Posts

CHRISTIAN DRAMA: "HANGGANG WAKAS" (LAST DAYS)

  HANGGANG WAKAS By krisha412 November, 2023   Narrator : May mga bagay tayong pinagdedesisyunan sa buhay na kahit anupaman ang mangyari ito’y pinaninidigan natin lalong-lalo na kung ito’y nasa tama. Pero paano pag dumating sa punto ng buhay natin na dahil sa matinding kahirapan, at pagtitiis ay hindi na nating kayanin pang manindigan sa tama. Sabi sa bibliya, “Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ay maliligtas” Sa huling panahon kaya pa ba nating manindigan? Tunghayan po natin ang dulang pinamagatang “HANGGANG WAKAS.”     SCENE 1 : CRISTINA IN JAIL (Puno ng sugat si Cristina at duguan) CRISTINA : (Sisigaw habang siya ay sinasaktan ng mga sundalo) Huwag! Tama na! Maawa kayo!!! SUNDALO1 : Hindi kami titigil hangga’t hindi ka sumusuko at umayon sa gusto namin! Oh ano! Magpapatatak ka na ba? Hindi ka na maniniwala na si Kristo ang tagapagligtas! CRISTINA : Hindi! Hindi ako susuko! SUNDALO1 : (sasampalin si Cristina) Ganon ha! (magdurugo a...

CHRISTIAN DRAMA: "KISAP MATA" (revised)

  KISAP-MATA By krisha412 August, 2023   Narrator : Ang panahon natin ngayon ay punong-puno ng oras na ginugugol sa maraming bagay na halos hindi na natin namamalayan ang totoong nangyayari sa paligid. Tayo ay abala sa trabaho, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa lahat ng bagay na ating tinatangkilik. Paano kung sa isang kisap-mata, mawala ang lahat ng mga bagay na ito, paano natin haharapin ang katotohanan na akala natin ay kathang-isip lamang at ayaw natin itong paniwalaan.     SCENE 1 : (street scene) (Background: nagkakagulo ang mga tao, nagsisigawan, naghahanapan at may emergency sound na maririnig)   CRISTINA : (Si Cristina ay naglalakad at nakikita ang mga taong nagkakagulo at kinausap ang isang taong umiiyak) Ate pasensiya na anong nangyayari? BABAE1 : Yong nanay ko nasagasaan, pero nakita ko walang nagmamaneho sa truck na bumangga sa amin. CRISTINA : Paano nangyari? BABAE1 : Hindi ko alam… CRISTINA : Nakatawag na ba ng ambulansiy...