PUSO NG PASKO (CHRISTIAN DRAMA)

 

PUSO NG PASKO

Krisha412, December, 2012

CAST:

  • RICA: Maricris Anilao 
  • ROLLIE: Pastor Rod 
  • JENNY: Neizel Pascual 
  • CARINA: Mary Ann Osorio 
  • TANYA: Joan
  • ANGEL: Nicole:
  • THEA: Kathleen faith 
  • ADEL: Lennard Llamado 
  • JAY-JAY: Ian Biado 
  • JESSIE: Jonas Bumotad

Narrator:


Sa mundong ating ginagalawan, minsan kahit na ang mga Kristiyano ay hindi maiwasan na tingnan ang mga bagay at mga taong nagbibigay sa atin ng dahilan para ipagdiwang ang pasko. Ngunit minsan dahil din dito at sa mga bagay na nangyayari sa atin nakakalimutan natin ang pinaka mahalagang dahilan ng pasko. Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang ang “Puso ng Pasko.”

Scene 1:

Background Music: ambulance and TRACK 4 = MY MEMORY)

Props: folding bed

Lights: right side first then center stage on the 2nd part 

(NASA GILID NG STAGE SI RICA AT UMIIYAK AT DARATING SI CARINA)

CARINA: aTE… Kumusta si Mama?
RICA: (garalgal na boses)… Wala na si mama..(iiyak) 
CARINA: Hindi!...   mama!!!   Gumising   kayo…marami   pa   ako sasabihin sainyo… Ma! Ma (hagulgol)
RICA: Carina… Tama na… wala na si mama
CARINA: Ate…Hindi pwede… Hindi pa ako nakakahingi ng tawad… Ma.. patawad… Ma! (pasigaw) LIGHTS OFF

Scene 2:

Props: table in the left side with 4 chairs; plates,spork and food

Lights: left stage only on the first part then center stage on the 2nd part

RICA: Pumunta pala dito si auntie Loring kahapon, doon daw tayo magpasko sa kanila?
ANGEL: Sige ate… para masaya naman ang pasko natin
ROLLIE: OO agad itong si Angel oh! Pagkain at regalo lang naman ang habol
ANGEL: Hindi noh!.... Si Ate Carina pala kasama din?
RICA: Aywan ko, tingnan natin… Ikaw Rollie, okay lang ba saiyo?

ROLLIE: Okay lang… kahit ano… wala naman atang gawain non sa church eh.. alis pala ako ngayon ate… sasama ako kay pastor sa Pampanga?

RICA: Sige.. oh, Jenny, ikaw?
JENNY: Wag na… sanay na naman tayo na hindi nagcecelebrate pag pasko eh at kanya-kanya pag pasko?...
RICA: Sayang naman pag di tayo pumunta?
JENNY: Basta… ayaw ko eh..
ROLLIE: Alam mo ate… ilang taon na nakalipas, hindi pa niya nakakalimutan ang nakaraan kaya ganyan… Hindi pa niya maisuko… Nagsesenti na naman (Mag-stay lang ng konti at kakamot sa ulo at aalis)
JENNY: Alis na ako- nawalan na ako ng gana...
RICA: Diyan ka lang… Huwag ka umalis…
JENNY: nawalan na ako ng gana...

RICA: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 5 = WINTER SONATA-PIANO) (aalis pa rin si Jenny)… Sinabi ko ng wag kang umalis... Lagi ka na lang ganyan… Ano ka ba ha, ano ba yang pinagpuputok ng butse mo?

