Friday, September 1, 2023

GOD'S WAY OF BLESSING THE FAMILY

 

GOD’S WAY OF BLESSING THE FAMILY

BIBLE PASSAGE: GENESIS 15: 1-21









Picture taken from Google

Lesson Prepared by: Krisha of Solomon’s Wisdom FB page

NOVEMBER 27, 2022

 

MEMORY VERSE

Except the Lord build the house, they labour in vain that build it: except the Lord keep the city, the watchman waketh but in vain.

PSALMS 127:1

 

INTRODUCTION:

Who wants his/her family to be blessed? Of course every one of us want that. That’s the reason why we try our best in this world to be productive: we study hard for us to have a good job and supply the family’s needs. One of the proofs here is, our country has a lot of OFWS (Overseas Filipino Workers). They go abroad in order for the family to meet not just the basic needs and also other needs as well. Like somebody else, we get worry at times when we see that there are no visual evidences of your future. Because of this, sometimes we do things and decide without thorough thinking and prayer.

In our lesson today we will talk about a family who had been called by God in a special purpose. From the passage we’ve read, we already knew the story and we have ideas what this family went through in their life.

LESSON OUTLINE:

1.  BELIEVE IN GOD’S PROMISES

You will remember that God called Abraham to leave his homeland and go to a land far away that he had never seen. Here God promised to make him and his descendants great. God promises a son to Abraham through whom these descendants would come. In Genesis 15 we can the Lord and Abram had a covenant and in Genesis 17: 9, 15 and 16, God mentioned again His promises to Abram and Sarai. The promises came directly from the mouth of God. Did Abraham believe in God’s promises? Yes!

 

Personally, let’s ask ourselves “How deep our faith in believing God’s promises?” In our present time, we cannot directly hear from God’s mouth the promises but we have in His word, the Bible. How many promises in the Bible we can mention or can remember? There are a lot of promises in the Bible but sometimes we don’t hold onto it.

(INSERT TESTIMONY)

 

2.   WAIT FOR GOD’S TIMING

Many years passed and the son was not born. Sarah decided to take matter into her own hands. In Genesis 16: 1-4,

1Now Sarai Abram's wife bare him no children: and she had an handmaid, an Egyptian, whose name was Hagar. And Sarai said unto Abram, Behold now, the Lord hath restrained me from bearing: I pray thee, go in unto my maid; it may be that I may obtain children by her. And Abram hearkened to the voice of Sarai. And Sarai Abram's wife took Hagar her maid the Egyptian, after Abram had dwelt ten years in the land of Canaan, and gave her to her husband Abram to be his wife. And he went in unto Hagar, and she conceived: and when she saw that she had conceived, her mistress was despised in her eyes.

 

Before we judge Sarah for her over anxiousness, let us remember that there have probably been many times when we have run ahead of God. Can we relate to this? We waited for days, weeks, months, years and nothing happened. Like Sarah, we did also what she had done – we take matter into our hands.

 

Abraham found himself 86 years old and his wife 76. This was long past the time of bearing children. He feared that his chief servant, Eliezer of Damascus, would be his heir. Abraham cried out to God expressing his fear. God assured him that Eliezer was not his heir. One from his own body would be that heir. Several years passed, and Sarah still did not conceive. In order to help God along, Sarah persuaded Abraham to take her servant, Hagar, as his wife and bear her children through her. This was perfectly acceptable according to the custom of the day. If a woman could not bear children, she could have her servant have them for her through using her husband. The children after birth were considered hers. Though this custom was accepted still Sarah, took the matter into her hands.

Abraham followed Sarah's bad advice.  Sure enough, she became pregnant and bore a son whom they named Ishmael.

 

The time frame of God is different from ours. They waited for years and finally, when Abraham was 100 and Sarah 90, she conceived and bore a son. They named him Isaac, and he was the son of God's promise.

God’s timing is always perfect!

 

 

3.  FOLLOW GOD’S WAY

 

Have you thought why Abraham followed his wife’s advice? (allow the audience response) Like everyone else, we sometimes think, maybe this is the way of God wants me to be blessed. God’s way is different from ours. Let’s read Genesis 17:15-18.

 

Tagalog: 15 Sinabi pa rin ng Diyos kay Abraham, “Hindi na Sarai ang itatawag mo sa iyong asawa kundi Sara[b] 16 sapagkat siya'y pagpapalain ko. Magkakaanak ka sa kanya at siya'y magiging ina ng maraming bansa; may magiging hari mula sa kanyang mga salinlahi.” 17 Muling nagpatirapa si Abraham, ngunit napatawa siya nang kanyang maisip na siya'y matanda na. Nasabi niya sa sarili, “Magkakaanak pa ba ang isang lalaki na sandaang taóng gulang na? At si Sara! Maglilihi pa ba siya gayong siya'y siyamnapung taon na?” 18 At sinabi niya sa Diyos, “Bakit hindi na lang po si Ismael ang magmana ng mga ipinangako ninyo sa akin?”

 

Let’s take note of verse 18. Sometimes we don’t understand but truly God’s way is different from ours and His way is the best. The birth of Ismael, however, was according to the flesh not a promise. God promised Abraham a son, but it would not come this way.

Let’s ask ourselves, how many times we keep on doing our way and not God’s ways?

