"PAGPAPATAWAD"
(by Agavelle
Aguilos)
Bawat tao ay may kan'ya-kanyang kwento, may kan'ya-kanyang hirap at sugat na hindi nakikita. Maaring ang sugat ang iilan ay hindi kasing lalim ng sugat ng Iba. Ngunit isang tanong ang iiwan, ang pusong sugatan handa bang ibigay ang tunay na kapatawaran?
Scene 1
*The
eldest son shot dead (lights off)
Christel:
tulong .... Tulong
Robber:
HAHAHAHAHA kahit sumigaw ka pa walang tutulong sa'yo, kaya kung ako sa'yo,
ihahanda ko na yung sarili ko. At least, makakasama mo na yung kapatid mo.
Christel:
Huwag po... Huwag po, maawa po kayo. Kunin n'yo nalang po lahat ng kailangan
n'yo ibibigay po namin. Parang awa n'yo
na po Kuya.
Robber/Miguel:
Alam mo kapag nagawa ako sa'yo, siguradong magsusumbong ka lang sa mga pulis.
At ano? Hahanapin nila ako? Makukulong ako. Naiintindihan mo? Kaya para walang
makaalam iiligpit ko na lahat ng kalat sa bahay na 'to. (Kasa ng baril)
Robert:
Kuya, Kuya 'wag po . Huwaaag. (Shot dead)
Lights
off...
Flashback...
Scene
2
Tatay:
O, Christan ikaw na muna bahala kay
Christof ha? Bantayan mo yung kapatid mo. Mayroon lang akong business deal sa
Sampaloc, malaking proyekto yun kapag naiclose ko yung deal. Kapag uwi ko next
week. Kakain tayo sa labas.
Christan:
Opo, pa. Babantayan ko 'yan si Christel kapag ayan may ginawang kalokohan ako
na po bahala. Syanga po pala pa, may project po kami sa school kailangan na po
bukas.
Tatay:
ikaw talaga Christan sabi ko naman sa'yo kapag may kailangan sa school
magsasabi kaagad para hindi tayo nagmamadali at nababudget din natin nang
maayos yung pera.
Christan: sorry po pa, makalimutan ko po kasi talaga
eh. Next time po promise magsasabi po ako agad.
Tatay:
Naku, ikaw talaga. Osya binigyan nalang kita ng budget kasama na rin mga
pambaon n'yo ni Christel. Ikaw, Christel. May gusto ka bang ipabili?
Christel:
Ako po, wala naman po, pa. Atsaka teka lang Kuya, anong sabi mo may gagawin
akong kalokohan? Eh ikaw nga d'yan yung dahilan kung bakit laging pinapatawag
si papa sa guidance eh.
Christan:
Joke lang naman ikaw talaga 'di ka mabiro.
Christel:
Ewan ko sa'yo Kuya lagi mo nalang akong inaasar.
Tatay:
osya, tama na 'yan at baka magkapikunan pa kayo .
Christel:
si Kuya po kasi... Pa, wala po akong gusto pasalubong. Ingat po kayo sa
Sampaloc pa, mahal po namin kayo.
Scene
3
Barkada:
Cheers
Miguel:
Christan, salamat sa libre ah? Talagang lagi mo kaming binubusog, 'di ba
Charles?
Charles:
Oo nga pre, kaya sa'yo kami ni Miguel. Tunay ka pre kahit wala kaming ambag 'di
ka nagrereklamo. Yung iba kasi d'yan malakas lang sa chibog pero mahina sa
baso.
Michael:
Sus, anong mahina sa baso? Huwag ka nga Charles parang 'di mo naman tinatapon
ng patago kapag nasa 'yo na yung ikot.
Christan:
O... O, tama na baka mag-away away pa tayo dahil sa ikot na 'yan. Basta kapag
meron sagot ko kayo, ako bahala sa Inyo.
Barkada:
yooooown.
Miguel:
Nga pala Christan, bakit ang dami mo atang Pera?
Christan:
umalis kasi si papa may business trip sa Sampaloc, next week pa uwi n'ya kaya
binigyan kami ng budget at school allowance para sa isang linggo.