JENNY: Wala ate… wala... (pasigaw at umiiyak)..
RICA: Wala? bakit ganyan… pwede ba ilabas mo yang nasa loob mo… Gusto ko lang naman magsama-sama tayo pag pasko at inimbitahan naman tayo ni Auntie.
JENNY: Ayaw ko ate! Hindi ko pa kaya… (iiyak)…Alam kong may dahilan para magsaya pero hindi ko ito maramdaman… Saganitong okasyon, Lagi kong naaalala ang mga nagdaan sa buhay natin…
RICA: Mahirap pero Pwede bang wag na lang natin isipin yon… 
JENNY: Pwede bang hindi maisip yon ate… Pasko nang iwan tayo ni Tatay… pasko din nang mamatay si nanay… pasko din ng mawalan tayo ng bahay… Ano pa ate… maraming pasko na ang nagdaan na hindi tayo nag-ce-celebrate tapos ngayon sasabihin mo sa akin na magce-celebrate tayo…
RICA: Hindi mo pa rin pala nakakalimutan..Naiintindihan ko…Pero sana tanggapin na lang natin at may dahilan pa rin para magcelebrate…
JENNY: Nasanay na akong walang celebration…Kayo na lang ate magcelebrate…! (aalis)

LIGHTS OFF

 

Scene 3:

Props: 3 chairs on the center stage

Lights: center stage on the 1st part then lights on the 2nd part

ANGEL: JAY-JAY, patulong naman sa assignment oh… parang mali eh… sige na
JAY-JAY: Ako, ako pa ang hingan mo ng tulong sa assignment na yan… sobrang talino ko kaya para jan!!
JESSIE: Ay naku...nakakatawa… 
ANGEL: Hindi ko kasi alam kong tama eh.. nagdududa ako sa sagot ko..
JAY-JAY: Ikaw naman sa akin ka pa umasa…
JESSIE: Ayun oh… makakatulong sainyo… 
JAY-JAY: Oo nga si Thea… Kaya lang hindi na siya umaattend di ba?… 
JESSIE: Eh.. ano naman…Naging kaibigan naman siya ni Angel… 
ANGEL: Subukan ko… (lalapit si Angel)…Oh, Thea… 
THEA: Ikaw pala angel.. kumusta?
ANGEL: Okay naman… nagawa mo na ba assignment natin?
THEA: Siyempre ako pa, matalino kaya to?
ANGEL: Favor naman oh.. I check mo naman sagot ko oh.. kung tama..
THEA: Sige ba, basta ilibre mo ako eh…
ANGEL: Wala nga akong baon eh…
THEA: Kawawa ka naman…ako na malilibre sayo… Teka, nabanggit mo sa akin na baka lilipat ka na ng school next year, tuloy na ba yon? Sayang naman, matagal ka na dito
ANGEL: Oo nga eh.. hindi ko pa alam eh… Ipapagpray ko na lang muna… Bakit hindi na nga pala kyo uma-attend sa church, antagal na ah?
THEA: Oo nga eh… busy kasi sila mommy eh…
ANGEL: Eh sana ikaw na lang…
THEA: Busy din kaya ako, pinasali ako ni mommy sa mga activities para maka-explore ako at ma-train... May ikukuwento pala ako.. alam mo si Richard.. yong crush ko ng Elementary, nanliligaw sa akin… eew.. nakakakilig
ANGEL: Talaga to oh…

 THEA: Oh, ikaw kumusta na yong crush mo?

ANGEL: Wala na… madami ako problema kaya di ko muna ini- intindi yon!
THEA: Ows.. halika na nga.. punta na tayo sa canteen, ililibre kita..

LIGHTS OFF

Scene 4: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 2 = REMEMBER)

Props: no chairs on the center stage

Lights: center stage only

JENNY: Ate hinanap mo raw ako, bakit?
RICA: Ayaw kong sabihin sana ito saiyo kaya lang kailangan eh. Alam kong nangako ako saiyo pero Hindi kakayanin kung mag-aaral ka itong 2nd sem ha?
JENNY: Sabi ko na nga ba Ganon naman talaga di ba? Lagi akong hinuhuli…
RICA: Jenny, Hindi naman sa ganoon, si Kuya Rollie mo isang taon na lang matatapos na kaya siya muna dahil hindi kaya sa budget.
JENNY: Ah.. mas bata ako kaya ako mahuhuli, ganon ba yon.. baka naalala mo ate hindi lang ito minsan…. nangyari na ito?
RICA: Pwede palawakin mo naman ang isip mo, Alam mo naman ang naging sitwasyon natin di ba?