 

CONCLUSION:

Let’s read Galatians 4:21-31; 5:1 (Let them open their Bible)

21 Sabihin nga ninyo sa akin, kayong nagnanais mapasailalim ng Kautusan, hindi ba ninyo naririnig ang sinasabi ng Kautusan? 22 Sinasabi roon na si Abraham ay nagkaanak ng dalawang lalaki, isa sa aliping babae at isa sa malayang babae. 23 Ang anak niya sa aliping babae ay ipinanganak ayon sa kagustuhan ng tao, ngunit ang anak niya sa malayang babae ay ipinanganak bilang katuparan ng pangako ng Diyos. 24 Ito'y isang paghahambing. Ang dalawang babae ay larawan ng dalawang kasunduan, ang isa ay ang tipan sa Bundok ng Sinai na kinakatawan ni Hagar at ng kanyang mga anak, na pawang mga alipin. 25 Si Hagar ay kumakatawan sa Bundok ng Sinai na nasa Arabia,[b] at larawan ng kasalukuyang Jerusalem sapagkat siya'y nasa pagkaalipin, kasama ng kanyang mga mamamayan. 26 Ngunit ang Jerusalem na nasa langit ay malaya, at siya ang ating ina. 27 Ayon sa nasusulat, “Magsaya ka, O babaing hindi magkaanak!
    Humiyaw ka sa galak, ikaw na hindi pa nakaranas ng hirap sa panganganak!
Sapagkat higit na marami ang anak ng babaing nangungulila
    kaysa babaing may asawa.” 28 Mga kapatid, tulad ni Isaac, tayo'y mga anak ayon sa pangako. 29 Kung noong una, ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay inuusig ng ipinanganak ayon sa kagustuhan ng tao, gayundin naman ngayon. 30 Ngunit ganito ang sinasabi ng kasulatan, “Palayasin mo ang babaing alipin at ang kanyang anak, sapagkat ang anak ng alipin ay hindi dapat makibahagi sa mana ng anak ng malaya.” 31 Kaya nga, mga kapatid, hindi tayo anak ng alipin kundi ng malaya.

Paul tells the story of Abraham and Sarah and their child Isaac and also of Hagar and Abraham and their child Ishmael. Ishmael was born as a result of a plan by Abraham and Sarah to hurry up what God seemed to be taking too long to do. Hagar was the Egyptian slave of Sarah. Ishmael was not the son of promise. He was the son of the flesh. Isaac was the son of promise that God promised to Abraham and Sarah.

After using the story as an analogy, Paul explains how the heritage of the line through one mother, Hagar, is lost while the heritage through the other mother, Sarah, is salvation and freedom.

In Paul's analogy both of them represent the spiritual being assaulted by the unspiritual. The physical and spiritual descendants of Hagar and Ishmael have persecuted and opposed the physical and spiritual descendants of Sarah and Isaac. From Ishmael come the Arabs, many of whom are Muslim. From Isaac come the Jews and Christians. If you are at all familiar with history, you know that the Jews and Muslims have a long history of persecuting one another.

 

Keeping with the analogy, the descendants of Ishmael, representing the ungodly, will persecute the descendants of Isaac, representing those who are godly. The Galatians were perfect proof of the truth of Paul's analogy. They were persecuting those who accepted Paul's message of salvation through the grace of God. They were telling them they needed to add their good works to the salvation process. Paul was telling them that would never work. It is a picture of unbelievers persecuting believers. https://www.sermoncentral.com/sermons

 

Good news in Galatians 5:1, Jesus made us free. Whatever descendants you came from, Jesus made you free just accept Him into our lives.

Stand fast therefore in the liberty wherewith Christ hath made us free, and be not entangled again with the yoke of bondage.

TAGALOG: Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!

 

Which is better for the family follow things after the flesh or follow according to God’s promise? Whether we like it or not we already chose which one is for our family. It can be seen based from the lifestyle of the family. If we don’t prioritize spiritual things, then we know the answer. God’s plan has a greater purpose. We hope and pray we follow GOD’S WAY and not our way!

FIGHT FOR YOUR FAMILY

 

FIGHT FOR YOUR FAMILY

BIBLE PASSAGE: NEHEMIAH 4:1-23







Picture taken from Google

Lesson Prepared by: Krisha of Solomon’s Wisdom FB page

NOVEMBER 20, 2022

 

MEMORY VERSE

Except the Lord build the house, they labour in vain that build it: except the Lord keep the city, the watchman waketh but in vain.

PSALMS 127:1

 

INTRODUCTION:

There is no such thing as a “perfect family” and because of that every family have struggles to face. I don’t know each one of us here the struggles you are all facing right now but whether we like it or not there are battles we need to overcome. Every family wants to be known the best family when compared to others in your environment or circle of friends but no matter what we do, other families fail. The verse reminds us in Psalms 127:1; let’s recite.

I remember one of the activities in our DCUbes group is to ask the members what are the struggles the family is facing. I’ll show you some of the pictures.

 

With the examples given and the news we heard every day, is FAMILY under attack? Is fighting for your family worth it? Yes, because it’s constant struggle and a constant dynamic that we need to work on – your relationship to your spouse, your relationship to your kids and to your relationship to your parents.  God is calling us is to stand and fight for your family. To help us understand about the fight, we’re going to look at Nehemiah.