Michael:
Hala pre, umay sa'yo allowance n'yo pala 'yan bakit ginagastos mo sa inom. Kung
ako 'yan nakooo. Lagot ako kay mama.
Christan:
Alam mo Michael chill ka lang tansyado ko 'to . Atsaka yung kapatid ko, si
Christel 'di yun maarte kahit sardines umalin no'n, walang problema.
Charles:
Ayun naman pala eh, wala palang problema eh. Ano pang hinihintay natin? Igalaw
na ang mga baso.
Barkada:
Kampaaaay
Lights
off...
Scene
4
(Kausap
ang Tatay through video call)
Christel:
Okay naman po kami rito pa, kaso po si Kuya nitong mga nakaraan araw halos
hating-gabi na kung umuwi.(3 secs) Hindi ko lang po alam pa kung saan s'ya
galing, kapag tinatanong ko po tuwing umaga kung saan s'ya galing ang sabi
naman n'ya nag-aasikaso raw ng school project. (3 secs) Sige po, pa. Sabihin ko
nalang po kay kuya. (Call ended)
...
(Christan darating)
Christel:
Andito ka na pala Kuya
Christan:
Oo, bumili na rin ako ng ulam para makakain na tayo.
Christel:
Kuya, tumawag si papa. Kinukumusta ka, bakit daw hindi mo s'ya nirereplyan?
Atsaka bakit ka raw nagpapagabing gabi sa daan, delikado raw sa panahon ngayon.
Christan:
Natatabunan yung message ni papa. Atsaka ano naman kung ginagabi ako, malaki na
ko kaya kong ipagtanonggol yung sarili ko. Atsaka, teka bakit gan'yan ka
magtanong sa'kin baka nakakalimutan mo mas matanda ako sa'yo.
Christel:
sinasabi ko lang sa'yo Kuya kung ano yung pinapasabi ni papa, atsaka hindi
naman siguro mahirap mag reply. Ayang pagiging unresponsive mo hindi magandang
attitude 'yan Kuya. Atsaka nag-aalala lang satin si papa.
Christan:
oo na, ang dami mong sinasabi.
Christel:
Bago ko makalimutan may project kami sa school para sa robotics, kailangan ko
ng 500 Kuya, atsaka kunin ko na rin yung budget natin para mamalengke na ko
bukas.
Christan: Ano? 500? Grabi naman kayo gumastos sa
robotics na 'yan pang dalawang araw na bacon mo na 'yan eh. Atsaka naubos na
rin yung pera pang budget.
Christel:
Ha? Bakit naubos? Kuya, tatlong araw palang si Papa sa Sampaloc, naubos na?
Christan:
Naubos sa thesis namin. Atsaka hayaan mo na gagawan ko nalang ng paraan tumigil
ka na sa kakatanong at pagod ako galing school.
Lights
off...
Scene
5
(School)
Christan:
Michael, Baka may extra ka d'yan kahit 2k lang, kailangan ko lang talaga ngayon.
Michael:
Pasensya ka na pre, wala rin talaga ko ngayon medyo ipit na kami sa budget kaya
gustuhin man kitang pahiramin wala talaga. Masasagad bulsa ko kapag pinahiram
kita. Ikaw ba Charles? Baka may extra ka pahiramin mo muna 'tong tropa natin.
Good payer naman 'to eh. Subok ko na.
Charles:
Nako pre, sorry said na rin talaga ko ngayon. Nasa ospital kasi si mama atsaka
naghahanda rin kami para sa dialysis n'ya
Christan:
Pambihira naman kayo eh, kapag kayo may kailangan sa'kin ang galing-galing n'yo
pero kapag ako na may kailangan wala na? Para kayong kandilang kapag naihipan
na ng hapon nawawala na. Ano kayong klaseng mga kaibigan!
Charles: Ayan ang hirap sa'yo eh, napaka yabang mo
ikaw na nga ang may kailangan ikaw pa yung nagmamataas. Ang hirap kasi sa'yo
masyado kang maluho. Kaya ano ka ngayon? Wala nganga?
Miguel:
Charles, tama na. Halika na, Christan pasensya ka na talaga pre.