JENNY: Yan na naman ate eh…Alam ko na yon…sana palawakin nyo rin ang isip nyo..makaalis naa nga… ((maiiwan si Rica at darating si Angel)
ANGEL: Ate.. Umiiyak ka ba?
RICA: Hindi ka pa pala tulog… medyo nalulungkot lang ako at may konting iniisip… pero okay lang ako…kumusta na school mo?
ANGEL: may sasabihin pala ako saiyo ate.. Kasi may parents’ meeting sa school pag-uusapan ang Christmas Party.. Tapos may binigay sa akin na sulat ang Accounting Office… (bubuksan ang sulat ni Rica).. Malaki na utang natin ate no, sa tuition ko?
RICA: Punta na lang ako sa school nyo next week, hayaan mo na ako mag-intindi nito ha basta mag-aral ka mabuti.
ANGEL: Ate, hindi na ako bata, high school na ako, kaya nararamdaman ko na ang sitwasyon natin dito sa bahay… lipat na lang kaya ako ng school.
RICA:  Malaki ang adjustment saiyo matagal ka na sa school na yan, kinder ka pa lang.. at iyan ang pangako saiyo ni mama di ba? (tatango si Angel)… Mahirap na lumipat sa ngayon nasa kalagitnaan na ng taon…

ANGEL: Naawa kasi ako saiyo ate eh… Mag-apply na lang kaya ako scholarship?


RICA: Kaya mo ba?

ANGEL: Kakayanin ko ate… (ngingiti si Rica at aakbayan ang kapatid) LIGHTS OFF

Scene 5: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 1 = “REASON”)

Props: no chairs on the center stage

Lights: center stage only

ROLLIE: Napasyal ka, anong meron?
CARINA: Wala.. Kumusta na, anjan ba sila ate Rica?
ROLLIE: Umalis si ate, pero parating na iyon… aywan ko lang si Jenny kung nasaan… O paano iwan muna kita, may Bible Study ako eh… (Aambang aalis)
CARINA: Rollie, patawad ha, hindi ko naabot ang expectations nyo

 ROLLIE: Tama ka… umasa kami lalo ang ate pero Kung ang Panginoon nagpapatawad ako pa kaya!... Alis na ako..

CARINA: Salamat… (parating si Rica sa stage)
RICA: Bakit ka nandito?
CARINA: Napasyal lang ate…Ate patawad ha… (Hindi umiimik ang ate at lalapit si Carina).. Alam kong inaasahan nyo na makakatapos ako ng pag-aaral, patawad ate…
RICA: Sa totoo lang nasaktan ako…Alam mo naman ang buhay natin di ba at ang mga pinagdaan natin at nong time na yon Ikaw ang inaasahan ko na makakatulong sa akin tapos ganon pa ang nangyari…Naiintindihan mo ba ako?
CARINA: (tatango si Carina) Ate, pinagsisihan ko ang aking ginawa, inihingi ko na ng tawad sa Panginoon…Ate pinatawad mo na ba ako?
RICA: Kahit nasaktan talaga ako… hindi kita matitiis.. Kapatid kita..

CARINA: Salamat ng marami ate… Gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko… Hindi ninyo lang alam kung anong hirap ng kalooban ang naranasan ko… Marami ang naapektuhan, lalong lalo na ang ministry ko sa church… Kaya malaking bagay ang sinabi mo sa akin…


RICA: Kahit di mo sabihin un… alam ko yon..
CARINA:Maraming salamat…
RICA: (STOP THE BACKGROUND) Kumusta na ang baby mo at ang asawa mo?