I know most of us know so well the character on our passage. Nehemiah has the assignment of being the cup bearer; he has the job the responsibility of drinking king’s cup and eat from the king’s plate before the king. Just in case it’s poisoned then he would die and the king would not drink or eat. How many of us want that job? One day while he was serving this king and in country where he is from gets word back in his homeland of Jerusalem. The city is in disarray, the people are in disturbed, discomfort and felt insecurity and the walls of the city have been destroyed. Nobody has been able to repair these walls for hundreds of years. Imagine your brethren, your relatives, your love ones are in great danger. This burden rest on Nehemiah’s heart; this burden that he has is to go back and rebuild the walls. The king sees his distress and unhappiness and ask him what’s going on. Then the king releases him to go back to his homeland to work on the walls and not just to release him and also he gives him money to make the trip and also resources to rebuild the walls.

Some of us are like Nehemiah in our life. In our life, we have an assignment; God has a mission for our life that He wants us to do. We learn from the story of Nehemiah some lessons that we have to take into consideration whenever we have an assignment. All of us have purpose to fulfill. We were not just born to study, work and have money to sustain life. We have an assignment in our family. Let’s see how Nehemiah handle this assignment and we learn from it.

In verse 1 (read in tagalog), we see that there are people who don’t like Nehemiah doing. The people ridiculed and mocked them, the Jews, let’s read verse 2. The people thought, they could not possible rebuild it. Personally speaking, there are some things in our life that God wants to rebuild some stuff in our life: some stuff in your marriage, your children, your parents, and some stuff in our finances. When doing God’s assignment, expect that there are people who would not be happy for it. The enemy will be trying to make you quit or turn around and go in a different direction so that you can’t fulfill your purpose. In verse 4, the people who are against thinking that what the Nehemiah and his men doing is not going to amount up too much. Some of us today have sought to do some. From this verse we can see that what may be much to people, God can take and blow it up. Like in Nehemiah’s time, the enemy wants to discourage us and let’s see how they responded. They responded by praying let’s read verses 4 and 5. In verse 6, they built the wall because they had the mind to work. In verses 7 and 8, when the opposition saw that they almost rebuilt the wall, they went together to stop Nehemiah and his team. This made Nehemiah and the Jews had a watch day and night.  Verses 1 -9, we can see that the opposition is outsiders of the team but in verse 10, something else happened. Let’s take a look in verse 10, Judah, one of the tribes, said something kind of discouragement.  Judah started complaining, “there so much damage and the laborers are tired.” Some of us are like Judah, we see that the family’s problem is too much to handle and it’s impossible to be resolved it.  Not just outside oppositions inside there are also inside. God wants to restore your family, your career, your finances but you said “it’s too much rubbish.” In reality, we can’t do anything to rebuild it but with God, all things are possible.

In verses 11 and 12, the enemy didn’t know that there are some people surrounded them informed Nehemiah and his team about their plans. Even the oppositions planned together to destroy the works of Nehemiah, we can see that God’s favor is with Nehemiah and his team.

In protecting and rebuilding our family, there are oppositions: they may be outsiders and possible insiders too. But in verse 14 reminds us…

LESSON OUTLINE:

1.  BE NOT AFRAID OF THEM

In the midst of all this opposition, in the midst of all these people outside talking about them and the complain of Judah, Nehemiah said, “BE NOT AFRAID OF THEM” which says in verse 14. He looked and stood up to the nobles, to the rulers and to the rest of the people, BE NOT AFRAID OF THEM. There’s first thing we need to do is be not afraid of these opposition, people or enemy. Sometimes we can’t go forward because fear has kept us from doing anything. Let’s be reminded that God has not given the spirit of fear but of love, and of power and of a sound mind. If we are afraid, how can we protect our family. God has all the ability to equip us in our spiritual endeavors. 

 

John wanted the Christians to remember to be brave and not to be fearful of the enemy. This leads John to write to them greater is he that is in you, than he that is in the world (1 John 4:4).

 

2.   REMEMBER THE LORD

In the next part in verse 14 is REMEMBER THE LORD.  Nehemiah was facing a task that was impossible to complete. They had not been able to rebuild those walls in hundreds of years and he did the completion in 52 days. It took Nehemiah 52 days to reinforce the gaps and rebuild the wall. He gathered his people together, he equipped them, and he led them in rebuilding the city walls of Jerusalem. Was he able to do that because he had the leadership quality or bright ideas? He was able to that because he remembered the Lord who is great and terrible. When you are in the midst of doing something you got to have the kind of courage and faith in the midst of your fear.  God allowed you to have trouble yesterday so that you could overcome it, so that when you face what you’re facing today you can remember where God has already brought you from.

Anybody ever had God do something that you know that nobody but God could have made that happen? What are the possible things family is facing right now? Your family is in great debt and it’s impossible to solve or pay it. Your family is in deep emotional problem between members and it’s impossible to patch up. Your parents are separated and it’s impossible to be in good terms. You can’t continue pursuing your studies because of unstable financial situation. ONLY GOD COULD MAKE IT HAPPEN!

 

3.  FIGHT FOR YOUR FAMILY USING THE WEAPON

In verse 13,

Therefore set I in the lower places behind the wall, and on the higher places, I even set the people after their families with their swords, their spears, and their bows,they are willing to fight.