Aalis
ang dalawa papasok si Miguel...
Miguel:
Pre, and'yan ka pala? Anong problema? Sabihin mo lang sagot kita.
Christan:
Pre, manghihiram sana ako sa'yo kahit 2k lang kailangang kailangan ko lang
talaga.
Miguel:
Oo ba, basta bayaran mo rin sa sabado ah? Usapang magkaibigan. Pahiramin kitang
5k basta ibalik mo rin.
Christan:
Oo, matin 'yan akong bahala. Salamat pre, maasahan talaga kita.
Lights
off...
Scene
6
Miguel:
Pre, kumusta? Sabado na ah? Balita sa usapan natin?
Christan:
Pasensya ka na pre, wala pa talaga akong pera eh, kapag uwi nalang ni papa.
Promise, lalagyan ko pa ng tubo.
Miguel:
Usapang magkaibigan yun pre, kailangan ko na ngayon yung pera.
Christan:
wala pa talaga akong maibibigay ngayon pre, kapag uwi nalang ni papa ko next
week, ilang araw nalang din naman.
Asha:
Christan, halika saglit tulungan mo kami rito sa paper natin, baka gusto mong
umambag ng insights kahit kunti lang.
Ella:
Oo nga Christan, tumulong ka naman kung gusto mong makasabay sa pagmartsa.
Christan:
Tawag na ko ni Asha, Pre. Sorry talaga, bawi ako sa'yo
Lights
off...
Scene
7
(Hospital)
Mama
ni Charles: Anak, umuwi ka muna sa bahay. Matulog ka
muna wala ka pang sapat na pahinga. Kailangan mo rin yun baka ikaw naman ang
magkasakit.
Charles:
Okay lang ako ma, ikaw ang inaala ko. Kailangan mong magpalakas. Nako, 'di tayo
makakapagtravel kapag 'di ka lumalabas.
Mama
ni Charles: Oo na, magpapalakas ako. Pero sa ngayon
umuwi ka muna sa bahay at magpahinga.
Darating
si Miguel...
Miguel:
Kumusta ka pre?
Charles:
Okay lang ako pero si mama medyo
delikado. Kailangan din namin ng malaking pera dahil 'di biro yung mga gamot na
kailangan n'ya. Wala rin akong ibang maasahan kasi ako yung panganay.
Miguel:
May naisip ako, di ba kailangan mo ng malaking pera? Ngayon kailangan natin
magtulungan.
Charles:
Anong gagawin natin game ako, gipit na gipit na talaga pre eh.
Miguel:
Pasukin natin yung bahay nila Christan.
Charles:
Ano? Pre, hindi tama 'yang naiisip mo delikado 'yan mapapahamak tayo.
Miguel:
Hindi naman tayo mag iiwan ng bakas eh. Atsaka may atraso din sakin yun si
Christan, sisingilin ko lang. Alam ko rin namang kailangang kailangan mo na
pera eh. Alalahanin mo may maliliit ka pang kapatid tapos si mama mo andito sa
ospital.
Charles:
Sige pre, basta hindi tayo sasabit d'yan ah?
Miguel:
Oo, basta tawagan kita mamaya.
Lights
off...
Scene
8
Christel
umiyak...
Christan:
Huwag kang maingay baka marinig nila tayo.
Christel:
Kuya, natatakot ako... Anong gagawin natin?
Christan:
Huwag kang mag-alala andito ako, hindi kita iiwan.
Miguel:
Bulagaaa... Andito lang pala kayo pinahirapan n'yo pa ko maghanap sa inyo. HAHA
pero okay lang may saysay naman yung pagod dahil nakita ko na kayo.
Christan:
Ano bang probema mo Miguel? Akala ko ba magkaibigan tayo?
Miguel:
Kaibigan? HAHAHAHA kaibigan. Wala naman akong problema gusto lang kitang
singilin sa utang mo sa'kin.
Christan:
Babayaran naman kita eh, o kaya kunin n'yo na lahat dito ibibigay namin huwag
mo lang kaming sasaktan para mo nang away.
