Posts

CHRISTIAN DRAMA: "KISAP MATA" (revised)

  KISAP-MATA By krisha412 August, 2023   Narrator : Ang panahon natin ngayon ay punong-puno ng oras na ginugugol sa maraming bagay na halos hindi na natin namamalayan ang totoong nangyayari sa paligid. Tayo ay abala sa trabaho, sa pamilya, sa mga kaibigan, sa lahat ng bagay na ating tinatangkilik. Paano kung sa isang kisap-mata, mawala ang lahat ng mga bagay na ito, paano natin haharapin ang katotohanan na akala natin ay kathang-isip lamang at ayaw natin itong paniwalaan.     SCENE 1 : (street scene) (Background: nagkakagulo ang mga tao, nagsisigawan, naghahanapan at may emergency sound na maririnig)   CRISTINA : (Si Cristina ay naglalakad at nakikita ang mga taong nagkakagulo at kinausap ang isang taong umiiyak) Ate pasensiya na anong nangyayari? BABAE1 : Yong nanay ko nasagasaan, pero nakita ko walang nagmamaneho sa truck na bumangga sa amin. CRISTINA : Paano nangyari? BABAE1 : Hindi ko alam… CRISTINA : Nakatawag na ba ng ambulansiy...