 

This is a fight for your family moment. Fight for your brethren, fight for your sons and daughters, fight for your wives and fight for your houses. This is the time for you to fight that which you thought couldn’t be made right. Even it looks like in rubbish, looks like it has been burnt and looks like it’s no chance and family’s situation is full of drama., FIGHT FOR YOUR FAMILY.  BELIEVE GOD CAN RESTORE YOUR FAMILY.

 

Verse 17 says, “They which builded on the wall, and they that bare burdens, with those that laded, every one with one of his hands wrought in the work, and with the other hand held a weapon.”

 

Nehemiah and his team kept on building the wall. In one hand they had their hammer and in the other hand they had their SWORD. One hand keep doing the work has called you to do and the other hand have the weapons of warfare- keep on praying, keep on reading that word and keep on believing God.  

CONCLUSION:

Whether we accept it or not, family is at war. Remember the enemy’s purpose, but for to steal, and to kill, and to destroy: and we are not fighting against flesh and blood.

WHAT IS THE BIGGEST BATTLE YOU ARE FIGHTING RIGHT NOW? Security of the family, fidelity in the family, safety in the family, peace in the family, balance in the family (no family communication), education in the family, and future of the family. LET’S FIGHT FOR OUR FAMILY!

Tuesday, August 29, 2023

CHRISTIAN DRAMA TAGALOG: "Sa Isang Kisap-Mata" (Last Days)

 

SA ISANG KISAP-MATA

By krisha412

August, 2023

 

Narrator:

Ang panahon natin ngayon ay punong-puno ng oras na ginugugol sa maraming bagay na halos hindi na natin namamalayan ang totoong nangyayari sa paligid. Tayo ay abala sa trabaho, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa lahat ng bagay na ating tinatangkilik. Paano pag sa isang kisap-mata, mawala ang lahat ng mga bagay na ito, paano natin haharapin ang katotohanan na akala natin ay kathang-isip lamang at ayaw natin itong paniwalaan.

 

 SCENE 1: (street scene)

(Background: nagkakagulo ang mga tao, nagsisigawan, naghahanapan at may emergency sound na maririnig)

 

CRISTINA: (Si Cristina ay naglalakad at nakikita ang mga taong nagkakagulo at kinausap ang isang taong umiiyak) Ate pasensiya na anong nangyayari?

BABAE1: Yong nanay ko nasagasaan, pero nakita ko walang nagmamaneho sa truck na bumangga sa amin.

CRISTINA: Paano nangyari?

BABAE1: Hindi ko alam…

CRISTINA: Nakatawag na ba ng ambulansiya?

BABAE1: Sana nga dumating na

CRISTINA: Tatagan mo ang loob mo, darating na ang tulong.

 

(Tatayo at makikita ang ang mga babaeng umiiyak at may sumisigaw sa pulis)

 

BABAE2: (Mga babae umiiyak habang ang babae2 ay magtatanong) Mamang pulis, nasaan ang anak ko, biglang nawala eh…

PULIS: Hindi ko po alam eh

BABAE3: Patulong naman po hanapin ang anak ko…sige na kuya!

PULIS: Hind ko po kayo matutulungan sa ngayon kasi marami rin pong nawawala!

MGA BABAE: (sisigaw) sige na kuya maawa ka sa amin. Nasaan na mga anak namin?

PULIS: (sisigaw) HINDI KO ALAM! Nawawala din ang asawa ko. Magkasama lang kaming pumasok at bigla siyang nawala.

 

(si Cristina habang nagmamasid, biglang tumakbo pababa ng stage)

 

SCENE 2: Cristina & family’s house

(Si Cristina, Mula sa pinto ay tatakbong paakyat ng stage at sumisigaw )

 

CRISTINA: MAMA! MAMA! MAMA! (pagdating sa stage) Mama, nasaan ka? (maghahanap sa paligid ngunit wala at biglang may naalala) Si Abie nasaan? Abie! Abie, Nasaan ka? (nang walang makitang tao, iiyak at hahagugol, mapapaluhod at sisigaw) NASAAN KAYO!!! (tatayo ulit at maghahanap). Abie, baka niloloko mo lang si ate ha… huwag ka na magtago… labas ka na…. Ma! Abie, NASAAN KAYO?! Tayong tatlo na nga lang iniwan pa ninyo ako! (iiyak at nang mahismasan tatayo at makikita ang upuan na may nakalatag na damit at sa ibabaw ng lamesa may Bible, kukunin ito at hahawakan)

Ma, NASAAN KAYO? (titigil dahil may tumatawag)

 

LARA: Cristina! Cristina! Andiyan ka ba? (Nang Makita si Cristina, yayakapin niya ito nang mahigpit)

Salamat at may nakita akong kapitbahay. Nawawala si Papa at Mama, mag- isa na lang ako. Cristina, natatakot ako (iiyak).

 

CRISTINA: Ako din natatakot. Hindi ako makapaniwala na sa isang kisap-mata nawala ang lahat sa akin. Wala na nga si Papa at sila Mama at si Abie na nga lang ang kasama ko nawala pa. Alam mo marami pa akong pangarap, marami pa akong pangarap sa amin. Ito nga may maganda sana akong balita sa kanila na nakapasa ako sa board exam (iiyak). Paano na ngayon yan? (lalapit si Lara)

 

LARA: Nakakalungkot nga. Tayo na lang muna magkasama at hanapin natin sila. (tatango si Crisitina) Teka nakita mo na ba phone mo (kukunin din ni Cristina ang phone niya) … Andami ding palang nawawala sa lahat ng lugar.