Miguel:
Alam mo Christan, huwag kang masyadong magmadali, kukunin naman talaga namin
lahat dito sa bahay n'yo eh. Easy ka lang, pero yung awa? Pasensya ka na pero
hindi ako naaawa sa mga sinungaling. Sa mga taong hindi marunong tumupad sa
usapan. HAHAHAHA Christel: Kuya, maawa ka para mo na pong awa. Kunin n'yo
nalang po lahat ibibigay mo namin lahat ano. Kunin n'yo na po lahat, sige na
po. Awa nalang po. Hindi po ba may mga kapatid din kayo? May magulang din kayo.
Kuya, isip n'yo rin po sila.
Robber/Miguel:
Alam mo kapag nagawa ako sa'yo, siguradong magsusumbong ka lang sa mga pulis.
At ano? Hahanapin nila ako? Makukulong ako. Naiintindihan mo? Kaya para walang
makaalam iiligpit ko na lahat ng kalat sa bahay na 'to. (Kasa ng baril)
Robert:
Kuya, Kuya 'wag po . Huwaaag. (Shot dead)
Lights
off...
Siren
sound...
(Voice
over ng pagkahuli)
Scene
9
Tatay:
Ikaaaw! Ikaw yung pumatay sa mga anak ko? Bakit? Bakiiiiit? Bakit mo nagawa
yun? Kaibigan ka ng anak ko. Tinuring din kitang parang anak ko na pero ano?
Anong sinukli mo? Binawi mo yung buhay ng mga anak ko. Kumakain ka sa bahay na
parang anak ko, panapakisamahan ka ng mga anak ko na parang kapatid na. Ultimo
damit ni Christan nga sinusuot mo na eh. Pero ano? Gano'n lang yung igaganti mo
samin? Wala kang PUSO. wala kang AWA. Dapat pagbayaran mo yung buhay ng mga
anak ko.
Miguel:
Dapat lang sa kanila yun. At kung ako yung tatanungin? Kung may pagkakataon
para ibalik yung oras gagawin ko ulit yun?
Alam mo kung bakit? Kasi deserve nila yun. Yung anak mong si Christan?
Wala yun... Hindi yun marunong tumupad sa usapan kaya dapat lang sa kan'ya yun.
Tatay:
Ang lakas ng loob mong sabihin 'yan. Deserve nila? Anong karapatan mong sabihin
deserve nila? Sino ka para bumawi ng buhay? Sino ka para manghusga? Yung mga
anak ko maayos yung pakikitungo sa'yo, pero ikaw? Ang sama mo... Napakasama mo.
Sisiguraduhin kong pagbabayaran mo lahat ng ginawa mo sa mga anak ko.
Pagbabayaran mo lahat... LAHAT bawat ARAW NG BUHAY MO.
Lights
off...
Scene
10
(Prison)
Miguel: Mali ako, nagkamali ako... Bakit ba hindi ako
nag-iisip? Masyado akong nagpadala sa emosyon ko. Naging gahaman ako... Anong
klaseng kaibigan ba KO? Tinuring akong kaibigan ni Christan, pero anong pinalit
ko? Ginawan ko s'ya ng masama. Hindi ako karapat- dapat ng kapatawaran. Sobrang
sama ng ginawa ko... (Pause) Hindi... Hindi, alam ko na hihingi ako ng tawad sa
papa nila. Ayokong makulong, ayokong masayang yung buhay ko sa loob nitong
kulungan. Natatakot ako, nakakatakot
dito ni hindi ko na alam kung ano ang pinagkaiba Ng umaga sa gabi. Hihingi ako
ng sorry dahil alam kong nagkamali ako at nagkasala ako hindi lang sa pamilya
nila pati na rin sa mata ng Diyos.
Scene
11
Tatay:
Panginoon, tulungan mo po akong patawarin yung mga nagkasala sa amin. Bigyan mo
po ako ng pusong mapagpatawad Panginoon. Ayoko pong mabuhay sa galit at bigat
ng dinadala dahil sa sakit ng pagkawala ng mga anak ko. Panginoon, mahirap pong
tanggapin na wala na sila kaya po Panginoon... Tulungan mo po ako.
