MALAYA BA AKO? (TAGALOG CHRISTIAN MONOLOGUE)
MALAYA BA AKO ? MONOLOGUE @krisha412 November 2024 PASIMULA: Isang napakahalagang karapatan ng tao ang kalayaan – walang sinumang humadlang o pumigil sa anumang naisin o gawin sa kanyang buhay. Malayang gampanan ang mga bagay na naisin. Ikaw at ako, nais makamit ang kalayaan. Bawat tao ay may karapatang mabuhay at magpasya anuman ang nais gawin at walang makakahadlang sa kanyang gawin ito. Ngunit sa mundong ating ginagalawan tila ba mayroon itong puwersa sa bawat isa sa atin na kumukuha ng lahat ng ating oras, ng ating lakas, ng ating kaalaman at lalong-lalo na ang ating buhay. Ang mundo ay punong-puno ng idelohiya; ideolohiya sa pagkakaroon ng maayos na pamilya, kung ano ang buhay na matiwasay, at kung paano magiging matagumpay ngunit ano nga ba ang mga basehan ng mga ito? Dahil dito, hindi na natin makita kung ano ang basehan ng talagang tama at mali. Saan ba ang Panginoon sa buhay natin o sa mundong ating ginagalawan? Gusto ng Diyos na palayain tayo sa mundong ito, pal