 

CRISTINA: Hindi lang sa Pilipinas. Sa buong mundo.

 

LARA: Teka may nabanggit sa akin si Papa na balang araw kukunin ang mga taong nananampalataya kay Hesus. (Nag-iisip) Ano na nga ba ang tawag nila doon? Grabeng utak to, hindi ko maalala. Hindi kaya ito na yon? Nakasulat yon sa Bible daw sabi ni Papa.

 

CRISTINA: Narinig ko na rin yan pero imposible.

LARA: Marami pang sinabi si Papa, andami pang mangyayari (iiyak at mangignging sa takot) Cristina maniwala ka… marami pang mangyayari (lalapit si Cristina at kakalmahin si Lara.

 

CRISTINA: Kumalma ka lang…

LARA: Hindi eh… hindi mo ako naiintindihan… nakakatakot ang susunod pang mangyayari.. di ba?

CRISTINA: tama na, nag –iisip ako.

LARA: Hindi eh… Naalala ko na ..rapture ang tawag nila doon… tapos may pitong taon na paghihirap kasama tayo doon…(hahagulgol)…

CRISTINA: Ano ba! TAMA NA!

LARA: Sorry… natatakot kasi ako

CRISTINA: natatakot din ako… (yayakapin si Lara)

 

SCENE 3:

(Si Lara at Cristina nakikinig sa balita sa laptop)

 

LARA: Naniniwala kaba sa paliwanag ng president sa pagkawala ng mga tao.

CRISTINA: (isasara ang laptop) Hindi ko alam… Nakailang buwan na pro hindi pa rin bumabalik yong mga taong nawawala. Sa totoo lang umaasa pa rin ako na makakabalik sila

 

LARA: Sana nga pero sabi dito sa Bibliya nasa langit na bayan na sila.

CRISTINA: Itabi mo nga muna yan… naguguluhan na ako…

LARA: Sabi sa balita, sasang-ayon ang ating president sa pagsama-sama ng mga leaders at magbubunga ito ng pag-angat na ating ekonomiya. Magiging magkakaisa-isa ang buong mundo at magiging isa na lang ang president sa buong mundo. Ang bilis ng pangyayari parang kakaiba. Wala ka bang napapansin?

CRISTINA: Ang alin?

LARA: Yong pagbabago sa mundo.

CRISTINA: Yang balitang yan matagal na yan at yang leader na yan matagal na siyang nakikita sa news… Hindi ka kasi nanood ng news eh…

LARA: Ganon ba… pero hindi mo napapansin yong transition… Kapareho nong sinasabi sa akin ng mga magulang ko…detalyado nila itong sinabi sa akin dati…. Nandito sa Bible ang kasagutan. Basahin natin.

CRISTINA: Ikaw na lang. Sabihin mo na lang sa akin kung ano nabasa mo. Tulog na muna ako. Sakit na ng ulo ko sa kakaisip. (Papa-alis na si Cristina pro biglang tatawagin siya ulit ni Lara…)

LARA: Teka, tingnan mo to oh. Halos buong mundo handing-handa na sa pagbabago... Tingnan mo may microchip na ilalagay sa tao bilang tatak na yong pagkakilanlan. Para itong ID at lahat ng info mo andoon na at pati bank statement. Wala ka bang naaalala?

CRISTINA: Meron. Oo nga, nabanggit din sa akin ito ni Mama dati.

LARA: Nakakatakot. Nangyayari na yong mga sinasabi sa atin dati. Ano kaya, basahin natin talaga yong Bible… ito oh may Bible guides sa last days.

CRISTINA: Kay mama yan..

LARA: Basahin natin? (tatango si Cristina)

 

SCENE 4:

JEFF (co-worker): Anong nangyari sainyo? Bakit hind na kayo pumapasok? 

CRISTINA: Nagkasakit kasi ng malubha itong si Lara kaya hindi ko rin maiwan.

JEFF (co-worker): Ito pala yong pinabibili ninyong pagkain.

CRISTINA: Salamat Jeff ha.

JEFF (co-worker): Kung hind lang ako naaawa sainyo eh. Pero baka last ko ng punta dito sainyo kasi may last warning na sainyo ang company. Pag di pa kayo nagreport sa Monday. Isasama na kayo sa list ng babantayan ng gobyerno. Bakit kasi nahihirapan kayong magpalagay ng microchip?  (hindi iimik si Cristina at Lara)

Huwag ninyong sabihin na ito ay tungkol pa rin sa paniniwala ng mga magulang ninyo sa paghuhukom na yan. Hindi kaya napaparanoid lang kayo?

LARA: Hindi Jeff… totoo ito… nakasulat sa Bible ito.

JEFF: Pero tingnan ninyo ang nangyayari sainyo hirap na hirap kayo. Gusto ninyong mamatay? Ang gusto lang naman ng gobyerno ay umaangat ang buhay ng bawat mamamayan. Hindi naman big deal ang pagpapalagay ng microchip. Ito’y convenient pa nga kasi wala ka ng hawak na pera at hind pa mawawala saiyo.

