE 10: (house background)

Props: four chairs in the middle stage

Music: Inside the Memories instrumental

 

AMANDA: Kumusta ang ate mo?

 

ANA: Salamat ate Amanda at andito ka… si ate hindi pa rin okay… minsan nawawala sa sarili… Sinisisi niya rin kami sa pagkawala ng mga anak niya…

 

AMANDA: Kakausapin ko ang ate mo… pipilitin kong mabahaginan siya ng Salita ng Diyos…

 

ANA: Sige nga po…

 

AMANDA: Hindi ko kayang mag-isa ito… manalangin tayo… (magpipray)…

“Panginoon, gabayan mo po ako sa pakikipag-usap kay Lorna, tulungan mo po siyang buksan niya ang puso niay sa pagpapatawad at isuko niya ang buhay niysa Sainyo… Sa pangalan ni Hesus, Amen!  (Tatapikin sa balikat si Ana then lalapit kay Lorna… nasa kabilang stage)…. Lorna!

 

LORNA: Anong masamang hangin ang nagdala saiyo dito?

 

AMANDA: Nabalitaan ko ang nangyari…

 

LORNA: Masaya ka dahil ganito nangyari sa buhay ko

 

AMANDA: Wala naman akong ganong kaisipan… may pinagsamahan naman tayo di ba?

 

LORNA: Kaibigan… pero noon yon…

 

AMANDA: Humihingi ako ng tawad sa sakit ng damdamin na binigay naming saiyo ni Alfred…

 

LORNA: Nakaraan na yon… huwag mo nang ungkatin…

 

AMANDA: Hindi ko alam na mahal na mahal mo pala siya…

 

LORNA: Sinabi ng huwag ng ungkatiin pa!!!

 

AMANDA: Hindi puwede, kailangan kong ungkatin para magpaliwanag at magsorry.. dahil yon ang dahilan bakit nasira ang pagiging magkaibigan natin…Alam mo gusto kitang madala sa Panginoon at makasama sa Gawain kaya humingi ako ng tulong kay Alfred na madala ka sa church…Hindi ko naman alam na siya yong binabanggit mo sa akin na mahal na mahal mo at gustong mong makilala…

 

LORNA: Tapos na yon sa akin… may kanya-kanya na tayong buhay kaya tama na…

 

AMANDA: Kung tapos na yon bakit kahit minsan ayaw mong sumama sa mama mo para magsimba kahit sa espesyal na okasyon…

 

LORNA: May religion kayo at ako din may sarili akong religion.. yon lang yon…

 

AMANDA: Hindi naman ito religion ang tinutukoy ko… hindi ako naniniwala sa sagot mo…

 

LORNA: Bahala ka… eh di huwag…

 

AMANDA: Pakiusap Lorna… gusto kong magkaayos tayo… gusto kong malaman mo din na may nananalangin sayo lalo na sa pinagdadaanan mo ngayon…

 

LORNA: Eh anuman sayo kung may problema ako…

 

AMANDA: Lorna naman kaibigan mo ako…

 

LORNA: Kung itinuturing mo akong kaibigan, bakit di ka nagsabi ng totoo?

 

AMANDA: Kagaya ng sinabi ko… hindi ko alam… SI Alfred matagal na kaming magkakilala sa Bible School pa sa Manila. Pinagpipray naming ang bawat isa kung kami talaga ang kalooban ng Diyos…

 

LORNA: Hindi mo kasi naiintindihan… Hindi mo kasi naranasan ang paasahin ng isang tao… Sabagay matagal na yon kaya lang dahil sa ganong damdamin ko nagbunga yon ng mga maling desisiyon… Nagpakasal ako sa maling lalaki… at tuluyan ko nang nilayo ang sarili ko sa simbahan na noon na nakikita kong masaya…

 

AMANDA: Dahil sa kagustuhan kong madala ka sa Panginoon, gumamit ako ng iba para madala ka lang… Mas nanangan ako sa iba kesa sa Diyos….