 

CARINA: Ate, yon din ang sadya ko dito… Papunta na siya ng Brunei para magtrabaho… dito muna sana kami habang nag-iipon muna siya doon…

RICA: Welcome kayo dito… (biglang darating si Jenny).. Oh Jenny, andito si ate Carina mo… (hindi iimik si Jenny) Aalis muna ako ha may nakalimutan lang ako sandali…
CARINA: Kumusta ka na?
JENNY: Ang galing naman.. wala na nga kami sa budget… mag- sstay ka pa dito sa amin…

 CARINA: Wala kasi kami makakasama sa bahay namin, mag-aabroad kasi ang asawa ko at padadalhan naman kami pag nagsahod na siya..

JENNY: Aywan ko lang ha
CARINA: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 4 = “MEMORY”)Bakit ba ganyan ka sumagot? Baka nakakalimutan mo mas matanda ako saiyo
JENNY: Oo nga pala no… mas matanda ka sa akin… pero walang pinagkatandaan…
CARINA: Ano sabi mo?
JENNY: (Sasanggain ang kamay) Sige sampalin mo ako,,,Totoo naman ah… Dahil ikaw ang mas matanda, ikaw inuna para makapag-aral pero anong nangyari, nabuntis ka? May nagawa ba yang pinagkatandaan mo?
CARINA: Alam kong nagkamali ako! (garalgal na boses na pasigaw) pinagsisihan ko na yon! itinatama ko na ang aking pagkakamali! (sigaw at bigla hihinto..iiyak)… Pero sana mapatawad mo rin ako at sana kahit anuman ang nangyari hinihingi ko pa rin ang respeto mo…(aalis sa stage)

(LIGHTS OFF)                               


Scene 6: (Nagpipray-dim light) (BACKGROUND MUSIC: TRACK 5

= WINTER SONATA-PIANO)

Props: no chairs on the center stage

Lights: center stage only

ANGEL: Panginoon… alam po ninyo ang kalagayan namin… Tulungan po ninyo ako sa pag-aaral ko. Nalulungkot po ako dahil hindi ako nakapasa sa scholarship, pero tinatanggap ko po ang kalooban ninyo sa akin. Ayaw ko pong lumipat ng school, kaya lang nahihirapan na po ang ate ko…Gabayan na lang po ninyo ang mga ate ko sa mga desisyon nila…Salamat po… sa pangalan ni Hesus…, Amen (tatayo mula sa pagkaluhod)
RICA: Hindi ka pa pala tulog?…(lalapit kay angel)… umiyak ka? (hindi iimik si angel)… May problema ka?
ANGEL: Ate… (iiyak) hindi ako nakapasa sa scholarship eh… Paano yan, lilipat na ba ako ng school?(patuloy ang pag-iyak) Hindi na kasi tayo makakabayad ng tuition di ba?

 

RICA: Huwag mo nang intindihin yon, ako na maroblema noon… Huwag mo nang isipin yong paglipat ng school… Malay mo may blessing si ate di ba? Ipagpray natin ha? (mangiyak-ngiyak na boses)… Ipinagpray mo naman di ba? (tatango si Angel)…Pahinga ka na, may pasok ka pa..(aalis si Angel, maiiwan si Rica sa sala at darating si Rollie)

ROLLIE: (HINDI MAPAKALI) (BACKGROUND MUSIC: TRACK 1 = “REASON”) Ate…

RICA: Ano yon?
ROLLIE: (HINDI MAPAKALI) Ate kasi ano eh…
RICA: Ano yon? (hindi makapagsalita si Rollie
ROLLIE: (HINDI PA RIN MAPAKALI) Hindi ako nag-enrol ngayong sem?
RICA: Ano?(malakas   na   boses)Bakit?   Nawala   ang   pera? Nakabuntis ka? Mag-aasawa ka na?
ROLLIE: Ano  ba  ate…  Hindi  nawala  ang  pera,  hindi  ako nakabuntis at hindi ako mag-aasawa…

krisha412

RICA: Eh ano? Bilisan mo nga(pasigaw).. ang tagal mo magsalita jan eh..

ROLLIE: Magpapastor ako… Mag-aaral ako sa Bible School
RICA: (hindi iimik ng matagal at mangiyak-ngiyak)… mag bibible school ka? Sigurado ka? PAno yong course mo, magfofourth year ka na di ba?