Lights
offf
Attorney:
Mr. Montes, masyadong mabigat ang mga ebidensya laban sa mga suspek. Lahat ng
mga specimen, physical evidences at mga
circumstantial evidence ay nagtuturo sa mga suspek. Malaki ang laban natin sa
kasong Ito. Sigurado ka bang iuurong mo ang kaso?
Tatay:
Opo, Atty. Buo na po ang desisyon ko. Ayoko na pong pagulungin pa ang kaso
masyado na pong masakit yung nangyari sa mga anak ko. Kaya po nakapagdesisyon
na po akong iurong ang kaso.
Attorney:
Kung gano'n, wala na akong magagawa dahil buo na ang desisyon mo Mr. Montes,
paano mauna na ko at may mga kikitain pa kong mga tao.
Tatay:
Salamat po, Atty.
Lights
off...
Scene
12
Pulis:
Montivirgen may bisita ka.
Other
side...
Miguel:
S-s-sir, Sir. Patawarin n'yo po ako... Nagkamali po ako, inaamin ko pong
nagkamali ako sa buong pamilya n'yo at sa Diyos. Hindi po ako karapat- dapat na
patawarin. Buong buhay ko po dapat kong pagbayaran yung ginawa ko kina Christan
at Christel. Hinihingi po ako ng tawad sa lahat ng mga pagkakasala ko sa inyo.
Patawad po nagkamali po ako, hindi ko po dapat ginawa yung bagay na yun.
Tatay:
Miguel, hindi ka karapat- dapat na patawarin at talagang hindi mo rin
mababayaran yung buhay ng mga anak ko. Hindi sapat yung buong buhay mo pa yung
ilagi mo rito sa kulungan. Pero Miguel, hindi ako Diyos. Alam mo Miguel ang
Diyos ay mapagpatawad, at handa s'yang patawarin ka sa lahat ng iyong mga
kasalanan. Namatay, Inilibing at Muling Nabuhay ang Panginoong Hesus para sa
ating kaligtasan hindi pa huli ang lahat para magsisi sa iyong mga kasalanan at
Tanggapin mo si Hesus sa puso mo bilang Panginoon at Tagapagligtas. Miguel,
pinapatawad na kita sa mga nagawa mo. Dalangin ko na tanggapin mo si Hesus sa
buhay mo at pagsisihan mo lahat ng kasalanang nagawa mo.
Scene
13 INTERVIEW SA TATAY
Reporter:
Good day, Mr. Montes!
Tatay:
Magandang gabi po, Ma'am.
Reporter:
Alam ko po sir na mahirap sa inyo itong mga tanong na ito pero gusto po naming
malaman yung panig n'yo hinggil sa sinapit ng inyong mga anak mula sa mga
suspek. Mr. Montes, may chance po ba na mapatawad n'yo ang mga suspek?
Tatay:
Alam n'yo po ma'am, mahirap at masakit sa akin yung ginawa nila sa mga anak ko
at walang sinumang magulang ang gugustuhing mangyari yung gano'ng bagay sa
kanilang mga anak. Araw-araw Kong iniisip yung mga anak ko. Masakit sa puso
kapag naalala ko sila. Sa tanong mo ma'am kung mapapatawad ko pa ba sila? Para
sa akin bilang ama, masakit at mahirap yun tanggapin pero bukas yung puso ko sa
pagpapatawad. Yung pagkagalit sa kanila? Walang magagawa para maibalik yung
buhay ng mga anak kong kinuha nila. Bukas ang puso kong patawarin sila hindi
dahil deserve nilang patawarin kundi dahil nasa puso ko ang pagpapatawad.
Reporter:
Salamat, Mr. Montes! Salamat po sa pagpapaunlak ng interview sa among team.
Lights
off...
Voice
over
Ang
bawat isa sa atin ay nakaranas ng masaktan ngunit hindi lahat ay nakaranas ng
pagpapatawad. Bawat isa sa atin ay makasalanan sa harapan ng Panginoon, kung
kaya't ibibigay n'ya ang Kaisa-kaisa n'yang bugtong na anak na si Hesus. Upang
tayo at makaranas Ng tunay na pagpapatawad.
...End...