LARA: Ang mahirap kasi kailangan akong manumpa na wala akong pinaniniwalaan na ibang relihiyon o sinuman lalo na si Jesus Christ bago ako lagyan ng microchip.

JEFF: Eh ano ang masama doon? Lahat talaga may pagbabago.Ito’y ginagawa, para maiwasan ang di pagkakaunawaan at away-away at maging pantay-pantay ang lahat eh di ba magandang hangarin ng gobyerno to?

LARA: Hindi Jeff… Naalala mo yong mga taong nawala dahil yon sa rapture

 

JEFF: Yan naman tayo sa rapture na yan eh… Anong gusto ninyo gawin ko? Paniwalaan ko yan? May paliwanag na ang international government diyan…Lara, may pamilya ako, tatay, nanay at mga kapatid na pinapakain ko. Hindi ko kakayanin ang makita silang nagugutom dahil lang sa paniniwalang yan.

LARA: Pero gusto mo bang mapahamak sila sa walang hanggang kaparusahan sa…

JEFF: Tama na! Hindi tayo magkakasundo sa ganyang usapin. Pumunta lang din ako dito para sa warning ng company. Alis na ako! (Susundan siya ni Cristina)

 

CRISTINA: Jeff! (hihinto si Jeff sa paglalakad – music background) Salamat pa rin sa lahat. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako sa nangyayari sa paligid pero sana tama ang bawat desisyon natin. Kilala mo ako na hindi na naniniwala sa langit at impiyerno. Pero sa nangyayari, namulat ang isipan ko nong binasa namin ang Bibliya. Kung ako ang tatanungin mo, ayaw ko rin na makitang naghihirap ang pamilya ko.Pero wala sila ngayon sa tabi ko, gusto ko rin silang makasama… si Mama at si Abie sa langit na bayan na walang hirap… Kung ayaw mong nakikitang naghihirap ang pamilya mo sa ngayon, dapat ayaw mo rin silang makitang maghihirap sa impiyerno! (Tatapikin lang si Jeff) PAALAM!

 

SCENE 5:

(Voice Over - sa likod ng kurtina)

CRISTINA: Ilang buwan na tayong nagtatago. Wala na tayong makain. Madilim na, gabi na baka puwede na akong lumabas para makahanap ng pagkain. (hihinto at titigil sa pagsasalita) May kausap ba ako? Lara, okay ka lang?

LARA: AHhh (masama pakiramdam ko)

CRISTINA: May lagnat ka. Ano gagawin ko? Lalabas ako para makahanap ng paraan kung paano.

LARA: May camera sa maraming lugar.. baka Makita ka nila…

CRISTINA: Hindi rin ako mapakali dito. Hindi ko matiis na wala akong gawin. Kailangan mkahanap tayo ng mga taong kagaya natin na puwedeng tumulong.

LARA: Hindi na kita pipigilan. Ingat ka!

(lalabas si Cristina… tama-tamang may hina habol na lalake ang mga sundalo – Madadapa sa gitna ng stage ang lalaki at si Cristina ay nakasilip sa gilid)

 

MGA SUNDALO: tigil! Tigil!

SUNDALO1: ANong pangalan mo? (Hindi iimik ang lalaki) tanggalin mo ang iyong kamay sa noo at titingnan naming ang iyong pagkakilanlan! (hindi tatanggalin ng lalaki ang kamay) Sinabi ng tanggalin mo eh! (Pasigaw) Gusto pang masigawan eh bago sumunod.

(Scan ng isang sundalo ang noo)

SUNDALO2: Wala siyang microchip! Nasaan ang ID mo?

(Kinapkapan at nakita ang wallet. Kinuha ang ID iniscan!

SUNDALO1: kasama ba siya sa listahan? (Tatango lang ang sundalo2)

SUNDALO2: Kristiyano ka ba? (Hindi pa rin iimik ang lalaki)

SUNDALO1: Ano ang pinaniniwalaan mo? Magsalita ka! (Aakmang babarilin at mapapasigaw si Cristina sa gilid)

CRISTINA: Huwag!!!

SUNDALO1: Sino yon? Tingnan mo at hulihin. (Lalapit ang sundalo2 sa lugar ni Cristina at hihilahin)

CRISTINA: Kuyang sundalo napasigaw lang naman ako dahil sa baril. Actually pauwi na ako!

SUNDALO2: Huwag ka maingay! Malalaman din namin ang pagkakilanlan mo! Maghintay ka!

SUNDALO1: Balik tayo sayo lalaki. Ang pangalan mo ay Rowell Santos. Gusto ko lang kumpirmahin, ano ang pinaniniwalaan mo? Kristiyano ka ba? (titigil saglit at lalapit sa mukha ng lalaki. Hahawakan ang panga) MAGSALITA KA! Ang kulit talaga nito kanina pa eh! Ano, kristiyano ka ba?

LALAKI:  OO ako’y kristiyano! Ako’y naniniwala kay Hesu Kristo na aking tagapagligtas! (PASIGAW)

SUNDALO1: Maling kasagutan!  (Binaril ang lalaki)

CRISTINA: Huwag!!! Bakit nyo ginawa yon? (iiyak)!

SUNDALO2: Tumahimik ka diyan… Sir,hayaan na ba natin dito ang bangkay?