ROLLIE: Noong una pa lang ayaw ko yong course na pinakuha sa akin ni Itay… Hindi ko linya ang Engineering ate… Kung ipapagpatuloy ko wala pa rin akong kapayapaan… Gusto kong maglingkod sa Panginoon…

RICA: Puwede bang huwag ka na lang mag Bible School…Puwede ka namang maglingkod kahit anong course mo ah, kahit sa malaki at maliit na paraan pwede kang maglingkod…
ROLLIE: Ate… (mangiyak-ngiyak)tinawag akong maging pastor… Sana maintindihan mo ako …Alam ko ang iniisip mo ang future natin… Hindi ko man mabigyan kayo ng karangyaan, may Panginoon naman na magpupuno noon… hindi tayo pababayaan…Ayaw kong tanggihan ang Panginoon (iiyak)
RICA: Oo, tama ka, isa yon sa iniisip ko… gusto kong magalit saiyo dahil hanggang ngayon ikaw palagi ang nagpapa- alaala ng mga pagkukulang ko sa Panginoon kaya tuloy naisip ko na naman … (mangiyak-ngiyak).. yong panahon na tinanggihan ko ang pagkatawag niya sa akin sa halip tinalikuran ko ang Panginoon…Hindi ko inaasahan na yan ang balak mo… kaya lang sa dami ng pagkukulang ko sa Panginoon … Naiintindihan kita…

 

ROLLIE: Salamat ate.. salamat ng marami, ikaw ang inaalala ko, ung expectations mo sa akin…matagal ko itong ipinagpray, answered prayer na ako… Salamat sa Panginoon… (aakbayan ang ate)

(LIGHTS OFF)

Scene 7:

Props: no chairs on the center stage

Lights: left side and center stage

TANYA: San ka galing?
THEA: Sa mga kaibigan ko?                           
TANYA: kalian mo pa ginagawa ang umuwi ng ganitong oras? (hindi sasagot si thea).. Tinatanong kita, Kalian mo pa ginagawa ito?
THEA: Hindi ko po alam
TANYA: Pwede bang hindi alam..Sumagot ka ng maayos..

THEA: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 2 = “REMEMBER”) Hindi ko po alam eh( pabalang).. Siguro nagsimula ito noong kayo din ay gabi na rin kayo umuuwi…

TANYA: Ang galing ng sagot mo ah…Ako pa ang dinahilan mo ha, Alam mo naman na nag-oovertime ako para sa trabaho eh, para din saiyo ito, Hindi kaya yong sahod ng daddy mo kaya ko ito ginagawa ko at para maibigay namin ang panganga-ilangan mo... Naintindihan mo ba kami anak? (hindi iimik si Thea at lalapit na lang ang mommy) Nalaman ko din kay Angel na hindi ka na pala uma- attend ng Sunday Sch. Bakit? Akala ko uma-attend ka?
THEA: Mahalaga pa ba yon sa ngayon?
TANYA: Oo naman anak…
THEA: Kung mahalaga, Bakit kayo hindi na uma-attend.. sinasabihan ninyo ako ng pumunta sa church pero kayo hindi, hindi ko kayo maintindihan ?
TANYA: Anak…
THEA: Sa totoo lang naman po (mangiyak-ngiyak)..alam ko naman na mahalaga yon, bata pa lang ako dindala na ninyo ako sa church eh.. pero nawalan na ko ng gana nang hindi ko na kayo nakakasama… Alam ko po malaki na ako… pero mas masaya di ba pag kasama ko kayo ni daddy… Mommy, Nami—miss ko na po yong dati nating ginagawa..
TANYA: Anak…Ako din nami-miss ko yon.. patawarin mo ako sa pagkukulang ko…

(LIGHTS OFF)

 

Scene 8: (BACKGROUND MUSIC: CD 2 = “ENDLESS LOVE”)