 

LORNA: Sa ginawa mo… lalo mo akong inilayo sa simbahan…

 

AMANDA: Layunin ng bawat kristiyano ang magdala ng kaluluwa o ibahagi ang kaligtasan ng Diyos… Kaya kung alam mo lang na sobrang sakit sa akin ako ang naging dahilan ng hindi mo paglapit sa Diyos… at pagkasira din ng pagkakaibigan natin… Sa tagal ng panahon… sa totoo lang name-miss ko ang yong pakikipagkaibigan natin… Lorna… (iiyak)…. Sana mapatawad mo ako… (matagal na hindi sasagot si Lorna at aalis na lang si Amanda)

(music background…. Then fades)

 

LORNA: Amanda… Huwag ka umalis (pause)… (lilingon si Amanda)… salamat dumating ka… Hindi ko alam ang nagyari sa akin pero bigla na lang gumaan ang pakiramdam ko… siguro dahil nasabi ko na ang dapat kong sabihin… Matagal na din naman yon…at gusto ko nang makawala sa ganong damdamin… Kailangan ko ng kaibigan lalo na ngayon… sa totoo lang  namiss ko rin ang bonding natin (ngingiti si Amanda at lalapit si Lorna)…

 

(LIGHTS OFF habang lumalapit si Lorna at magbilang ng  5 -8 seconds at LIGHTS ON ulit- at apagbukas ng ilaw nagpipray si Amanda at Lorna)

 

AMANDA: (sasabay si Lorna sa prayer)

Panginoon patawarin mo ako sa aking mga kasalanan. Naniniwala ako na Ikaw ay Diyos at ang aking Tagapagligtas. Panginoon tinatanggap kita sa aking puso bilang Panginoon ko at Tagapagligtas… Sa pangalan ni Hesus, AMEN!... (tatayo sila at yayakapin ni Amanda si Lorna) … Salamat sa Panginoon… (biglang darating sila Adela)

 

ADELA: Tamang-tama ang dating naming ni Pastor Alfred ahh… may dala kaming pagkain… pagsasaluhan natin…(Magngi-ngitian ang bawat isa)

 

AMIE: Reunion ba to… tamang –tama ang pagdalaw ko ahh.. kumusta ka na Lorna…

 

LORNA: (magmamano si Lorna kay Amie) Mabuti na po…

 

GAYLE: Hello everybody… andito ako…

 

AMIE: Oh, humaba na ang palda mo ahh

 

GAYLE: Talaga to si ate Amie oh… huwag mo ng pansinin…

 

ANA:  Take note… nagsuko na rin ng buhay yan… nagcommit yan sa gawain… (tatawa sila ni Gayle at mag-aapir ang bawat isa… si jjavhan naman sumisilip)

 

JJAVHAN: Benjie!!!... Jackie!!!...Mamaya na ulit tayo maglaro… labas kayo… may pagkain pala dito… (lahat ay uupo at magkakainan sa lamesa)

 

 

(- The end- )

Performed: CBT's 31st Anniversary

(August 03, 2014)

 

 

NARRATOR:

Nakita natin na hindi natin kayang magpatuloy ng wala ang Panginoon sa ating buhay kaya’t ang pagsuko sa Dios ng ating buhay ay hindi sayang… Kahit na nasa mahirap man tayong kalagayan s abuhay kristiyano, mainam pa rin na magtitiwala tayo sa Diyos dahil Siya ang nakakaalam ng lahat ng bagay. Sana sa dulang ito ay maging paalaala sa atin na bawat problemang dumarating sa atin ay may rason at hindi tayo bibigyan ng pagsubok na hindi natin kaya…Higit sa lahat, hindi tayo pababayaan ng Diyos!

 

Comments

Popular posts from this blog

CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "PANGARAP NA PAMILYA" by krisha

CHRISTIAN TAGALOG DRAMA SCRIPT TITLED "PINAGKAITAN NG LIWANAG " by krisha412