SUNDALO1: May in-charge na kukuha sa mga bangkay! Halika na! isama mo ang babaeng yan!

CRISTINA: Saan ninyo ako dadalhin?

SUNDALO2: Malalaman mo din kung saan

CRISTINA: Hindi ako puwedeng umalis, may kailangan akong gawin.. Kuya iwanan nyo ako dito pakiusap napadaan lang naman ako eh!

 

SUNDALO2: Hind puwede… pag okey naman record mo..walang problema eh..

SUNDALO1: Bilisan ninyo!

(iiyak na lang si Cristina)

 

SCENE 6:

(Jail scene- voice over)

CRISTINA: Tama na!

SUNDALO1: Pahirapan pa yan para tumanda at sumunod sa batas ng gobyerno

CRISTINA: Tama na!Patayin ninyo na lang ako>>>

SUNDALO2: Hindi yon ang order sa kaso mo.

SUNDALO1: Mr. Alegre. Iwan mo muna yan at may ipapacheck ako saiyo.

SUNDALO2: Yes, sir!... Babae, babalikan kita!

(Music background)

 

CRISTINA: (umiiyak) Mama… sana nandito kayo ni Abie sa tabi ko… Alam mo Abie name-miss ka na ni ate sobra. Mama sana nakinig ako saiyo…sana naniwala ako saiyo noon pa mang una! Naalala ko yong mga panahon na hindi ako naniniwala sa sinasabi mo na galing sa Bibliya.

 

(flashback)

TINA (CRISTINA’S MOM): Cristina! Cristina! Nasaan ka na? Hindi ka ba sasama sa church ngayon? (lalabas si Cristina)

CRISTINA: Hindi ako sasama Ma. May gagawin akong report eh.

TINA: puwede namang gawin yan mamaya. Sige naman na… Maganda event ngayon! Evangelistic Meeting

CRISTINA: Yon na nga eh… Ayaw ko ng evangelistic meeting.

TINA: Anak para malaman mo ang tungkol sa rapture at sa kaligtasan.

CRISTINA: Rapture na naman. Ayaw ko na marinig yan!

ABIE: Hindi pa nga niya tinatanggap si Jesus niya sa puso niya eh.

CRISTINA: Sumabat naman ang batang ito! Kumain ka lang diyan

TINA: Anak, gusto ka naming makasama hanggang sa walang hanggan!

CRISTINA: Kasama nyo naman ako ngayon eh…

TINA: Alam mo ang ibig kong sabihin.

CRISTINA: Mama, alam mo naman na iba ang paniniwala ko tungkol sa bagay na yan. Tayo ang gumagawa ng kapalaran natin. Itong nararanasan na to sa mundong hirap…ito na yong impiyerno…

TINA: Anak.. May langit at impiyerno … Yan ata ang bunga ng pag-aaral mo sikat na unibersidad eh… Alam mo anak sinasaktan mo ako sa ganyang pananalita mo!

CRISTINA: Sorry Ma… (lalapit sa mama) Sorry na Ma…. eh si Lara ba kasama ni Ninang?

TINA: Hindi ata!

CRISTINA: Eh si Lara nga din ayaw eh… ako pa kaya!

TINA: Anak panregalo mo na sa akin ito. Sama ka na!

CRISTINA: Love kita ma… pero huwag ito. Iba na lang…

TINA: Baka wala ng oras anak.. hindi natin alam!

CRISTINA: Huwag kayo mag-aalala… darating din tayo diyan!

TINA: Promise?

Cristina: YES…

TINA: Sige pala.

CRISTINA: Oy, tama na yan. Magtoothbrush ka na.. Hindi mo na ata ako tinirahan ng sinagag ahh

ABIE: meron pa ate.. yong langgonisa na nga lang.. iisa lang natira saiyo…

CRISTINA: Grabe siya oh…Ang lakas kumain!

 

(aalis sa stage at iplay yong music background - Maririnig sa voice over ang paghikbi ni Cristina sa pag-alaala sa kanyang pamilya at sa kanyang mga maling desisyon)

 

SCENE 7:

(Mga grupo ng kristiyano na nasa stage at umaawit)

 

There's a new name written down in glory,
And it's mine, O yes, it's mine!
And the white robed angels sing the story,
“A sinner has come home.”
For there's a new name written down in glory,
And it's mine, O yes, it's mine!
With my sins forgiven I am bound for heaven,
Never more to roam.

 

LEADER: Salamat sa Panginoon at nakahanap tayo ngayon ng masisilungan na puwede tayong makapanambahan. Kailangan lang mag-ingat na walang makahuli sa atin.  Ikinalulungkot man natin ang pagkawala ng ating kasamahan na si Bro Rowell, mayroon naman tayong bagong makakasama, si Sis. Lara.

LARA: Salamat po sa Panginoon sa Kanyang paggabay at kagalingan. Nakita nyo ako at ako’y gumaling sa sakit. Salamat po sainyong lahat sa pagkalinga. Ininihihingi ko po ng panalangin ang dati kong kasama na si Cristina, hindi na siya nakabalik. Marahil siya po ay nahuli ng mga kasundaluhan kaya ipinalangin natin po siya.