Props: 2 chairs on the center stage

Lights: center stage only

ADEL:Alam mo hindi ako pabor sa desisyon mo, kaya lang parang wala akong karapatan magdecide para saiyo?
JENNY: Anong gusto mong gawin ko.. magtunganga na lang ako at maghihintay ng grasya.
ADEL: Hindi yon ang ibig kong sabihin, hindi magandang example ang pagpasok mo diyan bilang cashier sa isang club?
JENNY: Wala akong mapasukang iba…
ADEL: Hindi ako naniniwala.. kilala kita… may gusto kang iparating. Paano ang ministry mo sa choir?
JENNY: Magpa-alam ako kay pastor
ADEL: Ganon na lang yon?
JENNY: Tanggapan lang yan… Choices lang yan, ganon talaga yon!

ADEL: At yong maling choice ang pipiliin mo? Ganon ba? Madali na lang para saiyo magdecide- gawain yon sa Panginoon…Hindi kita maintindihan… Kung ganyan ka ng ganyan hindi ako magdadalawang isip na… (puputulin ni Jenny ang sasabihin ni Adel)
JENNY: Ano? Makikipagbreak ka? Ganyan naman kayong lahat eh.. hindi nyo ako naiintindihan!
ADEL: Matagal na kitang iniintindi…Kilala mo ako… Buhay ko na ito- buhay ko ang paglilingkod-Mahirap makisama pag magkaiba ang pananaw sa paglilingkod… magkaiba na tayo ngayon… mahal kita…(iiyak) PERO MAS MAHAL KO ANG PANGINOON.. (biglang aalis)

(iiyak ng Malakas si Jenny at (LIGHTS OFF)


Scene 9:

Props: 2 chairs on the center stage

Lights: center stage only

RICA: Napadaan ka? Kumusta na kayo, antagal nyong nawala ah…
TANYA: Oo nga eh… Nabusy lang ako masyado sa trabaho at napromote pa ako kaya ganon… Kumusta na ang church?
RICA: Ayon kay Rollie okay naman, hindi rin ako gaano nagsisimba,
TANYA: Ah ganon ba…Paano yong ladies, di ba ikaw leader?

 RICA: Yong asawa ni pastor ang naguna muna… nagpa-alam ako…eh ikaw pala hindi na rin nagtuturo sa Sunday School


TANYA: Oo nga eh.. namimiss ko din… Sa ngayon may problema ako kay Thea, hindi ko napapansin na napabayaan ko na siya… Sinanay ko siyang dumalo sa simbahan mula pa pagkabata at akala ko ngayon na medyo malaki na siya, hindi na siya mawawala dahil nasanay na siya at may mga kaibigan na siya sa church… pero nagkamali ako…

RICA: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 4 = “MY MEMORY”) Tayo nga na mas matagal at nilulumot na nawawala pa… sila pa kaya… Kailangan natin talaga ng kaagapay…alam mo naman na marami ang naging problema namin pero ngayon na malayo ako sa panginoon tingin ko mas lumala pa… Si Jenny nararamdamn ko may bitterness siya sa puso, pero hindi ko siya masabihan dahil yong sarili ko mismo may problema… Mula nang mawala si Inay, sa akin na naiwan ang problema… Tapos ang pinaka masakit pa, ang taong pinakamamahal ko, hindi ako naintindihan at iniwan na ako…

TANYA: Ganon ba…Tingin ko huwag mo nang paghinayangan na mawala si Andy dahil parang hindi naman Kristiyano yon eh…
RICA: Kahit ganon nasaktan pa rin ako dahil akala ko sa tagal ng pinagsamahan namin, hindi na kami magkakahiwalay… Nabigla din kasi ako…
TANYA: Hayaan mo na yon…
RICA: Oo nga…, alam mo narealize ko… hindi rin pala masaya ang mawala sa Panginoon… Kaya sana bumalik na kayo…
TANYA: Narealize ko rin yon, pano namin mapapapunta at masasabihan ang anak namin na magbigay ng buhay kung kami mismo hindi nakikitaan ng commitment. Marami na kaming pagkukulang sa Kanya… Salamat at narealize namin agad bago mahuli ang lahat…
(TATANGO SILA PAREHO AT (LIGHTS OFF)