LEADER: Sige isama natin sa panalangin mamaya. Sa tindi ng kahirapan, salamat sa Panginoon at tayo’y nagpapatuloy. Basahin natin ang paalaala sa atin sa Bibliya.Mkikita natin ito sa Matteo 24:

Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Maraming paparito sa pangalan ko at magpapanggap na sila ang Cristo, at marami silang maililigaw. Makakarinig kayo ng mga labanan at makakabalita ng mga digmaan sa iba't ibang dako. Ngunit huwag kayong mababahala dahil talagang mangyayari ang mga iyon, bagama't hindi pa iyon ang katapusan ng mundo. Maglalaban-laban ang mga bansa at gayundin ang mga kaharian. Magkakaroon ng taggutom at lilindol sa maraming lugar. Ang lahat ng mga ito'y pasimula pa lamang ng mga paghihirap na tulad sa isang babaing nanganganak.

“Pagkatapos ay kapopootan kayong lahat dahil sa inyong pagsunod sa akin. Isasakdal kayo upang pahirapan at patayin, 10 at dahil dito'y marami ang tatalikod sa kanilang pananampalataya. Mapopoot sila at magtataksil sa isa't isa. 11 Marami ang magpapanggap na propeta at ililigaw ang mga tao. 12 Lalaganap ang kasamaan, kaya't manlalamig ang pag-ibig ng marami. 13 Ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas. 14 Ipapangaral sa buong sanlibutan ang Magandang Balitang ito tungkol sa kaharian ng Diyos upang magsilbing patotoo sa lahat ng mga bansa. At saka darating ang wakas.”

SCENE 8:

(Jail scene- Si cristina na nahihirapan sa loob ng kulungan, may mga sugat at nanghihina)

CRISTINA: Wala ba kayong ibibigay na pagkain gutom na gutom na kasi ako?

SUNDALO2: Hindi ka nman umaayon sa gusto naming eh, paano ka namin bibigyan ng pagkain?

SUNDALO1: (lalapit at bibigyan ng dahon ng kamoteng hindi luto) ito oh.

SUNDALO2: Bakit mo binigyan? Baka biglang dumating si Boss, makita yan

SUNDALO1: dahon lang naman yon!

 (Si Cristina habang umiiyak, pilit na kinakain ang dahon… biglang may darating)

SUNDALO: Good morning sir!

JAIL ADMINISTRATOR: kumusta? Ilan na lang ang report natin sa rebellion list?

SUNDALO2: out of 20 po na nahuli, dalawa na lang ang hindi nag-give-give in

JAIL ADMINISTRATOR: Okay good!

SUNDALO2: Yong isa po ayaw talaga!

JAIL ADMINISTRATOR: Nakailang encounter na?

SUNDALO2: Maraming beses na sir.

JAIL ADMINISTRATOR: Ganon ba..ako ang bahala

(lalapit sa lugar ni Cristina)

 

JAIL ADMINISTOR: Ikaw pala yong Cristina! Matigas ka daw ahh! Alam mo naman ang batas ng gobyerno. Magkaroon ng pagkakaisa ang lahat at walang di pagkakasunduan sa lahat ng bagay lalo na sa relihiyon at paniniwala. Yan ang hindi ko naiintindihan sa mga tinatawag na kristiyano – ayaw ata ng pagkakaisa. Sa totoo lang naman tayo ang gumagawa ng ating kapalaran. Tayo at ang gobyerno lamang, Magtulong-tulong tayo. Oh di ba, maganda ang hangarin ng gobyerno? At kung may paniniwala man tayong iba, bawal itong sabihin dahil kung hindi (gagalawin ang baril) alam mo na ang mangyayari! Kapag sumunod ka sa batas, magiging maayos ang buhay mo… makakabalik ka sa trabaho, at makakabili ka ng naisin mo! Andali makapili kung tutuisin eh. Pipiliin ang magbibigay saiyo ng kasaganaan… Sa nakikita ko sayo… gutom na gutom ka na. Gusto mo ba ng pagkain?

 

(si Cristina ay tatango lang)

 

JAIL ADMINISTOR: Oh, ano anong pinaniniwalaan mo? (hindi iimik si Cristina) busy akong tao kaya mahalaga ang bawat oras ko…ANO!!! (sisigaw)

 

CRISTINA: Naniniwala ako (garalgal na boses)…. Naniniwala ako na may langit at impiyerno at higit na naniniwala ako sa  iisang tagapagligtas kundi si HESU KRISTO!

 

JAIL ADMINISTOR: Sa dami ng sinabi ko at paliwanagan, ito lang ang matatanggap ko. SIge…Yan pala ha! (kakasahan ang baril at itututok sa ulo ni Cristina

 (SI Cristina ay umiiyak )

(maririnig ang tunog ng baril sa pag lights off)

 

Narrator:

Sana huwag ng humantong sa ganitong sitwasyon ng buhay natin bago natin makita ang katotohanan. Marami tayong desisyong ginagawa araw-araw at sana ngayon pa lang ay piliin na natin ang tama. Dahil kung hindi, sa isang kisap-mata, mawawala ang lahat ng bagay at pagsisihan natin ang ating desisyong ginawa!

 

I'VE GOT PEACE LIKE A RIVER (GALATIANS 5;22; ISAIAH 66:12)

  I’VE GOT PEACE LIKE A RIVER BIBLE PASSAGE: GALATIANS 5:22/ ISAIAH 66:12 Picture taken from Google Lesson Prepared by: Krisha of Solomo...