Scene 10: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 5 = “WINTER SONATA”)

Props: no chairs on the center stage

Lights: center stage only

JENNY: (NAKALUHOD) Ayaw ko na!!
RICA: (PAPATAYUIN SI JENNY) Anong nangyari? Bakit?
JENNY: Ate nahihirapan na ako… Nagbreak na kami ni Adel…
RICA: Ano, Bakit?
JENNY: Nagbago na daw ako… Hindi ko na ata kayang ibalik yong dating ako na binago ng Panginoon

 RICA: Hindi mo talaga kaya… pero kaya ng Panginoon.. Isuko mo na sa Panginoon ang lahat…


JENNY: Bigla akong nag-isip sa sinabi niya na pipiliin ko ba ang maling choices sa buhay… Marami na ang nawala sa akin ate… Pati si Adel mawawala na rin…
RICA: Hindi pa huli ang lahat.. basta anuman ang nangyari… naiintindihan ka namin…
JENNY: Naiintindihan ninyo ako? Pero bakit hindi ko maramdaman?…

RICA: (BACKGROUND MUSIC: TRACK 2 = “REMEMBER”) Kahit anong gawin namin Hindi mo talaga mararamdaman dahil punung-puno ng galit at kapighatian ang puso mo... Alam kong maraming nangyari sa buhay natin… Kahit ako ay nahirapan din… matindi ang kalaban ko

..ang sarili ko… Alam mo Ngayon ko lang sasabihin ito saiyo dahil ito ay natutunan ko… Sa mga ginawa mo, naging masaya ka ba?.. Di ba hindi?... Kasi wala ang Panginoon doon… Kahit anong gawin mo hindi ka magiging masaya kung ilalayo mo ang sarili mo sa mga taong tunay na nagmamahal saiyo at lalong lalo na sa KANYA… Kaya’t kahit anuman mangyari masama man o maganda may dahilan pa rin para magsaya at magcelebrate… dahil ang tunay na puso ng Pasko ay si Kristo

JENNY: Tama ka ate, ang Panginoon ang dahilan ng pagdiriwang ng pasko, kahit alam ko na yon nahirapan akong gawin dahil sa galit at kalungkutang nararamdaman ko…Ate…

RICA: salamat…. Patawarin mo ako sa hindi ko pag-intindi saiyo lalong lalo na sa di ko pag-enrol…

Hindi na matutuloy si kuya mo mag-aral, ibinigay na niya saiyo… may susuport naman sa kanya eh at sa Bible School siya papasok..


JENNY: TALAGA! Sige, gagalingan ko at Maghahanap na lang muna ako ng maayos na trabaho na hindi makakaapekto sa ministry ko... (darating si Rollie, si Angel at si Carina sa stage)
ROLLIE: Hindi pa ba tayo aalis… nakaready na kami… 
CARINA: Sama ka Jenny?… (titingin si Jenny sa ate niya at tatango lang si Rica))..
JENNY: (ngingiti ) Hintayin nyo ako… mag-impake lang ako… (NGINGITI SILANG LAHAT AT AALIS SA STAGE- LIGHTS OFF)

Narrator:

Anuman ang ating pagkukulang at pagkakamali… ang Panginoon ay palaging nariyan sa atin. Sana po magsilbing paalaala sa atin ang dulang ito na ang tunay na rason sa pagdiriwang natin sa kapaskuhan ay si kristo kaya’t anuman ang kalagayan natin manatilin tayong mapagpasalamat sa Panginoon. Mula pos a Sunday School Department salamat po at maligayang pasko!

 

=THE END=

krisha412

Comments

Popular posts from this blog

CHRISTIAN TAGALOG DRAMA SCRIPT TITLED "PINAGKAITAN NG LIWANAG " by krisha412

CHRISTIAN DRAMA SCRIPT TITLED "PANGARAP NA PAMILYA" by krisha